Bakit, Sasuke?
By SoundSparrow
VI.
Barbecue Blues
Ang charka sa tiyan, ay iba
HYUUGA HOUSEHOLD WORD OF THE DAY:
ADIK
Dalawang katawan ang nagsagupaan. Isang may maliit na katawan habang ang isa ay may katamtamang sukat. Mabilis lamang ang laban, parang hangin lamang ang dalawang minuto na lumipas sa mata ng madla. Bumagsak sa sahig ang isang katawan… maliit na katawan… habang ang isa ay nananatiling nakatindig, walang galos, walang pawis, walang pagdududa, at walang bakas ng takot.
…FOR THE FIRST TIME IN THE HYUUGA CLAN HISTORY!
"ADIK KA TALAGA AKIN NA YUNG MIKE!" sumemplang si Neji pagkatapos kunin ni Master HIashi ang mikropono mula sa kanya. "AND THE WINNER BY KNOCKOUT! HYUUUUUGAAAAAAAAAAAAAAA…. HIIIIIIII-NATAAAAAAAAAAAAAH!"
"Tito, hindi po ito Hajime no Ippo" sabi naman ni Neji kahit masakit ang katawan
Walang pakialam ang kanyang tiyo dahil nakangiti siya dahil proud siya sa pinakita ng unica hija niya (pronounce it like you're a horse! Haha)
Hinata, mukhang masyado kang nalululon sa training" puna ni Hiashi at nakangiting naglagay ng kamay sa balikat ng anak at hinimas-himas ang likod.
"Ibig niyo po bang sabihin… yung tinatawag na naaadik?" mahinhing tanong ni Hinata.
"…parang ganun. Teka, kelan ka pa ba natuto ng ganyang salita?" tumigil sa pagbibigay ng coach touch si Hiashi sa anak at tinignan ng masama ang anak.
"Ama, ito lang po ang unang beses na napabagsak ko si Hanabi sa sampung limang (hindi po wrong grammar) laban naming… paano niyo naman pong nasabing… naaadik ako?"
"At kelan ka pa natutong maging bastos? At magsali ng math equation sa sagot mo?"
"Paumanhin" yumuko ng bahagya si Hinata.
"Dapat lang. wala kang galang, simula ng, simula ng nagdikit ka ng poster ni Uchiha sa kwarto mo!"
"ahh, sa totoo lang po, ano po iyon…" tumalikod si Hinata habang namumula.
"… para sa ensayo niya… tinitira niya ng shuriken" sagot naman ni Neji, eto naman talaga ginagawa niya, mambuko… mambisto…
"Neji-niisan!" naapektuhan si Hinata sa sinabi ni Neji sa totoong ginagawa niya sa poster
"T…Tulong" at narinig nila ang isang nagmamakaawang boses mula sa nakabaluktot na katawan
"Hay naku! Punong-puno na ako sa kalokohan niyong dalawa! Kanina pa kayo sumasagot ng pabalang na salita! Tulungan niyo na si Hinata, napilipit katawan niya sa ginawa mo, HInata! Kung hindi ka lang naaadik sa pag-eensayo mo!"
"Hayaan mo na, adik yang si tito" sabi ni Neji para hindi naman magkaroon ng inferiority complex pinsan niya at para makabawi sa pagsasabing adik sa kanya ng tito niya.
"Ano yung nakikita ko? May sinasabi ka Neji?"
"Wala"
"Kayong dalawa ni Hinata maglilinis ngayong araw!" sigaw ni Hiashi
"adik"
"Hindi ko na alam anong gagawin ko Asuma" sa tonong nalulungkot na sinabi ni Kurenai.
-kahit pala malungkot ka, ang ganda mo pa rin-
"Kung gusto mo Kurenai... tutulungan kita..." alok ni Asuma
"Ganun ba, salamat, mapagkakatiwalaan talaga kita"
Ngumiti lang si Asuma. -hehe, meron ako na wala si Gai o Kakashi! Yes... - bakas na kinikilig siya, kahit anong pilit niyang itago ito.
Lungkot na lungkot talaga si Choji, dalawang buwan siyang pinagbawalan kumain ng barbecue, halos mamayat na siya dahil hindi siya nakakakain ng kanyang minimithi. Pero dahil sa isang magandang balita sampung minuto lamang ang nakakaraan, ay siya'y nasiyahan at nag-uumapaw ang ligaya. Maaari na uli siyang kumain ng barbecue.
10 minutes ago...
Nagkita sila ni Sir Asuma alas nwebe-onse ng umaga.
