torn pieces: ito na po yung kasunod... Sorry po kung maiikli lang ang mga chapters. Review kayo ah!
Chapter 2: The First Ever Gig
"O ano! Handa na ba kayo mga tsong sa first ever gig natin! Galingan natin ah!" tanong ni Sakuragi sa mga kaibigan.
"handa na! Gagalingan talaga natin!" sigaw ni Rukawa.
"Sana hindi ito ang last!" sigaw din ni Mitsui.
For sure yan! Magaling naman tayo eh." pampalakas-loob na saad ni Ryota.
"Syempre… Vocalist niyo ba naman ang henyong katulad ko eh di ba kayo magiging magaling nyan!" pagmamayabang ni Sakuragi.
Gunggong!" sabay-sabay na sigaw nina Rukawa, Mitsui at Ryota.
Hehehe… Tara! Sunduin na natin si Haruko my labs…" aya ni Sakuragi.
Sa bahay ni Haruko…
"Hi haruko!" bati ni Sakuragi.
Nakatingin si Harukokay Rukawa...
Sa isipni Sakuragi..."Ito talagang Rukawa na to! Mas gwapo naman ako sa kanya! Henyo pa!"
"Hoy Haruko! Natulala ka na naman kay Rukawa!" biro nu Mitsui.
Ha? Hindi ah!" nahihiyang saad ni Haruko.
"Tara na Haruko!" inis na sabi ni Sakuragi sabay hatak kay Haruko.
"Ah, oo sige…" sagot ni Haruko
Sa Malate…
"Mga boys, andito na tayo! Galingan nyo! AJA!" sigaw ng kanilang manager na si Akagi.
Don't yah worry Gori, the HENYO is here!" pagmamayabang uli ni Sakuragi.
"GUNGGONG! ANG YABANG MO!" sabay-sabay na sigaw nina Rukawa,Mitsui,Ryota at Akagi.
"Hahaha!Inggit lang kayo! Hehehe.. Diba, Haruko?" saad ni Sakuragi.
"ha? Ah, oo…" sagot ni Haruko habang nakatulala kay Rukawa.
Sa loob ng bar…
"Ladies and gentlemen, ang susunod po na magpeperform ay ang Shohoku Band! Let's give them a big round of applause!" saad ng host ng gabing iyon.
"Ehem… ang kakantahin po namin ay ang Takeshi, sana po ay magustuhan ninyo!" panimula ni Sakuragi.
Magsisimula na ang pagtugtog...
Tuloy pa rin ang pagsuyo sa iyo kahit na di mo napapansin na nariyan ako ..
Kahit pa pag sa telepono iniiba ang boses mo sasabihing wala ka…
Kahit na anong mangyari tuloy pa rin…
kahit na ang hirap mo namang ligawan ang daming pagsubok ang dapat daanan daig ko pa ang sumali sa takeshi's castle..
kahit pa di mo sinasagot ang lahat ng sulat ko'y basura sa iyo…
lalo na sa mga kaibigan mo naging libangan na ang ipahiya ako…
kahit na magmukhang tanga tuloy parin…
kahit na ang hirap mo namang ligawan ang daming pagsubok ang dapat daanan daig ko pa ang sumali sa takeshi's castle…
Ayun po ang Takeshi… Maraming salamat po sa pakikinig. Sana ay nagustuhan ninyo!" saad ni Sakuragi matapos kumanta.
CLAP, CLAP!"
Sa Backstage…
"Hahahah! Ang galing ko talaga! Henyo talaga ako!" pagmamayabang na naman ni Sakuragi.
"Heh! Nagmamayabang ka pa diyan!" sigaw ni Rukawa.
"Pero ang galing natin ah!" saad ni Mitsui.
"oo nga!" sagot ni Ryota.
"First ever gig a success! Congrats guys!" saad ni Akagi.
Pumasok si Haruko sa backstage...
"Ang galing ninyo kanina ah! Lalo ka na... Rukawa..." saad ni Haruko.
"Salamat." sagot ni Rukawa.
sa isip ni Sakuragi. "Hmpf! Grrrrr! Si Rukawa na naman! Tampalasan ka talaga puti!"
