Chapter Seven- Teka nga!

Pagbaba ng dalawa sa bus ay naglakad na sila hanggang makarating sa…

"Teka… di ba…"

"Kuya, o bakit tanghali na kayo ha?" isang babaeng katam-taman ang taas, maganda at may maikling buhok at tumabad sa may pintuan ng bahay.

"Eh kasi…" sabi ni Shin na natigil.

"Natsume?" pinagmasdan ni Yankumi kung siya ba talaga si Natsume, ang kapatid ng kanyang estudyante na si Shin, na…. hawak hawak ang kamay niya ngayon??

"Ay, kamusta na Miss Yamaguchi, long time no see." Sabi ni Natsume sabay bow.

"Ah, Natsume…" sabi ni Shin na naputol nanaman.

"Ah kuya, oo alam ko na yan. Sinabi mo na yan sa akin kagabi eh! Hmmmm. Kailangan mo na talaga ng makeover"

"Tumpak." Sabi ni Shin, parang atlast, nakuha na rin ni Natsume ang kanyang punto.

"MAKEOVER??" nanlaki ang mata ni Yankumi sa kanyang narinig. Nakaka-windang at halos sumabog ang kanyang utak.

"Yun lang ba? Sige. Pasok na tayo Miss Yamaguchi, simulan na natin." Sabi ni Natsume, with matching smile ever.

"Aba teka, sa…sandali lang…. di pa ako ready." Sabi ni Yankumi, habang nakakapit at nakahawak sa gate ng bahay nila.

"Ibabawas ko na yun sa lima." Sabi ni Shin na kampanteng-kampante, with matching smile ever din.

"Ibabawas mo ang makeover sa lima?" tanong ni Yankumi.

"Ahuh. Nakakahiya kayang lumakad pag panget kasama mo."

"Yabang mo Sawada! Sige, pag natapos na ako dito mahihimatay ka sa ganda ko, itaga mo pa yan sa pinakamatigas na sushi sa Japan!" sabi ni Yankumi habang nakataas ang kanyang kamay sa kalawakan.

"Tara na Miss Yamaguchi." Tapik ni Natsume sa balikat ni Yankumi.

Pumasok si Yankumi sa kwarto ni Natsume habang kinakaladkad. Habang si Shin ay naghihintay sa sala nila.

"Miss Yamaguchi, kailan ba kayo huling nag-pagupit?" pagtatakang tanong ni Natsume.

"Nag-pagupit? Di ko na maalala eh." Sagot ni Yankumi.

"Ganun ba? Gusto niyo gupitan ko kayo?" sabi ni Natsume na sobrang tuwang tuwa.

"Teka, marunong ka ba?" napatingin bigla si Yankumi kay Natsume.

"Slight!" sabi ni Natsume in a VERY cute way.

"Ngek, tinatakot mo ata ako ah."

"Haha, hindi naman sa ganun, pero kailangan kasi ng konting trimming yung buhok niyo." Sabi ni Natsume na parang bihasang-bihasa sa pagpapaganda.

"Sandali, so alam mong pupunta kami dito?"

"Akala ko si kuya lang mag-isa, tsaka akala ko naman kung anong pabor yung hihingiin niya, eto lang pala. Tinawagan niya ako kagabi eh."

"Ganun?"

"Oo ganun na nga."

"Sandali nasaan ang mama at papa mo, Natsume?"

"Ah sila? Nasa Korea, nagbabakasyon. Sinasama nga nila ako, kaya lang ayoko."

"Ah."

"Minsan hindi ko na talaga sila maintindihan. Hmmm…."

"Bakit?" tanong ni Yankumi.

"Naglalagay ka ba ng mascara?" tanong ni Natsume kay Yankumi. Obvious na iniba na niya ang usapan.

"Maskara? Hindi naman Halloween ngayon para manakot gamit ang maskara." Nagulat si Yankumi sa sinabi ni Natsume.

"Mascara! Hindi maskara! Hahaha." Sabi ni Natsume na pinipigilan ang tawa.

"Ha?"

"Isa yung make-up." Paliwanag ni Natsume.

