Hyuuga Household Word of the Day:
Hyuugabird
Dahil hindi naman talaga sinabi sa palabas na Naruto kung ano pa ang papel ni Hyuuga Hiashi maliban sa pagiging ama ni Hinata at pinuno ng angkan ng Hyuuga
Lingid sa kaalaman ng ibang bayan ay veterinarian si Hyuuga Hiashi. Isang araw may problema ang aso ni Kiba na si Akamaru, ginagarapata at halos ma-anemia kaya't humingi siya ng tulong sa ginoo.
"Madali lang solusyon diyan..." kumuha ng kung ano si Hiashi sa loob ng cabinet. "Eto! Hyuugabird Thunder for dogs!"
"Epektibo po ba?"
"Oo! Hindi lang mamamatay mga garapata, gaganda pa balahibo ng aso mo!"
"Waw! Hyuugabird Thunder for dogs! Pangalan pa lang ang sarap na gamiten! Maraming salamat po!"
1 week later...
Bumisita si Kurenai...
"Hiashi-sama, tinamaan po ng red mites at kuto mga pansabong namin ni Asuma"
"Madali lang..."Kumuha na naman muli ng kung ano sa cabinet si Hiashi.
"Subukan mo 'tong bagong Hyuugabird Thunder for Roosters!"
"Hyuugabird Thunder?" takang-taka si Kurenai. "Bago 'to?"
"Aba!" nagmamalaki si Hiashi. "Hindi lang bago... Hyuugabird Thunder yan... gawa ng Hyuuga!"
"Maraming salamat po"
Palabas na ng pinto si Kurenai pero tumalikod muli siya upang magtanong kay Master Hiashi.
"Libre po ba?"
"Aba, basta ikaw libre!" at tinignan mabuti ang katawan ni Kurenai.
WHAPAK!
"Aray ko, naman love!" sabi niya sa asawa niya
"Bwiset ka!" sigaw ng nanay ni Hinata at Hanabi at hawak-hawak ang kanyang bakal na pamaypay (akala niyo si Temari lang meron? Hehe)
1 week later...
RADIO ADS.
Endorsers: Asuma, Kurenai at Kiba
Subukan na ang HYUUGABIRD THUNDER! Magaling, mabisa, epektibo, laban sa mga ectoparasitiko!
Sakto namang napihit ni Neji ang tuner ng radyo sa patalastas at biglang napatanong sa tito... (idea niya ang produktong iyon ah?)
"Hyuugabird Thunder? Tito, bakit yun ang pangalan?"
"Ayoko ng Hyuugabird Instant na pangalang sinuggest mo... ang panget..."
Bakit, Sasuke?
By SoundSparrow
VII.
At Nagpasabog ng Kagwapuhan
Si Shikamaru... may makukuha!
Isang umaga ay kumatok si Hinata sa tahanan ng mga Nara.
"Magandang umaga po!" bati niya nang binuksan ang pinto.
"Magandang umaga rin sa 'yo Hinata" bati ng ama ni Shika.
"Nandyan po ba si Shika... maru?" tinanong niya na nakangiti.
Simple lang ayos ni Hinata, pero napakaganda talaga niya. Sa isipan ni Shikaku, kahit sinong binata sa Konoha maaakit niya. Malamang magkagulo ang buong bayan kung malalaman nilang sa ganda ng umaga at sa bahay pa ng mga Nara pupunta ng mag-isa si Hinata. May appeal naman anak niya, at 'di niya aalisin ang posibilidad na magkagusto si Hinata kay Shika.
-Hinde! Alisin mo yan sa utak mo! Malamang inutos lang ng Hokage pagpunta niya!- at pinukaw ni Shikaku ang mga naiisip niya
"Aba oo naman Hinata, ginigising na siya, halika't pumasok sa loob"
Pinaupo si Hinata sa may salas kung saan naririnig niya ang malakas na sigaw ng nanay ni Shika.
"GUMISENG KANG BATA KA!" at sinundan ito ng mahabang sigaw na akala mo, magfa-flying kick sa ere ang ina.
"Hay naku, ganyan talaga 'yang batang yan, matagal matulog pag day-off" napabuntong-hininga si Shikaku at umakyat para awatin ang nagagalit niyang asawa.
"Shikamaru! Hindi ibig sabihing day-off mo pwede ka matulog buong araw! Tumayo ka diyan!"
"... pangalawang araw pa lang ng day-off ko" sagot pabalik ng antok na ninja.
"At may gana ka pang sumagot?"
