CHAPTER 4

Nang tumabi sa kanya si Atobe, biglang bumilis ang tibok ng puso ni Naomi (doki-doki). Namumula sya at hindi sya makatingin nang diretso kay Atobe.

"Ano ba naman to. Parang hindi na ako makahinga. Kanina nga sa court nang nilapitan nya ako, di na ako mapakali eh. Dito pang magkatabi kami ngayon. Hindi rin ako makatingin nang diretso, ni hindi ko rin sya magawang tanungin kung kinain na ba nya yung roasted beef ko. Haay! Ano na kayang gagawin ko?"

Isip nang isip si Naomi kung ano ang kanyang gagawin. Hanggang sa nag-umpisa nang magsalita si Atobe.

"Noguchi."

Hindi nakasagot si Naomi dahil sa kaiisip sa kanyang nararamdaman.

"Noguchi. Oi Noguchi!"

Nang napalakas ang pagbanggit sa kanyang pangalan ay natauhan naman ito. Humarap sya kay Atobe na namumula ang kanyang mukha, dahil sa nahihiya sya.

"Uh, bakit?"

Tinignan ni Atobe ang maamong mukha ni Naomi at ito'y napangiti at tumawa.

"B-bakit? Anong nakakatawa? M-may dumi ba sa mukha ko?"

Dahil nga sa napatawa si Atobe ay nahiya ito lalo at yumuko. Napa-isip pa lalo si Naomi kung bakit tumawa si Atobe. Si Atobe naman ay patuloy sa pagtawa at maya-maya ay kinuha nya ang panyo sa kanyang bulsa. Ipinunas nya ito sa mukha ni Naomi.

"Meron ka ngang dumi sa mukha. Hindi bagay sa isang katulad mo ang madumihan ang mukha."

Nang marinig ni Naomi na sinabi iyon ni Atobe ay lalong bumilis ang tibok ng dibdib nya. At napaisip din sya sa huling sinabi ni Atobe

"H-ha? A-anong ibig mong sabihin?"

Napatawa na lang si Atobe. At napansin nito ang tuhod ni Naomi. Nalimutan nya na may sugat pala ito, at lumala iyon dahil sa kanya – napalakas ang pagbalik nya ng bola sa kalaban kaya nang ibalik ng kalaban nya ang bola, tumalsik ang bola sa court, pati na rin ang raketa, kaya kinuha nya kagad ang first aid kit at sinabi nya kay Naomi na sya ang may kasalanan kung bakit lumala ang sugat niya. Pagkatapos nyang sabihin iyon ay gagamutin na ni Atobe ang sugat ni Naomi. Kaya lang …

"Ako na ang gagamot ng sugat mo. Kasalanan ko naman kung bakit lumala yang galos mo."

"H-huwag na po. Salamat na lang. A-ako na lang ang gagamot sa sugat ko. Kaya ko naman eh."

"Ako na lang …"

Nang sinabi iyon ni Atobe ay napatingin si Naomi sa mga mata ni Atobe nang matagal, at nagkatitigan sila. Nagkahawakan din ng kamay si Atobe at Noguchi.

Pakiramdam ni Naomi ay parang nasa langit na sya dahil nahawakan nya ang mga kamay ni Atobe. Kaya lang ay may biglang pumasok sa pinto.

"Noguchi!"

Nagulat sina Atobe at Naomi nang buksan ni Shishido ang pintuan – natigil ang kanilang pagkakatitigan. Si Shishido rin ay nagulat, kaya naman …

"Oi Shishido, bakit hindi ka kumatok, huh?" Parang masama ang tingin ni Atobe kay Shishido. Kaya naman nang nagsalita si Shishido ay …

"A-ano kasi … t-tinawagan ko yung kuya nya, papasunduin ko sana si Noguchi …"

Biglang tumayo si Atobe at sinabi nya kay Shishido, "Tss. Tumawag ka ulit. Ako na ang maghahatid sa kanya sa bahay nila."

Nang marinig iyon ni Shishido ay nagulat sya kung bakit iyon nasabi ni Atobe. Mukha namang seryoso ang mukha ni Atobe kaya naman sinunod nya ito at umalis na sya.

Si Naomi naman ay nagtaka din kung bakit iyon nasabi ni Atobe, kaya tinanong nya iyon sa kanya.

