CHAPTER 3
"Sana po magustuhan nyo."
Namumula si Naomi nang sabihin nya iyon. Sana ay magustuhan iyon ni Atobe dahil ginawa nya iyon nang buong puso.
Nagsmirk si Atobe at nasambit nyang, "Mamaya ko na lang kakainin yan. May practice pa kami ng tennis." Tumayo si Atobe sa kinauupuan nya at ini-abot ang roasted beef kay Kabaji. "Pakitago muna 'to, Kabaji"
"Ossu." Ang sagot naman ni Kabaji.
Para bang nagunaw ang mga pangarap ni Naomi nang ini-abot ni Atobe kay Kabaji ang inihanda nyang roasted beef. Sa tingin nya ay hindi iyon nagustuhan ni Atobe, kahit di pa nya ito natitikman. Lumapit si Shishido kay Naomi at inakbayan nya ito.
"Alam mo, nagko-concentrate kasi ngayon si Atobe. Ayaw nya munang maistorbo dahil naghahanda kami para sa invitational games."
"Ganun ba? Pasensya na ha. Pero sana magustuhan nya yung inihanda ko para sa kanya. Ginawa ko kasi yun ng buong puso eh." Napayuko si Naomi dahil sa sobrang lungkot.
"Ito naman oh. Masyado kang nagdaramdam dyan. Tigilan mo nga yan, hindi bagay sa'yo eh." Ni-pat nya ang ulo ni Naomi para gumaan ang pakiramdam nya.
"Che! Bitawan mo nga ako. Ang bigat ng braso mo eh!" Sinigawan niya si Shishido sa sobra nyang inis.
"Aba at sinigawan mo pa senpai mo. Napaka walang galang mo talaga."
"Pasensya na. Sige aalis na ako. Bye. Salamat nga pala ulit." Yumuko si Naomi at umalis na. Nang papaalis na siya …
"Miss …"
Nang marinig ni Naomi ang tinig na iyon, humarap sya kagad kay Atobe – dahil si Atobe lang ang tumawag sa kanya nun at nabobosesan nya ito.
"Ano nga palang pangalan mo, huh?"
Naglakad papalapit si Atobe kay Naomi, habang si Naomi naman ay parang pinagpapawisan dahil sa nerbiyos at namumula sya dahil palapit sa kanya si Atobe.
"Uhm … N-Naomi. N-Noguchi Naomi. B-bakit?"
"Noguchi Naomi … Wala naman. Sige." Tumalikod si Atobe pagkatapos nyang malaman ang pangalan ni Naomi. Si Naomi naman ay umalis na sa court ng Hyoutei. Pero habang siya'y papaalis, sabi nya sa kanyang sarili, "Hay! Ang swerte ko naman! Tinanong pa talaga ni Atobe-sama yung pangalan ko! Kaya lang, sana naman kainin nya yung roasted beef na inihanda ko, at sana masarapan sya dun. sigh"
Napabuntong hininga na lang siya sa mga nangyari. Pero masaya rin sya dahil tinanong ni Atobe ang pangalan nya. Sa sobrang saya nya, hindi na nya namamalayan kung sinu-sino ang mga nakakasalubong nya. Para bang wala sya sa sarili niya, hanggang sa …
bump
Napatumba si Naomi dahil sa lakas ng impact ng nakabungguan nya. "Aray!" Tatayo na si Naomi nang may kamay na umalok sa kanya para siya'y itayo. Humawak naman siya rito at tumayo …
"Pasensya ka na talaga. Hindi ko sinasadya. Hindi kasi ako tumitingin sa dinaraanan ko eh. Sorry talaga" Yumuko si Naomi para ipakita na hindi talaga nya sinasadya ang nangyari.
Sumagot naman ang nakabunggo niyang lalaki, "Ayos lang saka sorry rin. Huwag kang mag-alala. Ayos ka lang ba?"
Pagkatingala ni Naomi ay nakita nya ang maamong mukha ni Choutarou.
"Ah oo, diba ikaw yung laging kasama ni Shishido-senpai? S-si, ano nga ba uli yun, Oo …"
Biglang nagsalita si Choutarou, "Ootori. Ootori Choutarou. Nice to meet you. " Nag-offer ng handshake si Choutarou kay Naomi, at nakipag handshake naman si Naomi. Pinakilala niya ang sarili niya kay Choutarou.
"Ako naman si Noguchi Naomi. Nice to meet you too."
Napadaan si Shishido at nakita nya na magka-hand shake si Choutarou at Naomi. Kaya sya pumunta doon ay dahil pinapatawag ng coach nila si Choutarou dahil mag-uumpisa na ang practice. Lumapit sya sa kinaroroonan nila Choutarou at Naomi.
"Oi Choutarou." Patakbo syang lumapit kay Choutarou.