Hinanda ni Shikaku ang sarili, at baka may lumilipad na kumot, unan o kama na biglang bumulaga sa kanya pagpasok. Inikot niya ang doorknob... at dali-daling yumuko pagkapasok sa loob. Hindi naman siya napansin ng nagwawalang asawa at antok na anak. Mag-iisip pa sana siya ng magandang hirit para tumigil sila, nang bigla niyang nakita...
Ang plantsa na hawak ng asawa, nag-uumapoy ang mga mata, nagngingitngit sa galit at mukhang papasuin si Shikamaru. Oh no, napajaw-drop siya. Nagtransform na ang kanyang asawa! lagot na, baka mamaya ay mawasak muli ang kanilang pader na araw-araw niyang inaayos sa buong buhay niya dahil sa galit ng asawa.
Simbilis ng hangin siyang pumagitna sa dalawa. Tinignan siya ng asawa, tinignan siya ng anak. Natulala siya... ano nga ba sasabihin niya?
"Shikamaru... nasa baba si Hyuuga" "May kailangan sa yo"
Napatahimik ang asawa niya sa sinabi, from halimaw nag-transform siya pabalik sa dating anyo, napaisip ng malalim... Ano naman ang ginagawa ng isang taga-Hyuuga sa kanila?
Humikab si Shika, kalahating gising, kalahating tulog, hindi apektado sa galit ng nanay. Nang marinig niya ang Hyuuga, ay napatanong ito sa antok na boses: "Hyuuga... Ne... ji?" -day-off ko Neji ah? Wag kang madaya makipag-palit ng shift-
"Hyuuga Hinata"
Dumilat ng malaki mata ni Shika at humarap sa ama, hindi makapaniwala.
"Hyuuga Hinata" ulit ng ama.
Tumayo siya at bumaba, walang pagmamadali, walang inis, walang pangamba, basta bumaba siya... naiwan sa taas ang mga magulang niya.
Is this real?
"Magandang umaga Shikamaru!" bati ng matamis na boses ni Hinata.
Oh my G... this is real. "Ikaw lang?"
"Oo... pwede ba kitang makausap?"
"Tungkol san?" wala ang 2 upuan sa salas, nililinisan ng ama niya tuwing Biyernes kaya umupo si Shika sa mahabang sofa katabi ni Hinata.
-Oh shet... dapat makagawa ako ng paraan para makaalis agad dito ang pinsan ni Neji... ayokong napagkakamalang 'kumukuha' ng 'pinsan' o 'anak'... damn-
"Si Hyuuga Hinata nasa baba?" takang tinanong ng ina. Talagang hindi niya ma-gets bakit pupunta ng mag-isa ang isang Hyuuga na babae sa kanila.
"Ba't di ka makapaniwala?"
"Shikaku, talagang di kapani-paniwala! Kumbaga sa buena mano, nagtitinda ka sa bangketa, ang unang bibili sa yo mayaman! Nagpasabog ng kagwapuhan sa Konoha e yang anak mo..."
Tinaas ni Shikaku kaliwang kilay niya nang maubusan ng sasabihin asawa niya.
"...yang anak mo, naging maswerte. Lucky!" na parang wala ng naging kuneksyon sa sinasabi kanina. "Hay naku, tara na nga sa baba!"
Sa madaling salita, first time lang talaga naging ganito ang punta ng isang babae sa bahay nila! Kung si Ino, training lang... iba ang pakiramdam ng isang Hyuuga Hinata sa bahay, iba ang atmosphere, iba ang feeling sa anak nila. Magkahalong emosyon ang nararamdaman ng ina. Ano ba talaga kasi? Hindi niya maintindihan.
Bumaba sila ngunit tumigil ang ina ni Shika at napa-gasp sa narinig!
"Uhm... Shika, walang tao sa opisina ng Hokage, baka gusto mong sumama?"
Sa may taas malapit sa may hagdan ay nakikinig ang mga magulang ni Shika...
"Akala ko ba bababa tayo?" tanong ng ama. Mahigpit na hinila ng ina ang manggas ni Shikaku at pinilit na manatili sila sa may taas. Sa loob loob ni Shikaku, napangiti na lamang siya -E gusto mo rin naman pala ako pagbigyan sa mga pangarap ko sa anak natin eh-
"Narinig mo yun?" tensyonado na nanay ni Shika. .. Eto na ba, eto na nga ba ang matagal niyang hinihintay? Matagal na talaga niyang hinihiling na magka-girlfriend ang anak niya!