"Uh, Atobe-sama … B-bakit ikaw ang maghahatid sa kin? Pwede namang yung kuya ko na lang ang magsundo sa kin dito. O kaya si Shishido-senpai na lang. "

As usual, napatawa na naman si Atobe, at sinabi nya kung bakit sya na lang ang maghahatid kay Naomi sa bahay nila. "Di ba sinabi ko na sa'yo na ako ang may kasalanan kung bakit lumala yang sugat mo sa tuhod? Saka, hindi ka makalakad dahil may bali yang tuhod mo. Kaya ipapa-check-up pa natin yan. Okay? Huwag kang mag-isip ng kung ano dahil 'yan lang ang rason."

"Gano'n ba … Salamat! Uhm … P-pwedeng magtanong ulit?"

Tumabi ulit si Atobe kay Naomi, at dahil doon ay namula ulit sya at tumibok na naman nang mabilis ang dibdib nya.

"Huh?"

Nag-umpisa nang magsalita si Naomi kaya lang ay pautal-utal naman. "A-ano … K-inain mo ba yung h-hinanda kong pagkain para sa'yo?"

Nang itinanong sa kanya 'yon ni Naomi ay napatunayan na nga nyang alam ni Naomi ang paborito nyang pagkain, kaya tinanong niya muna si Naomi bago niya sagutin ang tanong nito.

"Hm. Sabi na nga ba eh. Alam mo talaga ang paborito kong pagkain."

Nagulat si Naomi dahil nalaman na ni Atobe ang totoo kaya inamin na rin nya kung ano ang totoo. Pagkatapos nun ay lumabas si Atobe sa clinic at tinawag si Shishido.

"Oi Shishido!"

Napatingin si Shishido kay Atobe at lumapit ito sa kanya.

"Bakit, Atobe?"

"Sabihin mo nga, sa'n ba nakatira yung kababata mo, huh?"

Nagtaka siya kung bakit iyon tinanong ni Atobe. Naalala nya na ihahatid nga pala nya pauwi si Naomi. Kaya sinabi nya na kung sa'n nakatira si Naomi.

"Ganun ba? Heh."

Nang nalaman na ni Atobe kung sa'n nakatira si Naomi ay tinawag nya ito at sinabi na aalis na sila para pumunta munang ospital.

"Noguchi, aalis na tayo."

Nagulat si Naomi kaya nagtanong sya, "Huh? Saan tayo pupunta?"

"Heh. Sa ospital, syempre. Tara."

Nilapitan ni Atobe si Naomi at hinawakan nito ang braso ni Naomi. Hindi tumayo si Naomi.

"H-hindi ako makatayo." Mahinang sinabi ni Naomi.

"Tsk. Oo nga pala. Shishido, alalayan mo si Noguchi. Samahan mo kami papuntang ospital. Tara."

"O-oo. Tara Noguchi."

Lumabas na ng clinic si Atobe at nauna na syang maglakad. Naiwan si Shishido at Naomi sa clinic. Natagalan sila sa loob dahil …

"O-oi Noguchi! Ang bigat mo! Umayos ka nga kung di ilalaglag kita!"

"Che! Ewan ko sa'yo. Tara na! Iiwan na tayo ni Atobe-sama!"

"Tss. Nakakayamot talaga mga fangirls."

"Che! Tara na sabi eh!"

"Oo! Wag ka magulo ang bigat mo nga!"

Lumabas na sila ng clinic at naglakad papuntang gate. Pagkarating nila sa gate ay nagulat sila dahil sa nakita nila …

"A-ang haba ng kotse ni Atobe-sama!"

At agad naman syang binara ni Shishido. "Syempre mayaman sya eh, sira."

"Ano? Ang sama mo talaga!"

"Oo matagal na."

Habang nagtatalo sila ay binuksan ni Atobe ang bintana nya sa kotse nya.

"Oi. Masyado kayong maingay. Pumasok na kayo sa loob."

"O-oo." Sagot nila Naomi at Shishido.

Bago pa sila pumasok sa loob ay sinisi ni Naomi si Shishido kung bakit sila napagalitan ni Atobe.

"Ikaw kasi Shishido-senpai eh! Inaway mo pa ako."

"Heh. Masyado ka kasing inosente."

Nang pumasok na sila sa loob ay biglang nanahimik si Naomi. Magkatabi si Naomi at Shishido, at katapat naman nila sa kabilang upuan si Atobe.

