Pagtatanggi: Hindi ko pag-aari ang Naruto pero sana me extension ang Studio Pierrot ditto sa Pinas (Tulad ng Toei) para asang maka-leech ng info sa mga series in advance, hihihi. At sana matapos na ang 'sa dulo ng walang hanggang' fillers. Eto nga at panay manga na lang ang binabasa ko. (hindi po ung prutas. Ahem.) At madalang lang po akong manuod ng Naruto sa TV, panay subtitle lang po ang pinapanuod ko. (oo, maarte ako alam ko) So hindi ko alam ang tawagan nila sa tagalog. Pero kahit na, maganda ang pagkakadub ng Tagalized version. Magaling kase mag-dub ang mga taga-Dos eh. (snerk). Walang binatbat ang English dub, muharhar.

Niloloob ng Awtor: Oya, ako ule. Hehe. Medyo inayos ko nga pala ang unang parte. Oo, totoo, maninipis ang kilay ni Sasuke kung itutulad sa mga ibang lalake sa Naruto. Pansinin nyo, lalo na sa manga (gasp)nag fa-flock ng eyebrows ang hitad!

-

Magtanggi ay di Biro

-pangalawang parte-


Ah, Sasuke-kun. A-ang ibig kong sabihin Sasuke teme!" Ang bati niya. Napataas ng kilay ni Sasuke. Hindi naman siya tinatawag ng teme ni Naruto sa mga normal na araw. At saka isa pa, matagal na iyon simula ng tumigil na sila sa kanilang mga away-bata.

Hinarap niya ang blondeng binata bilang pagtugon sa bati nito.

-

At sa di kalayuang lugar sa kung saan hindi maabot ng pakiramdam ng isang henyong ninjang tulad ni Sasuke, may isang magandang dilag na may mahaba at ginintuang buhok na nagtatago sa pagitan ng mga makakapal na dahon.

/Pagbutihin mo, Sakura./ Ang taimtim na bulong nito.

At sa paanan niya makikita ang walang malay at maraming bukol na si Naruto. Ang totoong Naruto

-

"Sasuke teme, anong paborito mong pagkain?" Ang tanong ng 'Naruto' na kausap ni Sasuke.

Lalong napataas ang maganda at manipis na kilay ng tahimik na ninja. "Pagkatapos mo aking tawaging teme,tatanungin mo ang paboritong pagkain ko? Diba dapat alam ko na iyon kasi matalik tayong…magkaibigan?"

Nagtataka si Sakura kung bakit medyo kakaiba ang ikinilos na yaon ni Sasuke sa simple niyang tanong. Ni hindi man lang siya makatingin sa mga mata ni 'Naruto'.

Sinamantala iyon ni Sakura at itinuloy and interbyu sa makisig na binata.

"Ba't ayaw mo ng ramen?"

"Ramen? Sinong nagsabing ayaw ko ng ramen?" Tugon ni Sasuke habang nakakunot ang noo. "Ayoko lang kumain nun tulad mo na halos araw-araw, tanga. Hindi ka ba nauumay?"

Bahagyang nasaktan si Sakura sa mga matatalim at prangkang na salita na binitawan ni Sasuke. Oo nga pala siya nga pla si Naruto ngayon.

-

Samantala, habang naguusap ang dalawa, patuloy pa rin ng pag-mamanman sa di kalayuan si Ino.

/Sakura… subukan mo lang na traidorin ako…/ ang isip-isip nito. /Alam kong sa plano mong ito ikaw pa rin ang makikinabang sa bandang huli, maldita ka. Makikita mo pag nagkamali ka./

Magpaganunpaman, nagpatuloy pa rin si Sakura. "Ah oo nga pala Sasuke, ano ba ang gusto mong katangian sa isang ah… tao?"

Napatingin si Sasuke at inisip ang sagot niya. Sabagay, wala namang utak ang dobe na ito kaya kahit anong sabihin niya ay wala naming mahahalata ang utak-biyang anak-araw.

Pero teka.