"Nag-aaya ang Hyuuga, walang duda! Pero hayaan mo na muna anak mo dumiskarte... kung may gusto naman si Hinata kay Shika..."
Napatingin ang dalawa na para bang parehas lang ang iniisip.
Balik kanila Hinata...
"Ano meron?" tanong ni Shikamaru na inaantok
"Eh, kasi, nag-utos ang Hokage na linisin ang buong building, kaso, dahil holiday ngayon, konting tao lang ang pumasok, mga tatlo lang, si Shizune, si Anko, at ako... sabi ni Chouji pupunta naman daw siya, si Kiba papunta na rin dun... nakasalubong ko... eh, hindi ko naman mahanap sila Sakura at Ino, ikaw, baka gusto mo?" tapos nilaro-laro ni Hinata mga daliri niya.
"Yun lang?" sabay huminga nang mabigat ang dalawa sa itaas...
Akala pa naman nila, yayayain na ng date!
Kapag kung sinong kaklase pumunta sa bahay nila, natataranta na si Shika kahit pa day-off niya, lalo naman ngayong araw na si Hinata pa pumunta, ang hilig kasi magpatawag ng Hokage na yun ng mga ninja kahit walang pasok, wala tuloy kwenta mga day-off nila... oo, pati ibang naging kaklase niya, pinapatawag pag day-off
"Sige na Shikamaru," hinawakan ni HInata si Shikamaru kahit pa amoy bagong-gising sa panis na laway kaharap niya na minumuta-muta pa. "para matapos agad"
Hinata: "Sana sumama ka... mapapagalitan ako ni Shizune pag wala akong mapapapunta dun!"
Tinignan ni Hinata si Shikamaru... tinitigan niya ng mga puti niyang mata na pwedeng makamatay... Tumingin sa mga matang yun si Shikamaru, wala siyang nakita... parang wala nga naman kasing mga mata... kung ibang tao pwede niyang balewalain, o pilosopohin para makalabas sa gulo pero ang problema, pag di niya sinamahan 'tong si Hinata, baka madale siya ni Neji... at baka pagalitan siya ng Hokage...(iniimagine na sasabihin ng Hokage) Hokage: Shikamaru, wala kang kwenta! Chuunin ka pa naman!
Hinata: "sumama ka, sumama ka, sumama ka..."
Shika: "Nakakaasar... di na ko naka-day-off ng maayos... naistorbo tulog ko, pero pag dito lang ako, di naman ako makakatulog ng maayos dahil sa nanay ko..."
Kung sa bagay maglilinis lang naman sila, pwede naman siguro siyang matulog dun, tapos sasabihin niyang maraming pinagawa... hmmm, pag natapos agad ang trabaho marami siyang oras para makanood ng mga ulap
Sa taas...
"Ano ba yan anak! Para kang bato! Nahawakan ka na nga ehh!" sabi ng nanay niya
"Shh... ano ka ba, hinaan mo nga yang boses mo!"
sa baba...
sa likod ng utak ni Hinata, sinasabi niya ng paulit-ulit... sana... sana sumama si Shika... sumasakit na mata niya, baka magkasore eyes na siya sa kakatitig...
Hinata: "sumama ka, sumama ka, sumama ka..."
And after a few minutes...
and a few more minutes...
"Sige, maliligo muna ako... makakahintay ka ba?"
"Ibig sabihin ba nun Shika... sasama ka sa paglilinis?" tanong ni Hinata ng mahinhin. "uhm... tama ba talaga yung narinig ko? tutulong nga ba talaga?
Napakamot ng ulo si Shika
Shika: "Mga babae... pare-pareho... narinig na nga, papaulit pa" "Ano pa ba?" sinabi niya in a soft voice, para mabawasan kasamaan niya sa babae...
"Maraming salamat Shikamaru!" nagwagi siya, girl power rules nga naman oh...
Napayakap siya kay Shikamaru kahit na amoy bagong-gising sa panis na laway at minumuta-muta pa.
Sakto namang nagulat ang buong Nara family at nahulog mula sa hagdanan ang nanay at tatay ni Shika, buti na lang sa super fast handseal ng tatay niya ay naligtas niya mula sa bali sa tadyang ang kanyang minamahal na asawa, at napa-lovers carry pa sila...
"Okey ka lang love?"
Napa-blush ang nanay ni Shika, parang ganitong-ganito ang eksena noong nagtetraining silang dalawa ng isang gabi, malamig at madilim, sobrang pagod na siya noon kaya nahulog siya sa puno at nasalo siya... at nasa ibabaw nila ang puting buwan na sumusubaybay sa isang romantikong eksena... ang eksenang iyon, hinawakan niya ang braso ni Shikaku, papalapit ng papalapit ang labi niya sa...
