Chapter Three- Tissue

WEDNESDAY

"O bakit diyan kayo nagla-lunch? Tsaka bakit soda lang ang iniinom niyo ha?"

"Pati ba naman ang lunch balak mo pa kaming lecturan? Alam naming ang ginagawa namin, okay? Kaya dun ka na!" pabirong sabi ni Uchi sa kanyang teacher isang Wednesday lunch break.

"Kayo talaga oo." Sabi na lang ni Yankumi.

Wala naman dapat gawin si Yankumi sa faculty room, kaya naisipan niyang lumabas muna at makipag-close-closan sa kanyang mga estudyante. At ten times na siyang na-reject. Pinaka-huli ay yung tropa nga nila Minami. Since wala naman gustong salihan siya, naisipan na lang niya pumunta sa rooftop as always. Dahilan niya? Fresh daw ang air doon.

Rooftop

"Grabe ang taas!... ang WIRDOOOOOOOOOOOO!" sigaw ni Yankumi pagkatapos ay stretch ng dalawa niyang balikat.

"Sino ang wirdo?"

"HA? Sa… Sawada? Kanina ka pa ba?"

"Bakit ka ba nandito ha?"

"Ha? Lagi naman akong nandito ah."

Tinignan lang ni Shin si Yankumi sabay balik sa normal niyang ginagawa pag nasa rooftop siyang mag-isa. Nagkataong hindi na pala siya nag-iisa.

"Uy, Sawada!"

Napatingin lang si Shin sa kanya, at para sa kanya, walang point para replayan pa niya si Yankumi.

"Psssst! SA-WA-DA!"

"Bakit ba ha?"

"Magtatanong lang sana kung kumain ka na."

Ganito ang posisyon nila. Nasa magkabilang dulo sila ng rooftop, kaya kung hindi kayo magsisigawan, hindi kayo magkakarinigan. Or so, only Yankumi thought it was like that.

"Eh ano bang pake mo kung mamatay ako sa gutom ah."

"Ah, so hindi ka pa nga kumakain."

"May sinabi ba ako?"

"Eh halata naman eh."

"Pero wala naman akong sinasabi di ba?"

"Pero halata!"

"Hula mo lang yun."

"Di pa ako namamali sa paghahalata ko ah."

"Pero mali ka this time."

"Tama ako."

"Eh kung tama ka nga, pake mo ba kung hindi pa ako kumakain."

"Yes! Sabi ko na nga ba hindi ka pa kumakain. Gusto mo sabay—"

"Mag-isa ka."

"Hmmmph. Sungit mo naman. Alalahanin mong teacher mo ako."

"Yun na nga, teacher lang kita."

"Estudyante ka lang!"

"Teacher lang kita."

"Ha?" tanong ni Yankumi.

"Bakit?" sagot ni Shin.

"Bakit?" tanong uli ni Yankumi.

"Ha?" tanong naman ni Shin.

"Bakit ka nag-bakit?" tanong ni Yankumi.

"Bakit ka nag-ha?" tanong ni Shin.

"Eh ikaw, bakit mo ako tinatanong?" tanong ni Yankumi.

"Yankumi, tigilan mo na nga ako."

"EH ikaw eh!"

"Ako? Bakit ako?"

"Yan nanaman eh."

"Nevermind." Sagot na lang ni Shin.

"Eto o, gusto mo ng softdrinks?" alok ni Yankumi kay Shin.

"Teacher ka pa naman, ikaw pa naguudyok sa estudyante mong uminom ng something "acidic" kahit wala pang laman ang tiyan. Tsk Tsk."

"Ganun ba yun?"

"Di ba HALATA?"

"Sige ako na lang iinom, nauuhaw pa ako eh." Sabi ni Yankumi.

"Kailangan pa bang ina-announce ang pag-inom?" naiiratang sabi ni Shin.

Sabay…

"Achuuu!"

"Bless you."

"Shocks, sinisipon na ako."

"Ang lamig kasi ng iniinom mo!"

"Sawada, may panyo ka ba?"

"Yabang mo, dudumihan mo pa panyo ko eh."

"Eh di tissue."

"O." abot ni Shin sa kanya sa gilid.

"Salamat." Smile ni Yankumi habang pinupunasan yung ilong niya.

End of Chapter Three.