"Chouji, nagpapatulong si Ma'am Kurenai... pwede mo bang imbitahan ang mga kaibigan mo para sa libreng pabarbecue?"
Kalembang sa tenga ni Chouji. Ano yon? Libreng barbecue? oo, yun nga, tama yung narinig niya. At di na niya kailangan pang ipaulit sa Sir Asuma niya. Pero, bakit kaya may pabarbecue, at libre?
Samantala, si Sasuke ay naglalakad
Naruto&Sasuke:
Di niya sinabi pero may nagsabi
Gusto mo yata kasama ka parati
Pero ewan ko... Ewan ko
"Sasuke!" sigaw ng isang pamilyar na boses.
Lumingon si Sasuke at nakita si Naruto. Tumakbo ang kulugo papunta sa kanya habang siya'y nag-aangas sa kinatatayuan.
"Baket, ano na naman bang kalokohan ang ginawa mo... kulugo?" tanong ni Sasuke
"Ha? Ang yabang mo talaga!" sigaw nito, pinadyak niya paa niya sa lupa, sabay cross-arms at inisnab palayo ang mukha. "Tinatanong ko lang naman kung nakita mo si Sakura"
"Hn" pagsusungit ni lalake at tinalikuran si Naruto.
"Kung ganon, e wala ka naman palang kwenta, sige, hahanapin ko na lang siya mag-isa, diyan ka na!"
Kaya ganun, hindi na npihnansin ni Naruto ang inarte ni Sasuke kahit asar na asar siya dito, naglakad na lamang ng nakalagay sa batok niya ang mga kamay at nakataas na mga siko habang pumipito ng isang tono na makakalimot sa pagiging badtrip dahil kay Sasuke. Inisip na lang niya si Sakura, na tanging pakay niya.
Si Sasuke naman, pinanindigan pagiging manhid. Nilagay ang dalawang kamay sa bulsa, medyo nakayuko pero hindi nagmumukhang kuba at mataray... este... masama ang tingin ng mata. Naglakad siya ng (ab)normal niyang paglalakad, yung tipong hindi mo alam kung may malalim na iniisip o nagiinarte na nagsesenti para lang mapansin.
Parehas lang nilang dinededma ang isa't isa.
Pagkatapos ng mahabang oras, napansin na lang ng dalawa na parehas lang ang bilis nila sa paglalakad, at parehas lang ang direksyong nilalakad nila.
Tumigil sa pagsipol si Naruto, tumigil sa 'di mo alam kung nag-iisip o nag-iinarte na mood si Sasuke at parehas silang tumingin sa isa't isa. Isang lugar lang pala ang patutunguhan nila.
"Hoy! Sinusundan mo ba ako?"
Naruto:Naubos na ang pera sa kakalakwatsa
Sasuke:Gusto mo yata parati kang kasama
Naruto&Sasuke:Pero ewan ko... ewan ko
"Pork ramen!" order ni Naruto
"Bayad muna bago kain" sabi ng may-ari
"Hah? Baket? 'Di ba pwede eat now, pay later?" pagprotesta ni Naruto
"Bago na policy namin. Bayad muna"
Tinignan ni Naruto pantalon niya, ibinulsa niya kamay niya at hinila palabas para lang makita (at mapakita) na walang laman bulsa niya.
-sweatdrop-
"Pork ramen nga po"
Tumingin si Naruto sa kanan niya at nakitang si Sasuke ang umoorder. Nakabaliktad pa rin ang bulsa niya habang tinititigan si Sasuke, si Sasuke tumitingin lang din kay Naruto at sa nakabaliktad nitong bulsa.
"Eto na pork ramen mo" at nilapag ang mangkok
Kumuha ng chopstick si Sasuke at nilublob ito sa mainit na sabaw at hindi man lang sinira ang maganda at nakakaakit na itsura nito. Sa tingin pa lang, mukhang ito na ang pinakamalinamnam na pork ramen kesa sa ibang pork ramen na natitikman niya araw-araw! Umabot sa ilong niya ang usok na nagmumula sa mangkok ni Sasuke, nilanghap niya ito at nilunok, hindi pa nakuntento, lumanghap muli siya at sinundan ito, masarap, mabango, it was irresistable! Sobrang sarap talaga kahit hindi pa natitikman! Ang ilong niya ay malapit na sa mangkok nang biglan...
"Naruto"
Bumalik sa katotohanan si Naruto. Hindi dapat niya nilalanghap ang usok ng ramen nitong mayabang na 'to!
