MULA SA MAY-AKDA: Hay naku, medyo natagalan nang sobra yung update ano? Sorry sa mga super naghintay! Medyo mabagal po ang update nito dahil medyo naninibago pa ako sa pagsusulat ng fanfic sa wikang Filipino. At bukod pa roon, abala ako sa aking mga gawain sa paaralan. 'Wag mag-alala, tuloy pa rin ang ligaya ng fic na toh.

Sa mga taong nagtangkilik at naghintay para sa kabanatang ito, naku, maraming maraming salamat sa inyo! Mahal ko kayo! Sana suportahan n'yo pa rin ako, dahil yun talaga ang kailangan ko, para makatulong sa pagsulat ng mga iba pang kabanata ng istoryang ito. Kayo ang aking inspirasyon! Kaya sana, walang sawa kayo magbigay ng suporta! Maraming salamat muli!


(Kabanata 2 – Kumuha Ng Payo Sa Libro)

"Hinata, pwede ba naming hiramin itong librong toh?" tanong ni Naruto sa iniirog na si Hinata, habang naglalakad-lakad sa labas ng mansyon, sa pagkalaki-laking grandmaster garden ng mga Hyuuga.

Kasama rin nilang naglalakad si Kiba.

"Ah, eh, anong libro ba yan?" Hinata asked.

Pinakita ni Naruto ang cover ng libro at nagreply, "MGA KASABIHAN!"

"Sige. Basta wag nyong sisirain o wawalain, okay?"

"Ayos!" Naruto cheered.

"Alam mo anong problema sa'yo? NAPAKA-EGOCENTRIC MO! HINDI MO ALAM YUNG NARARAMDAMAN KO! MANHID KA TALAGA!" a feminine voice scolded.

Napatigil ang tatlo nang narinig nila ang boses ng babae. At habang sila'y napatigil, napadaan si Tenten na patakbo, papaalis sa Hyuuga Compound.

Worry etched Hinata's face. She sighed and said, "Napapadalas na ata yung away nina Ate Tenten atsaka ni Kuya Neji."

"Sila na ba?" a ni Kiba.

"Hindi pa." Wika ni Hinata, "Sa totoo nga nyan, hindi pa nga nanliligaw si Kuya Neji. Pero merong isang incident na nahalikan nya si Ate Tenten..."

"ANO!" exclaimed Naruto and Kiba.

Hinata nodded, "At sinadya nya talagang gawin yun."

"O ba't di pa niligawan ni Neji si Tenten?" Naruto asked.

"... K-Kasi... Ano..." Hinata twiddled with her fingers, "Alam naman nating manhid si Kuya Neji atsaka hindi siya masyado concerned with his emotions. K-Kaya... Malamang... Hindi sya marunong dumiskarte kay Ate Tenten."

"Pero di ba sabi mo intensyonal nyang ginawang halikan si Tenten nung minsan?" Kiba scratched his cheek, "Hindi ba emotional yun?"

"Ang totoo nyan," Hinata replied, "ginawa lang nya yun para matahimik si Ate Tenten... kasi nagrereklamo nun si Ate Tenten tapos naiirita na nun si Kuya Neji kaya hinalikan nya sya para matahimik."

"So ibig mong sabihin..." Kiba questioned, "Walang gusto si Neji kay Tenten pero si Tenten may gusto kay Neji?"

"Malamang." Tumango itong si Hinata.

"Puntahan kaya natin?" Naruto insisted, "Malay mo, makatulong pa tayo."

"Uhm sige, magandang ideya yan." Hinata smiled, "Kaya lang kasi, hindi ako makakasama sa inyo."

"Ha? Bakit naman?" nalungkot si Naruto.

"Kasi may gagawin pa ako. May pupuntahan kasi kami mamaya ni Ama, kaya gusto nyang maghanda ako. Gusto kasi ni Master Hokage na pumunta kami sa banquet na ipinahanda nya para sa anak ng daimyo ng Wave Country mamayang gabi." Sagot ni Hinata.

"Ah, ganun ba? O sige, ayos lang." Naruto waved goodbye, "Sige, mauna na kami, Hinata!"

"Sige Naruto! Mag-iingat kayo!" ngiti ni Hinata as she waved goodbye to Naruto, tailed by Kiba.

Meanwhile...

"GAGO KA TALAGA, HYUUGA NEJI!" sabay bato ni Tenten ng kunai sa isang wooden target sa bakuran ng kanyang apartment.

Dumating ang dalaga sa kanyang bahay na umiiyak. Ngayon, gusto nyang umiyak pero hindi nya magawa sa sobrang galit.

Napagod ang dilag sa sobrang galit at sobrang frustration na idinulot ng isang manhid na binatang kinapupusuan nito. Kaya naman, napaupo na lamang si Tenten sa damo habang umiiyak.

