A/N: Songfic dapat chapter na 'to pero naisipan ko na lang na ipagsama-sama sa kabanata ang ilang linya sa mga kanta.
Bakit, Sasuke?
By SoundSparrow
IV.
Maalala ko kaya?
-Sasuke hindi ko gusto ang ginagawa mo-
At ngayon,'di pa rin, alam
Kung ba't tayo narito
Pwede bang itigil mo na,
Ang pag-ikot ng mundo
"Teka, ano ba ginagawa ko dito?" dumilat mata ni Sakura at nakita na lang niya ang sarili niya na nakahiga sa kalye. Tumayo siya, wala siyang maalala. Ang tangi lang niyang natandaan ay may pulang mga matang sumalubong sa kanya at pagkatapos, wala na siyang matandaan. Nakapagtataka. Lumingon si Sakura sa kaliwa.
"Ikaw din?" narinig ni Sakura si TenTen na kanina pa pala nakatulala sa kanya. "Natutulog ka rin pala sa kalye Sakura?" tanong nito. Dense. Napangiwi si Sakura.
"Wala ka bang maalala kung bakit tayo napunta dito?" tanong ni Sakura.
"Uhm…" kinamot ni TenTen ulo niya. "Wala… basta, pagkagising ko, nasa kalye na ako, nakatulog na ata ako dito eh,"
"Nakatulog ka? E di ibig sabihin, miyerkules na ngayon?" tanong ng kausap.
"Oo… ganun na nga." Luminga-linga si TenTen. "Siguro…"
"Teka! TenTen, wala ka ba talagang matandaan?" tanong ni Sakura at tumayo na, naglakad siya ng ilang hakbang pakaliwa at pakanan na animo'y parang may tinatandaan at nag-iisip ng malalim.
"Di ba, sabay tayong naglalakad pauwi kagabi? Tapos, basta, yun lang maalala ko, yung iba sa aking alaala, sinilaw ng maliwanag na ilaw… tapos, wala na. Hindi ko nga maintindihan eh." Nag-cross legs si TenTen at nag-cross arms tapos nag-isip din ng malalim.
"Parang may hindi na ako maalala…" biglang sinabi ni Sakura, pero naisip niya na hindi naman iyon mahalaga, o kung mahalaga man, naisip niyang sayang lang ang oras niya pag-isipan iyon kaya winalang-bahala na lang niya. "Wala naman sigurong masamang nangyari sa atin kagabi."
"Ako sigurado, naka-kandado panloob ko." Tugon ni TenTen. Walang puna si Sakura sa sinabi ni TenTen, naisip na lang niya na ang babaeng para kay Neji ay hindi talaga kayang tumbasan ng Neji fangirls.
"Tara TenTen, uwi na tayo, nagbakasyon sa si mama, kaya ligtas ako sa sermon. Ikaw, hindi ka ba hahanapin sa inyo pag hindi ka nakakauwi sa gabi?"
"Hinahanap ako ng magulang ko, pero hindi sa bahay namin…"
Ang ugali mo'y iba
Hindi bagay sa 'ting dalawa
Pakiusap sana
Makisama ka naman wag kang balahura
HYUUGA ILABAS MO ANAK KO!
"Neji, tinatago mo ba si TenTen sa kwarto mo?" tanong ni Master Hiashi.
"Teka, bakit naman ganyan kayo magtanong?" paghihinala ni Neji, naging transparent na rin ba siya gaya ni Hinata para mahalata?
"Pinalitan mo ng anyo?"
"Hindi ako gumagamit ng simpleng technique"
"Tinanan ng clone mo?"
"Hindi ako desperado, teka, tanan? Ano ba nangyayari?"
"Andyan magulang niya, sa tingin ko may pananagutan ka"
"Wala akong alam kay TenTen, sabay sila ni Sakura umuwi kagabi. Kasama ko nga si Hinata eh." Kampante, pero sa loob-loob naging defensive si Neji, wala naman talaga siyang ginawa, sinusubukan ba ni TenTen bumawi sa kanya?
