Oy! Sa lahat ng mga readers diyan na hinihintay ang pag-update ko, Heto na! Heto na! Heto na! Ngayon lang kasi ako nakapag-update.

Disclaimer: Natural naman na hindi ko pag-aari ang Saiyuki 'di ba? Siguro umiiyak na si Kazuya Minekura sa ginagawa ko sa pag-aari niya. Big Brother is a production of Endemol. Itong mga clothing items na toh, 'di rin akin yan! Hindi ko pag-aari ang Taralets by Imago!

Mag-review na kayo kung gusto niyo ng love team sa bahay ni Ate. Akong bahala sa request niyo!


Chapter 5, Day 6- Eviction Night

Noong gabing iyon ay napakatahimik sa Big Sister House. Ang dalawang nominees na si Homura at si Kanzeon ay nag-iimpake na ng gamit. Lahat ng housemates ay nagdadasal sa altar ng Big Sister House.

Maporma ang bihis ni Kanzeon at Homura. Si Homura ay naka-Lacoste na original, at Lee na jeans na galing pang States. Si Kanzeon ay nakasuot ng isang halter dress galing sa Karimadon. Ang bawat housemate ay may clothing company na nag-iisponsor ng votes para sa kanila just in case nominated sila for eviction. Heto ang listahan:

Kougaiji-

Dokugakuji- RRJ

Yaone- Kamiseta

Lirin- Herbench

Sanzo- Dickies

Gojyo-Abercrombie and Fitch

Goku- Bench

Hakkai- Polo

Kanzeon Bosatsu- Karimadon

Jiroushin- Hollister

Homura- Lacoste

Nataku- Calvin Klein

Nine-o-clock na noong muling nagsalita si Big Sister galing sa P.A. system ng bahay. "Kumusta, housemates?" sabi niya.

"Hay salamat, nagsalita ka rin!" sabi ni Kanzeon, na hinahagis pa ang kanyang buhok. "Tumahimik ka nga diyang dokdok na bruha ka!" sabi ni Homura.

"Okei lang kami dito." Sabi nina Sanzo. "Ganun rin!" sabi ng grupo ni Kougaiji. "Tulog na si Nataku. Sayang, makikita niyang ma-evict si Kanzeon! Hehehehehehe!" sabi ni Jiroushin.

Sinapak ni Kanzeon Bosatsu si Jiroushin gamit ng walis tambo. "Pokpok! Ang laki talaga ng poknat mo!" itinuro ni Kanzeon ang dalawa niyang daliri sa noo ni Jirou at tinulak siya. Nahulog si Jiroushin sa isang carpet.

"Hoy, tandang bruha." Sabi ni Sanzo, "Pamangkin pa naman kita, ganyan ka pa!" "Ay, ch' ewan ko sa'yo, huwag mo lang ulitin 'yong ginawa mo." Kinuha ni Sanzo ang kanyang makapangyarihang harisen at pinalo sa ulo ng kanyang tita.

"Aray ko po!" sigaw ni Kanzeon. Muntik nang magdugo ang kanyang ulo sa sakit ng natamong sapak. "Housemates, ready na kayo, ha." Sabi ni Big Sister.

Kumakalabog ang mga puso ng mga naroroon sa sala ngayon. Buti na lang at tulog si Nataku, aysus naman kasi, antukin. Si Kougaiji ay naghahanda ng mga bola ng apoy. Si Yaone at Hakkai ay naghahanda na ng kanilang mga "bomba". Kinakagat ni Goku ang kanyang mga kuko. Linabas ni Gojyo ang kanyang shakujo at ngingatngat ito. Hinanda ni Sanzo ang kanyang papel na pamaypay at si Jiroushin, Goku at Lirin ay nakaupo sa sofa at hindi mapakali.

"Homura Taichi, ikaw….ay…ang…LIGTAS!" tumalon at sumigaw sa tuwa si Homura. Ang ibang housemates, except Nataku, na tulog na tulog, ay nagsitalunan at sumigaw sa tuwa. Umiiyak si Kanzeon. "I'm sorry, Kanzeon, ngunit ikaw ang aking kailangang palayasin. Layas na, bruha, ayun ang pinto." Sabi ni Big Sister.

