Disclaimer: Tignan nyo na lang yung last page.
"Ikaw!" Sabay na wika ni Akaya at ng kanyang tuturuan.
Hindi pa rin makapaniwala si Akaya na ang nasa harap niya ay si Tachibana An. Ang kapatid ni Kippei Tachibana na pinadala niya sa ospital. Ang 'mortal enemy' niya. Ang babaeng naging dahilan ng pagkahulog niya sa hagdanan at ang nag-iisang tao na prinotektahan niya kahit na malaki ang galit nito sa kanya. Bakit nga ba niya prinotektahan si An?
"Bakit ka nandito?!" Pasigaw na tinanong ni Akaya sa kanyang tuturuan.
"Ako nga dapat ang magtanong nyan eh! Ang alam ko ang magagaling lang sa Plane Geometry ang kasali dapat ditto, kaya bakit ka nandito?" Tugon naman ng isa.
"Ano tingin mo sa akin, bobo?" tanong uli ni Akaya.
"Oo, bakit hindi ba?" Kilala mo na kung sino ang sumagot.
Sa puntong iyon, napag-isip-isip na rin ni Gng. Torrente na sumabat sa usapan.
"Apo, si Kirihara Akaya ang pinakamagaling sa lahat ng hawak ko, kaya dapat magpasalamat ka at siya ang magtuturo sayo." wika ni Gng. Torrente. Lumipat naman ang tingin niya ka Akaya.
"At ikaw naman lalaki (tunog nagkakasal lang no?), alagaan mo ang apo ko at siguraduhin mong may matututunan sya sayo, or else you will sacrifice." wika ni Gng. Torrente kay Akaya habang tinitigan niya ito ng malalim, yung tipong balak niyang chop-chopin si Akaya pag walang natutunan yung apo niya.
"O-opo…" sabi ni Akaya. Akala nyo siguro si Yukimura lang ang nakakapag pasunod kay Akaya no? Hindi, meron pang isa, at yan ay si Gng. Torrente. Di mo talaga kakayaning magsalita ng tuwid pag ang kaharap mo ay si Gng. Torrente.
"O sige, iiwan ko na kayong dalawa. Mag-aral kayong mabuti ah."
Iniwan nga talaga ni Gng. Torrente ang dalawa. 'Sana po manatili pa akong buhay pagkatapos ng tutorials na ito' dasal ni Akaya. Kailangan nya talagang turuan si An ng mabuti dahil apo siya ng pinakamabagsik niyang guro.
"Haayyy, wala tayong matatapos kung tatayo lang tayo ng ganito. Maghanap na tayo ng pwesto kung saan tayo pwedeng mag-aral." Wika ni Akaya kay An.
"Magaling ka ba talaga sa Plane Geometry?" Tanong uli ni An.
"Si Gng. Torrente na ang nagsabi di ba? Bahala ka kung maniniwala ka o hindi" sagot naman ni Akaya. "Di ka lang siguro makapaniwala na ang taong pinaka-ayaw mong makita sa buong buhay mo ang magtuturo sayo ngayon."
Hindi na lang sumagot si An. Lumakad sila ng lumakad hanggang sa makarating sila sa ilalim ng puno.
"Dito na lang muna tayo mag-aral," mungkahi ni An kay Kirihara.
"Sige, maupo na tayo dito."
Umupo na nga ang dalawa. Nilabas na ni Akaya lahat ng mga libro niya, ang notebook niya sa Plane Geometry, ang napakarami niyang scratch papers at ang kanyang coloring pencils. Kailangan ang coloring pencils sa pagdo- drawing ng geometric figures kaya niya dinala, hindi dahil nagiging- isip bata nanaman siya.
"Saan ka ba nahihirapan?" Tanong ni Akaya kay An.
"Dun sa pagkuwa ng measurement ng mga interior angles, exterior angles chuva na yan kapag napaka complicated na talaga ng mga figures." tugon naman ni An.
"Chuva? Bakla ka ba?" Pang-aasar ni Akaya.
"Hoy, babaeng-babae ako!" Sagot naman ni An.