"E di harapin mo magulang niya"
"Teka tito! Ilalagay niyo ba ako sa panganib? Alam mo namang inosente ako!" sumabog na. Ayaw talaga ni Neji makita magulang ni TenTen. Nag-alala bigla si Neji kung meron mang may nangyari kay TenTen pero hindi niya alam, tiyak na may masamang puna ang makakarating sa magulang niya.
HYUUGA! BINAHAY NG PAMANGKIN MO ANAK KO ANO?
Tatay. Tatay ni TenTen. Kinakalabog niya ang pintuan ng bahay…ehem… mansyon ng Hyuuga. Tumagal ang kanyang pakikipaglaban sa bakal na gate ng mga Hyuuga.
"Wala dito si TenTen"
Tumigil tatay ni TenTen sandali.
"Hyuuga, san mo dinala anak ko?" galit na galit na sinigaw ng tatay ni TenTen. Sinundan ito ng pang-iiskandalo at nakatawag-pansin sa maraming tao.
Mula sa kabilang kalsada...
"Tinanan ba ni Hyuuga Neji ang anak ng eskandalosong iyon?" tanong ng isang babaeng usyosero
"Hay naku mare, ang gaganda naman ng anak natin, bakit kaya hindi isa sa kanila pinili ni Hyuuga Neji?" sabi naman ng kapitbahay niya.
"Ah, oo nga, at yung TenTen na iyon, basagulera pa! Sayang ang gwapo nga kaso hindi marunong pumili ng babae niya!"
Balik tayo sa kabilang kalsada...
"Ginoo, kung anak mo tinatanong mo, wala akong alam. At wala akong interes sa anak mo. Hindi pambabae katawan niya, kaya kung nawawala siya, wag mo hanapin dito." sinabi ni Neji. Pumapasok na sa kanyang imahinasyon ang kumukulubot na mukha ng tatay ni TenTen sa kabilang bahagi ng gate, pero dahil nakikita ng Byakugan niya ang kabilang bahagi, napansin niyang tumigil lamang sa pagsisigaw ang tatay ni TenTen at lumingon sa likod.
"HOY NEJI! Anong sinasabi mong hindi pambabae katawan ko?" si TenTen naman ang siyang sumugod sa gate ng mga Hyuuga. Nagulat tatay ni TenTen dahil sumulpot lamang mula sa kung saan anak niya, sa gulat niya natahimik na lamang siya.
"Macho ka" ang sagot sa kabilang bahagi at isang ngiti mula kay Hyuuga Neji.
Tell me why, ain't nothin' but a heartache
Tell me why, ain't nothin but a mistake
Tell me why, I never wanna hear you say
I wan't it that way
"Simula pa lang 'to" at nagbigay siya ng smirk. Habang tinandaan niya na para bang nakasalamin ang plano niya.
Gabi. Sa likod ng mga puno may mapamatyag na matang nakaabang sa mga taong dumadaan. Bawat kilos nakikita niya.
"Tara TenTen, uwi tayo." Yaya ni Sakura.
"O ba. O Hinata, bukas na lang ah!" pamamaalam ni TenTen kanila Hinata at Neji.
"Teka, TenTen, Sakura, ayaw niyo bang sumabay sa amin, delikadong naglalakad sa oras na 'to na kayong dalawa lang, wala pa kayong kasamang lalake, baka ano pa mangyari sa inyo" pag-aalala ni Hinata.
"Hindi na nila kailangan sumabay, lalake naman isa sa kanila. Tara, antok na 'ko eh" pagmamadali ni Neji pero sa totoo lang namumula na siya dahil bilog ang buwan, malamig ang simoy ng hangin at sila'y nasa Konoha Hill, ang pinakaromantikong venue tuwing Valentine's Day. At ayaw niyang magbago isip niya na umuwi kasama si Hinata, mamaya kasi baka paunahin niya si Hinata at Sakura at iwanan si TenTen dito kasama niya.
