Bakit, Sasuke
By SoundSparrow
V.
Zipper ni Shino
(part 2)
-Huwag hayaang malugi si Shino-
Nagising si Shino sa ospital. Nakita niya si Kiba na nakaupo lamang sa tabi niya, tinapik niya ito sa balikat.
"Gising ka na pala brad" bati ni Kiba.
Tahimik na muna si Shino. May parang kakaiba kay Kiba, pero hindi nasisigurado ni Shino.
"Teka, may naaalala ka ba?" tanong ni Shino.
"Naaalala na ano?" tanong ni Kiba.
Sigurado na.
"Kagabi dun sa JollyDonald. Yung babaeng kadate mo don"
"Meron akong ka-date, pero nakalimutan ko na ano nangyari, masyado akong napagod eh." Balik naman ni Kiba pero sa totoo lang ay nagagambala siya kung yung tungkol kagabi ang pinag-uusapan, alam niyang may nangyari pero parang hindi niya maalala. Matagal na napaisip si Kiba.
"Brad, magbabanyo muna ako" sabi ni Shino at tumayo sa kanyang kama.
"Out of order banyo dito sa kwarto, dun pa sa baba gumagana" sabi naman ni Kiba.
"Oh, bakit naman?"
"Nakikitubig sa atin ang Suna"
"Ganun? Oo nga pala, o sige, sa baba na lang ako gagamit" sabi naman ni Shino. Sa likod ng utak niya, ngayong nakikitubig na ang Suna, nakikisabay pa ang mga kakaibang pangyayari sa Konoha
"Bumalik ka ah, papagalitan ako ng nurse" sabi ni Kiba
Bumaba si Shino at pumasok sa banyo. Binukas niya zipper niya at naglabas ng sama ng loob.
-Ano naman ginawa ni Sasuke kaya Kiba?-
Imposible. Kung walang maalala si Kiba, e di may kung anong ginawa si Sasuke. Patay-sindi ang ilaw sa banyo. Sa kakaisip kay Sasuke biglaan namang pumasok ang hindi inaasahang joding na macho sa banyo pero buti na lang patapos na si Shino, dali-dali na sana siyang aalis nang biglang hinarang siya ni Sasuke. At sa sobrang pagmamadali ni Shino, nakalimutan niya ang pinakaimportanteng bagay para makaalis sa sitwasyon. Bukas zipper niya. Ipit siya sa isang hindi inaasahang eksena, kasama ang hindi inaasahang bakla.
At ngayon kaharap niya…Ang sexy, macho-gwapito na bading. Nakakadiri, susuka na sana si Shino..
Kinilig si Sasuke sa eksena. Dahil literally, silang dalawa lang ang naiwan! So, wala namang guard or other men using the room! Ito na ang oras Sasuke, tutuluyan na niya si Shino nang hindi ma-in love kahit na kanino! Eto na, pagkatapos ay magpapaliwanag siya sa kanyang katauhan. Maiintindihan naman siya ni Shino, alam niyang may mabuti itong puso.
Patay-sindi ang ilaw.
Tama kaya siya?
Isa lang ang tanging paraan para malaman!
Kailangan lang niya isagawa ang First Move Up.
Alam niyo ba yon?
Hmmm… kung hinde, basahin niyo paano gawin ni Sasuke!
"Nakalimutan mong itaas" at tinaas ni Sasuke zipper ni Shino.
Mali si Sasuke sa inaakala niyang magiging mabuti sa kanya si Shino. Ang pagtunog ng ilaw sa shades ni Shino ay narinig at alam ni Sasuke, hindi ito nagustuhan ng kanyang pinararamdaman. Bumiak ang tiles sa pader ng banyo sa naging reaksyon ni Shino.
-Kapal mo ah-
Sinapak ni Shino si Sasuke sa kaliwang mata.
-Ayaw ba ni sexy beast nakataas zipper niya?-
Natamaan na talaga si Sasuke. Hindi matino ang naisip niyang sunod na gawin. Dahil sa pang-asar ang next move niya. Binaba ni Sasuke zipper ni Shino, at sinundan ang kanyang kanang mata ng mas malakas na suntok. Bull's eye.
-Bastos kah!-
Lumabas na lang si Sasuke mula sa banyo na bugbog ang mukha, habang nag-warm-up muna si Shino sa loob, pinaghahandaan niya ang paglabas niya at pinag-iisipan ang kaniyang paliwanag sa nakakahiyang nangyari sa kanya. Sinubukan siyang pagtangkaan ni Sasuke for the second time at hinayaan lang niya na makalabas na sapak lang sa mukha ang nakuha!