ANG SUMUNOD NA ALAALA AY RATED PG...
"Love mo mukha mo! Baba mo ko!" sinigaw niya kay Shikaku. iniling-iling niya ang kanyang mukha... goodness... bakit ganun magsisingkwenta na siya! dapat di niya ginagawa ang pagpapantasya sa harap ng mga inosente pa!
"... konting lambing lang ehh..."
Hinawakan ni Shika braso ni HInata at dahan-dahang tinanggal ang pagkakayakap sa kanya. Hindi naka-react si Hinata sa bilis ng pangyayari, natulala na lang siya talaga.
"Natural na nangyayari yan" binulong ni Shika, "sige, maliligo muna ako"
Masakit para kay Shino. Umagang-umaga nagaalburoto mga phthirus pubis na kumapit sa kanya kung kelan di niya malaman.
Ilang sandali pa'y tumunog ang telepono.
"hello?" sinagot ni Shino
"pinsan ko?" tanong ng isang kilalang boses.
"Piolo Pascual?" gulat na tinanong ni Shino.
"Ay sorry... san ba ako tumatawag?"
"Sa Konoha po" sabi niya in a calm voice
"Ah pasensya na. wrong number" at nagbabaan na ng telepono.
Nakakapagtaka na talaga ang mga nangyayari sa Konoha ngayon...
Lumabas si Shikamaru sa banyo...
"Tara Hinata" habang pinupunasan ang mukha.
"Ayos anak! Lalake!" sigaw ng tatay niya...
Hay naku. Sa isipan ni Shika, ano na naman kayang tsismis ang binigay nila.
"O anak, mag-iingat kayo ahh..." sabi naman ng nanay niya. Okey ang transformation, naging ninja good mother ang nanay.
Tinapon ni Shika tuwalya niya sa banyo at lumabas, sumunod naman si Hinata.
Sa opisina...
Kanya-kanya silang mga trabaho. Kahit mga pito lang sila don.
Kiba and Akamaru: sa grounds
Anko: Sa first floor (lalo na sa pugaran ng mga kalapati nila)
Shizune: Main office
Chouji: Hallways (1st - 4th floor)
Hinata: Pantry and receiving area
Shikamaru: "Teka lang... bakit nakaassign sa 'kin ang mga banyo? Pano yung mga library at mga kwarto?"
"Ba't nagrereklamo ka pa? Alam mo yung library tsaka mga kwarto kanina pa namin yon nilinis! Pumunta ka na don!" sigaw ng pawisang Shizune.
"Shika, tapos ka na ba diyan?" binisita ni Chouji ang kaibigan nang matapos sa ginagawa.
"Imo-mop ko na lang itong sahig tapos okey na" sabi ni Shika
"O sige, punta ka na lang sa Office Lounge pagkatapos mo diyan, may meryenda ng nakahanda don... o sige Shika ah!"
KAPOOF!
Nagmamadaling nawala sa usok ang kaniyang kaibigan
"Basta talaga pagkain mabilis..." sinabi ni Shika, pero hindi siya inis, natawa pa siya. Ganyan talaga si Chouji, hindi makapaghintay. Kung sa bagay, matagal siyang naka NPO o "nothing per orem" o nothing by mouth... sabi ng nurse sa ospital. Kelan lang at naimpacho sa barbecue yung kaibigan niya... sana ay hindi iyon mangyari ngayon.
Nagsimula ng mag-mop si Shikamaru, habang nagmo-mop, ay natapat siya sa salamin. Tinignan niya sarili niya, naku, ang dungis ng itsura ko. Tinignan niya, kaliwa at kanang banda ng mukha niya. Pawis na pawis ang leeg niya, tapos tinignan niya ng matagal ang mukha niya
Hindi matatapos trabaho ko pag ganito...
Bigla naman niyang napansin na misteryosong tahimik ang buong floor ng mga oras na yon.
"Baka nagugutom lang ako..."
KLAG! Nahulog ang mop niya na, pinulot niya ito, at pumatay-sindi ang ilaw.
... "Naku, kung kelan pa ako matatapos saka ka pa mapupundi... Huwag niyong sabihin kukuha pa ako ng bumbilya sa bodega" nakakaasar...
Pero teka, marami naman sila sa labas... syempre naisipan naman siguro nila na walang kukuha ng bumbilya maliban sa... teka, siya nga lang pala ang malapit sa bodega... pero syempre dapat naisip nila na baka hindi niya kunin ito.