Sasuke:
Napapansin mo na yata
Nakakahiya naman
Gusto lang naman kitang pigilan
"Sa iyo toh" at tinulak nang marahan papunta sa kanya ang pork ramen
"Eh ikaw?"
"Pork Ramen Double Extra Large!" nilapag ni Ayame sa harap ni Sasuke. Tinuro ng mata ni Sasuke bilang sagot kay Naruto. Lumuwa ang mata ni Naruto, ang Double Extra Large Ramen ng Ichiraku! ISang beses lang sa isang asul na buwan lang siya nakakatikim nito!
"Lumalamig na ramen mo, kainin mo na yan at baka may magnakaw pa niyan sa iyo" sinimulan na ni Sasuke ang pagkain sa ramen at inalis bigla ang tingin kay Naruto. (Taray sister!Aba'y kung jugageti lang iyan) Bakas sa mukha ni Naruto na nainis siya sa ginawa ni Sasuke "Sa totoo lang nagkamali lang ako ng pagkabili, kung ayaw mo kainin, iwanan mo at ako kakain mamaya pagkatapos nito, -kailangan ata ng isang lalake ng lakas para sa training-" oh shucks, buti na lang hindi siya nadulas at hindi niya nasabi, baka magduda si Naruto 'pag nasabi ang pagkalalakeng iyon.
"Baket ka namimigay? Akala mo ba dahil binigay mo sa 'kin kakain ako? Siguro may lason ito anoh?
"Tumingin ka sa pader katabi mo"
Tumingin naman si Naruto
No Return. No exchange.
"Gaya ng sinabi ko,
kung ayaw mo, ibalik mo sa akin" at hinigop ni Sasuke ang noodles at pinulot gamit ng chopsticks ang pork na nakalutang sa sabaw, hindi niya tinignan si Naruto, nakatuon lang ang atensyon niya sa ramen.
Nang biglang dumating si Shino.
Sasuke:
Napapalingon tuwing ika'y dumadaan
Napapangiti, hindi ko alam ang dahilan
Natigilan si Sasuke, nasa nakabukas na bibig niya ang kalahati ng hipon nang maramdaman niya ang nakatayong binata. Nasubo niya nang buo ang karne at halos hindi ninguya, habang ang mga mata niya ay nakatuon kay Shino.
Namumula siya sa kinauupuan
Alam kong hindi pwepwedeng maging tayo
Pero minsan nag-iiba ang ikot ng, ang ikot ng mundo
Namumula. Nahuhulog ang mga tala.
At parang isang langit ang katahimikang iyon. Isang kadiliman ang bumalot sa kanya, at tumitibok ang mga pulang ilaw sa namumula na Uchiha Sasuke sa kinauupuan.
"Ang yabang mo talaga!"
Sinipa ni Naruto ang batok ni Sasuke. Sa sobrang titig kay Shino ay nawala ang kanyang focus. Hindi pa nakuntento si Naruto ay siniko pa ang spinal column ni Sasuke sa sobrang inis. Dahil sa combo, napalipad papunta kay Shino si Sasuke. Nakita muli ni Shino ang mga matang iyon... mga matang itim, papunta sa pula, at pula, pabalik sa itim. Segundo lang ang tinagal nito.
-Pero hindi uubra binabalak mo ngayon-
Sasuke:
Susmaryosep, 'yung dila ay sumabit
Mapahiya na, 'di na makalapit
Pero ewan ko, ewan ko
"Sasuke" si Shino.
Natigil ang balak ni Sasuke magahasa si SHino on the spot gamit lang ang mga mata. Sa isang sandali ay napigilan niya ang pagsalubong ng katawan nila ni Shino. Hindi siya nakapagsalita, nabigla siya sa pagbiglang pamumulaklak niya kanina at ang lakas ng halimuyak na tumatangay sa kanya.
"Sasuke, alam ko may malaki kang suliraning kinakaharap, sa tingin ko, kailangan, ayusin mo muna ito bago masama sa problema mo si Naruto at masama ka sa kalokohan niya. Kung hindi lang dahil kay Hinata, hindi kita kakausapin..."
"Sasuke, ano yung sinasabi ni Shino?" inis na bwinelta ni Naruto.
Biglang nawala ang tumitibok na pulang ilaw na sabay na tinitibukan ng puso ni Sasuke, nalagas at nalanta ang mga bulaklak at nangamoy bulok ang dating mabangong halimuyak na nakakatangay ng isipan.