"TAWPOOOOO! TAHOOOOO!" may kumatok sa pintuan ni Tenten.

For sure, alam nyang hindi iyon si Neji dahil bakit ba nya isasama ang taho sa kanyang katok?

Tenten wiped away her tears and dusted herself, sabay ayos sa get up at hairdo. Tapos, pagkabukas ng pinto...

"PSSST! Okay ka ba tiyan?" sabay flash ng Close-Up Toothpaste killer smile at nagpose na may hawak na Yakult, "Everyday, OWTEI!"

Napangiti si Tenten sa comedic antics nitong si Naruto.

"Oh, ba't napadaan kayo?" Tenten asked with a smile on her face.

"Gusto lang namin i-check-up ka." Kiba smiled.

"Ha? Mga doktor ba kayo? Teka, may PhD o MD licenses na ba kayo? Alam ko, di naman kayo nag medical training katulad ni Sakura, ah!" Tenten arched an eyebrow.

"Ah eh... Check-up as in... Okay ka lang ba?" Naruto asked, "Atsaka, baka gusto mo kaming papasukin sa bahay mo kasi bisita kami, di ba?"

"Sinong nagsabing bisita kayo?" wika ni Tenten, "Di tayo close!"

"Ede kung hindi tayo close, ede open!" Kiba rolled his eyes.

Tinadyak ni Tenten si Kiba as a vein popped out of her temples, "Hoy ah... Bad mood ako ngayon!"

"Oh yun, bad mood ka pala! Let's put you into a good mood" wika ni Naruto.

"Ano bang pakelam nyo kung bad mood ako? IN FAIRNESS, PINAPAGALIT NYO PA ATA AKO EH!" kinamot ni Tenten ang ulo nya.

"Ah eh, kasi nakita ka naming tumatakbo paalis nung Hyuuga Manor kanina, di mo nga kami ata napansin na nandun kami, kasama si Hinata." Naruto mentioned, "Sinigawan mo pa nga ata si Neji."

Tenten sighed and made way for the two, "Tuloy."

Pumasok ang magkaibigan at pumunta sila sa living room ni Tenten.

Umupo nang magkatabi sina Naruto at Kiba habang umupo sa harapan nila ang malungkot na dilag.

"Gusto nyo bang malaman kung ano talaga yung nangyari?" sabi ni Tenten sa kanyang malungkot na boses.

It was very unusual to see her in this mood, lalo na kasi ang alam halos ng lahat ng tao sa Konoha kung sino sya at kung anong mood nito madalas. Masayahin ito at hindi kailanman nagpapakita ng kalungkutan, dahil para sa kanya, ito ay isang kahinaan. Ito ang pinakakahinaan ng mga babae.

"Kasi naman..." Tenten said in her low voice, "Nung hinalikan ako ni Neji nung minsan, akala ko kasi, ibig sabihin nun may nararamdaman na sya para sa kin tulad na lang kung ano yung nararamdaman ko sa kanya. Alam nyo kasi, hindi ko maiiwasan na mahalin sya, lalo na't kasama ko sya halos buong araw, 7 days a week, 365 days a year, 366 days naman kung leap year. K-Kaya naman... akala ko, dahil nga sa kilalang-kilala na namin ang isa't isa... m-meron na rin syang nararamdaman para sa kin... pero nalaman ko na... wala pala."

Mas nakaka-relate si Naruto kay Tenten dahil sa sawing love nya kay Sakura, at mas napansin sya ni Hinata, kaya sya na lang ang minahal nya. Pero mas masakit ata yung nararamdaman ng dalaga sa harapan nila.

"Nalaman ko kanina kay Neji mismo bakit nya ko hinalikan noon... At sabay nun, sinabi ko sa kanya ang nararamdaman ko... pero..." Tenten fought the urge to let her tears fall, "Ah, tama na yun. Alam nyo na siguro kung ano yung nangyari, dahil nga sa manhid si Hyuuga Neji."

"Kung ganun, ni-reject nya yung love mo para sa kanya?" a ni Kiba, "Walang hiya talaga si Neji!"

"Tama na yan, kahit ganun yun, naging matalik kaming magkaibigan. Pero siguro, kailangan ko nang matulad kay Ino, kinalimutan na niya si Shikamaru... dapat ganun na rin ang gagawin ko, ang kalimutan si Neji." Tenten stated.

"Ka...tulad ni Ino?" uttered Naruto, "Ah oo... pinigilan nga pala noon ni Ino si Shikamaru na pumunta sa Suna para ligawan si Temari pero ayaw nya. Di oras, nasabi nya kay Shikamaru ng deretsahan na mahal nya sya. Tapos todo reject si Shikamaru. Ayun... pagkapunta sa Suna, nalaman na lang na may minahal nang iba si Temari, pagkabalik dito, sinubukan nyang mahalin si Ino, sinubukan nyang ligawan, pero ayun, si Ino naman ang todo reject kay Shikamaru ngayon."

