Chapter Six- 'KUNG ANO sa KUNG SAAN'
Parang kahapon lang Lunes ah. Hay, sabado nanaman. Hindi ko na kailangan pumasok ng pagkaaga-aga sa Shirokin. Grabe, ang sarap matulog lalo na pag walang dapat gawin. Ang sarap talagang mangarap o. Hay.
"Eh, Boss, Boss gising na kayo."
Boss, Boss gising na kayo? Nananaginip nanaman ba ako?
"Boss, sige na gising na po kayo."
"An…ano… pwede ba tigilan niyo nga ako. Natutulog ang tao eh!"
"Boss kasi…"
"Isa pa uupakan….uupakan ko na kayo! Layas."
"Patay ka kay Boss Tetsu!"
"Ganyan ba siya lagi?"
"Si Boss? Ah oo, malala talaga pag tulog. Minsan mas malakas pa siya pag natutulog, kasi nababato niya sa amin halos lahat ng gamit niya sa kwarto. And take note, tulog siya sa lagay na yun."
"Kaya ikaw, mag-iingat ka. Bakit ka nga pala nandito ha?"
"Magagalit si Boss, lumabas ka na sa kwarto niya."
"Ako na lang ang gigising."
"Ha? Kaya mo?"
"Kakayanin."
"Sige bata, tutal ikaw naman ang may kailangan. Goodluck sa iyo ha? Ingat, ilayo mo na lahat ng mga bagay na pwede niyang ihagis sa mukha mo."
"Si…sige."
Lumabas na sina Tetsu at Minoru, at natira na lang mag-isa si… sino pa nga ba, eh di ang kanyang estudyanteng si Sawada.
Malayong malayo sa nakikita ni Shin sa skwela si Yankumi ay parang batang inosentang natutulog sa pagod, nakadapa at nakapajamas. Malayong malayo sa Yankumi na kung mangaral parang walang bukas. Napaka peaceful talaga habang tinitigan ni Shin ang kanyang teacher. Wait, bakit nga ba niya tinititigan?
Halatang hindi alam ni Shin kung papaano niya gigisingin si Yankumi at kung papaano nanaman niya ieexplain ang point ng pagpunta niya sa bahay niya, at lalo namang ang point na pagpasok pa mismo sa sarili niyang kwarto habang eto si Yankumi tumutulo ang laway.
"Pssst."
Bugtong hininga. Masyado namang awkward mang-gising, naisip ni Shin.
"Hnmgyhggh." Yan ang tunog na lumalabas pag tulog ang isang tao at may narinig na ingay.
Eto na, hahawakan na ni Shin si Yankumi, ay, tatapikin na pala niya.
"Hirap naman nito."
Ayan, papalapit na ang kamay ni Shin kay Yankumi. Nalilito nga lang siya kung saan at kung anong klaseng tapik ang pwedeng magpaamo sa babaeng leon kagaya ni Yankumi. Gusto kaya niya ng soft o hard? )
"Ops, anong balak mo?"
Nagulat si Shin ng biglang humarap si Yankumi sa kanyang pagkakadapa.
"Salamat naman." Sabi ni Shin, bugtong hininga nanaman.
"Salamat talaga…. HAAAAAAA? BAKIT KA NANDITO HA??!?" kalmadong sinabi ni Yankumi na sobrang napasigaw nung ikalawang tingin niya sa nakatayong tao na si Shin pala.
"Tanghali na kaya."
"Teka nga lang Sawada, ano bang meron sa ano… sa ngayon ha? Nakakahiya namang magpakita sa iyo ang maganda mong teacher na naka-pajamas pa." pabirong sabi ni Yankumi na nakangiti, ang ngiting inis na inis si Shin pag ginagawa ito ni Yankumi.
Baka naman ngiting pagmamahal lang yan!
"Nakalimutan mo na ba?"
"Teka nga uli… napaka-importante ba talaga niyan ah at kailangan mo pang pasukin ang kwarto ko para mang gising lang?"
"Hindi.. pero, gusto ko lang bayaran mo yung utang mo."
Ito na ata ang pinaka-importanteng moment sa buhay ko. Masisira lang ang lahat kung hindi ka pa papayag.
"Oo na nga sige na."
YES!
"Eh, pwede bang lumabas ka nga muna at magbibihis ako."
Pagkatapos ni Yankumi na magbihis ay dali-dali na rin siyang lumabas ng kanyang kwarto.
"Oh di ba? Parang beauty queen ang beauty ko??" sabi ni Yankumi.
"Pwede ba?" sabi ni Shin ng tahimik.
"Saan ba kayo pupunta Kumiko ha?" tanong ng Oedo Boss.
Naisipan na lang ni Shin na siya na lang ang magpaliwanag.
"Magpapasama lang po ako kay Miss Yamaguchi."
"Miss Yamaguchi?" nagtatakang tingin bigla ni Yankumi kay Sawada. Pano ba namang hindi titignan kung biglang bait itong batang ito.
"Ah ganun ba? Sige mag-ingat kayo Kumiko."
"Sige po!"
