CHAPTER 6: Love Life: The Unexpected Encounter
Sa apartment nila Sakuragi...
"Haayyy... Grabe! Nakakapagod pala gumawa ng album! Sana maganda ang kalabasan..." saad ni Mitsui.
"Oo nga! Grabe pala noh!" sang-ayon ni Ryota.
"Don't yah worry mga tols! Maganda kalalabasan niyan noh! Eh ang ganda ganda ng boses at ang gwapings gwapings ng vocalist niyo eh! Hahahahaha..." pagmamayabang ni Sakuragi habang nakapamewang.
"Hayy.. Gunggong..." bulong ni Rukawa.
"Heh! Tumigil ka nga diyan Rukawa! Shutting up!" asar na saad ni Sakuragi.
"Tama na nga yan mga tol! Ano kaya kung mag-mall tayo? Para naman makakita tayo ng mga chicks!" anyaya ni Ryota.
"Oo ba! Maganda yan ah!" sang-ayon ni Mitsui.
"Tama ka kulotzki! Ang galing mo!" pang-aasar ni Sakuragi.
"Grrrrr... Gunggong!" inis na saad din ni Ryota.
"Kayo na lang." saad ni Rukawa.
"Ayaw mo sumama?" tanong ni Mitsui.
"Hahaha! Natatakot lang yan lumabas! Baka daw masunog ang balat niya! Hahahah!" pang-iinis ni Sakuragi.
"Heh, hambog." saad ni Rukawa.
"O sige, tara na tol! Tayong tatlo na lang!" saad ni Ryota.
Sa mall...
"Wow! Chicks!" sigaw ni Ryota sa magandang babaeng dumaan sa harap nila.
"Hehehe..." sabay na tawa nila Mitsui at Sakuragi.
"Tara tol! Video karera tayo!" anyaya ni Sakuragi.
"Anong video karera! Gunggong! Wala dito nun! Sugal yun! Baka video games! Sa may Quantum! Nyahahaha!" nang-aasar na sagot ni Mitsui.
"Grrr..! Pareho na yun!" naiinis na saad ni Sakuragi.
"Hahahahah!" sabay na tawa nila Mitsui at Ryota.
"Tara na nga! Bilis!" sigaw ni Sakuragi.
Pumunta na sa Quantum ang magkakaibigan at nagsimula ng maglaro nang biglang…
"Aray!" sigaw ng babaeng nabangga ni Mitsui.
"Ay sorry miss ah! Di ko sinasadya talaga! Pasiyensya na!" paumanhin ni Mitsui sa babae. "Teka, Aira! Ikaw ba yan!" tanong ni Mitsui.
"Paano mo nalaman ang pangalan ko?" nagtatakang tanong ni Aira..
"Hindi mo ba ko natatandaan? Ako 'to! Si Mitsui! Classmate mo nung High School!" sagot ni Mitsui.
"Mi--- Mitsui! Ikaw nga ba yan! Kamusta na?" tanong ni Aira.
"Okay naman ako! Ikaw? Sinong kasama mo dito?" sagot ni Mitsui.
"Okay naman ako. Ako lang mag-isa. Eh, ikaw?" sagot ni Aira.
"Kasama ko mga kaibigan ko-- eto na pala sila, Sakuragi,Ryota, si Aira high school classmate and friend ko." pakilala ni Mitsui.
"Hello!" bati ni Sakuragi.
"Hi Miss Aira!" bati din ni Ryota.
"Hello, o pano, kailangan ko nang umalis eh. Bye na ha." paalam ni Aira.
"Teka, pwede ko bang kunin ang cell number mo? Para naman magkakwentuhan tayo sa text/ tawag." tanong ni Mitusi.
"Ah, sige ba. Eto o--." binigay na ni Aira ang cell number niya. "Bye na ha! May pupuntahan pa kasi ako. Bye, nice meeting you Sakuragi, Ryota!" paalam muli ni Aira.
"Okay..." saad ni Mitsui.
"Hoy Mitsui! Tara na! Uwi na rin tayo!" anyaya ni Sakuragi.
"Oo nga, tara na." sang-ayon ni Ryota.
"Okay, tara na." saad ni Mitsui.
Umuwi na ang magkakaibigan... Hindi makalimutan ni Mitsui ang muling pagkikita nila ni Aira-- ang babaeng kanyang unang minahal simula pa noong high school pa lang sila. Hanggang sa kanyang pagtulog ay iniisip pa rin niya ito. Si Aira ay kanyang kaklase simula nung 1st year high school haggang 4th year high school. Mula pa noon ay minahal na niya ito, si Aira ay isang maganda at palaban na babae. Dahil sa mga katangian ni Aira, napamahal siya kay Mitsui.
