CHAPTER 2
"Huh? Ah siya ba? Siya si Naomi. Noguchi Naomi. kababata ko."
"Bakit sya nandito, huh?"
"Ah, ano kasi. G-gusto … nyang …"
Kagad lumapit si Atobe kay Naomi, at sinabi nitong, "Miss, bakit ka nandito, huh?"
Namumula si Naomi. Hindi nya alam kung ano ang isasagot nya sa tanong ni Atobe. Dahil sa sobrang taranta ay iba ang kanyang naisagot.
"Ah, kasi gusto kong makita ang Hyoutei. Gusto ko kasing mag-aral dito dati eh."
Hindi naniwala si Atobe sa sinabi ni Naomi, kaya …
"Ano pang ibang rason mo, huh miss?"
Dahil nga tarantang taranta si Naomi, sinabi na nya ang totoo. Ayaw nyang magsinungaling kay Atobe dahil kapag nalaman nya na nagsinungaling sya, wala na syang pag-asa dito. XD
"Kaya ako narito kasi … G-gusto kitang makita eh."
Biglang nanahimik ang paligid
"Hahahahaha" Tumawa si Atobe na para bang isang demonyo. Nagtaka si Naomi, at parang napahiya na rin. Dahil alam na ni Atobe na may gusto sya sa kanya.
"Hay naku naman. Hindi na ako nagtataka kung may mga gusto na ako'y makita. Kaya mo ba ako gustong makita para matuto ng tamang tennis?"
Nagulat si Naomi sa sinabi ni Atobe – dahil hindi pa pala nakukuha nito na gusto nya si Atobe. Kaya sumagot na lang si Naomi na kaya siya pumunta doon ay gusto nyang makita si Atobe para matuto ng tennis.
Napatawa na lang si Atobe sa narinig nya kay Naomi. Sinabi ni Atobe na …
"Bakit hindi ka sa mga taga Seigaku magpaturo ng tennis, huh?"
Namula na naman si Naomi. Hindi na nya alam ang sasabihin nyang palusot. Kaya napilitan na naman syang mag-imbento ng isasagot.
"Ano kasi" napalunok ng laway "Napanood ko kasi ang laban nyo, at para sa kin, mas magaling kayo kaysa sa Seigaku."
Napatawa na naman nang malakas si Atobe. Sinabi nya na paano kung malaman iyon ni Tezuka, o ng iba pang Seigaku tennis club members. Baka habulin siya nito at patayin. Pero sinabi rin ni Atobe na wag syang mag-alala …
"Huwag kang mag-alala, andito naman si Atobe-sama para turuan ka ng special lesson sa paglalaro ng Tennis"
Nang marinig iyon ni Naomi ay nakahinga sya nang maluwag. Pagkatapos ay naalala nya na may dala pala sya para kay Atobe.
Umalis na si Atobe para umupo dahil napapagod na syang tumayo. Kagad isinigaw ni Naomi ang pangalan nya
"Atobe-sama!"
Napatigil sa paglalakad si Atobe at lumingon sya kay Naomi. Seryoso ang mga mata nya. Na para bang kasing seryoso ng mga mata ni Tezuka.
Lumapit si Naomi kay Atobe para ibigay ang inihanda nyang pagkain, ang Roasted Beef na paboritong pagkain ni Atobe. Biglang nagsalita si Oshitari.
"Naku, roasted beef. Pag tinikman ni Atobe yan at nasarapan sya, postponed na naman ang practice natin. Diba, Kabaji?"
"Ossu." Yan lang ang tanging sinasabi ni Kabaji.
"Roasted Beef?" patakang sinabi ni Atobe. "Pano mo nalaman ang paborito kong pagkain?"
Nagpretend na lang si Naomi na hindi nya alam na roasted beef ang paborito ni Atobe. "Eh? yan ba favorite mo?"
Hindi sumagot si Atobe. Kinuha na lang nya ang binigay ni Naomi at tumalikod sya.