"Bakit po Shishido-san?"
"Tawag ka ni Coach Sakaki. Mag-uumpisa na yung practice. Tara na." Habang sinasabi nya iyon ay nakatingin naman sya kay Naomi, at napansin niya bigla na may galos sa tuhod si Naomi.
"Oi Noguchi, napano naman yang tuhod mo?"
Nagulat si Noguchi sa sinabi ni Shishido kaya tinignan nya ang tuhod nya. May sugat nga sya sa tuhod.
"Eh? Hindi ko alam na nagkagalos pala ako."
"Ano, nakabunggo ko kasi siya Shishido-san, kaya natumba sya at di ko alam nagkagalos pala sya. Pasensya na Shishido-san." Nag-aalalang sagot ni Choutarou.
Tumawa si Shishido at sinabi nya, "Hay, hayaan mo na yang si Noguchi. Kaya na nya yan. Tara, Choutarou."
"Ang sama mo naman! Sige aalis na ako." Padabog na umalis si Naomi.
Hinablot ni Shishido ang braso ni Naomi nang mahigpit. "Biro lang. To naman oh, masyadong mainitin ang ulo. Hahaha! Tara Choutarou, dalhin natin siya sa clinic."
"S-Sige." Nahihiyang sagot ni Choutarou.
Nangunguna si Shishido sa pagpunta sa clinic habang nasa likod niya naman sila Naomi at Choutarou. Tinanong ni Choutarou kung masakit ba ang galos na natamo nya kanina. Ayos lang naman daw ang galos nya sa tuhod sabi ni Naomi. Marami-rami silang napag-usapan ni Choutarou hanggang sa …
"Madalas ba kayong magdate ni Shishido-san?"
Nagulat si Naomi sa naitanong sa kanya ni Choutarou at narinig din ni Shishido ang tanong ni Choutarou, pero pinili nya na lang na magkuwari na hindi nya iyon narinig.
"A- Naku hindi ah. Hindi talaga. Lagi nga akong inaaway nyan eh. Ayokong makipagdate sa mga ganyang tao noh, masyadong boring kasama." Pagmamalaking naisagot ni Naomi.
"Hay nako, ayoko ring makipagdate dyan sa isip bata na yan. Saka ang bigat bigat pa ng kamay. Parang lalaki."
Habang nagbabangayan sina Shishido at Naomi, si Choutarou naman ay nakatingin kay Shishido at nasabi nya sa sarili niya na …
"Bakit kaya ganun ang ugali nya kay Noguchi … Parang mas close pa sila sa isa't-isa, kumpara sa min ni Shishido-san. Mabait lang siya sa kin. Parang ayaw nya akong awayin. Pero pag kay Noguchi, inaaway nya lagi, pero, ang sweet nila pag nag-aaway sila. Saka pansin ko lang, ang ingay-ingay ni Shishido kapag lagi nyang nakikita si Noguchi. Naiinggit ako kay Noguchi." Napabuntong hininga na lang si Choutarou.
"Ano, Shishido-san, Noguchi. Tama na yan. Tara na pumunta na tayo sa clinic."
Pumagitna si Choutarou kila Naomi at Shishido, hanggang sa babatukan sana ni Naomi si Shishido. Kaso ang natamaan ay si Choutarou.
"Ay! Naku pasensya na Ootori. A-Ayos ka lang ba? "
"Ayos lang ako. Wala lang 'to."
"Kasi naman. Talaga 'tong si Noguchi. Tsk tsk tsk. Ayos ka lang ba talaga Choutarou? Hindi ka ba nahihilo? Naku mabigat pa naman ang kamay nyang si Noguchi."
"A-Ayos lang ako, Shishido-san."
Nang tinanong siya ni Shishido kung ayos lang ba sya, sa loob loob nya ay masaya sya. Napakasaya. Dahil nag-aalala sa kanya si Shishido.
"Tara na pumunta na tayong clinic. Itigil nyo na muna ang pag-aaway nyo, Shishido-san, Noguchi"
"A, Oo. Tara Choutarou."
Inakbayan ni Shishido si Choutarou at nasa likod nila si Noguchi.
"Teka ang bilis nyong maglakad! Hintay!"
Hinabol ni Noguchi sina Shishido at Choutarou, hanggang sa maabutan nya ang mga 'to. Si Choutarou naman, nang inakbayan sya ni Shishido, nag-umpisang tumibok ang kanyang dibdib. Nasabi ni Choutarou sa kanyang sarili, "Ano ba 'to? Bakit tumitibok ang dibdib ko? Hindi ko alam kung bakit 'to nangyayari. Hindi naman ganito ang tibok ng dibdib ko kapag napapagod ako. Parang iba. May kakaiba…"
Pinagpapawisan si Choutarou sa kaiisip kung ano ba talagang nangyayari sa kanya. Si Shishido naman ay napansin ito kaya muli ay tinanong nya si Choutarou kung ayos lang ba sya.
