A/N: First Naruto fic EVAR! XD Sasori tribute, kinda late but still effective.

Alaala

Oneshot

"Danna, sabi nila kapag nakakita ka ng lumilipad na ibon, magkakaroon ka ng nais maglakbay…"

Pinagmasdan ni Deidara and katawan ni Hirukong nananahimik sa kanyang tabi. Masyadong payapa ang kapaligiran noong hapong iyon. Maaari nga namang paghinayangan ang magandang pamumuhay ng munting barriong kanilang binabantayan. Ilang oras at ito'y malulunod sa dugo at pagsabog.

Walang itinugon ang kanyang Akatsuki partner at ngumiti si Deidara. Isang minsanang ngiti na nagpapaalalang kahit papaano, siya'y tao parin.

"At bakit mo nasabi yan ngayon?" sagot ni Sasori matapos ang mahabang sandali sa ikinagulat ng kasama.

Naglabas si Deidara ng isang buntong hininga at tumingala. Mistulang inaabot ang langit, itinuro niya ang isang kampon ng ibong lumilipad papalabas ng makapal na gubat sa banding hilaga. Lumipad sila patungong kalawakan bago tuluyang nawala. Ang paglayag ay sinundan ng hanging amihan.

Kung maaari, itinaas na sana ni Hiruko ang kanyang kilay. Sa halip ay patuloy niyang pinagmasdan ang barriong sasalakayin mula sa layong kinatayuan nila.

"Maaari nga…" ang sagot niya.

Lumipas muli ang iilang sandali bago nagsalita si Deidara. "Ne, Sasori-danna. Bakit ka umalis ng Suna?"

Pinagmasdan ng bughaw na mata ang hindi kumikibong Hiruko. Para sa isang taong ayaw magpahintay, matagal-tagal bago siya tumugon.

"Dahil sa hiling ng isang bata…" ang sabi niya at sa mas mahinang tinig, sinundan ng, "O maaaring nakakita din ako ng isang ibon."

Tumindig si Deidara sa hindi inaasahang sagot ngunit bago siya makasalita, tumayo si Hiruko at nagwikang, "Halika na."

- - - -

Dumapo ang dambuhalang ibon ni Deidara sa isa sa mga batong minsanang bumuo ng kwebang pinagdausan ng pagpatay sa Jinjuriki ng Suna.

Ang lugar ay mistulang sinabugan ng bomba. Walang bubong at nakaratay kaliwa't kanan ang mahigit isang daang papet.

Sa gitna ng parang nakausling dais, nakahilata ang katawang papet ni Sasori sa pagitan ng kanyang magulang. Mahigit limang espada ang nakasaksak sa kanyang puso. Tuyot ang kung kaninong dugong nakapaligid.

Waring kinakain ng kakaibang lungkot, lumapit si Deidara at hinaplos ang nakadapang mukha na minsanan lamang niyang nakita.

"Ne, Deidara-sempai," tawag ni Tobin a pilit nagpasama at paligoy ligoy sa nawasak na bato at dumi. "Ba't tayo bumalik? Nakita na naming 'to ni Zetsu-san ah! Aruy!" dagdag na bulalas nang matapilok sa isang lubak.

"Alam ko," sagot ni Deidara nang di lumilingon. "Gusto ko lang Makita ng sarili kong mata…"

Nakakuha siya ng isang tingin kay Tobi bago inokupado ang sarili sa ibang makikita.

Si Deidara naman ay nanumbalik sa katawan ng dating Akatsuki partner. "Hiling ng isang bata kamo?" maramdaming bulong niya. Pinagmasdan niya ang papet na magulang sa kanyang tabi.

Tumayo si Deidara at biniyayaan ng isang huling sulyap ang yumaong danna bago itinawag si Tobi at umalis.

Mistulang inaabot ang langit, itinuro ng kapaligiran ang isang kampon ng ibong lumilipad papalabas ng makapal na gubat sa banding hilaga. Lumipad sila patungong kalawakan bago tuluyang nawala. Ang paglayag ay sinundan ng hanging amihan.

END

A/N: Uh…sana may nakaintindi noon. Please please please forgive wrong grammar and typos. Danna!!! Huhu…