Wala man lamang nagsabi ng "Good bye!" kay Kanzeon. Tahimik niyang nilisan ang Big Sister house at bumalik sa kanyang tahanan sa langit. Walang tigil ang mga luha niya.

Pagkatapos…

"Congrats, Homura! Dito ka pa rin! Astig, san ka pa? Dito na!" sabi ni Gojyo. "Wala na ang bruha kong tita! Taralets, inuman tayo!" nagising si Nataku at narinig ang lahat ng ito. Tumingin ang lahat kay Sanzo.

"San mo napulot 'yang taralets taralets na 'yan?" sabi ni Nataku. "Housemates, papayagan ko kayong mag-party hanggang umaga. Jiroushin, Goku, Lirin at Yaone, pumunta kayo sa Confession Room at kunin ang mga bagay doon." Sabi ni Big Sister.

"Thank you!!!!!!!!!" sabi ng mga Housemates. Lumabas ang apat na tinawag na may mga dalang isang electric na gitara, bass, drum kit, microphone, amplifier, pagkain, alak at song lyrics.

"Ang aking task ay mag-set up kayo ng isang banda. Kayo ang pumili ng members. Tugtugin ninyo ang kantang "Taralets" ng Imago na nariyan sa song lyrics. Nariyan rin ang chords ng electric guitar sa songbook. Para sa bass chords, meron doon sa isa pang lyrics na inilagay ko diyan. Pangalangan niyo rin ang inyong banda." Sabi ni Big Sister.

"Ako ang vocalist!" "Ako!" "Ako!" "Ako!" nag-aaway sina Goku at Gojyo sa posisyong vocalist. "Ipis, ikaw ang drummer. Ayusin mo!" "Hoy, mongheng kurakot, hindi maganda ang drummer kasi nasa likod."

"Ano ka ba, Gojyo! Ang mga drummer ay ang mga crush ng bayan, pare! Tingnan mo si Chi Evora ng Slapshock, certified female magnet 'yun!" sabi ni Homura. "Ganun? Sige! Ako ang uupo sa drummer's seat!" sabi ni Gojyo.

"Eto, o, may background tungkol sa Imago! Babae ang vocalist/guitarist at ang bassist." Sabi ni Hakkai. Tumingin ang mga lalaking housemate kay Lirin at Yaone. "Pero hindi naman mag-gigitara ang vocalist sa kantang ito." Dagdag nito.

"Yaone, ikaw ang magsisilbing Aia de Leon ng ating banda. Lirin, ikaw ang magiging Myrene Academia." Sabi ni Sanzo. "Kulang na lang tayo ng isa, lead guitarist!" sabi ni Lirin.

"Sino ba ang mabagsik na may daliri ng apoy dito, mga pare?" sabi ni Nataku. "Alam ko na! Kougaiji! Kougaiji!" sabi ni Dokugakuji. "Ayoko maging gitarista!" reklamo ni Kougaiji. "Bahala ka na nga, si Sanzo na lang." Sabi ni Doku.

"Sanzo, ang dali lang ng chords nito, o!" "Sige na nga. Saan na 'yung chords para mapraktis ko na." "Eto po, bosing." Sabi ni Goku.

"Papangalanan pa natin ang banda natin. Anong pangalan?" "Ogami! Baliktad ng Imago!" "Tanga ka nga talaga, Gojyo." Sabi ni Kougaiji. "Baka naman pwedeng Kougaiji's Angels?" "Corny, dong, dapat Sanzo's Angels!" sabi ng monghe.