Nag-uusap lang sina Shishido at Atobe, si Naomi ay walang kaalam-alam sa pinag-uusapan nila. Kaya dahil dun ay nakatulog si Naomi. Napansin yun ni Atobe kaya sinabihan niya si Shishido.

"Oi Shishido. Tinuro si Naomi Nakatulog yung kababata mo."

Tinignan ni Shishido si Naomi at sinabi nya sa kanyang sarili, "Hay nako, antukin talaga." Kaya sinabi ni Shishido kay Atobe, "Hayaan mo sya. Di na nya kailangan ng sasandalan ng ulo niya."

"Hahahaha. Sige na. Isandal mo na yung ulo niya sa balikat mo. Alam ko namang kanina mo pang gustong gawin yun eh. Nahiya ka pa, heh."

"H-huh? Anong ibig mong sabihin?"

"Tingin mo pa lang sa kanya, alam ko na. Na may gusto ka sa kanya …"

Nagulat si Shishido sa sinabi ni Atobe – dahil nalaman na ni Atobe na may gusto si Shishido kay Naomi. Sinabi ni Shishido sa kanyang sarili, "Tss. Kahit kalian talaga magaling magbasa ng utak tong si Atobe." Nang sinabi ni Atobe na may gusto si Shishido kay Naomi ay agad nitong pinagkaila ang sinabi ni Atobe.

"Wala akong gusto sa kanya! Wala akong interes sa mga babae, lalo na sa gaya nya. Tss …"

Tumawa si Atobe kaya sinabi nitong, "Heh, talaga lang, huh?"

Maya-maya ay biglang prumeno ang sasakyan nila Atobe kaya napa-yuko ang mga tao sa loob ng sasakyan nila.

"Anong nangyari?" Tanong ni Atobe sa nagda-drive ng sasakyan nila.

"Bigla po kasing nag-kulay pula ang stop light. Pasensya na po, Master Keigo. "

"Ayos lang." Mahinahong sagot ni Atobe.

Dahil sa biglang huminto ang sasakyan, ang ulo ni Naomi ay napasandal sa balikat ni Shishido. Nagulat si Shishido nang nangyari iyon.

Nag-smirk si Atobe. "Heh. Nangyari na ang gusto mo, huh?"

Namula si Shishido sa sinabi ni Atobe, pero agad nyang dinipensahan ang sarili niya. "H-hindi ah! Tigilan mo na nga yan. Hindi na nakakatuwa."

"Tss. Bahala ka. Basta tama ang sinabi ko. Hindi pwedeng magkamali si Atobe Keigo-sama" Pagkatapos nun ay ipinikit ni Atobe ang mata nya para umidlip.

Si Shishido ay talagang nagulat sa nalaman ni Atobe. "Paano kaya nya yun nalaman. Halata ba talaga? Pa'no ba ako tumingin sa kanya? Naku naman. Makaidlip na nga lang!"

Umidlip na rin si Shishido. Lahat sila sa likod ng sasakyan ay nakatulog. Maya-maya gumising si Atobe. Pagkakigising ni Atobe ay tinanong nya ang driver nya kung wala pa ba sila sa ospital. Sumagot ang driver na grabe ang daloy ng trapiko kaya matatagalan pa bago sila makarating sa ospital. Kaya naman si Atobe ay dumungaw na lang sa bintana, sa sobrang kaburyongan.

Napansin niya na nakatulog na din pala si Shishido. Natawa sya dahil nakasandal ang ulo ni Shishido sa ulo ni Naomi. Tinitignan lang niya ang dalawa. Pero nagising bigla si Naomi dahil nabigatan yata sya sa ulo ni Shishido. Idinilat ni Naomi ang mata nya at nakita niya si Atobe. Nagulat sya dahil nakatingin sa kanya si Atobe. Ganun din si Atobe. Namula tuloy si Naomi at bumilis ulit ang tibok ng dibdib niya.

"Ah, Atobe-sama … Kanina ka pa po ba nakatingin?" Marahan niya itong sinabi.

"Heh. Hindi naman. Tinitignan ko si Shishido. Natatawa kasi ako sa kanya eh."

"Eh? Bakit ka naman po natatawa kay Shishido-san?"

"Heh. Wala lang. Basta sa 'kin na 'yon. Nga pala, siguro ngayon nararamdaman mo na yung sakit diyan sa tuhod mo, huh?"