Tumalikod si Sasuke at pinamukhang walang interes kay Shino sa pamamagitan ng pakikipaglaban kay Naruto. Binatuhan niya bigla ng shuriken si Naruto, na siya namang nakaiwas.
Suntok. Sipa. Atake. Depensa.
Isang laban. Dalawang malamig na ramen at tatlong binatang naguguluhan sa isa't isa.
"Hoy Sasuke! Ano yung 'suliranin mo' na sinasabi ni Shino? At dinamay mo pa si Hinata!" Mabigat na palo ng kunnai ni Sasuke sa kunnai ni Naruto, mahigpit ang kapit, nanggigigil.
"Wala akong pakialam sa Hinata mo" at nagpatuloy at maingay na pagsalubong ng mga bakal sa isa't isa.
"Kahit naman hindi si Hinata yun Sasuke, may pakialam pa rin ako! Kakarating mo lang dito nangugulo ka na! Ano ba problema mo? Si Orochimau na naman ba yan, ha?"
Wala munang sinagot si Sasuke. Sa ngayon, gusto lang muna niya itago ang namumula niyang pisngi kay Shino. (ay grabe ateh, kakaiba ka rin mag-blush anoh? gumegiyera!)
-siguro ang prublema ko... unti-unti ng nawawala ang nararamdaman ko para sa iyo pero hindi ko pa nasasabi... o napapadama. Kulugo, paano mo ako napapaganito?-
"O tungkol sa pagkatao mo?" sambulat ni Naruto na nagulantang si Sasuke sa pag-iisip.
Pero napapansin mo na yata
Nakakahiya naman
Gusto lang naman kitang pigilan
"Kulugo, wag kang makialam sa buhay ng may buhay"
"Hoy Sasuke! Magsalita ka dyan tungkol kay Hinata!"
"Siya ang may kasalanan... dinamay niya sarili niya"
At muli silang naglaban.
"At paano?"
"Kulugo, akala mo kaya mo ako linlangin sa pamamagitan ng unti-unting paghilis ng usapan para masabi ko paano nadamay si Hinata nagkakamali ka, kung ako sa 'yo, tatanungin ko na lang si Hinata."
"Isang away-pambata? Uchiha, kung ako sa 'yo di ko papatulan 'yang si Naruto"
Sasuke:
Napapalingon tuwing ika'y dumadaan
Napapangiti, hindi ko alam ang dahilan
"Hyuuga" napangiting-angas si Sasuke.
Uminit ulo ni Naruto dahil sa tingin niya ay pagtutulungan na siya ng dalawang mayabang.
"Hoy Neji! Sinama ni Sasuke sa problema niya pinsan mo! Wala ka bang pakialam?"
"Problema? Alam ko si Shino at Sasuke merong problema, sigurado ako hindi naman ganung kabobo si Hinata para idamay sarili niya"
"Ang sasama niyo talaga!" naubos na ang pasensya ni Naruto. Tama na, sobra na...
KAGEBUNSHIN! at dumami si Naruto!
Tapos bigla lang lumitaw itong si Chouji, na parang hindi nila napansin ang malaking katawan nito na paparating.
"Hi guys, may pa-barbecue si Ma'am Kurenai at Sir Asuma, gusto niyo sumama?"
"Mamaya na lang Chouji! Tuturuan ko muna 'tong mga 'to!" sa sobrang init ng ulo ay napalibutan siya ng hindi-mawaring lakas na nagmumula sa kalooban... Siya at ang mga Naruto clones ay galit na galit kay Uchiha Sasuke at Hyuuga Neji... Sasalakayin na nila ang dalawa
...nang biglang tumunog nang napakalakas ang tiyan nila nang sabay-sabay.
Sasuke:
Alam kong hindi pwepwedeng maging tayo
Pero minsan nag-iiba ang ikot ng, ang ikot ng mundo
"Kayo na lang" sabi ni Neji at umalis.
"Una na rin ako" sabi ni Sasuke na namumula pa dahil andyan pa si Shino.
"Naruto, sabi ni Ma'am Kurenai libre daw... ano?" aya ni Chouji.
"Tara Chouji, mas mabuti pang mabusog sa karne, kesa sa sama ng loob!"
Balika natin ang eksena ni Kakashi...
"Bakla ang estudyante ko"
Katahimikan. Ilang sandali lang naman, bumati ang halakhakan sa pulong. Napahiya ang Jounin sa harap ng madla dahil sa kanyang sinabi.
