A/N: Ang fic na 'to ay for humor purposes lang, hindi ko gusto manira, nantritrip lang po ako. Alam ko namang napakatanyag ni Sasuke kumpara sa akin, salamat po sa nag-review at naghintay.
WARNING: MAY PANINIRA KAY UCHIHA SASUKE
Bakit, Sasuke?
By SoundSparrow
II
Zipper
Kapag tumibok ang puso…
Wala ka ng magagawa kundi sundin ito,
Kapag tumibok ang puso,
Lagot ka!
Siguradong huli ka!
"Brad, bukas zipper mo"
"Mabuti siguro kung ibababa ko muna itong mga librong pinapadala sa akin" ilalapag na sana niya nang biglang nagsalita ang kausap
"Hindi, ako na magtataas"
Pagkatapos ng ginawa niya...
"Teka, dalawang minuto na, 'di mo pa rin ba natataas?"
"Pasensya ka na, na-stuck eh. O ayan, ayos na. Sige brad, may lakad pa ako"
"Salamat Sasuke" balik naman ni Shino. Malayo pa ang lalakarin niya pauwi kaya pabigat nang pabigat ang dalang mga libro habang naglalakad at halos hindi na nga makita ang daan dahil hanggang mata na niya ang taas ng librong nagpatong-patong. Malapit na siya sa bahay nang makita si Sakura. Tumigil muna siya.
"Shino…" bati ng babae
"Kamusta?" balik ng lalake.
"Wala si Hinata sa bahay nila, alam mo ba kung nasa'n siya?"
"Alam ko nagsasanay sila ni Neji pero hindi ko alam saan"
"Ganun ba? Sige pupuntahan ko muna si Kiba, ipapaliwanag ko muna itong inoorder ni Mrs. Inuzuka, tinutulungan ko rin si Ino ngayon" dala ni Sakura ang isang clearbook na ang laman ay iba't ibang magagandang ayos ng iba't ibang klase ng bulaklak na sama-sama. Magaling talaga sa Ikebana si Ino.
"O nga pala Sakura, may mga librong pinapabigay sa 'yo ang Hokage, kakagaling ko lang 'don" Binigay ni Shino ang mga libro kay Sakura.
"Salamat, ah, teka Shino" natigilan si Sakura at biglang napanganga.
"Bakit?"
"Shino, ano yang nasa zipper mo!" gulat na tinanong ni Sakura.
Nilapag na ni Shino ang mga libro dahil nararamdaman na ng mga insekto niya ang pagtaas ng balahibo ni Sakura. Tinignan niya ang ibaba niya, may papel na nakasabit at may nakasulat:
I love you Shino…
- sasu-chan
Laking gulat niya, kanina pa pala siyang naglalakad nakasabit ang papel simula nung tinaas ni Sasuke ang zipper niya.
"SASUKE! LAGOT KA SA AKEN!" sigaw ni Sakura at pagalit na lumakad palayo.
Pagkadating sa bahay, napabuntong-hininga si Shino, may shorts pala siyang suot sa loob ng pantalon. Pero bakit kaya pinag-intiresan pa ni Sasuke ang damit niya? Zipper pa talaga ng pantalon niya. Isa lang ang ibig sabihin niyan…
…bakla si Sasuke…
Kinuha ni Shino ang telepono at nag-dial ng number… number ni Kiba.
"Hello?"
"Kiba, si Shino 'to"
"Oh, brad! Kamusta?"
A/N: Alam kong maiksi, wala rin naman akong idadagdag! Heheheh… Hmmm, ano kayang gagawin ni Shino?
Mga tanong:
Bakit 'brad' ang tawag kay Shino?
Ano ang nilakad ni Sasuke?
Ano ang gagawin ni Sakura?
Abangan!