"Oi Choutarou. Ba't ka pinagpapawisan? Hindi naman mainit. Nahihilo ka ba?"
Nagulat si Choutarou sa boses ni Shishido. Nagulat sya dahil iniisip nyang mabuti kung ano ba talagang nangyayari sa kanya.
"W-wala to, Shishido-san. Ayos lang ako."
Nagpatuloy lang sila sa paglalakad, hanggang sa makarating na sila sa clinic – na malapit lang sa court. Nang papasok na sila sa loob ng clinic, may lumabas na raketa na galing sa court at natamaan nito ang sugat ni Naomi sa tuhod. Malakas ang impact ng raketa sa pagkakatama nito sa tuhod ni Naomi kaya naman natumba si Naomi.
"Game and Match kay Atobe. Six games to Love!"
"Noguchi!" Napasigaw si Shishido. "Ayos ka lang ba?"
Pinuntahan nya si Noguchi para alalayan. Hindi na nakasagot si Naomi sa tanong ni Shishido. Ibig sabihin lang noon ay masakit na ang kanyang tuhod, at di na nya kayang tumayo.
Lumabas sa court ang mga naglalaro ng tennis, particular na si Atobe. Lumapit si Atobe kina Naomi at Shishido at kinausap si Naomi.
"Ayos ka lang ba, Noguchi?" Paalalang tanong ni Atobe kay Noguchi. Ang mga mata ni Atobe nang tinanong nya iyon ay para bang nag-aalala rin. Kaya lang, wala ring naisagot si Naomi.
"Ano pang hinihintay nyo, huh? Ipasok mo na sya sa loob ng clinic, Shishido!"
"Oo. Tss…" ang masungit na sagot ni Shishido kay Atobe.
Binuhat ni Shishido si Naomi papunta sa loob ng clinic. Sumunod din sa loob ng clinic sina Oshitari, Choutarou, Gakuto at Atobe – syempre kasama ni Atobe si Kabaji. Ilalapag sana ni Shishido si Naomi sa may kama, kaya lang …
"Oi teka! Sino tong natutulog sa kama? Talagang nakakumot pa ha?" Napabulalas si Shishido bigla.
"Tss."
Yun ang nasabi ni Atobe. Lumapit sya sa kama at inangat ang kumot. Nagulat ang lahat nang nakita nila ang natutulog ay si …
"Jirou??"
Ang lahat ng nasa loob ng clinic ay naisigaw ang pangalan ni Jirou – pwera lang kay Naomi, na naging sanhi ng kanyang pagkakagising.
"Huh?" Humikab nang matagal si Jirou at nag-inat ng mga braso. "B-bakit kayo nandito? Umpisa na ba ng practice?"
"Grrrr!! Nakakainis ka Jirou!"
Biglang umingay sa loob ng clinic. Nasundan naman ito ng katahimikan nang i-snap ni Atobe ang kanyang mga daliri.
"Jirou."
Isang malakas at nanggagalaiting boses ang lumabas sa bibig ni Atobe. Natakot naman si Jirou kay Atobe kaya hindi na ito nakapagsalita.
Tumagal ang katahimikan sa loob ng clinic. Hanggang sa …
"Bumangon ka dyan at umalis. Magpractice kang mag-isa sa court. Ngayon na!"
Dahil nga sa sobrang takot ni Jirou ay umalis na kagad sya at pumunta na sa court.
"Shishido, ilapag mo na sa kama si Noguchi. Oshitari, kunin mo ang first aid kit."
Kagad sinunod ito nila Shishido at Oshitari. Nang inilapag na ni Shishido si Naomi sa kama, inutusan uli sya ni Atobe na samahan si Jirou sa may court para magpractice. Ganun din si Choutarou.
"Atobe, ito na ang first aid kit." Mahinahong sinabi ni Oshitari.
"Sige. Makakaalis ka na rin. Gakuto, magpractice pa kayo dun sa court."
Sinunod sya nila Gakuto at Oshitari. Kaya ang naiwan na lang sa clinic ay sina Noguchi at Atobe – kasama pa rin si Kabaji.
Naka-upo si Naomi sa kama at si Atobe naman ay nakatayo. Dahil sa sobrang pagod, umupo si Atobe sa tabi ni Naomi.
"Kabaji. Ligpitin mo ang gamit ko sa court at ilagay yun sa office ng student council." Inutusan nya si Kabaji sa mahinanong tono.
"Ossu." Sabay talikod ni Kabaji.
Ang tanging naiwan sa clinic ay si Naomi at Atobe – wala na si Kabaji.