Naalala niyang bigla ang isang eksena noong mahigit sampung taon na ang nakakaraaan. Nangyari na rin ito. Palihim niyang tiningnan ang taong kasama at napabuntong-hininga. "Yung hindi nakakabagot. Masarap kasama. Maapagkakatiwalaan ko. Na kahit eengot-engot alam kong kaya ko siyang maasahan sa oras ng pangangailangan."

Tahimik na pinag-aralan ni Sakura ang mga sinabi na yaon ni Sasuke habang pinagmamasdan niya ang binata at…

/namumula ba ang mga pisngi ni Sasuke?/

At ang laki niyang gulat nang ang mga mahahabang daliri nito ay biglang kinapitan ang kanyang braso at tinulak siya papunta sa pinakamalapit na puno.

Kinabahan si Sakura. /Nabisto na ba niya ako? Hindi pa naman yata… sana./ Napakagat siya ng labi ng marinig ang pigil na tili ng katagang 'traidor' sa pagitan ng mga puno. Tumitig siya sa mga maiitim at matatalim na mata at sa gulat niya, puno ito ng emosyon.

"Naiintindihan mo ba?" Ang sambit ng may-ari nito.

/Oh syet/ Ang tanging nasambit sa isip ng dalagang berde ang mata. Sa pagitan ng kaba at pag-alala (anong gagawin ko kay Ino?) ay may napagtanto siyang bagay na matagal na niyang pinag-iisipan. Ang nakabuka niyang bibig (dahil sa gulat) ay unti-unting sumara upang maging isang matamis na ngiti na puno ng pagunawa at intindi. "Tama ako." Ang sabi ng dalagang may pink na buhok. "Gusto mo ng makakapagpangiti sa iyo, tama?"

Nagpahiwatig ng gulat ang mga itim na matang nakatitig sa kanya. At sa pagkakataon ding iyon ay napag-isip-isip ni Sakura na hindi maka-Naruto ang ikinilos niya na iyon. Agad siyang naghanap ng malulusutan "A-ano.. Sasuke. Ang ibig kong sabihin.. ang ibig kong sabihin, wag kang laging sumimangot, datteba yo!

At sa tingin na ibinibigay ni Sasuke ay halatang alam na niya ang mga nangyayari. Syet ule. Ang kailangan na lang niyang gawin ay umeskapo bago nito malaman kung sino ang mga salarin (mamamatay muna siya bago dumating ang araw na iligtas niya is Ino sa mga sabit nila). Dali-dali siyang nag-isip ng paraan upang makaalis agad ng may bumulong sa likod at nagpakawala ng chakra

"Shintenshin no jutsu!"

/Gaga, mali ang pagkakaintindi mo!/ At lalo siyang kinabahan ng sumapul sa kanya ang technique at maramdaman ang pamilyar na presensya na pumapasok sa kanyang ulirat. Bigla niyang nilingon ang pinagtataguan ni Ino at narinig niya ang pagbasak ng isang katawan sa masukal na lupa.

/Syet/ Napamura nanaman siya. At ang huli niyang narinig sa kanyang kamalayan ay ang mga katagang: "B.I. ka talaga, Tsunade-shishou…."

-

Halos nasa langit na si Ino. /Bakit... kung makakaiskor si Sakura dapat ako din!/ Ang sabi nito ng may pagmamalaki. At kinontrol niya ang walang malay na katawan.

Nagulat si Sasuke nang makitang tumirik pataas ang mga mata ni Naruto. Tatanungin na niya sana ang kaibigan kung ano ang nangyayari ngunit bago lumilipas ang dalawang segundo at bigla iyong nagbalik sa mga normal at determinadong titig na parang walang nangyari.

"Naruto…" Ang kanyang patumangka.

Subalit hindi sumagot ang kanyang tinanong at bigla na lang nitong hinawakan ang kanyang mga balikat.

"Anong…" ngunit hindi na natapos ni Sasuke kung ano man ang sasabihin niya nang bigla na lang niyang natagpuan ang kanyang mga labi na okupado… ng mga labi din mismong ng kanyang kasama, si Naruto.

Nanlaki ang kanyang mga mata.