Hi! Sana nagustuhan niyo ang first chapter! Sino ang gusto niyo na unang lumayas? Bigyan niyo ko ng review at ang may pinakamaraming boto ay ating i-eevict. Mamaya ay makikita niyo ang list of nominees for eviction. Sana magustuhan niyo ang story! Bumoto na rin kayo sa inyong paboritong love teams:
Hakkai/Yaone, Kou/Yaone, Goku/Lirin, Kanzeon/Jiroushin at isang odd couple, Sanzo/Yaone. BOTO NA sa inyong mga review ng evicted at pairing.
DISCLAIMER: Ang Saiyuki ay pag-aari ni Kazuya Minekura at ang Big Brother ay pag-aari ng Endemol Productions. Hindi ko sila pag-aari. THANK YOU! Pati na yung mga brand ng damit, I don't own it.
Chapter 2:
Nominated for Eviction
Day 3:
6:30 ng umaga...
"Oi! Gising na mga tamad!" sigaw ng boses ni Kougaiji. "Hoy, bwisit ka ah! Ang aga mo magpagising pero ikaw nagpupuyat ka!" sigaw ng boses ni Homura sa hallway na gulong-gulo ang damit.
"Nataku!" sumisigaw si Goku habang hinahanap ang kanyang "best friend". "Goku! Nandito ako! Ini-lock ako ni Jiroushin sa Storage Room, tulong!" hiyaw ni Nataku at siya ay nakalabas ng storage room sa tulong ni Goku. Nag-lead ngayon ng morning exercise si Jiroushin at natapon pa siya sa swimming pool nina Homura, Kougaiji at Sanzo.
Sa hapag-kainan...
"Akin na yung bacon, unggoy!" "Wala kang pag-asa, bastos na halimaw ng tubig!" "Tumahamik kayo! WHA-PACK! Bang! Bang!" si Sanzo ay sumigaw at pinalo ang harisen at bumaril.
"Kougaiji! Paabot ng ketchup." "Tamad na Homura!" "Neh! Nagpupuyat kasi itong prinsipeng ito, eh!"
"Yaone, paabot pa ng kanin." si Sanzo ay tumingin sa kanyang katabing si Yaone, "Oo, sandali lang."
"Konzen, akin na yung bacon." "Oo, eto." sinabi nitong mongheng ito sa tita niya.
Pagkatapos...
"Oi! Ako na ang maliligo!" "Ako!" "Ako!" "Tumahimik kayo WHA-PACK! BANG! BANG! BANG!" "ARAY!" pumasok si Kougaiji sa banyo at nauna, pagkatapos ay si Yaone, Hakkai, Kanzeon Bosatsu, Dokugakuji, Lirin, Sanzo, Homura, Nataku, Jiroushin, Goku, Gojyo.
Iba-iba ang mga suot nila...
Hakkai- dilaw na LA Lakers jersey at maong na shorts at sandalyas.
Yaone- violet na t-shirt na may panloob na puti na sando, black na capris at rubber shoes.
Sanzo- naka-blue na long sleeves sa loob at may patong na violet na shirt na may 3 na column, ang 1st column ay may pangalan niya sa hiragana, sa 2nd ay nasa katakana ang pangalan niya, at sa 3rd column ay nasa kanji naman, black na maong na mahaba at naka-black na socks o kaya naka rubber shoes na Nike!
Lirin- naka-pang Britney Spears si Lirin, white na button-up na tank top at may blue na ribbon sa gitna ng mga mangas, black na flat na popstar hat, black na jeans at black na Chuck Taylor's (ayos!)
Goku- naka dilaw na sando na may picture ng beach at naka dark green shorts na may design ng shells at naka-tsinelas.
Kanzeon Bosatsu- suot niya ang puti niyang damit sa langit at may brooch sa may baywang na pulang puso, at nakasandalyas na gawa sa totoong ginto na may mga mamahaling bato.
Jiroushin, Homura at Dokugakuji- sila ay nakasuot ng sweatshirt at black na spandex na cycling shorts at rubber shoes. Ang kay Jiroushin na sweatshirt at rubber shoes ay pula, ang kay Homura ay black at ang kay Doku ay gray.
Gojyo- naka black na sando at black na hapit na hapit na pantalon.
Kougaiji- siya ay nakasuot ng green na T-shirt na may wheel sa gitna at very baggy na dark green cargo shorts at white socks
Nataku- naka white na pang-karate na top na may black belt at black na pantalon at black na medyas.
"Housemates, papasukin niyo si Kougaiji sa Confession Room!" malinaw na narinig ng mga housemates ito. Pumasok si Kougaiji.
SA LOOB NG CONFESSION ROOM...
"Kougaiji, sino ang pinakakinakainisan mo sa bahay na ito? Bakit? Siya ay magiging nominee for eviction kung marami siyang boto." sabi ni Big Sister, TheDayYouSaidGoodnight.
"Hm...Gusto kong paalisin si Kanzeon dahil siya ay bastos at naaasar na kami sa kanya, bastos pa ang mga sinusuot niya!" "O sige, tawagin mo ang ibang housemates." sabi ni Big Sister.
