CHAPTER 6: Love Life: Ryota Finds his Match
Habang inaayos pa ang kanilang album, ang Shohoku Band ay wala pa gaanong ginagawa. Si Sakuragi ay papunta- punta lang kina Haruko, si Rukawa ay nasa bahay lang at tahimik na nag-gigitara, si Mitsui ay palaging busy sa pagtawag at pagte-text kay Aira at si Ryota ay palabas-labas upang makakita ng magagandang chicks at nakikipag-date.
Isang umaga, kakagising lang ni Ryota upang bumili ng kanilang almusal sa labas, nang makasalubong niya si Ayako, ang kanilang landlady na manang kung manamit. Si Ayako ay kasing-taon lamang nila Ryota ngunit Manang ang tawag sa kanya nina Sakuragi at Ryota dahil sa kanyang konserbatibong pananamit at manang na style.
"O, Hi Manang Ayako! Good morning! Kamusta?" nang-iinis na bati ni Ryota kay Ayako.
"Alam mo, kanina maganda na ung araw ko eh! Kaso ngayong nakasalubong kita, biglang dumilim! Parang biglang may lumabas na kampon ng kadiliman. So, itatanong mo pa ba kung kamusta ako?" naiinis na saad ni Ayako.
"Hey, easy ka lang! Hindi naman ako nakikipag-away ah. In fairness mukhang blooming ka ngayon ah, hindi ka na mukhang bombing! Hahaha…" pang-aasar ni Ryota.
"Ha-ha-ha! Very funny Ryota. Pwede ba, kung wala kang magawa sa buhay mo, magpakabulok ka na lang diyan sa loob ng apartment! Hindi yung gagala-gala ka, baka mahuli ka ng city pound! Umaga pa naman!" ganting-asar ni Ayako.
"Actually, hindi naman ako nagpapatawa eh. I'm just praising you. Sige na nga, bye Manang Ayako! Hahaha…" saad ni Ryota habang naka-ngisi kay Ayako.
"Bwiset! Hmpf!" asar na sigaw ni Ayako.
Inis na inis si Ayako kay Ryota dahil araw-araw nalang na ginawa ng Diyos ay inaasar siya ni Ryota. Ewan ba niya, mabait naman sa ibang babae si Ryota ngunit pag sa kanya ay iniinis siya. Siguro dahil hindi siya katulad ng ibang babae na sexy at stylish kung manamit
"Eh sa hindi ako ganun eh! Pero hintayin mo lang Ryota, kapag nag-iba ako ng style, siguradong tutulo ang laway mo. At kapag naghabol ka,busted ka kagad!" saad ni Ayako sa sarili.
Si Ryota naman ay tuwang-tuwa dahil nainis niya si Ayako, ewan ba niya. Para kasing para sa kanya ay masarap makitang naiinis si Ayako. Mabait naman siya sa ibang babae, hindi niya lang malaman kung bakit trip niyang asarin si Ayako. Hindi naman dahil manang ito manamit, dahil kahit manang ito manamit ay maganda naman ito. Hindi lang lumalabas dahil hindi ito nag-aayos.
Sa apartment…
"Hoy, Ryota! Ang tagal mo naman bumili! Gutom na gutom na kami! Alam mo naman na hindi ako pwedeng magutom! Dahil hindi gumagana ang utak ko kapag gutom ako!" Sigaw ni Sakuragi.
"Wala ka naman talagang utak." Bulong ni Rukawa.
"Heh! Shutting up nga Rukawa! Magtigil ka! Pangahas!" galit na sigaw ni Sakuragi.
"Gunggong…" saad ni Rukawa.
"Tama na nga, umagang-umaga!" saway ni Mitsui. "Bakit nga ba ang tagal mo Ryota? Siguro nang-chicks ka na naman!" dagdag ni Mitsui.
"Hindi noh! Nakasalubong ko kasi si Manang! Hahaha!" sagot ni Ryota.
"Inasar mo na naman noh?" tanong ni Mitsui.
"Oo! Ako pa!" sagot ni Ryota.
"Tsk… Ang sama mo talaga!" saad ni Sakuragi.
"Whoo! Ikaw nga unang tumawag na manang dun eh! Gumaya lang ako!" sagot ni Ryota.
"At least ako tumigil na! Ikaw patuloy pa rin!" ganting sagot ni Sakuragi.
"Oo nga naman Ryota, itigil mo na yan. Matagal na rin tayong nakatira dito, ganun din katagal mo nang inaasar si Ayako." Saad ni Mitsui.
"Eh sa masarap siyang asarin eh! Nakakatawa siya kapag nagagalit! Hahaha!" saad ni Ryota habang tumatawa.
"Baka naman in love ka sa kanya." Saad ni Rukawa.
"Oo nga! For the first time tumama ka din Rukawa!" saad din ni Sakuragi.
"Gunggong." Ganti ni Rukawa.
"Brad naman, ako in love kay Manang Ayako? No way! Eh mukhang manang yun noh!" saad ni Ryota.
"Asus, baka nga in love ka!" sigaw ni Mitsui.
"Heh! Basta no way! Type ko lang talaga---" naputol na saad ni Ryota.
"Ayun! Eh type mo pala eh!" kantiyaw ni Sakuragi.
"Hindi pa kasi tapos eh! Type ko lang siyang asarin!" patuloy ni Ryota.
"O siya, siya! Tingnan na lang natin…" makahulugang saad ni Mitsui.
"Tingnan ang alin?" tanong ni Ryota.
"Basta.: sagot ni Mitsui.