"Uhm, m-medyo."

"Hm. Pasensya na kung matatagalan pa ang pagpunta natin sa ospital. Traffic kasi ngayon eh."

"A-Ayos lang! … Ano, Atobe-sama, p-pwedeng magtanong?"

"Oh?"

"Hmm … Kanina pa ba ako natutulog?"

"Heh. Oo. Ang cute mo ngang matulog eh."

Nang marinig ni Naomi na sinabi iyon ni Atobe ay namula sya, kaya idineretso niya ang upo niya at di makapagsalita. Yumuko na lang siya sa sobrang hiya. Dahil dun, ang ulo ni Shishido ay napunta sa kabilang side niya, at nauntog sa pintuan ng kotse ni Atobe. Kaya naman ay nagising si Shishido.

"Aray!! Oi Noguchi! Bakit ka ba biglang umupo nang diretso! Di mo man lang inalalayan ang ulo ko! Sira talaga …"

Napansin ni Shishido na biglang tumahimik si Naomi kaya tinanong niya ito kung anong nangyari. Hindi ito sumasagot kaya ang tinanong na lang niya ay si Atobe.

"Oi Atobe, anong nangyari kay Noguchi?"

"Heh. Sinabi ko kasi na ang cute nyang matulog. Saka, kanina pa naman siya tahimik, huh?"

"Ah Kala ko kung ano na eh … 'Yan? Cute? Sus. Huwag mong sabihing gusto mo yang si Noguchi? haha! Huwag ka ngang magbiro. XD"

Hindi pumasok sa utak ni Shishido ang sinabi ni Atobe pero narinig niya ito. Kaya huli na nyang na-realize ang sinabi ni Atobe. Nagulat sya dahil sinabihan ni Atobe si Naomi ng cute. Kaya medyo nagselos si Shishido.

"Eh? Ang sama mo talaga senpai!" Binatukan ni Naomi si Shishido

"Bakit? Eh hindi ka naman talaga cute ah! Nakakatakot ka pa nga eh, sira!"

Patuloy sila sa pagtatalo hanggang sa nagsalita si Atobe …

"Pa'no kung sinabi kong oo …"

Nagulat sila Shishido at Naomi sa sinabi ni Atobe, lalo na si Naomi dahil hindi iyon kapanipaniwala.

"Eh? Huwag ka ngang magbiro! Ano namang magandang katangian ng babaeng yan?" Pasigaw na sinabi ni Shishido.

"Tss. Gusto ko sya. Wala kang magagawa. Oi Noguchi, halika rito. Tumabi ka sa kin."

Nang sinabi iyon ni Atobe ay nagulat si Shishido, natawa na lang sya, pero sa kalooban niya ay nagtataka sya kung bakit iyon nasabi ni Atobe. Sa oras ding iyon, nagseselos na si Shishido.

Si Naomi naman ay hindi makapaniwala kaya tinanong niya kung nagbibiro ba si Atobe.

"A-Atobe-sama … N-nagbibiro ka ba? H-hindi iyong magandang biro …"

"Heh. Sa tingin mo nagbibiro ba ako? Umupo ka na rito sa tabi ko."

Hindi makapaniwala si Naomi sa narinig niya. Sumunod siya kay Atobe – na umupo siya sa tabi niya.

Kaya nasabi ni Naomi sa sarili niya, "E-eh? Gusto talaga ako ni Atobe-sama? P-parang hindi totoo. Pero, nang tinanong ko siya kung totoo ba yun, seryoso ang mga mata nya nang sinabi niyang totoo iyon. Haay! Hindi! Baka nananaginip lang ako!"

"Noguchi. Lumapit ka sa kin. Masyado kang malayo."

Sumunod si Naomi s autos ni Atobe. Kaya nang lumapit it okay Atobe ay agad siyang inakbayan nito. Mahigpit ang pagkaka-akbay niya kay Naomi kaya naman namula ulit si Naomi, bumilis ang tibok ng puso niya, at hindi na nakapagsalita – dahil nagulat siya sa ginawa ni Atobe.

Si Atobe naman ay nakatingin kay Shishido at sinabi niya sa kanyang sarili, "Heh. Ano nang gagawin mo Shishido, huh? Pa'no mo aaminin kay Noguchi na gusto mo sya? Titignan ko kung anong kaya mong gawin."