CHAPTER 5: Love Life: First (friendly) Date With Haruko
Sobrang naging busy ang Shohoku Band dahil sa mga recordings nila para sa papalabas na nilang album kaya hindi masyadong nakikita ni Sakuragi si Haruko…
"Hayyy… Miss ko na si Haruko my labs ah.. Ang tagal din naming hindi nagkikita." malungkot na saad ni Sakuragi.
"Oy Sakuragi, mukhang ang lungkot mo ngayon ah." puna ni Ryota sa pagiging matamlay ni Sakuragi.
"Miss ko na kasi si Haruko eh. Tol, ano kaya kung ayain ko siya makipag-date?" tanong ni Sakuragi.
"Pumayag naman kaya yun? Eh diba may crush yun kay Rukawa?" pang-aasar ni Mitsui kay Sakuragi.
"Heh! You shut up Mitsui!" asar na sigaw ni Sakuragi kay Mitsui.
"Oo nga Mitsui, huwag mo nang asarin 'tong si Sakuragi. Malay mo pumayag si Haruko." saad ni Ryota.
"O sige, titignan ko. Didiskartehan ko na si Haruko my labs. Hehehe… Bye mga tsong!" paalam ni Sakuragi sa mga kaibigan.
Sa daan patungo sa bahay nina Haruko…
"Hayyy, paano ko kaya sasabihin sa kanya na gusto ko siyang maka-date?" bulong ni Sakuragi.
"Oh Haruko, Maari mo bang pagbigyan ang puso kong sabik na sabik sa iyo upang maka-date ka? Sana ay maunawaan mo na mahal na mahal ka nitong puso ko. Huwag mo sana itong durugin at biguin. Pwede ka bang maka-date?" bulong ni Sakuragi sa sarili.
Nagpapraktis siya ng sasabihin kay Haruko. Sa sobrang pagka-dedicated sa pagpra-praktis ay hindi niya namalayan na nasa likod pala niya si Haruko…
"Sakuragi! Anong ginagawa mo diyan?" sita ni Haruko kay Sakuragi.
"Ay! Nandiyan ka pala Haruko! Kanina ka pa!" gulat na tanong ni Sakuragi habang kabadong-kabado na baka narinig ni Haruko ang pagpra-praktis niya.
"Hindi naman, napuna kasi kita kanina." sagot ni Haruko.
"Ah wala yun." saad ni Sakuragi.
"Ahh… Ganun ba… Gusto mo dun ka muna sa amin? Matagal din tayong hindi nagkita ah. Busy na kasi kayo masiyado. Balitaan mo naman ako. Tara…" anyaya ni Haruko kay Sakuragi.
"O sige ba…" sagot ni Sakuragi. sa isip niya…"Yes! Buti nalang inaya niya ko! Maaaya ko na rin siya!"
Sa loob ng bahay nila Haruko…
"O Sakuragi, anong gusto mong inumin?" tanong ni Haruko.
"Ah, juice na lang." nahihiyang saad ni Sakuragi.
"O, eto na o." abot ni Haruko ng juice kay Sakuragi.
"Salamat ah." sagot ni Sakuragi.
"O ano? Kamusta naman kayo? Okay na ba yung recordings niyo para sa album?" tanong ni Haruko.
"Okay naman kami. Tapos na ung recordings. Aayusin na lang ng EMI tapos ire-release na siya mga next year." Sagot ni Sakuragi. Sa isip niya ay…"Hay, pano ko kaya mauumpisahan? Tanong ng tanong si Haruko eh."
"Ah, ganun ba? Si… Rukawa? Okay lang ba siya?" nahihiyang tanong ni Haruko.
"Okay lang siya.:" inis na sagot ni Sakuragi. sa isip niya ay… "Ano ba yan! Si Puti na naman ang topic!"
"Ah, okay." saad ni Haruko.
"Ahmm.. Haruko… May gusto sana akong itanong sa iyo." saad ni Sakuragi.
"Ano yun?" tanong ni Haruko.
"Ahhh.. Pwede bang ano… Ung ano… Kwan eh… Este ano…" magulong sagot ni Sakuragi. Nahihiya siya.
"Sakuragi… Okay ka lang ba?" tanong muli ni Haruko.
"Pwede ba kitang maayang mag-date? Tayong dalawa?" nahihiyang tanong ni Sakuragi.
"Friendly date? O sige ba!" saad ni Haruko.
Sa isip ni Sakuragi..."Huwaat! Friendly date! Sabagay, pwede na rin kesa naman walang date."
"Oh pano, sige bukas na lang. Sunduin mo na lang ako dito bukas." Saad ni Haruko.
"Ah okay… see you tomorrow! Ba-bye!" saad ni Sakuragi.
Sa apartment nila Sakuragi…
"O ano? Pumayag ba?" sabay na tanong nila Mitsui at Ryota.
