Share sa isang kwarto sina Kumiko at Kaori kaya hanggang sa kwarto ay nagkukwentuhan sila.
Kumiko: Kaori, hindi ka pa ba matutulog?
Kaori: Hindi pa Ate, kailangan ko pa makipagchat.
Kumiko: Chat?! Sino naman kachat mo?
Kaori: Bahala na… maghahanap nalang ako.
Kumiko: Ok. Matutulog na ako at may klase pa ako bukas.
Kaori: Pwede ba ako sumama sayo bukas?
Kumiko: Ha? Ano ulit yun?
Kaori: Kung pwede ba ako sumama sayo bukas sa klase mo?
Kumiko: Pero… pero… isang all boys school ang tinuturuan ko.
Kaori: Ano ngayon kung puro lalaki?
Kumiko: Masyado kang cute! Baka pagkaguluhan ka pa ng mga yun!
Kaori: Sanay na ako Ate…
Kumiko: Basta… dito ka lang bukas.
Kaori: Ehh….
Kumiko: Basta… matutulog na ako.
Dinilaan na lang ni Kaori and kanyang Ate pagtalikod nito sa kanya at itinuloy ang kanyang pakikipagchat. Isa lang ang nag private room sa kanya. Ang pen name na ginamit nya ay Sweetcho.
Blackrider: Hello!
Sweetcho: Hi rin Blackrider!
Sa di kalayuan, si Hayato ay nagchachat din at ang kanyang pen name ay… Blackrider.
Blackrider: Ang ganda naman ng pen name mo… sweetcho…
Sweetcho:Haha… salamat..
Blackrider: Siguro maganda ka rin.
Sweetcho:Hindi ehh…
Blackrider: Naku… sigurado ka?
Sweetcho: oo…
Blackrider: Baka pahumble ka lang?
Sweetcho: Medyo?! Haha!!
Blackrider: ilang taon ka na?
Sweetcho: 18… ikaw?
Blackrider: pareho tayo! San ka nag aaral?
Sweetcho: ah… hindi na ako nag aaral ehh… two years ago pa ako grumaduate.
Blackrider: wow! Ang talino mo pala.
Sweetcho: hindi naman.. haha!! Ikaw san nag aaral?
Blackrider: sa Shirokin High School
Sweetcho: parang narinig ko nay un…
Blackrider: talaga?
Sweetcho: oo. Teacher kasi yung kapatid ko.
Blackrider: sa shirokin?
Sweetcho: hindi ko alam ehh…
Blackrider: ahh…
Sweetcho: punta nga ako bukas sa school niya bukas ehh…
Blackrider: pwede ba tayo magkita?
Sweetcho: parang eyeball?
Blackrider: siguro?
Sweetcho: hindi ko lang alam…
Blackrider: sige na please?
Sweetcho: baka kasi magalit yung ate at lolo ko.
Blackrider: ganun ba?
Sweetcho: oo ehh… sorry ha…
Blackrider: pwede nalang makuha yung cellphone number mo?
Sweetcho:ok!
Binigay ni Kaori ang cellphone number nya. Maya-maya lang bigla itong tumunog.
Kaori: Hello?
Hayato: Hi sweetcho! Tama nga ako, cute ka. Cute kasi ng boses mu ehh..
Kaori: Haha… ikaw din… cute. Pwede ka singer…
Hayato: Hindi naman sa nagmamalaki pero madaming babae ang humahabol sakin.
Kaori: Wow naman!
Hayato: Pero sandali lang. ano nga pla totoo mong pangalan?
Kaori: Ahh… Kaori Yama-,
Na cut ang kanilang pag uusap ng biglang masipa ni Kumiko ang kamay ni Kaori.
Hayato: Hello?!... Hello?!... namatay… kainis…
Pinulot ni Kaori ang kanyang phone pero binaba na ni Blackrider ang kanyang cellphone.
Kaori: Nakakainis naman oh! Hindi ko tuloy alam kung ano pangalan nya. Si Ate kasi ehh…
Natulog na lang si Kaori…
Maganda bah?! Reviewhan nyo naman ohh…
Pretty please?!?!?!?!?!?! Hahaha!!! See you next tym!!