Pagbabalik sa Nakaraan
Ang hindi malilimutang unang pagkikita nina Mitsui at Aira…
Unang araw ng klase ni Mitsui bilang isang High School Freshman. May nakita siyang isang babaeng pinagkaka-isahan ng isang grupo ng mga lalaki…
"Hoy Miss Taray! Ang yabang mo ah! Freshman ka lang!" sigaw ng isang matangkad na lalaki.
"Eh ano ngayon! Akala niyo kung sino kayo ah! Mga panget!" mayabang na sigaw ng babae.
"Aba't! Ang yabang mo talaga Miss Sungit! Eh ano kaya kung halikan kita diyan!" sigaw ng isang matabang lalaki.
"Sige nga! Hoooo!" kantiyaw ng mga ibang lalaki sa grupo.
"Mga ungas! Kung pinagsasasapak ko kayo diyan!" sigaw muli ng babae.
"Whoo! Matapang talaga 'to mga tsong!" sigaw muli ng matabang lalaki.
"Halikan mo na yan tol!" sigaw ng isang kalbong lalaki.
"Ah, sige! Subukan niyo! Uubusin ko mga lahi ninyo! Mga ungas 'tong mga 'to!" galit na sigaw ng babae.
KRRRRIIIINNNNNGGGGGGG!
"Pasalamat ka Miss Taray at nag-bell na!" sigaw ng isang mahaba ang buhok na lalaki,
"Mas magpasalamat ka long hair na bulok ka! Kung hindi nag-bell baka ubos na buhok mo ngayon!" sigaw ng babae.
"Hintayin mo kami sa susunod! Siguradong hindi ka na makakapag-salita kapag hinalikan kita!" sigaw ng matabang lalaki.
Umalis na ang grupo ng mga lalaki at naiwang mag-isa ang babae… Nilapitan siya ni Mitsui…
"Ahhmm… Hello Miss. Okay ka lang ba?" tanong ni Mitsui.
"Sino ka ba! Baka isa ka lang sa kanila." sabi ng babae hanggang hindi na niya mapigilang umiyak.
"Ah, eh. Huwag kang umiyak Miss. Hindi ako isa sa kanila. Freshman din ako. Pareho tayo." sagot ni Mitsui.
"Talaga?" saad ng babae habang umiiyak pa rin.
"Oo, huwag ka nang umiyak Miss. Gagantihan natin yung mga gunggong na yun." saad ni Mitsui.
"Bakit ganun? Kahit nung grade school pa lang din ako, walang gustong makipag-kaibigan sa akin. Lahat sila inaaway ako. Mayabang daw ang dating ko. Inaaamin ko mataray ako pero panlabas ko lang yun kasi natatakot akong unang lumapit sa mga tao…" umiiyak na saad ng babae.
"Okay lang yun, kalimutan mo na yun." saad ni Mitsui upang paga-anin ang loob ng babae.
"Mahirap kalimutan eh. Pinilit ko na nga lang magpaka-tapang para hindi nila ako apihin eh. Gusto ko na talaga umiyak kanina. Kaso ayokong makita nilang umiiyak ako, na mahina ako." malungkot na saad ng babae.
"Tahan na… Gusto mo, pwede tayong maging magkaibigan. Ako nga pala si Mitsui, ikaw? Anong pangalan mo? Anong section ka nga pala?" tanong ni Mistui sa babae.
"Ako si… ako si Aira. Section VII-B. Ikaw?" tanong ni Aira.
"Talaga! Magkaklase pala tayo! So ano, halika na! Baka mapagalitan tayo ng teacher! First day of classes pa naman!" anyaya ni Mitsui.
"Halika na… Salamat ha Mitsui… Ang bait mo…" naluluhang saad ni Aira.
"O, ano ka ba! Huwag ka nang umiyak! Okay na diba! Halika na Aira!" anyaya muli ni Mitsui.
"Okay…" saad ni Aira.
Simula noon ay naging magkaibigan na sila Mitsui at Aira. Naging tagapag-tanggol ni Aira si Mitsui. Sa mga panahong magkasama sila, hindi napigilan ni Mitsui ang mahulog kay Aira. Hanggang sa maghiwalay na sila dahil magkaiba sila ng papasukan sa College.
Sa kasalukuyan… Nakatulog na din si Mitsui matapos ang mahaba-habang pag-iisip sa kanyang first love na si Aira…