"Ang maskara?" pagtatakang katakahan ni Yankumi.

"Mas-ca-ra." Binigkas ni Natsume ng dahan-dahan para naman lubusang maintindihan ni Yankumi ang gusto niyang ipahiwatig.

"Mascara. Ah." Sabi na lang ni Yankumi. Kunwari naiintindihan.

"Miss Yamaguchi, may make up ka ba laging dala?"

"Siguro…"

"Naku, essential ang make up sa mga babae."

"Kailangan ba yun sa pagtuturo?"

"Hindi, pero kailangan yun for retouch."

"Di ko naman kailangan yun."

"Tapos, tsk tsk, jumpsuit?"

"Komportable ito noh."

"Naiintindihan kita, pero, jumpsuit sa DATE?"

"Oo nama…DATE?!?" nanlaki nanaman ang mata ni Yankumi.

"Di ba nag-dadate kayo ni Kuya?" tanong ni Natsume na akala'y tama ang kanyang hinala.

"DATE??" nanlaki nanaman ang kanyang mga mata.

"Oo, sa nakikita ko."

"Hindi noh. Nagpapasama lang siya, tsaka may usapan kasi kami sa scholl about rewards and… ah basta parang ganun." Paliwanag naman ni Yankumi.

"Ah, akala ko naman kung ano na." smile na lang si Natsume.

"Hindi, walang meron." Dagdag pa ni Yankumi.

"Kaya pala tuwang tuwa sa iyo si kuya eh." Sabi ni Natsume.

"Sa akin, natutuwa si Sawada?" tanong ni Yankumi.

"Oo. Ewan ko ha pero, kasi lagi na lang ikaw."

"Ako? Bakit hindi ikaw?"

"Ha? Haha. Parati kasing may "YANKUMI" sa usapan. Kesyo si Yankumi nadapa, kesyo si Yankumi nadulas, in short may something."

"Naku, meron nga. Pasaway na bata talaga yan!"

"Haha. Miss Yamaguchi ano gusto mo, ito o ito?"

"Ang iikli naman yan at masyadong revealing!"

"Tara, simulan nanatin. OPLAN PAGANDAHIN ANG ISANG GEEKY MATH TEACHER!!!"

"OH NOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO!!!"

Isang napakagulong kung ano ang nangyayari. Diretso at sakto sa punto kung mag-isip si Shin, pero ngayon gulong gulo siya. Para sa kanya ang kalat daw. Parang dinala niya si Yankumi at isinasama para ma-windang. Kasi kahit si Yankumi hindi alam kung ano ang nangyayari. Si Shin lang ang may alam talaga, at naka-plano pa yan

Matapos ang sagarang paghihintay, ang walang katapusang sigaw ni Yankumi, ang walang habas na pagputol ng buhok ni Yankumi at ang matinding himalang pagiging babae ni Yankumi ay lumabas na rin ito para i-meet si Shin.

"O kuya, makikila mo pa kaya si Miss Yamaguchi pag nakita mo siya?"

"Natural, kasi walang himalang mangyayari sa babae na yan noh."

"Kakainin mo rin yang sinabi mo kuya! Tan-tana-na-nan!"

Lumabas si Yankumi, hindi magkandaugaga sa skirt na suot-suot niya. Every second, hila siya ng hila pababa.

"Miss Yamaguchi, kahit ilang libong taon mo pa yan hilahin, hindi bababa yan."

"Natsume ang ikli!"

"Yan na nga yung pinaka mahaba kong skirt."

Shin: SPEECHLESS//HEARTBEAT (hard mode) 10 SECONDS

"Tara na."

"Teka, ayan ka nanaman eh…"

"Bye kuya! Ingat!"

Walking walking sila while talking…

"Para saan naman tong mga damit ha? Hindi ako komportable."

"Gumanda ka naman ah."

"H…ha?"

"Sabi ko.. wala."

"Wa..wala…"

"Saan mo gusto pumunta?"

"Doon o.. may.."

"Tara manood tayo ng sine."

"Sine?"

END OF CHAPTER SEVEN.