CHAPTER 4: THE CONTRACT SIGNING

Naghahanda na ang Shohoku Band sa pagpunta nila sa EMI RECORDS…

"Excited na talaga ako!" saad ni Sakuragi.

"Sino bang hindi? Eto na ang hinhintay nating pagkakataon upang sumikat at makilala." saad din ni Ryota.

"Oo nga." saad ni Rukawa.

"Edi tara na! Time is gold noh!" yaya ni Mitsui sa mga kaibigan.

"Oo nga, baka magbago pa isip nila." saad ni Sakuragi.

Nakarating na ang magbabarkada sa EMI RECORDS…

"Wow! Ang ganda! Ang taas pa!' manghang saad ni Sakuragi.

"Inosente." saad ni Rukawa.

"Oo nga! Parang ngayon ka lang nakakita niyan ah!" sita din ni Mitusi.

"Pabayaan niyo na yan." pigil ni Ryota sa mga nagtatalo.

"O, tara na. Pasok na tayo." anyaya ni Mitsui sa kanila.

Nakasalubong nila si Mr.Fukuda…

"O! Siya yung nagpunta sa atin o! Si Ginoong Kapal Labi!" saad ni Sakuragi sabay turo kay Mr. Fukuda.

"FUKUDA ang pangalan ko bata! Naintindihan mo!" galit na saad ni Mr. Fukuda.

"Good morning po Mr. Fukuda. Saan po ba kami pupunta?" magalang na tanong ni Ryota.

"Oo nga po. Pakituro po sa amin Mr. Fukuda." magalang ding saad ni Mitsui.

"Oo nga Ginoong Kapal Labi." biro ni Sakuragi.

"Halikayo, sasamahan ko na kayo kay Manager Ansai." sagot ni Mr. Fukuda at pumunta na sila sa opisina ni Manager Ansai.

Sa opisina ni Manager Ansai…

"Manager Ansai, nandito na po sila. Nandito na po ang Shohoku Band." saad ni Mr. Fukuda sa isang matandang malaki ang tiyan.

"Maupo kayo." sagot ni Manager Ansai.

"Tatang! Kayo po ba si Manager Ansai!" takang tanong ni Sakuragi.

"Hoy! Bastos kang gunggong ka! Huwag kang ganyan makipag-usap kay Manager Ansai." inis na saad ni Mr. Fukuda.

"Hohoho… Okay lang yun Mr. Fukuda." natatawang saad ni Manager Ansai. "Iwan mo na kami." saad niya.

"Good Morning po Manager Ansai." Sabay na bati nina Mitsui at Ryota habang si Rukawa ay nakamasid lamang.

"Magandang umaga din sa inyo." ganting-bati ni Manager Ansai.

"Alam niyo na naman siguro kung bakit ko kayo inanyayahan dito" panimula ni Manager Ansai.

"Ang sabi ho ni Mr. Fukuda ay gusto niyo daw po kami bigyan ng kontrata dito sa EMI." saad ni Rukawa.

"Oo nga, tatang! O ano, simulan na natin!" excited na saad ni Sakuragi.

"Gunggong! Hindi basta-basta ang pagpirma ng kontrata." sita ni Ryota kay Sakuragi.

"Hohoho… Maraming bagay ang dapat pag-usapan bago tayo pumunta sa pirmahan ng kontrata." paliwanag ni Manager Ansai.

"Ano ho bang una nating pag-uusapan Manager Ansai?" tanong ni Mitsui.

Pinaliwanag na ni Manager Ansai sa apat ang mga patakaran at ang mga bagay tungkol sa kontrata.

Matapos magpaliwanag…

"Ganun lang po ba iyon tatang! Kayang-kaya!" mayabang na saad ni Sakuragi.

"Oo. At ngayon pupunta na tayo sa board room upang magkapirmahan na ng kontrata." Sagot ni Manager Ansai.

"O sige po." Magalang na saad nina Rukawa, Mitsui at Ryota.

"Let's go! I'm so excited and I just can't hide it…" pakantang saad ni Sakuragi.

"Gunggong talaga 'to…" bulong ni Rukawa.

Nagtungo na sila sa board room…

"Board, ito ang bago nating mga talent. Sila ang Shohoku Band." panimula ni Manager Ansai.

"clap, clap, clap!" nagpalakpakan ang mga tao sa board room.

"Nagkasundo na kami at pipirma na sila ng kontrata sa atin." pagpapatuloy ni Manager Ansai.

Natapos na ang pirmahan nang kontrata at nakauwi na ang magbabarkada…

"Wow! Ang saya ng feeling!" saad ni Sakuragi.

"Oo nga." maikling saad ni Rukawa.

"Sisikat na din tayo!" sigaw ni Ryota.

"Magiging tulad na din tayo ng mga bandang Hale, 6Cyclemind, Bamboo, SpongeCola, OrangenLemons at marami pang iba!" sigaw din ni Mitsui.

"Mahihigitan pa natin sila! Mas henyo naman ako kay Champ ah! Mas gwapo pa!" pagmamayabang ni Sakuragi.

"Lakas mo tol!" biro ni Ryota..

"Yabang." bulong ni Rukawa.

"Hahahahahaha!" sabay-sabay na nagtawanan ang magbabarkada.

Nag-inuman ang magbabarkada tanda ng pagsasaya sa nalalapit nilang pagsikat.