"Grabe Kakashi! Ang galing mo magpatawa!" sabi ni Gai na gumigilid ang luha sa dalawang mata.
Gusto sanang magsalita ni Kakashi ngunit ang kagustuhang ito ay tila nilamon lang ng koro.
Hindi talaga nila napigilan ang kanilang tawa, kung anu-anong kabaliwan na ang naibibigay na reaksyon ng katawan nila. Karamihan ay nahulog sa upuan nila pero wala na rin ang sakit na iyon, tumatawa pa rin sila pero 'di rin naman masasabing hindi masakit, dahil parang hindi naman sila makahinga at kagaya ng nangyari (nangyayari) kay Gai ay gumigilid ang mga luha nila.
Sobra na. Kung ayaw nila maniwala e 'di huwag. Gusto na sanang umalis ni Kakashi pero nagsalita na naman si Gai.
"Estudyante ni Kakashi, galing sa angkan ng Uchiha" bumuwelo muna ng kaunti si Gai upang makasagap ng hangin.
"ISANG BAKLA!"
pinasabog niya. "Kakashi ang sakit na ng tiyan ko!" lalo pang lumakas ang mga tawa.
"Pero... totoo. At wala akong makitang dahilan para tawanan niyo" hindi na maganda ang pakiramdam ni Kakashi, estudyante mo naman ba eh, insultuhin ng ganun. Napalapit na si Kakashi kay Sasuke, at para sa kanya, hindi na tamang pagtulungan ng mga kutya ang estudyante niya sa problema nito, ang hindi pagiging sigurado.
"Alam mo Kakashi, wala akong makitang dahilan para seryosohin mo..." nakangiti pa rin si Tsunade, sa ngayo'y nasa tamang lugar na ang dibdib niya na akala mo'y nakalaya sa suporta nito kanina dahil labis na marahas at mapangahas gumalaw sa kakahalakhak.
"Ang gusto ko lang naman ay matulungansa kanyang problema si Sasuke, at kailangan ko ang tulong niyo"
"para sa kabaklaan ni Sasuke!" si Gai na naman at nakisali lahat sa tawanan. Ubos na pasensya ni Kakashi, walk-out na kung walk -out...
nang biglang may sumabog na utot. Kadire, ang baho.
Natahimik ang lahat.
"Hindi ako iyon... mamatay na ang umutot!"
Binagsak ni Kakashi ang pinto sa likod niya. Pagkatapos non ay narinig niya ang mga halakhakan sa loob.
"Bahala kayo" naglalakad sa kalye ng Konoha si Kakashi, iniisip kung ano ang mabuting gawin para sa problema (sakit) ni Sasuke nang bigla niyang napansin na nagmumukmok sa kalsada ang isa pa niyang estudyante na si Sakura.
Pati pala 'to may problema-
Mula sa pagkakasubsob ay inangat niya mukha niya paratignan ang Jounin. Pula ang mga mata sa kaiiyak at tumulo hanggang sa kalye ang uhog, pagkatapos ay sininghot muli niya hanggang umabot sa likod ng utak niya.
"Sir Kakashi, may naaalala po ako..." hagulgol niya. "SIR KAKASHI, NAWAWALA CELLPHONE KO!"
Hindi lang si Sakura ang malungkot nitong araw, ang buong team 8 ni JOunin Yuuhi Kurenai ay nalulungkot din.
Kiba...
Umuwi si Kiba sa bahay nila dala ang resulta mula sa ospital
"Ma, nakauwi na po ako" lungkot na pagbati ni Kiba
"Ang tagal mong nawala... sa susunod huwag ka ng makikipag blind date!" pinagsabihan siya
"Opo mama, hindi na po talaga" sabi naman ni Kiba, talagang hindi na talaga siya makikipagblind date mula ng makwento ni Shino ang mga pangyayari pagkatapos ng blind date niya!
"Kamusta naman ang resulta?" tanong ng mama niya.
Panandalian natigilan si Kiba, tinitigan and envelope na may nilalaman ng resulta mula sa laboratory. Kinakabahan siya na para bang gusto muna niyang siya ang makaalam bago ang iba.
"Anak ano ang resulta?" tanong ng mama niya.
Alam niyang wala na siyang ibang choice.
"Bubuksan ko pa po" sa bahala ng pag-iisip ay binuksan ni Kiba ang envelope at binasa ng tahimik ang papel na laman nito. Natigilan siya at nanlaki ang mata sa nabasa, hindi makapaniwala. "Hindi maaari" nahulog ang papel mula sa kamay niya. Pinulot ito ni Akamaru at inabot sa nanay ni Kiba.
