Chapter 3: The Offer to Stardom
Sa apartment nila Sakuragi…
Tok! Tok! Tok!
"Hmm… ano ba yan! Ang aga-aga maniningil na agad si Manang Ayako… Manang--- ay, sino ho kayo?" gulat na tanong ni Sakuragi sa lalaking nasa pinto.
"Ehem, magandang hapon sa iyo. Andyan ba ang bandang Shohoku? Pakitawag naman sila." sagot ng lalaki.
"Kami po un, ako po ang vocalist nila. Ano hong kailangang niyo?" muling tanong ni Sakuragi sa lalaki.
"Ako si Fukuda, ang assistant ng talent manager na si Ansai. Pinapunta niya ako dito upang ipakita sa inyo ang aming offer." muli ding sagot ng lalaki sa tanong ni Sakuragi.
"Excuse me po, nagbebenta po ba kayo ng sabon? Marami pa po kami nun eh." Saad ni Sakuragi.
"Gunggong! Hindi mo ba ako papapasukin? Hindi basta basta itong offer ko." inis na saad ng lalaki.
"O, pasok po kayo mamang makapal ang labi… hehehe…" bulong ni Sakuragi habang pinapapasok ang lalaki.
"Ano!" tanong ng lalaki.
"Wala ho, sabi ko ho pasok na kayo. Hehehe… " palusot ni Sakuragi habang tumatawa.
Sa loob ng bahay…
"O, Sakuragi sino yang kasama mo?" nagtatakang tanong ni Mitsui..
"Ahemm, ako nga pala ay galing sa EMI RECORDS, pinapunta ako dito ni Manager Ansai upang bigyan kayo ng isang offer." pasingit na sagot ng lalaki sa tanong ni Rukawa.
"Ano hong offer?" muling tanong ni Rukawa.
"Offer upang kayo ay pasikatin namin at gawing… drum roll ROCKSTAR!" sagot ng lalaki.
"Talaga ho!" hindi makapaniwalang tanong ni Sakuragi.
"Paano niyo po naman nalaman na tumutugtog kami?" tanong ni Ryota.
"Kagabi sa Malate ay napanood kayo ni Manager Ansai, he liked your performance." sagot ng lalaki.
"Oh really? Well it's because the henyo is the vocalist. Hehehe!" mayabang na singit ni Sakuragi, mali mali pa ang kanyang grammar.
"GUNGGONG!" sabay-sabay na sigaw nina Rukawa, Mitsui, Ryota at ng lalaki kay Sakuragi.
"Naman! Pati ba naman kayo Ginoong Kapal Labi." biro ni Sakuragi.
"Ang pangalan ko ay FUKUDA!" galit na saad ng lalaki.
"Hehehe… Sabi niyo eh… " natatawang saad ni Sakuragi.
"Ano po ba exactly ang offer ninyo sa amin?" tanong ni Mitsui sa lalaki.
"2 years contract. Gagawa kayo ng album under EMI RECORDS." sagot ng lalaki.
"Talaga ho!" hindi na naman makapaniwalang saad ni Sakuragi.
"Oo, eto ang address ng EMI. Pumunta kayo doon bukas ng umaga." saad ng lalaki habang inaabot ang calling card kay Sakuragi.
"Maasahan niyo ho kami." saad ni Mitsui.
"Paalam na." saad ng lalaki.
"Bye! Hehehe… I'm sure dahil sa akin kaya nila tayo kinuha, I'm really a HENYO! Hehehe..." pagmamayabang ni Sakuragi.
"Heh, yabang!" inis na saad ni Rukawa.
"Sakuragi, pakisapak nga ako…" tulalang saad ni Ryota na kanina pa pala nakatanga sa hangin dahil hindi siya makapaniwala sa nangyari.
"Ha? O sige, sabi mo eh. " gulat na saad ni Sakuragi sabay sapak kay Ryota.
"Oy! Ang sakit nun ah! Gunggong!" gulat ding reklamo ni Ryota na biglang natauhan dahil sa pagkakasapak sa kanya.
"Sabi mo eh! O sige mga tsong, alis lang ako… Ibabalita ko kay Haruko my labs itong offer…" sa isip niya… "tiyak bibilib na naman sakin nito si Haruko… hehehe…"
Sa bahay nila Haruko…
"Haruko!" excited na sigaw ni Sakuragi habang tumatakbo.
"O! Bakit parang ang saya-saya mo?" gulat na tanong ni Haruko.
"May good news ako sayo!" sigaw ni Sakuragi.
"Ano?" saad ni Haruko.
"May nag-offer sa amin!" sagot ni Sakuragi.
"Offer ng ano? Sabon? Toothpaste? Deodorant?" sunod-sunod na tanong ni Haruko.
"HindI! Mas maganda pa diyan! Hindi basta-bastang offer ito!" sagot ni Sakuragi.
"Ano nga iyon? tanong muli ni Haruko.
"May nagpunta sa aming lalaki galing EMI RECORDS! Gusto nilang gumawa kami ng album sa kanila. At may kontrata pa! 2 years contract!" kwento ni Sakuragi.
"Talaga! Sabi ko na eh! Hindi malayong mangyari yan! Kasi magaling kayo!" excited na saad ni Haruko.
Sa isip ni Sakuragi… "Ang henyo ko kasi! Hehehe… Bilib na naman sa akin si haruko my labs…"