Hindi na iyon pinansin ni Shikamaru. Nagsimula na siyang mag-mop sa harap ng salamin, tapos may napansin siyang anino na gumalaw at natanaw ng gilid ng mata niya.
"Sino yan?"
Nag-mop siya at may napansin na naman siyang anino, na sinundan ng nakakilabot na tawa
"Naruto ikaw ba yan?"
Pero siya lang talaga ang nasa banyo, nakatagilid siya sa salamin... kitang-kita na kinikilabutan na siya sa mga pangyayari. nagkakagoosebumps na balat niya.
Nang biglang.
In a flash!
Nakita niya ang mukha ni Orochimaru sa may bintana ng huling cubicle.
BOOM! KRASHHHSHHSHKKRRASSSHH!
Kumulog. Kumidlat.
KRAAGHGHGHGH!
At nagbrown-out.
Kumidlat muli at nag-flash ang mukha ni Orochimaru muli. Napaupo si Shikamaru sa sahig at...
Flush?
Dumoble ang dami ng mga goosebumps sa buong katawan niya.
Siya lang tao dito ahh?
Nagmula ang flush sa huling cubicle, ang huling cubicle na yon...
Madilim at lahat ay nagkumpulan malapit sa bintana ng Office Lounge. Nakabilog sila at sa gitna ay tatlong kandila na itim at mga sitsirya at coke.
"Teka lang Shizune, di ba may namatay na doon sa huling cubicle ng boys' comfort room?" tanong ni Chouji. "K-kasi Shizune... baka multuhin don si Shikamaru!"
Tumawa ng malakas si Anko. At kumidlat sa likod. Bigla namang napakapit sa braso ni Kiba si Hinata.
ooohhh... okey tong brownout na to at namula si Kiba
Balik tayo kay Anko
"Ano ka ba Chouji? Namatay? Lumang kwento lang ng mga kasing-edad ni Tsunade yon"
Bigla namang napatingin si Shizune ng masama kay Anko.
"Pero ano ba talaga ang nangyare?" persistent si Chouji
"Huwag na. Tiyak na magagalit sa aken ang assistant ni Master Tsunade..."
Namula si Shizune. "Sabihin mo na nahiya ka pa. Huwag ka ng mambiten"
"Kung alam ko lang, gusto mo rin naman malaman... hindi ba, Shizune?"
"Sabihin mo na kasi..."
"Buweno..." Nag-handseal si Anko at...
KAPOOF!
Bigla nilang nakita ang kunoichi na may hawak-hawak na shuriken na kasing-haba at kasing-lapad ng nakabukang pamaypay ni Temari
"WALANG MAINGAY SA INYO! ANG MAG-INGAY MATUTULUYAN! MALINAW?"
Tumango lahat ng kausap.
"Para namang kaya namin gawin iyon? Kita mo namang may tatlong itim na kandila sa gitna... syempre kapag nagtsismis kami siguradong lalabas ang mga multo dyan at kakainin kameh!" pabalik ni Shizune.
May lumabas na question mark sa ulo ni Anko.
"Ganun ba yun?"
"Oo! Kaya magkwento ka na dyan!" pag-uudyok ni Shizune
"O sige... Hehe... Kasi ganito yan... ang nangyari kasi don... tayo-tayo lang ahh..." sinabi niya sa mala-ahas na boses at inaya niya na magkumpulan sila sa mas maliit pang bilog. Nakangiti si Anko para sa isang storytelling
"Alam niyo ba kung bakit nakarecord breaking suspension si Jiraiya at Tsunade dati?"
Umiling lahat ng kausap niya.
"Hindi mo alam?" takang tanong ni Anko kay Shizune.
"Hinde... hindi sinasabi ni Tsunade-sama"
"Kawawang assistant..."
Tinignan na naman siya ng masama ni Shizune at nagkaugat sa noo. -Matatamaan sa 'kin ang Anko na to...-
"kasi...ganito yan. Ang hokage's building na ito... ay ginawang academy pansamantala nung inaayos ang talagang academy. At sa huling cubicle ng mga lalake..." Kumuha ng kandila si Anko at itinapat sa ilalim ng mukha niya
"dun pinagtripan si Master Orochimaru ng buong klase niya, pinagkakamalan kasi siyang bakla. Doon siya tinutukso, binubugbog, at kinukunan ng litrato ng naka-pink bunny costume" nag-aala lungkot-lungkutan ang mukha ni Anko at biglang itinatapat ang mukha kay Shizune
"At si Jiraiya... kinulong niya sa huling cubicle si Master Orochimaru... At si Tsunade" tumingin siya kay Shizune... "ang nambugbog kay Orochimaru"
BOOM! KRASHSHSHKRAAGHGHSHSH!
