Sorry for not upd8ing. Marami kasing mga meeting at school stuff akong ginagawa. Sorry! Sana ma-enjoy niyo ito.
DISCLAIMER: Hindi ko pag-aari ang saiyuki, Big Brother o kahit anong kanta dito.
Chapter 3:
Water Balibol
Day 4:
"Ohayo gozaimas, bonjour, magandang umaga, good morning!" sigaw nilang lahat para magsigising sina Goku at Lirin.
"Ano ba iyan! Gising nga, mga unggoy!" nanigaw si Gojyo habang nagsihilik pa rin ang dalawa hanggang sa tinapunan ng tubig ni Homura sa mukha ang dalawa.
"Brr!" "Brr! Bwisit ka Homura!" lumamig ang pakiramdam ng dalawa dahil sa tubig at nagising sa wakas.
Sa hapag-kainan...
"Akin na iyan, saru!" "Akin yan, kappa!" "Tumahimik nga kayo!" "Tama na, huwag kang magalit, ma-high blood ka pa."
Pagkatapos maligo, magbihis at nasa living room lang...
"Housemates, may game tayong lalaruin ngayon. Ito ay water volleyball. Magbihis kayo ng puwede niyong isuot sa swimming pool. Dalian niyo. Ang team A ay sina Sanzo, Homura, Kougaiji, Yaone, Hakkai at Nataku. Ang team B ay sina Jiroushin, Kanzeon Bosatsu, Goku, Lirin, Gojyo at Dokugakuji. Ako ang referee ninyo. Pumunta na kayo sa pool."
Sa pool...
"Ang unang mag-seserve ay ang team A. To serve, Homura." ibinato nang pa-side arm serve ni Homura ang bola at binalik rin naman ito ni Gojyo, pero ang mga liverong sina Kougaiji't Hakkai ay nagblock. Ibinalik ito ni Lirin pero ipinasa ni Nataku ang bola kay Sanzo at ipinasa ni Sanzo kay Yaone ang bola. Nag-spike si Yaone at ito'y tumama sa korte ng kalaban na kasing bilis ng kidlat.
"One point, team A. To serve, Lirin." nag-underhand serve si Lirin at pumasok ito sa kabilang korte. Maraming pasa at bato pero nanalo pa rin ang team B. Sa katapusan ng laro, nanalo ang team A.
Mamayang hapon...
Kumakain si Goku habang nananahi si Kanzeon Bosatsu. Si Yaone ay gumagawa ng potion. Nanininigarilyo si Sanzo sa labas, naghahanap ng porno magazine si Gojyo, naggagantsilyo si Hakkai, lumalangoy si Kougaiji, si Dokugakuji at si Homura ay nag-jojoke sa dining room, gumgawa ng origami si Nataku at ang iba ay natutulog.
Mamayang gabi...
"Housemates, matulog na kayo habang maaga pa. Sanzo, pumasok sa confession room."
Sa Confession Room...
"Sanzo," sabi ni Big Sister, "Oo, ano iyon?" "Huwag ka munang matulog mamaya. Magkunwari kang natutulog. Kapag pakiramdam mo na tulog na tulog sila, pumasok ka sa Confession Room." "O sige."
Mamayang gabi...
"Ayos. Tulog na silang lahat." pumunta si Sanzo sa Confession Room at umupo sa silya.
"Sanzo. Alam mo ba kung bakit kita pinapunta dito ngayong 2:23 a.m.?"
"Hindi, malay ko ba, bakit nga?"
"May ipapakita ako sa iyo, buksan mo ang box na gold at basahin mo ang mga nakasulat dito.
"Hmm...lyrics ito ng kanta ha!" "Kantahin mo ito, gusto kong mapakinggan ang boses mo."
Muling lalapit Ang liwanag sa paligid At ang tinig Na sa akin nagsasabing Hindi mapipigil ng mundo Papatunaan ang pangako Dahil kailangan ka Kailangang pakita natin tayo'y iba At kahit pa Hindi papapigil sa mundo At sa umagang darating Lahat ay aking kakayanin At kahit pa ikaw lang at ako Huwag mong iisipin Ang mga harang sa atin At ang ihip ng hangin ay darating Bigla lang titigil ang mundo At ang lahat ay maglalaho Dahil kailangan ka Kailangang pakita natin tayo'y iba At kahit pa Hindi papapigil sa mundo At sa umagang darating Lahat ay aking kakayanin At kahit pa ikaw lang at ako Hindi ko man hawak ang panahon Maging ang ikot ng buhay Basta't ikaw at ikaw pa rin Ikaw at ikaw pa rin Dahil kailangan ka Kailangang pakita natin tayo'y iba At kahit pa Hindi papapigil sa mundo At sa umagang darating Lahat ay aking kakayanin At kahit pa ikaw lang at ako
"Maganda ka pala kumanta. Mayroon bang bagay kang naalala noong kinakanta mo yung kanta?" "Wala, wala." "O sige, matulog ka na. Marami pang mangyayari bukas." "Sige. Good night rin." dumiretso si Sanzo sa kuwarto at natulog nang nakasuot lamang ang kanyang itim na panloob at maong. Natulog siya nang mahimbing at parang hindi naulila sa mundong labas.
Corny noh? Alamin niyo na lang kung bakit. Review na para mailigtas either si Kanzeon o Homura.