"Ano 'toh anak? May STD ka? Kanino mo 'to nakuha?" sinigaw ng nanay niya na sa sobrang lakas ay napatahol lahat ng aso nila at napadungaw sa mga bintana ang mga tsismoso nilang mga kapitbahay.
Si Kiba, kanina pa nakasemento sa posisyon niya, bumalik lahat ng naikwento sa kanya ni Shino, sa una ay hindi pa niya gusto maniwala... ngunit nang malaman niya ang resulta ay nagwawala ang kanyang kalooban.
Sumigaw siya ng napakalakas... AAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHH! at sinuntok ang pader ng bahay nila.
At nagsitago ang mga tsismoso't tsismosa nilang mga kapitbahay
Shino...
"Brad may problema ako..." sabi ni Kiba kay Shino.
"Ano 'yon?"
Tumingin muna si Kiba sa paligid baka may makakita. "Pare, nakita ko na resulta ng laboratory ko"
Matagal nakipagtitigan si Kiba at Shino, napalunok si Kiba at hindi makatitig sa mukha ni Shino. "May STD ako" bulong niya kay Shino.
Walang reaksyon si Shino. "May problema din ako Kiba"
"Ano naman iyon?"
"Lahat ng shorts at pantalon kong walang zipper nawala, naiwan sa aparador ko... may zipper"
"Anu problema don?"
"Isang pantalon lang naiwan sa akin"
"O e ano?"
"May phthirus pubis akong nakita don"
Hindi alam ni Shino bakit nagkaroon ng phthirus pubis 'don. Wala siyang phthirus pubis... dahil kung magkakaron siya non, mangagaling sa ibang tao, hindi sa kanya.
Nagkatinginan na lamang ang dalawang magkaibigan na para bang iisa lang ang iniisip.
Hinata...
Kusina, paboritong lugar ni Hiashi na pagalitan si Hinata.
Napaluha na si Hinata. Hindi na dapat lumala kaya't pumasok na siya. Tumingin si Master Hiashi sa pinto at nakita si Neji.
"Magtitimpla lang po ako ng kalamansi juice para kay mama, tito"
Tumayo na si Hiashi at tumalikod kay Hinata. "Ipagpatuloy na lang natin ang training mo bukas. Ayokong kalahating oras pa lang ay sumusuko ka na" at umalis na siya.
Nilampasan lang ni Neji ang nakaupo niyang pinsan at nagsimulang maghiwa ng kalamansi malapit sa lababo. Matapos siyang maghiwa, nakita niyang umiiyak si Hinata.
"May libreng pa-barbecue si Ma'am Kurenai at Sir Asuma" sinabi niya, ngunit parang walang ubra ito sa pinsan niya. "...pupunta don si Naruto"
Tumigil si Hinata sa paghikbi. Pinampunas niya sa mukha niya manggas ng kamiseta niya. "Hindi ako makakapunta salamat na lang" ngumiti siya ng pilit. Nilapag ni Neji ang isang baso sa tapat ni Hinata at tumalikod na ang Kuya Neji dala ang isang baso ng kalamansi juice para sa mama niya.
Sinundan siya ni Hinata.
Sa loob ng kwarto...
"Neji sabi mo magtitimpla kang kalamansi juice, nasan yung sa iyo?"
Hindi dapat nakikinig si Hinata pero binulong na lang niya sa pinto.
"Salamat kuya Neji" at pumunta na sa kwarto niya.
"ininom ko na po sa kusina" sabi ni Neji
"Ganun, parang ang bilis ata?"
"Uhaw po kasi ako. Sige po babalik na 'ko sa kwarto ko"
Sa kwarto ni Neji...
Dial ng number.
"Hello?"
"Pwede po kay Shino?"
"Wala si Shino pinaexamine yung phthirus pubis sa pantalon niya" sabi ng nasa kabilang linya
"A...ano po?" hindi siya makapaniwala... muntik ng mabitawan ni Neji ang telepono "Si SHino may..." napahigpit ang kapit ni Neji sa telepono at hindi na naituloy ang sasabihin sa lakas ng tama ng napakapait na sinapit ng kaibigan. Sa loob loob niya, naaawa siya, alam niyang may konting pagtingin si Shino kay Hinata, at kaibigan ni Hinata si Shino, at nais niyang gantihan ang sinumang gumawa non.
sa kabilang linya... "Tay akin na po yan!" sigaw ng nasa kabilang linya
"Teka akala ko umalis ka na?" tanong ng nakasagot sa telepono
"Hello? Si Shino 'to" Inagaw ni Shino ang telepono mula sa tatay niya
"Si Neji 'to" napukaw ang diwa ni Neji at bumalik sa katotohanan.