"Che. Bakla"
Naghiwalay na ang apat. Magkasama si TenTen at Sakura, si Neji naman at Hinata ay kapwa umuwi na sa kanilang bahay… ehem… mansyon.
Naglalakad sa madilim na kalye ang dalawa nang may marinig silang kaluskos mula sa mga puno. Agarang kumuha ng kunnai si TenTen mula sa bulsa niya. Si Sakura naman, luminga-linga sa paligid, tinitignan kung may mga tao.
"Wala lang iyon. Tara, lakad lang tayo" pero hawak pa rin ni TenTen ang kanyang sandata, at baka sakaling masugod. Malaking gulo ang ginawa nila kanina sa JollyDonald, kaya baka sila naman ang habol ng mga bata ni Tom Boy.
"TenTen,tumigil tayo, parang may sumusunod sa 'tin" sabi ni Sakura.
"Lumabas ka dyan!" sigaw ni TenTen.
May aninong dumaan, tinira ni TenTen, nahiwa ang dahon. Sumablay siya.
"I missed! I never missed!" nagalit si TenTen.
Ngunit sa gitna ng kabilugan ng buwan. May sumalubong sa kanilang mapupulang mata.
Memory seal no jutsu!
At nawalan na ng malay ang dalawa.
"Wala na kayong maaalala" At sinundan ng pagkaluskos pa ng mga dahon.
Nanahimik muli ang gabi, dalawang katawan ang tumila habang ang isa'y misteryosong sumama sa dilim.
Hindi na nilang matatandaang bakla si Sasuke. Matagal niyang sinubaybayan ang bawat episode ng Men in Black para lang magaya ng kanyang Sharingan ang memory eraser na ginagamit ni Will Smith. At sa kabutihang-palad ay nagawa niya ito ng tama. Maraming beses na niyang sinubukan ito kay Kiba ngunit nabigo siya. Pero kagabi nung palabas na siya ng JollyDonald at bitbit niya si Shino nagawa niya. Perpekto. Natulala lamang si Kiba at nahimatay.
Tapos non, ginamit pa niya kay TenTen at Sakura, ngayon may sikretong sandata na siya! Anong saya!
Sa sobrang pag-iisip ni Sasuke sa katahimikan, hindi niya napansin na si Hinata ay nakapasok sa silid niya at kasalukuyan ng nasa harapan niya. Sa kadalasang itsura ng mukha ni Hinata, malungkot pero walang makitang bakas ng takot at kaba. Hinarap siya ni Sasuke, ngumiti lang si Sasuke gaya ng paangas nitong ngiti.
Sinampal ni Hinata si Sasuke, at umiyak. "Sasuke, hindi ko gusto ginawa mo! Nalaman ko kelan lang na pinagsamantalahan mo ang kaibigan kong si Shino!" Tuluyan na siyang umalis.
Sumimangot si Sasuke pero hindi na niya hinarot si Hinata o sinabunutan, hinayaan na lang niya itong umalis.
Ang mahinhing Hyuuga ay dumiretso sa kanilang tahanan na mukhang dinayo ng mga tao dahil maraming kalat sa daan, pinapasok siya ng mga bantay at dumiretso sa kwarto niya, tinatakpan ang kanyang mata kahit na alam naman nila na umiiyak siya. Sa salas ng kanilang bahay ay dinaanan lang niya si Hanabi na gumuguhit ng mga anime characters na madalas na napapanood sa TV. Nabahala ang bata sa kinilos ng kanyang ate. Napansin din ni Neji na may dinaramdam ang pinsan nang makitang tahimik at mabilis na nagkulong sa kwarto.
"…Basted siguro" mababang binulong ni Neji sa sarili.
…itutuloy…
A/N:
Abangan!
Ang pangalawang pagtatangka kay Shino!
(Last update - 05-18-12)