Kinausap niya ang mga housemates at eto ang list ni Big Sister ng mga gustong ma-evict ng bawat housemate:
Kou-Kanzeon (bastos at nakakaasar)
Yaone- Kanzeon (napaka-weird niya)
Dokugakuji- Jiroushin (boring ang morning exercise niya)
Lirin-Sanzo (kinakawawa niya si Goku)
Sanzo- Kanzeon (annoying, bastos, masyadong maarte at boring, nakakatamad kausapin, ano pa ba?)
Hakkai- Homura (tinapon niya si Jirou sa swimming pool)
Gojyo- Kanzeon (tinutukso niya akong maging bastos! Waaa!)
Goku- Homura (matinding loko-loko sa bahay)
Kanzeon- Kougaiji (walang silbi ang mga demonyo sa bahay! Tinapon pa nila ako sa pool!)
Jiroushin- Kanzeon (ayaw niya ako bigyan ng popcorn kapag wala siyang ginagawa! Ako naglalaba ng mga gamit niya! Waaaa!
Homura- Kanzeon (duh! Kasi naman, ang daming arte sa buhay at tingin na siya ang pinakamagandang babae sa mundo! Yuckkk!)
Nataku- Homura (ang sama niya...gusto niya kunin yata sutra ni Konzen este Sanzo, pero dahil mukhang nagkabati itong mga ito, siguro naman hindi na kaya babaguhin ko ang vote ko!)
Nataku's new vote- Kanzeon (bwisit siya at masyadong makasariling bruha!)
Bumalik na sa mga ginagawa nila ang mga housemates. Ang grupo ni Kougaiji ay naglalaro ng taguan, si Goku ay kumakain, Si Hakkai ay nagtatayo ng dominoes, si Gojyo ay naghahanap ng porno magazine.
Si Sanzo ay naninigarilyo habang nalulunod sa swimming pool si Homura na pinagtatawanan ni Kanzeon na nagkukulot ng buhok niya kasama ni Jiroushinat sinagip naman nitong si Sanzo si Homura, well, nagtanggal muna ng damit, nagpalit ng shirt and shorts, duh, at ginuguhit ni Nataku ang garden.
Nakikita ng mga nasa loob ang kalokohang nagawa ni Homura at tumawa. Eto namang si Sanzo, sinuot uli ang damit na suot niya noong hindi pa niya sinasagip si Homura.
Pinatawag ni Big Sister si Sanzo sa Confession Room...
"Sanzo, dahil may nagawa kang mabuti, bibigyan kita ng reward, ano ang gusto mong reward?"
"TheDayYouSaidGoodnight, este Big Sister/Ate, wala talaga akong gusto."
"Talaga? Gusto mo yata ng Marlboro na Red no?" "Hindi, marami akong sigarilyo sa messenger bag ko, nasa backpack at maleta yung damit."
"Ano nga gusto mo, kahit ano, puwede mo sabihin ito sa mga housemates."
"Hn. Ch'. Tch'. O sige na nga! Ang gusto ko ay isang malaking bote ng sake. Ok na ba iyan?" "Oo. Heto na ang sake mo." biglang galing sa isang trapdoor sa taas ng kuwarto ay may 2 sake na nakatali sa string, kinuha ito agad ni Sanzo.
"Salamat, bakit dalawa?" "Yung sa itlog na maalat, ikaw ang namuno at marami kayong nagawa. Kaya isang bonus yan." "Thank you."
Sa labas ng confession room...
"Oi, kurakot na pari, ba't may dalawang bote ng sake ka sa mga kamay mo?"
"Binigay sa akin ni Big Sister, isa para sa pagsagip ko kay Homura at isa na maraming nagawa na itlog na maalat."
"ANG DAYA MO!" sigaw ng lahat ng iba maliban kina Hakkai at Yaone.
Mamayang gabi...
Natulog nang maaga ang mga housemates maliban sa paring kurakot na naninigarilyo pa rin sa garden, si Homura at Kougaiji. Sila ay nagkita sa kitchen. Kumuha ng tinapay, cheese, litsugas, kamatis at ham si Homura at gumawa ng sandwich sa kanilang tatlo. Kinuha ni Sanzo ang isang bote ng kanyang sake at tatlong baso. Kumuha naman ng mga plato si Kougaiji.
Pagkakain ng "midnight snack" ng mga housemates...
"Busog na ako. Matutulog na ako." sabi ni Homura pagkatapos hugasan ang mga plato.
"Ako rin. Good night." sabi ni Sanzo at tinapakan ang sigarilyo niya at tinapon ang sigarilyo.
"Sige! Goodnight!" masaya si Kougaiji dahil siya ay lasing, si kagaya ni Sanzo at Homura na hindi nalasing. Dumiretso si Kougaiji sa kuwarto at natulog, ganun rin sina Sanzo at Homura.
END OF CHAPTER
List of nominees for eviction:
Kanzeon Bosatsu
Homura Taichi
Sino ang gusto niyong iligtas? Sino ang gusto niyong matanggal? Sino ang boto niyong love team? Text este review na! THANK YOU!