"...ohhhhhh" react ng mga studyante.
"WALANG MAINGAY SA INYO! ANG MAG-INGAY MATUTULUYAN! MALINAW?"
Sama-samang nagkumpulan ang mga estudyante.
"Para namang kanina mo pa sinisigaw yan! Hindi nga namen gagawin noh!"
Kapit-kapit naman ang mga estudyante.
"Oh. This is the life" pamumula ni Kiba
"Teka lang... naiwan ko pala kay Shikamaru cellphone ko" tumayo si Hinata.
"Baket naman na kay Shikamaru cellphone mo?"
"Kasi malalim bulsa niya kaya pinatago ko sa kanya kanina habang papunta kami" kumuha ng isang itim na kandila si Hinata at pumunta sa pintuan habang pinapanood siya ng mga kasama.
"B-baket ayaw bumukas?" pinihit ni Hinata kaliwa, kanan.
"Hindi mo ba alam?" tanong ni Anko
"Na ano? Anko-san?" tumalikod ang nakababata.
"Hindi niyo alam?" tinanong niya ang dalawang ka-genin ni Hinata.
Umiling silang pareho.
"Ano ba tinuturo ng mga Jounin niyo? Kapag nawalan ng electricity supply, kagaya na lang ngayon, brownout, may defense system ang building na ito na maglo-lock lahat ng pinto at tanging Hokage lang ang makakabukas."
...Ganun ba?
"Oh, paano nga si Shikamaru?" nag-tanrums muli si Chouji
Tumigil ang tunog ng flush. Tumigil ang kulog at kidlat. Hindi na muli nagpakita ang mukha ni Orochimaru.
Click!
Ano yun?
Nagpapawis... nagpapawis ng malamig, nangangatog ang paningin
Biglang humihip nang bayulente ang hangin.
WHOOOHIIIEWWW... WHOOOHIIIEWWW...WHOOOHIIIEWWW...
...
At bumuhos ng malakas ang ulan.
Napalunok na lang siya. Hinawakan niya ang doorknob, at inikot ito... at ...hindi niya mabuksan.
Hinde... ulitin naten...
Inikot niya... ayaw.
"Relax" sabi niya sa sarili. Ano ba dapat niya gawin? Tama.
Humila siya ng credit card... kung saan inilalaan niya lahat ng ipon niya para sa babaeng mamahalin niya, kung meron man. Kung wala, nanumpa siyang magpapari siya kagaya ng pagmomonghe ni Sir Asuma. At ibibgay niya sa kawang-gawa ang lahat ng ipon niya. Kapag nagpari siya, kahit gaano man uminit ang dugo niya sa babaeng magpapakulo ng damdamin niya, pipigilan niya, kung kailangan niya magkulong sa kumbento at lumuhod para patawarin siya sa libog niya, gagawin niya yon! Iyon ang kanyang panunumpa...
BOOM! KRASHSHSHKRAAGHGHSHSH!
bilang isang tunay na lalake!
Lumiwanag ang background makikitang si Shikamaru ay may hawak-hawak na credit card na parang ipangpapatay sa pinto na animoy may buhay ang pinto kahit wala naman.
At sinimulan na niya... kinaskas nya ang maliit na pagitan ng pinto gamit ang card na iyon
Anko: at dahil hindi itinuro ng mga Jounin niyo, siya, ako na ang magsasabi ...hindi mabubuksan ang mga pinto kahit anong Lupin-tactics pa ang gamitin mo...
Hindi nawalan ng pag-asa, humila nanaman si Shika ng kung ano sa bulsa niya
Alam niyo ba kung ano iyon?
Aba! Dapat lang at alam niyo!
Syempre. Isang karayom.
Ito ba ay mula kay Tsuchi Kin mula sa prelims ng Chuunin Exams?
Oh my hindi marunong magnakaw ang genius natin! E di ano... hiningi niya? Hindi natin alam!
Hinugot na nga ni Shikamaru ang karayom ni Tsuchi Kin. Pagkatapos ng laban nila ni Temari nawarak ng lumaki niyang muscles ang suot niya! Kailangan matahi iyon agad, sino pa ba ang alam niyang marunong magtahi maliban kay Tsuchi Kin? Na-spot-an lang niyang nanonood ang babae sa audience ay pinatahi na niya ang t-shirt niya!
