Chapter Four- Homework Blues

THURSDAY

"O nasaan na ang homeworks niyo?" tanong ni Yankumi habang nilalabas ang chalk niya.

"Asa ka naming gagawin namin yun." Sagot ni Uchi.

"So hindi niyo ginawa?" napatingin si Yankumi sa klase niya.

"Parang ganun na nga." Sabi ni Minami na naka tawa.

"Haaay, mga batang ito talaga!"

"Eh kasi nga hindi naming maintindihan eh." Mayabang na sabi ni Kuma.

"Papaano pa yung napag-usapan natin dati ha?" alala ni Yankumi.

"Ung reward?" tanong ng 3-D.

"Oo."

"Kinagat mo naman?" tanong ni Noda.

"Ha?" nagtatakang Yankumi.

"Sinabi lang naming yun para maubos ang oras. Tinotoo mo naman pala."

"Di nga?"

"Oo nga. Para namang hindi mo pa kami kilala."

"Pero seryoso akong gawin yun." Pursigidong sabi ni Yankumi.

"Talaga?" tanong ni Uchi.

"Oo!"

"Papaano, eh wala ngang nakakaintindi sa lesson mo."

"Ang sama naman!"

"Kaya wag ka na lang magturo okay?"

At dito na sumagad ang pasensya ni Yankumi.

"WAG MAGTURO? WAG MAGTURO? PAPAANO NIYO MASASABI YAN EH HINDI NIYO NAMAN ALAM ANG GUSTO KO SA BUHAY KO! NAGHIHIRAP ANG PAMILYA NIYONG PAG-ARALIN KAYO, TAPOS KAYO WALANG GINAGAWA? AT WALA RIN KAYONG RESPETO! ANO BA SABI KO SA INYO DATI HA? DI BA PAPA-GRADUATIN KO KAYONG LAHAT? BAKIT HINDI NIYO GINAGAWA ANG PARTE NIYO?" sigaw ni Yankumi sa kanyang klase na natahimik sa sinabi niya.

"Relax." Sabi ni Minami.

"Kung nangako ka, kami rin naman di ba?" sabi ni Uchi.

"Di naman siguro mahahadlangan ng isang hindi nagawang homework ang pag-graduate naming di ba?"

"Pero…"

"Hay, wala ng pero pero.. magtiwala ka na lang sa amin."

"Hindi niyo makuha ang basics, at exam na next week, pano pa ako makaka-relax."

"Basta gawin mo na lang ang trabaho mo."

"Pero…"

"Ganun na yun!"

RING-RING-RING

"Ops, bell na!" sabi ni Kuma.

"Babyee Yankumi!"

"Yankumi bye!"

Napaupo na lang si Yankumi sa pagod habang dali-daling naglalabasan ang kanyang estudaynte.

"Pano na?" mahina niyang pag-aalalang sinabi.

"Psst."

Nagulat si Yankumi at napatingin kay Shin na may hawak-hawak na folder.

"O, hindi ka nanaman ba gagala kasama mga kaibigan mo?"

"Pakielamera."

"Nagtatanong lang naman eh."

"O." sabay bigay ng isang matabang folder sa kanyang teacher na halos mapahiga na sa pagod.

"Ano to?" tanong ni Yankumi habang iniinspeksyon ang likod at harp ng folder.

Bago pa binalik ni Yankumi ang tingin niya kay Shin, wala na ito sa kintatayuan niya. Binuksan niya ang folder at nakita ang sandamakmak na papers.

"Eto yung homework nila ah? Kumpleto…" nagulat na sabi ni Yankumi.

"May nakalimutan ako." Biglang balik ni Shin.

"Sawada, ano ito?"

"Bumili ka na nga ng bagong salamin. Di mo ba nakikita?"

"Pero akala ko…"

"Hindi mo pa nga talaga kami kilala."

"Ha?"

"Pinilit nilang tapusin yan, at kahit na mali-mali nakita ko ang hirap nila dahil sabay-sabay naming ginawa yan sa apartment ko. Wag mo sanang baliwalain."

"Sawada…"

"Yun na. Basta, four points na."

"Ano?"

"Four points."

"Ang wirdo mo, kaya hindi tayo magkaintindihan eh." Mahinang sabi ni Yankumi habang kagat ang labi niya.

END OF CHAPTER FOUR.