"Ummm…bakit hindi na lang, Refrigerator Village?" sabi ni Goku. Tawanan ang buong bahay. "Saiyuki Band?" sabi ni Homura. "Corny!" sabi nilang lahat. "Siopao Republic?" sabi ni Lirin, "Hindi pa rin." Sabi ni Kougaiji. Hakuryu?" sabi ni Hakkai. "It doesn't have a nice ring to it!" pa-Ingles pa ni Nataku. "Bakit hindi na lang Dokdok?" dagdag ni Nataku. "Ikaw yata dokdok diyan!" sabi ni Jiroushin. "Poknat?" sabi ni Jiroushin. "Ang laki ng poknat mo!" sabi ni Sanzo.

"Kami ang Tanga?" sabi ni Dokugakuji. "Ikaw yata ang tanga." Sabi ni Lirin. "Hmmm…ako na lang ang hindi pa nagbibigay ng pangalan ng banda natin. Alam ko na! Dapat ang pangalan ng banda natin ay XiaolinCross." "Ayos na pangalan yun, Yaone!" sabi ni Hakkai. "Sige, yun na lang!"

"Housemates, tapos na ang time allotted. Let's hear "Taralets" from XiaolinCross! Housemates, ipinapaalala ko sa inyo na ito ay mapapanood ng buong mundo. Good luck. Yaone on vocals, Sanzo on guitars, Lirin on bass, Gojyo on drums."

Taralets tara tara taralets
'Di ka na mabibigo
Taralets tara tara taralets
'Di ka na mabibigo

Bumirit si Yaone habang ipinapakita ni Sanzo ang kabagsikan ng kanyang paggigitara. Humataw sa drums at bass si Gojyo at Lirin habang pasayaw-sayaw si Aia, este Yaone.

'Wag kang mabibigla
Isasama kita
'Wag ka magtanong
Basta sumama ka lang
'Wag mong unahan
Abunado ang pagasa

Lalong lumakas ang palakpakan ng mga housemates. Hila lang nang hila sa bass si Lirin habang "Gitarista of the Year" na si Sanzo. "Woot! Yaone!" sabi nina Hakkai at Kougaiji. "Sige, Sanzo! Gitarista namin!" sigaw ni Goku at Dokugakuji.

Mabilis ang palit
Ng tula ng mundo
Minsan isisigaw
Minsan ibubulong

'Wag mong pigilan
Sulitin at sumama

"XiaolinCross! Sasama kami!" sabi ni Nataku at Homura. "Mga walanghiya kayo! Ang babagsik!" sabi ni Jiroushin.

'Wag kang mabibigla
Isasama kita
'Wag ka magtanong
Basta sumama ka lang
'Wag mong unahan
Abunado ang pagasa

Kung sigurado ka na
Anong hinihintay mo?
Sumayaw sa tuwa
Pasabugin ang saya

'Wag mong pigilan
Abunado ang pag-asa

Itaas ang kamay
Hanapin mo ang tulay
Bitiwan ang duda
Bigla kang sumabay

Itinaas ng mga housemates ang kanilang mga kamay habang kinakanta ito ng kanilang munting banda. "Hayyyy!" sabi nila.

'Wag mong pigilan
Sulitin at sumama

Taralets tara tara taralets
'Di ka na mabibigo
Taralets tara tara taralets
'Di ka na mabibigo

Taralets tara tara taralets
'Di ka na mabibigo
Taralets tara tara taralets
'Di ka na mabibigo

Taralets tara tara taralets
Taralets tara tara taralets
Taralets tara tara taralets

Taralets tara tara taralets
'Di ka na mabibigo
Taralets tara tara taralets
'Di ka na mabibigo

Taralets tara tara taralets
'Di ka na mabibigo
Taralets tara tara taralets
'Di ka na mabibigo

Maraming palakpak ang narinig ng apat na miyembro ng banda. "Napakagaling ninyo! Bilib ako, housemates! O, siya, mag-party na muna kayo!" "Salamat, big Sister!" at ganun nga, nagpakasaya ang mga housemates dahil wala na si Kanzeon Bosatsu!


-TDYSG

O, kamusta mga readers? Review na para sa mga loveteams na gusto niyo. Sa day 14 pa ako magbibigay ng mga Nominations for Eviction. Review na!