"Babae, pero siga. Nagawa mo pang awayin ang Demon Ace ng Rikkai!"
"Demon Ace, ikaw? Wala ka ngang kwenta." Kilala mo na ulit kung sino ang nagsalita.
"Kayang-kaya nga kitang talunin sa isang tennis match, tapos sasabihan mo akong walang kwenta?" Medyo naiinis na si Akaya.
"Biro lang, biro lang. Masyado ka naming madaling mainis. Pero tandaan mp, kahit anong gawin mo, galit pa rin ako sayo dahil dun sa ginawa mo sa kuya ko."
"Alam ko na yan, kahit hindi mo pa sabihin. Maraming tao ang galit sa akin, dahil sa 'violent playing style' ko. Kahit gaano pa ako magbago, hindi ko na matatanggal ang damage na nagawa ko na." Wika ni Akaya.
Napansin ni An ang pagkalungkot sa mata ni Akaya. Yung mata na tipong puno ng pagsisisi at poot sa sarili, yung parang malapit ng umiyak. Kanina masaya pang magkasama ang dalawa, ngayon masyado nang seryoso ang pinaguusapan nila. Mga teenager nga naman oasyadong prone sa mood swings. XD
Biglang may pumasok sa isip ni An na gusto nyang itanong kay Akaya.
"Bakit mo nga pala ako prinotektahan dati?"
"Ha? Kelan yun? Ang alam ko marami akong sinaktan, pero wala akong prinotektahan…" Tugon naman ni Akaya. Inosente kuno.
"Nung Senbatsu Camp. Patuloy mong sinasabi na kasalanan mo lang kung bakit ka nahulog. Bakit di mo na lang inamin na ako yung naging dahilan ng pagkahulog mo sa hagdanan?" Tanong uli ni An.
"Kasalanan ko naman kasi talaga eh. At pwede ba, tigilan na natin itong walang kwentang usapan na ito. Mag-aral na tayo. Ang pagbagsak mo ay pagbagsak ko rin" Sabi ni Akaya. Kakaiba talaga magpalusot ito. Visitor ata si Akaya palagi ng eh.
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong uli ni An.
"Hindi pa ba nasasabi sa iyo ni Gng. Torrente? Pag bumagsak ang tinuturuan ko sa Plane Geometry, bibigyan ako ni Ma'am ng 65 sa project. Kaya kahit gaano katataas yung mga quizzes, exams at recitation ko, malaki pa rin ang pagkakataon na bumagsak ako sa Plane Geometry. Kaya kailangan mong galingan, or else you will sacrifice." Sabi ni Akaya habang ginagaya si Gng. Torrente.
"Grabe, katunog mo lang ang lola ko. Sige na nga, mag-aral na tayo."
Nag-aral naman ang dalawa. Nagtuturo si Akaya, at nakikinig naman si An. Sino ba naman ang makakapaniwala ang dalawang tao na naga-away lang kanina ay nag-aaral na ng magkasama ngayon? (mood swings). Ngayon, maayos na ang dalawa, hindi na sila MASYADONG nag-aaway, pero may pag-aaway pa rin, pakonti-konti na nga lang, mga once every hour, meron naman cooperation within the two, kaya masasabi atin na mas maayos na sila kaysa sa dati. Kaso, di nala alam na mas gugulo pa ang mga sumunod na araw dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari.
A/N: Hello po! Sorry kung napaka-tagal ng pag-update ko. Napaka dami kasi ng pinapagawa sa aming mga estudyante. Hindi na sila naawa sa aming mga second years… joke lang. Masyado lang talagang maraming assignments na binibigay sa amin at masyado lang talagang maraming laro sa computer na pwedeng laruin. Kaya sorry talaga! At pag-pasensyahan nyo na rin kung meyo walang kwenta yung istorya. Hindi kasi ako masyadong nagpa-plano kung ano yung mangyayari sa susunod, hindi po kasi ako sanay gumawa ng multi-chaptered, usually one-shots lang ang ginagawa ko. Kaya sorry po talaga! Sana po tulungan nyo akong mag-improve! Please leave constructive criticisms!