"Whatever!" saad ni Ryota.
Ewan ba ni Ryota kung bakit parang napikon siya sa sinabi ng mga kabarkada niya--- na in love daw siya kay Ayako! Dati rati naman ay hindi siya mabilis mapikon, siya pa nga ang nang-mimikon. Pero ngayon ay parang sobrang affected siya. Bakit nga kaya? Totoo nga bang inlove siya kay Ayako?
"No way! Never!" sigaw ni Ryota.
"Hoy! Parang kang timang! Nagsasalita ka ng mag-isa! Adik ka ba!" tanong ni Sakuragi.
"Ah, wala! Hindi ako adik noh!" sagot ni Ryota. "May iniisip lang ako." Dagdag pa niya.
"Hmmmm… mukhang---" naputol na saad ni Mitsui.
"Mukhang ano?" tanong ni Ryota.
"Secret." Nakangising sagot ni Mitsui.
"Ikaw talaga Mitsui, masiyado kang maraming instinct!" puna ni Ryota.
"Basta. Malalaman mo rin kung anong sinasabi ko pagdating ng tamang oras." Saad ni Mitsui.
"Maiba tayo, kamusta na nga pala yung maganda mong kaibigan na si Aira?" tanong ni Ryota.
"Ayun, okay lang naman siya. Maganda pa rin." Nakangiting saad ni Mitsui.
"Pwede ko kaya siyang ligawan?" tanong ni Ryota. Sinusubok lang niya si Mitsui dahil alam niyang may gusto ito sa dalaga.
"Hoy, huwag mong malapitan si Aira ah! Babanatan kita!" sigaw ni Ryota.
"Uy, mukhang in love ang pare ko ah. May gusto ka kay Aira noh?" nakangising tanong ni Ryota.
"Ehem!" nasamid si Mitsui. "Wala noh, kaibigan ko lang yun, kaklase ko kasi siya mula 1st year high school hanggang 4th year high school." Saad niya.
"Asus, diyan naman nagsisimula yan eh! From friends to lovers!" saad ni Ryota.
"Ah, basta." Putol ni Mitsui sa usapan nila.
"O sige na nga, hindi na kung hindi. Labas lang ako ah!" paalam ni Ryota.
"Sus, pupuntahan mo lang si Ayako at aasarin eh." Saad ni Mitsui.
"Hehehe…" lumabas si Ryota nang tumatawa.
Sa labas, nakita ni Ryota si Ayako na nagbabasa ng libro… Nilapitan niya ito…
"Hi!" bati ni Ryota.
"Hi ka pa diyan! Mang-aasar ka lang!" nakasimangot na saad ni Ayako.
"Ito naman, hindi naman masiyado noh." Saad ni Ryota.
"Pwede ba, tantanan mo na ko! Bakit ba ako na lang lagi ang nakikita mo? Baka palayasin kita diyan sa apartment ko!" sigaw ni Ayako.
"Hey, cool ka lang. Di kita aasarin pramis. Wala lang akong magawa sa loob eh." Sagot ni Ryota.
"Wala kang magawa kaya mangungulit ka." Saad ni Ayako.
"Hindi na nga eh! Diba tinatanong mo kung bakit kita palaging inaasar?" tanong ni Ryota.
"Oo. Alam ko na kung bakit. Kasi baduy at manang ako manamit. Hindi tulad ng mga---" naputol na saad ni Ayako.
"Hindi." Putol ni Ryota sa sasabihin ni Ayako. "Kasi pano ba naman, nung una kaming nagpunta dito, tinarayan mo agad ako! Ako kagad yung nakita mo. Ayan tuloy inasar na kita. Ang init kasi nang dugo mo sakin eh." Paliwanag ni Ryota.
"Eh kasi po, mainit lang yung ulo ko nun." Saad ni Ayako.
"Bakit may 'PO'?" tanong ni Ryota. "Mas matanda ka sakin noh!" nang-aasar na saad ni Ryota.
"Ayan ka nanaman!" sigaw ni Ayako.
"Joke lang naman. High blood ka masiyado! Puso mo!" nakatawang saad ni Ryota.
"Heh, nakaka-asar ka kase!" saad ni Ayako.
"Hehehe… Sige na nga! Peace na tayo!" saad ni Ryota.
"Asa ka pa, pagkatapos mo kong asar-asarin makikipagpeace ka! In your dreams!" mataray na saad ni Ayako.
"Sus, ito naman! Peace na tayo!" pilit ni Ryota.
"Okay, okay! Matahimik ka lang! Ang ingay mo! Nakitang nagbabasa ako eh!" saad ni Ayako.
"Basta, peace na tayo ah! Hehehe…" saad ni Ryota.
"Whatever!" sigaw ni Ayako.
Hindi malaman ni Ryota kung anong ispirito ang pumasok sa kanya at nakipag-bati siya kay Ayako. Marahil ay sawa na siya sa araw-araw na away nila ng dalaga. Tuwang-tuwa siya at bati na sila ni Ayako. Bakit nga kaya?
Si Ayako naman ay hindi mapigilang ngumiti dahil bati na sila ni Ryota. Parang ang gaan sa loob. Tuwang-tuwa siya dahil magkaibigan na sila ng binata.
"Mabait naman pala ang lokong 'yon!" saad niya sa sarili.
Nang mag-gabi na ay hindi pa rin mawala sa isip ni Ryota si Ayako. At ganun din si Ayako, hindi rin maalis sa isip niya si Ryota. Nakatulog silang nasa isip ang isa't isa.