Umalis na rin ang dalawa at talagang hindi maalis ang tingin ni Shin sa kanyang homeroom teacher. Hindi naman sa nagagandahan siya rito, o kaya nama'y may feelings siya (or meron nga ba?) ito ay dahil naiirita siyang tignan ang suot suto ni Yankumi.
"Wala ka na bang ibang damit?"
"At bakit mo naman naitanong yan ha?"
"Jump suit nanaman?"
Pero cute pa rin. with matching smile
"Bakit, may problema ba sa jump suit ko? Favorite ko kaya ito."
"Tapos naka-pig tail ka nanaman?"
"Aba teka, ano bang alam mo sa pag-iipit ng mga babae ha? Aba. Ikaw nga eh ano eh…" halos maraming pang-lalait ang nasa isip ni Yankumi nung mga oras na iyon, pero sa totoo lang, ano nga bang mali sa pananamit ni Shin? Eh halos Mr. Perfect na nga kung manamit eh. Halos napatulala si Yankumi, may nararamdaman siyang kakaiba na hindi nanaman niya ma-explain. Hindi naman siya gutom, at lalong hindi naman niya buwanang dalaw.
"O ano? Ituloy mo. Wirdo."
Naglakad na si Shin, habang si Yankumi motionless pa rin sa kinatatayuan niya. Hinga, sabay takbo kay Shin.
"Sandali nga lang Sawada… hindi…."
"Panget mo." Sabat bigla ni Shin.
"Ex…excuse me? Ako panget? Eh ikaw ano…." Strike two, hindi nanaman malabas ni Yankumi ang tagos hanggang katawan niyang, mga pinakasasamang mga panglalait pag… pag si Shin na ang tumititig sa kanya naghihintay sa sasabihin ni Yankumi. Gulped (LUNOK sa TAGALOG)
"O ano, ano ako? Ewan ko ba sa iyo. Bilisan mo na nga."
"Eh saan ba kasi tayo pupunta ha?"
"Sa…sa kung saan."
"Kung saan? Saan yung 'kung saan' na yan ha? Wala yan sa mapa ng Japan noh… ikaw bata ka, akala mo siguro maloloko mo ako sa ginagawa m…….." biglang hila ni Shin sa kamay ni Yankumi. Strike three, hindi nanaman makapagsalita si Yankumi, parang gusto na lang niyang tumitig sa kung 'sino', para siyang nanglalambot na ewan. Para siyang stroller bag na hinihila ng isang bata.
"Uy!" pang-gulat ni Shin kay Yankumi.
Natauhan bigla si Yankumi, at teka nga lang, hindi niya alam na nasa loob na sila ng bus, punong puno ng tao, siksikan, yet hindi niya na-feel. Manhid talaga.
"Nasaan na ba tayo ha?" Tanong ni Yankumi kay Shin.
"Eh di sa bus. Hinila kita dahil paparating na yung bus.
"A…ahhhh."
Isang kahindikhindik na katahimikan ang bumalot sa dalawa. Kilala si Yankumi sa pagiging madaldal at pagbibigay ng opinion sa kanyang mga estudyante, pero sa ngayon, ni isang salita wala siyang masabi. Hindi niya talaga maintindihan, talagang hindi. Sa totoo lang, naiirita siya kung bakit ba nagpapaloko siya sa estudyante niyang walang ginawa kung hindi matulog sa Math class niya.
Kada bus stop, may bumababa at sumasakay na tao. At kada bus stop, lalong nasisiksik si Yankumi at si Shin. Kada bus stop, palapit ng palapit sila sa isa't isa.
Si Shin, halos magnakaw na ng tingin sa teacher niya para lang hindi mamatay sa siksikan. Si Yankumi naman, alam niyang nagkakatinginan na sila, nang-iiwas lang. You know, for 'safety'. Baka kung ano pa kahantungan ng 'kung ano' sa 'kung saan'. Tsaka its too weird, kinda freaky pa. Hindi feel ni Yankumi ang 'feeling' na na 'fi-feel' niya.
SCREECH
Hindi inaasahang nag-break bigla ang bus na sinasakyan nila.
Biglang…
Haaaay, ang bango bango bango bango naman…. Parang heaven! Ano kaya detergent nito ha?
Naka-smile na tinaas ni Yankumi ang ulo niya sa pagkakahiga sa kung sino man, at nagkataong si Sawada pala yung 'mabango na yun'.
Nakatingin lang uli si Shin sa kanya, hindi alam kung tatawa o kikiligin. Si Yankumi halos mangliit sa hiya.
"Naku naku, hindi ko sinasadya Sawada."
"Payat kasi kaya madaling mahagip. Yan, nagusot mo yung polo ko."
"Sorry naman."
MALAGKIT NA TINGINAN FOR 5 SECONDS SABAY…
Hmmmph.
"Ah nandito na pala tayo eh."
"Saan."
"Sa 'kung saan'" sabi ni Shin na hawak hawak nanaman ang kamay ni Yankumi, hinihila pababa.
"Teka… di ba…."
END OF CHAPTER SIX.
