Chapter Five- Simula ng Katapusan
Friday
"Ano ba naman tong si Vice Principal, ipinasa pa sa akin ang trabaho ni Miss Fujiyama. Kailangan ko pa tuloy isama ang pagtse-tsek ng testpaper ng klase ko sa klase niya. Hmmmphh. Iba talaga ang nagagawa ng ganda."
Isang malamig na Friday morning ang tumambad kay Miss Yamaguchi. Dala dala ang maraming patong patong na papel, nilakad ni Yankumi ang hallway tungo sa kanyang klase.
"Nakakainis naman o. Ang bigat."
"Mukha ka kasing bangkay sa payat."
Nagulat bigla si Yankumi sa nagsalita, at nabagsak lahat ng papel na dala-dala niya.
"Nahihibang ka na ba Sawada? Nakakagulat ka naman!"
"Hindi naman ako multo."
"Diyos ko. Aatakihin ako sa puso."
"Ang babaw naman."
"Yan, yung papel nagkalat na.Tulungan mo akong magpulot."
"Ayoko nga."
"Inuutusan kita bilang teacher mo Sawada."
"Bilang teacher? Sabi mo yan ha."
"Ha? Oo na sige na, mala-late na tayo pareho sa klase kaya tulungan mo na ako. Okay?"
Tapos na ang klase ni Miss Yamaguchi sa Class 3-D. Nagmamadali nanaman ang kanyang mga estudyante sa paglabas dahil may kani-kaniyang gimik nanaman ang mga ito. At tulad pa rin ng dati, problemado nanaman si Yankumi sa kanilang pag-aaral kaya't hindi niya napansin na may isa pang estudayante na natitira sa kanyang classroom.
"Bangkay."
"Sawada? Nandito ka nanaman?"
"Oo, tapos itatanong mo nanaman kung bakit hindi nanaman ako sumama kina Uchi tama ba?"
"Oo nga bakit?"
"Nandito lang ako para sa isang bagay."
"At ano naman yun."
"Kukunin ko lang naman ang mga rewards ko."
"Mga… rewards? Saan?"
"Hay, may amnesia ka ba?"
"Hindi kita maintindihan Sawada."
"Kaya tumahimik ka muna pwede?"
"Okay fine."
"Fourteen, fifteen, tissue, homeworks at nagliliparang papel."
"Fourteen, fifteen, tissue, homeworks, at… nagliliparang papel?? Bugtong ba yan?"
"Sa buong linggo na ito, lahat yan may katumbas di ba? Naaalala mo pa ba kung ano ang sinabi mo nung Monday?"
FLASHBACK
"Ganito na lang kasi. Bakit hindi mo subukang mag-iba ng teaching style? Gumawa ka ng gimik. Bulok na kasi ang sa iyo eh." Sabi ni Noda.
"Teka nga lang, ako ang ang teacher dito ah, hindi ako estudyante. Pero sige, ano ba kasi ang gusto niyong mangyari sa buhay niyo ha? Araw araw na lang kayong ganyan. Tapos ang isang simpleng math problem, di niyo pa carry sagutin?"
"Eh kasi… boring." Sabi ni Uchi.
"Boring?" nagtatakang tanong ni Yankumi na parang gulat na gulat na boring pala ang Math.
"Gawin mo kasing interesting ang pag-aaral. Tignan mo si Ms. Fujiyama, napaka-galing magturo. Alam mo kung bakit? Dahil ginagamit niya ang ganda niya, kaya di na niya kailangang gumawa ng kung anumang gimik." Sabi uli ni Noda.
"Kaya nga Yankumi. Eh buti sana kung maganda ka, eh hindi naman. So kailangan doble kayod ka sa pagtuturo." Sabi ni Minami.
Aba?! Tama ba naman ihalintulad ako kay Ms. Fujiyama? Ugali nitong mga bata na ito, malilintikan to sa akin!!