"tahiin mo"
"oo..eto na"
"teka bakit buhay ka?"
"pag alasdose lang ako ng tanghali nabubuhay. Tanga!"
Oh my.
Naalala niyo ba nung na-genjutsu ng pampatulog ang lahat ng tao sa stadium?
Oo. Hindi natuloy ni Kin pagtatahi niya... maliban sa nakatulog siya, bumalik siya sa hukay, kaya naiwan sa damit ni Shika pagkagising niya ang karayom. At hindi na niyang naalalang dapat pala niya ibalik iyon. Tapos ilang buwan ang nakalipas ay napansin niyang nasa damit niya.
Okey na sanang kwentong Cinderella, pagkat tuwing tanghaling tapat ay humihilata kung saan-saan si Shika para maibalik ang karayom ng babae, kaso ngayon, sa matinding pangangailangan... ay kailangan niyang gamitin ang karayom ... para sa nakakandadong pintong ito!
Fight or Flight: Di baleng mawalan ng karayom ng babae! Makaligtas lang sa nag-aabang na panganib!
Anko: ...kagaya nga ng sinabi ko, hindi yun kaya buksan ng kahit ano. Tsk. Hindi ba talaga sinabi sa inyo ng mga Jounin niyo? O baka natutulog kayo sa klase niyo?
BOOM! KRASHSHSHKRAAGHGHSHSH!
PASOK-LABAS-PASOK
Pinilit buksan ni Shika gamit ang karayom ni Tsuchi Kin. Nalagas na ang karayom sa sobrang pangangalawang at kakapasok kakalabas-pasok-labas.
Hanggang naubusan ng energy si Shikamaru. Ayaw niya pumasok sa ni isang cubicle ng banyo... baka madale siya ng 'di oras. Sa totoo lang dalawa karayom ni Tsuchi Kin sa kanya, pero ayaw na niya subukan. Baka hindi na siya makalaban pag may emergency na dumating.
Hinata: "Parang napanood ko na ito sa mga horror movies... hindi ba't si Sadako at Kayako at Toshio lumalabas sa mga scenario na ganito?"
Napatango ang mga kasama niya sa opisina
THE NUMBER YOU HAVE DIALLED IS EITHER UNATTENDED OR OUT OF COVERAGE ..
"Meendukose" sabi ni Shika mula sa kalayuan...
"Walang signal... 'di ko matawagan kahit isa sa kanila" asar na sinabi ni Shikamaru. Patawarin siya ni Hinata, dahil cellphone ng babaeng kaibigan ang gamit niya.
Gulp. Relax. Siguradong gutom ka lang. Huwag mawalang ng pag-asa
BOOM! KRASHHHSHHSHKKRRASSSHH!
"Ang lakas ng kidlat!" takot na takot na nagtago sa likod ni Shizune si Chouji
"Nu ba yan ang laki-laki mong tao natatakot ka!"
"Eh... nakakatakot! Hindi yun parang ordinaryong kidlat!" nanginginig siya sa pagkakasabi
Flush!
Ayun na naman. Ang flush sa huling cubicle. Nararamdaman na niyang tumatayo ang mga balahibo niya. Isa lang ang ibig sabihin nito... ipinapahiwatig nito ang kakila-kilabot na kaisipan...
Shino: Sa dalas ng panonood ni tatay sa mga Asian Horror Movies, pansin kong parang iisa lang ang sinusundan nilang kwento kapag napakita na yung multo, yung tipong may eksena na aakalahin mong may kasama ka kahit mag-isa ka lang?
May bakla... hindi lang ordinaryong bakla...
Ni multo ni takot hindi tumatayo balahibo niya, maliban sa...
Multong bakla...
Hindi na maganda ito. HINDE. HINDE. HINDE. HINDE... Lumalakas lalo kabog ng dibdib niya, mas malamig ang pawis niya kesa sa banyo.
Talagang hindi maganda... kailangan...
Pinilit niya ikut-ikutin sa kaliwa at sa kanan ang doorknob. Inipon niya ang chakra niya at sinubukang wasakin ang pinto ng banyo na yon ng lahat ng pwersa niya. Wala na siyang pakialam kung mabulyawan siya o pagbayarin siya, basta ang gusto niya ngayon ay makaalis, ngayondin!
Pero ayaw talaga bumigay ng pinto.
Oras na para harapin ang katotohanang na-lock siya sa loob... ng banyo.
"ARGH! BWISET!"