"So ibig mong sabihin, Naruto..." reaction ni Kiba, "Pwede ring mangyari kay Tenten ang nangyari kay Ino?"

"Hmm... hindi malayo yun." Sagot ni Naruto, "Pwede ring mangyari yun kay Tenten yun nga lang, maiba ng konte."

"Tenten!" may kumakatok sa pintuan ni Tenten.

"Ang chakrang yun!" napaisip si Tenten as her eyes widened and a sweat trickled down from her forehead down to the tip of her chin.

"Naman! Bakit sya pa!" whispered Tenten, "Ano yung gagawin ko?"

"Bakit, sino ba yun?" Kiba asked in whisper.

"Si Neji, sino pa! Ayoko nga syang makita eh!" Tenten panicked.

"Tenten, buksan mo yung pinto! Alam ko, nandyan ka lang!" mas malakas na katok ni Neji.

"Teka, Kiba, ano maghanap ka ng solusyon dun sa libro!" Naruto suggested.

Without any further ado, Kiba reached for the book from the pocket of his coat and flipped through the pages, "Kung gusto mong umalis agad ang mga bisitang hindi kanais-nais sa iyong bahay, patago kang magsabog ng asin palibot sa iyong bahay at sila ay agad na aalis."

"Talaga?" sabi ni Tenten, "Sige, kumuha kayo ng asin sa kusina! Tapos may backdoor doon, pwede nyong gamitin yun palabas tapos ikalat nyo na lang!"

Mabilisang pumunta ng kusina sina Naruto at Kiba.

May nakita silang dalawang garapon roon...

"Alin dito yung asin?" Kiba asked, "Di ko pwedeng amuyin, baka mag-sneeze ako dito."

"Lasahan kasi natin." Naruto opened the lid of the container on the right, afterwards, he dipped his finger in it and sucked the powder in his mouth.

"O ano?"

"Hmm, ang tamis! Penge pa!" Naruto attempted to dip his finger in the sugar again, pero Kiba diverted his finger into the opened jar on the left.

"Eh eto kaya?" tanong ni Kiba.

"TENTEN!" Neji pounded on the door louder.

Napatayo na si Tenten, sabay tingin sa kusina.

"PWE! ANG ALAT!" Naruto reacted as he sucked his finger with little amounts of salt.

"SSSH!" sabi ni Kiba, sabay kuha ng garapon na may asin atsaka silang lumabas ng bahay.

Then, the door flew open, dahil ginamit ni Neji ang kanyang chakra para mabuksan ang lock ng pintuan.

"At sinong nagsabing pumasok ka rito!" Tenten met Neji, face to face, "ALIS!"

Pumasok si Neji ng walang pahintulot at lumapit kay Tenten, "Ano ba dapat yung gagawin ko sa'yo para maintindihan mo?"

"Ang alin, Neji, ang alin?" Tenten retorted, obviously angry, "Yung pagkatanga ko? Or yung weakness na pinakita ko sa'yo na ine-expect ko sanang hindi mo tinaboy?"

"Hindi yun, Tenten!" Neji cornered her onto a wall, "Kasi naman, ano ba yung iniisip mo nung hinalikan kita?"

"Neji, kaming mga babae kapag hinalikan, kaagad naming iniisip na may meaning yun!" Tenten tried to walk away, pero sumunod pa rin si Neji, "Tigilan mo na nga yan! Atsaka di naman kita pinapasok dito ah!"

Sa labas...

"ANO BA NARUTOOOO!" Kiba whined, habang nagsasabog sila ng asin sa paligid ng apartment ni Tenten, "KANINA MO PA KO NALALAGYAN NG ASIN!"

"Ah eh, kasi di ba, sabi isabog yung asin? Natural lang na malagyan tayo noh." Naruto answered.

"ANONG TAYO? EH AKO NGA LANG YUNG NALALAGYAN EEEHHHHH!" Kiba dusted himself off of the salt.

"Konting tiis na lang, matatapos na tayo." Nilagay ni Naruto yung kamay niya sa loob ng garapon and his eyes narrowed, sabay na nanlamig ang pawis nya.

"Pa-tay... Kiba... Patay na tayo..." wika ni Naruto.

"Anong patay? Heller! May dugo pang tumatakbo sa veins ko, duh! BUHAY NA BUHAY PA KO NOH!" bilis nag-jumping jack si Kiba, "Eto oh, I can feel that I'm alive! Oh what a feeling! Keep believing- ah eh, mali ata yung lyrics..."

"Hindi, Kiba..."

"So tama yung lyrics?" Kiba's eyes sparkled.