"Napatawag ka?" tanong ni Shino
"Yayain niyo ni Kiba si Hinata sa libreng pa-barbecue ng mga Jounin" sagot ni Neji pero iniisip pa rin niya kung tama bang iyon ang sinabi niya kay Shino.
"Yun na nga gagawin namin ni Kiba, papunta na kami sa libreng pa-barbecue ni Ma'am Kurenai"
"Basta yayain niyo, teka lang... may phthirus pubis ka?" tanong ni Neji
"Wala muna akong sasabihin, pinag-aaralan ko pa paano ko nakuha"
"E pare, isang paraan lang naman paano makuha iyan eh, Shino baka may 'di ka nasasabi, delikado yan na-dale ka"
"Alam ko, pero kung paano napunta sa akin nang di ko alam, wala akong maisip na iba. Wala akong ginagawang mali Neji"
"Ganun ,bilisan niyo na dito... bababa ko na 'to... tsaka pare, pag-uwi mo, usap tayo... alam mo naman sa panahon ngayon tayo-tayo dapat magbantayan sa isa't isa, hindi natin alam kung may mas malaking kalaban tayo dito" Binaba na ni Neji ang telepono. Ayaw muna niyang isipin na si Sasuke ang may pakana ng lahat ng ito, kahit na malakas ang kutob niya rito. Nung umuwi pa naman sila mula sa blind date nila Kiba at Hinata, hindi nila kasabay si Shino at Kiba.
-teka, kelan pa naging ganun ka-concerned at team-oriented si Neji?-sa loob loob ni Shino, pero kahit ano pa man ang mangyari, alam ni Shino na kahit muntik ng may nangyaring masama ay sa kabutihang palad walang masamang nangyari sa kanila ni Kiba ng gabing iyon.
Ilang sandali ay niyaya na ni Shino at Kiba si Hinata para pumunta sa pa-barbecue ng mga Jounin.
"Eto, nakabili na ako ng tatlong toyo... teka, si Chouji?" tanong ni Asuma.
Nagulat si Kurenai, at napukaw ang kanyang malalim na pag-iisip. "Pinakiusapan ko na yayain mga estudyante natin sa pa-barbecue"
"...pansin ko di na kayo masyado nag-uusap ng mga estudyante mo. Anong meron Kurenai?"
"Oo nga eh, kahapon nga hindi ako pumunta sa meeting ng Hokage kapahon, para kasing may problema sila, kaso sa kakahanap ko, wala naman akong nakausap sa kanilang tatlo. Nung napagod ako nakita ko nalang sarili ko na nakatayo sa isang tindahan ng mga barbecue at nauwi tuloy ako sa pagbili ng mga 'to.
"Hi Ms. Beautiful... bumili ka na ng barbecue na ito... mura lang"
Napatingin si Kurenai sa tindera. "Magkano po?"
"Para sa iyo 100/kilo"
"Aba'y ang mura naman po..."
"Aaayy, hindi lang yan mura, nakakapag-bigay ligaya pa! Inakyat ko pa ang mahiwagang burol ng kasiyahan ng Fire Country para lamang makatay ang karne ng mga baboy na masaya!"
Sa puntong iyon, naweirdohan si Kurenai... "karne ng ligaya?"
"Aba'y oo naman iha, ikaw, mukha kang malungkot, bakit hindi mo ihawin ito at kainin at i-share sa mga taong malapit sa'yo na nanlulungkot rin?
Napaisip si Kurenai -karne na nakakapagpaligaya? Mukhang magandang idea yun ah-
"Tatlong kilo nga ale"
At nang tumalikod na si Kurenai, the vendor gave a sinister smile and a witch-like laughter... then transformed to someone who looks like a villain.
pagkatapos alalahanin ang pagbili ng barbecue, napatanong si Kurenai."O nga pala Asuma, nakapunta ka ba sa meeting?"
"Hindi eh, pero sabi ni SHizune tungkol kay Sasuke. Hindi niya sinabi kung ano talaga at wala naman silang sinabi sa akin, kung tungkol kay Sasuke, imposible daw na hindi ko pa alam ang tungkol sa kanya"
"Ganun ba? Hindi ko pa kasi nakikita si Kakashi, siya mas nakakaalam"
"Pero kung tungkol dun sa pagdating niya mula Oto, sampung araw na nating pinag-uusapan iyon, malakas kutob ko hindi iyon"
"Kausapin natin mga estudyante ko, baka may alam sila"
Ilang minuto pa ay dumating si Chouji...