"Ahmmm… Oo, pumayag! Tuwang-tuwa nga siya at naimbitahan ko siya! Gustung-gusto niya! May lovers date kami!" pagsisinungaling ni Sakuragi dahil ayaw niyang malaman nila na friendly date lang ang gusto ni Haruko.
"Talaga ah! Congrats sayo!" saad ni Mitsui.
Kinabukasan…
"Excited na ko! Masosolo ko na din si Haruko my labs!" sigaw ni Sakuragi.
"O aba, excited na excited ang gunggong…" bulong nila Mitsui at Ryota.
"Yipee.. I think I'm in love… I think I'm in love…" pakanta pang saad ni Sakuragi habang patungo sa banyo upang maligo.
Nagtungo na si Sakuragi sa bahay nila Haruko…
"tok,tok,tok!" katok ni Sakuragi.
Lumabas na si Haruko…
"Sakuragi! Tara na ba?" tanong ni Haruko.
"Ahmmm… Oo, Haruko." nahihiyang sagot ni Sakuragi.
"Pwede bang sa amusement park tayo magpunta? Ang tagal ko na kasing hindi nakakapunta dun eh!" tanong muli ni Haruko.
"Ah, oo ba!" saad ni Sakuragi.
Sa amusement park…
"Haruko… gusto mo ba ng ice cream?" tanong ni Sakuragi.
"O sige!" sagot ni Haruko.
Nagtungo na sila sa ice cream parlor.
"Mamang Intsik! Pabili nga ho ng dalawang chocolate ice cream!" sigaw ni Sakuragi sa tindero.
"Hoy ikaw lalake ka! Sinisigaw mo ako malapit lang naman ako sayo!" galit na saad ng tindero.
"Pasiyensiya na po, masaya lang ako. Hehehe…" paumanhin ni Sakuragi.
"Uyyy… Kaya naman pala ikaw masaya kasi kasama mo maganda mong girlfriend." tudyo ng tindero kay Sakuragi.
"Hehehe… Mukha ba kaming mag-on Manong? Hehehe…" namumulang sagot ni Sakuragi sabay lingon kay Haruko kung nariring nito.
"Hahaha… Oo…" sagot ng tindero.
"O sige manong maraming salamat sa inyo! Hehehe…" saad ni Sakuragi habang patungo kay Haruko.
"O, Sakuragi! Bakit parang ang saya mo?" tanong ni Haruko.
"Ah, wala naman Haruko!" sagot ni Sakuragi habang nagkakamot sa batok.
"Sakuragi! Punta tayo dun sa may isang booth!" anyaya ni Haruko.
"O sige ba!" sagot ni Sakuragi.
"Tira ka na Sakuragi!" saad ni Haruko.
"Oo ba!" sagot ni Sakuragi sabay tutok ng laruang baril sa target.
"Wow! Ang galing mo naman Sakuragi!" manghang saad ni Haruko.
"Hehehe… Hindi naman masyado!" pa-humble na saad ni Sakuragi.
"Wow! Ang ganda ng prize natin! Teddy bear!" saad ni Haruko.
"Para sayo yan Haruko." seryosong saad ni Sakuragi.
"Para… Para sakin? Talaga? Hindi mo ba ito ibibigay sa nililigawan mo?" tanong ni Haruko.
"Ahmmm…" saad ni Sakuragi. sa isip niya ay… "Ikaw nga yun eh! Haruko my labs!"
Lumipas ang mga oras…
"Salamat ah! Hmm… mag-gagabi na pala! Nag-enjoy ako Sakuragi! Salamat ah!" saad ni Haruko.
"Hayyy… ang bilis naman ng oras! Di ko man lang nasabi kay Haruko my labs na labs ko siya!" bulong ni Sakuragi.
"Ha? Ano yun Sakuragi?" tanong ni Haruko.
"Ahmmm… wala sabi ko ang tagal lumaki ng abs ko!" palusot ni Sakuragi.
"Tara na! Uwi na tayo!" anyaya ni Haruko.JHHHJh
Naka-uwi na si Sakuragi ngunit malungkot siya dahil di niya naamin kay Haruko ang feelings niya…
"O! Kamusta tsong? Nasolo mo ba? Kayo na ba?" tanong ni Ryota.
"Hindi nga eh! Hindi pa kami!" sagot ni Sakuragi.
"Torpe." pang-aasar ni Rukawa.
"Ano ba naman yan! Ang hina mo!" biro ni Mitsui.
"Tama na yan tsong! Busted na nga yung tao inaasar mo pa! Nyahhahahah!" pang-aasar din ni Ryota.
"Hoy! Hindi pa ko busted noh!" galit na saad ni Sakuragi.
"Eh, ano?" tanong ni Mitsui.
"Basta! May henyo bang naba-busted! Ako pa! Hehehe…" pagmamayabang na naman ni Sakuragi.
"Yabang!" sabay na saad nina Rukawa, Mitsui at Ryota.
Natulog na ang magkakaibigan habang iniisip pa rin ni Sakuragi si Haruko… Hindi nagtagal ay nakatulog na rin ang kawawang si Sakuragi…