Habang si Sasuke, sawing naglalakad sa kalye.
I'm all out of love,
I'm so lost without you,
I know you were right
Believing it's so wrong
At patuloy na tumugtog ang musika sa kanyang utak. Oo, hinayaan niya si Shino na saktan siya, at ngayon ay nagalit pa. Ayaw ba talaga ni Shino sa kanya? Hindi naman siguro. Wala na siyang pag-asa sa taong iyon, pero hindi, hindi dapat siya mawalan ng pag-asa. Naging agresibo lang siguro siya. Kailangan lang siguro ibahin ang panimulang pakikitungo. Hindi sumusuko ang isang Uchiha.
Ayos.
After 30 seconds, nawala ang lahat ng sakit ng panga niya, bumalik sa dating gwapong anyo si Sasuke.
"Uchiha, ano nangyari sa mukha mo?" tanong ni Nara Shikamaru nang nakasalubong sa kalye ng Konoha.
"Nakita kong nakababa zipper ni Shino, tinaas ko, kaya eto sinapak ako" sagot ni Sasuke. Wala siyang itatago. (except the fact na bakla siya). Alam niyang matalino si Shika, pero alam din niya na masyado ng mataas ang common sense at logic ng taong ito at hindi na halos mauunawaan ang ilang talinhaga. Boys will be boys. Hindi niya maiintindihan ang mga bakla. Unless na lang kung bakla rin si Shika, pero sigurado si Sasuke na straight si Shika kaya (hopefully) hindi niya masyadong maiintindihan.
Bigla lang napatahimik si Shika, hindi niya mapaniwalaang kinakausap niya ang taong ito! He hates this guy! (or fag, kung alam lang niya). Pero kung si Shino lang pala, bakit kaya hinayaan lang ni prodigy masaktan siya? Ano kaya dahilan? Mukhang mahihirapan siya gamitan ito ng logic. Lalo na sa zipper, kaya naman itaas ni Shino mag-isa, at kung nagmagandang-loob si Sasuke para itaas ito parang kakaiba naman ata? Parang hindi si Sasuke?
"eh bakit dalawa iyan?" tanong ni Shika, expecting na naglaban ang dalawa.
"Akala ko ayaw niyang nakataas, binaba ko uli"
"Lakas ng trip mo…" pang-asar ni Shika. "Tahimik na tao pinagtritripan mo, sige una na ako" at naghiwalay na ang dalawa. Naiwan sa isipan ni Shika ang nangyari kay Sasuke, gusto sana niya sabihin kay Ino pero huwag na lang. At least, may alam siyang hindi alam ni Ino. At natutuwa talaga siya. Ang hindi lang niya makuha, bakit nagpasakit si Sasuke? Hindi maabot ng logic niya.
Balik sa ospital...
"Teka nga, bakit ang tagal mo?" tanong ni Kiba. Buti na lang hindi pa dumarating ang nurse dahil mapapagalitan siya.
"Wala." Yun lang sinabi ni Shino at humiga sa kama. Sa tagal niya sa banyo wala siyang naisip na palusot pero ayos lang dahil ngayon nakabawi na siya, at babawian niya uli yung baklang yun pag sinubukan uli non pagtangkaan siya. Isang ngiti ang dumungaw sa kanyang mga labi nang inisip niya muli ang eksena. Ang banyo, ang zipper at ang sapak sa mukha ni Sasuke. Naaalala pa ni Shino ang nagawa ng kamao niya. Mapula ang pisngi ni Sasuke, namamaga at sigurado siyang napasaan niya. Ang mga matang itim na nagbabago ang kulay sa pula ay natatakan ng black eye, magkabila! That wasn't so bad after all!
-Nakabawi ako sa bakla-
"Nga pala, bakit ka nasa ospital?" tanong ni Kiba. Hinarap ni Shino si Kiba, malapit silang magkaibigan, at ayaw niyang magtago ng kung anuman dito. Gusto niyang hindi na lamang magsalita, pero babangungutin lamang siya ng kanyang kunsensya kapag hindi niya nasabi.
-Sasuke, alam ko may ginawa ka rin kay Kiba…-
"Alam mo Kiba…" napatahimik ng sandali si Shino, hindi na sana niya sasabihin, pero kailangan...
…itutuloy…
Mga tanong:
Ano na kaya ang nangyari kay Sir Kakashi?
Matandaan kaya nila na bakla si Sasuke?
Sino nagnakaw ng cellphone ni Sakura?
Ano ang magagawa ng galit ni Hinata?
At sino ang sunod na biktima ni Sasuke?
Abangan sa susunod na kabanata!
Barbecue Blues
(Last update - 05-18-12)