"Ma'am Kurenai, Sir Asuma parating na po sila... maliligo lang daw si Naruto, si Shino po niyaya si Kiba at Hinata" sabi ni Chouji sa mga Jounin at pagkatapos ay tinignan niya ang mga barbecue na nakalagay sa mesa, tingin pa lang kinakain na niya ang mga ito.
"Ah ganun ba Chouji, sige yoyosi muna ako" sabi ni Asuma at lumingon kay Kurenai. "Gusto mo magyosi?"
"Sige.." pumayag si Kurenai. "Chouji, pakibantayan muna ang mga barbecue, sandali lang kami ni Asuma"
"Opo Ma'am Kurenai"
Naglakad sa 'di kalayuan ang mga Jounin at nagsimulang magyosi habang nagkwekwentuhan... (malay natin nagliligawan na pala. hehe)
Si Chouji ay naiwan, tinignan niya ang paligid, maliban sa barbecue na nasa lamesa may nakita rin siyang tatlong pirasong barbecue na nakahiwalay sa isang platito. Naisip niyang baka hindi nagkasya sa kabilang lalagyan ang mga barbecue kaya't nahiwalay ang mga ito. Iisa lang naman ang lasa ng mga ito kung iisipin. Walang pakundangan at kumuha siya ng barbecue sa platito.
Habang kinakain niya ang barbecue ay may naririnig siyang kumakanta...
Parami nang parami
Ang mga nagsasabi
Na siya ang piliin ko
Liligaya daw ako
Tiyak na magkakasundo
At hindi ako magsisisi
(O diba?)
Lumingon siya at napansing siya na lamang ang mag-isa at bigla na lamang siyang kinabahan at nagsitayuan mga buhok niya sa braso.
"Sir Asuma, Ma'am Kurenai... nasa'n na po kayo?"
Sa araw man o gabi
Lagi daw nasa tabi
Siya'y laging maghihintay
Siya'y hindi hihiwalay
Lagi daw kaming sabay
At hindi ako malulumbay
(O ang saya!)
Naglakad siya ng kaunti nang bigla na lamang siyang natigilan... sa kanyang nakita.
Sakto! (Sakto!)
Ikaw ang gusto ko
May asim at alat
Magkabagay tayo
Sakto! (Sakto!)
Ikaw ang gusto ko
Parang Datu Puti
Suka at Toyo
Kung tama ang nakita niya, si Uchiha Sasuke ang nakita niyang kumakanta! Nalaglag niya ang hawak na barbecue at tatalikod para tumakbo at makaalis sa lugar na iyon nang nag-beautiful
eyes at nag-flying kiss si Sasuke at hindi ito naiwasan ni Chouji!
-kala mo matatakasan mo ako huh?-
Oh my goodness... parang na-Shinku Haduken si Chouji ng flying kiss ni Sasuke... Ni hindi man lamang niya nagawa ang matrix moves ni Sakura nang nagpalipad ng flying kiss si Rock Lee.
Natumba po si Chouji.
Ilang sandali pa...
"Chouji! Chouji!" narinig niyang sinisigaw ang pangalan niya nila Kiba, Shino, Hinata, Sir Asuma at Ma'am Kurenai.
"Naimpacho yata siya sa barbecue na nakain niya Kurenai!" sabi ni Asuma
"Pero Asuma, hindi pa tayo nakakaluto ng barbecue, paanong makakakain si Chouji?"
Sa puntong iyon, wala ng narinig si Chouji, hinimatay na lamang siya sa impacho.
Sakto namang nagkatinginan si Shino, Kiba at Hinata... at parang mental telepathy ay sabay sabay na sinabi ng utak nila :
- Iisa lamang ang makakagawa nito!-
Mga tanong:
May mabibiktima na naman ba si Sasuke sa susunod na kabanata?
Ano na nga ba ang nangyari pagkatapos ng blind date ni Hinata at Kiba pagkatapos ng Jollydonald?
Magiging maayos pa rin ba si Chouji pagkatapos ng kabanatang ito?
At bakit hindi pa nalalaman kung sino ang kumuha ng cellphone ni Sakura?
Abangan sa mga susunod na mga kabanata!
(Last update - 05-18-12)