"SIRA! HINDI YUN! ANO KA BA NAMAN, KIBA!" pinakita ni Naruto yung garapon, "WALA NANG ASIN!."

"Patay na nga tayo Naruto." Kiba answered, "Kung di pa tayo patay, pwes, papatayin naman tayo sigurado ni Tenten."

"Takbo na?" tanong ni Naruto, "O kuha pa?"

"Takbo na."

"Hmm..." then Naruto proceeded to the backdoor, "Kuha pa."

"TAKBO NA!" Kiba shrieked.

Sa loob...

"Neji, ano ba!" Tenten tried to wiggle out of Neji's firm grip on her two wrists, "Bakit ba? Big deal na ba kung sinigawan kita ng masasama pero totoong mga reasons?"

Hindi sumagot ang binata.

"KUNG MANHID KA, TANGGAPIN MO NA ATSAKA KA LUMABAS NG PAMAMAHAY KO!" Tenten screamed, "Neji, mula sa araw na ito, ayokong pumupunta ka sa bahay ko. In fact, ayaw na kitang makita."

Neji's eyes twitched and then abruptly let her go, and marched his way until he got out of her apartment.

Tenten sighed loudly and fell on the floor, sitting cross-legged and tried to control the beat of her heart, "Akala ko talaga dun pa lang, papatayin na nya ko. Ayaw nya kasing napagsasabihan ng masama... Effective nga ata yung pinaggagawa nung dalawang yun... Ang cute naman ng pamahiin na yun... Sige nga, bibili ako ng pirated na DVD ng Pamahiin by Dennis Trillo sa mga bumbay sa bangketa... panoorin ko mamayang gabi!"

Tapos, pumasok naman si Naruto through the backdoor.

"Tenten, wala nang asin! Kuha pa ko!" sigaw ni Naruto.

"Hindi na Naruto, wag na." Sagot ni Tenten, "Nakaalis na si Neji, ayos na."

"HAAAAAAAAA!" Naruto's jaw dropped, "EPEKTIB YUNG KASABIHAN!"

"Malamang." Tenten giggled, "O sya, pwede nyo na ba kong iwan? Kasi... medyo nakipagpatintero ako kay Neji kanina dito sa loob ng bahay eh..."

Tenten pointed to the overturned pero hindi naman nasira na furnitures, "I've to clean the havoc."

"Ah, o sige." Naruto nodded, sabay labas ng bahay.

Tiningnan ni Tenten yung gulo sa bahay, and she clenched her fists in her hair, messing it up even more, grinded her teeth, and groaned in frustration.

Samantala...

"Ano na, okay na ba si Tenten?" Kiba asked as he and Naruto walked on the sidewalk.

"Alam mo, feeling ko hindi pa." Naruto placed his hands behind his head, "Kasi, pinaalis nya ako agad dahil mag-aayos daw sya ng bahay... pero alam mo, ganun yung mga babae pag galit. Pinapaalis yung mga taong concerned sa kanila sa area nila, para makapagmukmok."

"At pano mo naman nalaman?"

"Simple lang, sinabi sa kin ni Hinata na si Hanabi ganun daw paminsan-minsan, pag mainitin yung ulo."

"Ahh..."

"Pero parang nakakaawa yung dalawang yun." Sabi ni Naruto habang tumitingin sa langit, "Hopeless romantics."

At pagkasabing-pagkasabi nya nun, dahil nakatingala sa langit, di nya namalayan na...

BUMP!

"ARAY!" na nabangga na ang ating bida sa isang poste.

ITUTULOY...
--- --- --- --- --- ---
Ang munong kinagagalawan natin ay imiikot sa kanyang axis... este, imiikot sa karma. Sabi nga ng marami, kung sinwerte ka ngayon, minalas ka siguro kahapon, at dodoble ang malas at swerte mo bukas kaysa noong kahapon at ng ngayon. Ang gulo noh? Wag nyo nang subukan intindihin... baka magka-hemorrhage yung mga utak nyo sa kakaisip. Joke lang. Wala kasi akong masasabi sa susunod nating kabanata dahil... nakakadiri ito. KAYA BASA NA LANG! NYAHAHAHA!

Sa susunod na kabanata: Kung Saan May Swerte, Sangkatutak Naman Ang Malas

"Mabango na ba ko?"
-Uzumaki Naruto


A/N: Hayy... kaloka! Ang sarap palang magsulat sa Filipino! Nakakaaliw! XD Pero minsan nakaka-walang gana o kaya naman nakaka-walang idea pero okay lang, carry ko toh! Tuloy lang ang ligaya!

Matutuwa ang mundo ng karma kung magre-review kayo sa story kong itoh. ANG HINDI MAGRE-REVIEW, TUTUBUAN NG PUNO NG BAYABAS SA ULO! BWAHAHAHAHA!

+Releina Artemis+