Isa-isa niyang sinipa ang mga cubicle, hanggang umabot sa huling cubicle. Sinipa niya... wala.
Pumasok muli sa isipan niya, ni halimaw, ni horror movie, ni kampon ni Orochimaru hindi tumayo ang balahibo niya... maliban sa bakla... ayaw niya paniwalaan ang nararamdaman, pero totoong tumataas, at nanginginig na rin siya. Nakakainis, gusto niyang tumigil ang mga buhok niya sa pagtaas.
Meendukose... ano tong nangyayaring ito? Hindi siya nag-iisa... alam niya...
"At alam ko... "
sabi ng isang mala-multong boses kasabay non ay ang malamig na pakiramdam sa leeg gawa ng hawi ng kunnai sa hangin.
Nailagan niya ang lumilipad na bagay.
"Sino ka?" sigaw ni Shika.
Kiba: Paano nga ba yung boses ni Kayako?
Pero walang isinagot ang misteryosong boses. Kung bakit ba naman kasi nakapwesto sa madilim na lugar kung saan hindi man lang nasisikatan ng kahit anong ilaw ang banyo ng mga lalake. Hindi tuloy niya magamit ang kanyang mga anino.
HISSSSSSSSSSSSSS!
Sino yan?
Tanging talas ng pandinig lang ang magiging pag-asa niya
May narinig siya sa taas. Sinalag niya ang pababang talim. Tumutunog ang mga bakal. Hindi makaatake si Shika. Masyadong mailap, mabilis.
At biglang tumahimik.
Hinata: ...diba sa mga palabas na iyon, ang biktima ay napapaupo at gumagapang patalikod? Tapos pag biglang walang multo... mas nakakatakot kasi... biglang lalabas ang ... mga aswang na yun?
Mahabang katahimikan. Humakbang patalikod si Shikamaru, punong-puno ng pag-iingat. Kung wala lang sa huling cubicle ang bintana, kanina pa talaga niya pinuntahan iyon. Tumutulo ang pawis, nagpapatong-patong ang goosebumps.
Nang biglang may humawak sa dalawang braso niya!
BRAAGGGAGGHGHGH!
Biglang may nahulog na basahan sa ibabaw ng mga kandila at nagkagulo ang lahat dahil nawala ang ilaw.
Ahhhhhhhh!
Wah!
"Minumulto tayo!"
at nagsitakbuhan ang mga naiwan sa opisina sa kung saan-saang direskyon
Hindi siya makagalaw, parang sinemento siya sa sahig. Tapos, dinidilaan siya, diring-diri sya
-may bakla, may bakla!-
Basa na leeg niya. Ilang sandali pa ay kinagat siya at sinipsip
"Tang...ahhh" nawalan na ng lakas si Shika para ituloy ang mura
"masarap ka" bulong ng suspek at dinidilaan pa rin si Shika
Natapilok si Chouji at nabangga ang cabinet ni ikatlo at natumba siya sa itaas nito.
"Chouji! Bakit mo dinaganan ang cabinet ni ikatlo?" at lumabas ang laman ng cabinet
"Ano? naghehentai si ikatlo?" gulat na isinigaw ni Kiba.
Sabay na nagsitaas ang kilay ni Anko at Shizune, "Kiba, brownout na nga kitang-kita mo pa kung ano ang hentai?"
"Naaamoy ko eh"
Sabay naman siyang pinalo ng dalawang nakatatandang ninja. "Bastos na bata!"
Iniisip na lang ni Shika kung sino pa bukod kay Orochimaru ang may ganang mandila, kumagat, at manipsip ng kapwa-lalake. Sa sitwasyon niya, malaman lang niya kung sino yon, dadaliin talaga niya! Wawarakin niya ang tiyan ng nilalang na iyon!
! KSSHHHHHKSSHKSHKKKSHHSH!
"Shikamaru!" Sigaw ng mga tao mula sa kalayuan. Hindi bale na ang hentai ni ikatlo! Nanganganib si Shikamaru at pakiramdam ni Anko... may ahas na nakapasok!
A/N: Maraming salamat sa mga nakapaghintay. Marami pa pong susunod... hehehehe. Merry Christmas kay HunterK!
Mga Tanong:
Ano ang mangyayari kay Shikamaru sa susunod na kabanata?
Malalaman pa ba ni Naruto na bakla si Sasuke?
Ngayong dumarami na ang mga nabibiktima ni Sasuke, ano na ang gagawin ng mga natitirang hindi pa nabibiktima?
Abangan sa mga sumusunod na kabanata!
(Last update - 05-18-12)