"Tama ba naming ikumpara ako kay Shizuka?" sabi ni Yankumi.
"Hindi naman sa ganun, pero, kailangan mo talagang harapin ang katotohanan."
"Tama!" sigaw ng 3-D.
"O, tapos?"
"Eh kung bigyan mo kami ng… kapalit?" sinaggest ni Kuma.
"Kapalit? Wait, wala akong pera!" sabi ni Yankumi na parang nanakawan ng kuna ano.
"Pera? Hindi pera! Ano ba naman?! Alam naman naming na wala kang pera eh, at tsaka hindi yun yung point namin."
"Eh ano?" tanong ni Yankumi.
"Basta kapalit. Kada tamang sagot, may kapalit. Tapos kami na bahala kung ano." Paliwanag ni Minami.
"Baka naman hindi ko kayang ifulfill yan."
"Sus, sinong niloko mo?" pagtataka ni Noda na naiiritang ewan.
"Ha?"
"Di ba nga sabi naming mahirap yang pinagtatatanung mo? O, eh pano naming masasagot yan at magkakaroon ng reward kung hindi naming aaralin di ba?"
"Ibig sabihin, hangga't hindi kami dumadaan sa prosesong tinatawag ng karamihan na "pag-aaral", wala kaming makukuhang reward."
"Tsaka mahihirapan din kami."
"Hindi na ba sapat ang mataas na grades?"
"Ang grades ay may malaking kaibahan sa "materyal" na kapalit." Unti-unting paliwanag ni Minami.
BALIK SA PRESENT
"Talaga bang sinabi ko yun?" nagtatakang tanong ni Yankumi.
"Oo."
"Eh ano naman ang konek nun sa Fourteen, Fifteen, Tissue, Nagliliparang papel at homeworks?" tanong nanaman ni Yankumi.
"Ako lang kasi ang nakasagot sa lahat ng tanong mo." Confident na sabi ni Shin.
"At ang tissue?"
"Nanghingi ka sa akin nung sinisipon ka."
"Kasama ba yun?"
"Natural, teacher kang nanghingi sa akin, at estudyante akong nagbigay sa iyo."
"Eh yung mga homeworks?"
"Hindi naman sila magpapasa kung hindi ko naman sila pinursigi na gumawa. You still owe me that one."
"Eh yung mga papel?"
"Kanina lang nangyari, nakalimutan mo na?"
"Eh bakit, kasalanan mo naman yun Sawada eh."
"Mga normal na tao hindi na lang basta basta nagugulat sa ganun."
"Ang daya naman eh."
"Nangako ka."
"Oo na nga sige na. Eh ano ba gusto mong gawin ko ha? Sige ililibre na lang kita ng Takoyaki okay?"
"Ayoko nga."
"A…aba."
"Lima ang dapat ibigay mo sa aking reward, sa tingin mo ba sasayangin ko lang yun?"
"So ano nga gusto mo?"
"Bukas ng umaga, susunduin kita." Sabi ni Shin.
"Para saan?" tanong ni Yankumi.
"Sasamahan mo ako." Sabi uli ni Shin.
"Saan?" tanong uli ni Yankumi.
"Kung saan." Sabi na lang ni Shin.
"Eh saan nga?" pursigidong tanong ni Yankumi.
"Ang kulit mo." Sabi ni Shin.
"Saan nga kasi?"
"Kung saan nagda-date ang mga normal na tao. Bye." Sabi ni Shin na sobrang bilis sabay lakad ng sobrang bilis palabas.
Bago pa makaimik si Yankumi sa narinig niya, lumabas na agad si Shin na nakangiti. Samantala, sa kaso naman ni Yankumi, hindi niya ma-analyze ang narinig niya, at after 5 minutes na lang siya naka-react.
"Kung saan daw nagda-date ang mga normal na tao, tapos Bye. Anooooooo??" ulit ni Yankumi sa sinabi ni Shin, sabay react.
END OF CHAPTER FIVE.
