CHAPTER 8: Love Life: Sakuragi's Confession
Sa araw-araw na pagpunta ni Sakuragi kay Haruko at sa araw-araw na nakikita niya ang dalaga, lalo lamang nahuhulog ang loob niya. Sa tingin niya ay hindi lamang pagkagusto ang nararamdaman niya kay Haruko, ito na siguro ang tinatawag nilang "true love".
"Mahal ko na siguro siya… Pero paano ko naman sasabihin sa kanya? Ang alam ko ay kay Rukawa siya may gusto. At kaibigan lang ang turing niya sa akin. Ano bang gagawin ko Mitchi?" seryosong pagtatapat ni Sakuragi kay Mitsui.
Sa lahat ng kabarkada niya, kay Mitsui lang siya nakakapagsabi ng problema niya. Dahil si Rukawa ay may sariling mundo at si Ryota naman ay laging ginagawang biro ang mga seryosong bagay. Alam niyang minsan ay ganun siya, pero hindi sa pagkakataong iyon, para sa kanya ay hindi kayang daanin sa tawa ang bagay na iyon.
"Tsk… Mahirap nga yan. Pero bakit hindi mo subukang magtapat? Malay mo, malay natin kung gusto ka din pala ni Haruko. At malay mo, hindi na niya gusto si Rukawa. Hindi natin masasabi kung hindi susubukan Sakuragi." payo ni Mitsui.
"Eh pano kung hindi pala? Pano kung layuan niya ko pagkatapos kong magtapat? Hindi ko kaya yun Mitchi." Saad ni Sakuragi.
"Kaya nga susubukan eh. At kung talagang mahal mo siya, kakayanin mo. You'll never know if you don't know how to take risks. Kailangan mong maging matapang Sakuragi. At saka kung hindi ka man niya gusto, all you should do is let go. If you really love someone, you need to accept everything. Even if everything means letting go." Seryosong paliwanag ni Mitsui.
"Siguro nga tama ka Mitchi. Hahanap na lang ako ng magandang timing para sabihin sa kanya. At kung hindi man niya ako gusto, lalayo na lang ako sa kanya." Seryosong saad ni Sakuragi.
"Ganyan nga Sakuragi. Teka, may naisip ako!" saad ni Mitsui.
"Ano 'yon?" tanong ni Sakuragi.
"Ano kaya bago ka magtapat sa kanya, haranahin natin siya. Imbitahan mo siya dito sa atin. Tapos tutugtog tayo para sa kanya." Sagot ni Mitsui.
"Oo nga noh! Pero pumayag naman kaya yung dalawa?" tanong ni Sakuragi.
"Oo naman! Magkakabarkada parin naman tayo! Basta, imibitahan mo nalang siya. Ako na ang bahala sa lahat. " sagot ni Mitsui.
"Kailan naman kaya?" tanong muli ni Sakuragi.
"Bukas. Wala naman kaming lakad bukas eh." Sagot ni Mitsui.
"Salamat Micthi. Kaibigan ka talaga! O sige, pupuntahan ko na siya. Sana pumayag siya!" saad ni Sakuragi sabay labas.
"Good luck pre!" sigaw ni Mitsui.
Pumunta na si Sakuragi sa bahay nila Haruko…
"Hi Haruko." Bati ni Sakuragi.
"Hello Sakuragi. Tuloy ka." Anyaya ni Haruko.
"Ahmmm… Haruko… P-pwede ka bang ano…" paputol-putol na saad ni Sakuragi.
"Pwedeng ano?" tanong ni Haruko.
"Ano… Pwede ba kitang ayain bukas?" tanong ni Sakuragi.
"Saan ba?" balik na tanong ni Haruko.
"Sa may amin. May papakita lang ako sa iyo bukas." Sagot ni Sakuragi.
"Sa inyo lang pala eh. O sige ba. Anong oras ba? Ako nalang ba pupunta sa inyo?" tanong ni Haruko.
"Ah, oo. Kung pwede sana. Mga 6:00 ng gabi." Sagot ni Sakuragi. "Okay lang ba?" tanong ni Sakuragi.
"Okay lang naman. Ano ba yung ipapakita mo?" tanong ni Haruko.
"Basta. Punta ka ha! Hihintayin kita Haruko. Sana makarating ka." Seryosong saad ni Sakuragi. "O sige, bye na." paalam ni Sakuragi sabay labas ng bahay nila Haruko.
"Okay sige." Saad ni Haruko.
Nagtataka si Haruko kung bakit parang ang seryoso ni Sakuragi. Hindi naman ganun si Sakuragi, palagi pa nga itong tumatawa at nakangiti. Ngunit kanina ay hindi man lang niya ito nakitang ngumiti at tumawa.
"Bakit kaya? May problema kaya siya? Sana naman wala…" saad ni Haruko sa sarili.
Si Sakuragi naman ay kinakabahan sa mangyayari bukas. Umuwi siyang kabado…
"O, ano? Pumayag ba?" tanong ni Mitsui.
"Oo." Sagot ni Sakuragi.
"Bakit ganyan itsura mo? Para kang hindi masaya." Puna ni Mitsui.
"Kinakabahan kasi ako eh." Sagot ni Sakuragi.
"Huwag kang mag-alala. Akong bahala bukas. Relax ka lang diyan." Saad ni Mitsui.
Kahit nang mag-gabi na ay hindi pa rin mapakali si Sakuragi. Kinakabahan siya sa magiging reaksiyon ni Haruko sa pagtatapat niya bukas. Nakatulog siyang may kaba sa dibdib…
Kinabukasan…
Habang nanananghalian ang magkakabarkada…
"Mitchi, ano okay na ba?" tanong ni Sakuragi.
"Okay na okay na tol." Sagot ni Mitsui.
"Oo nga. Alam na namin ang happenings mamayang gabi." Singit ni Ryota.
"Salamat mga tol ah. Eh, ikaw Rukawa, okay lang ba sayo?" tanong ni Sakuragi.
"Ayos lang." sagot ni Rukawa.
"Salamat talaga sa inyo." Saad ni Sakuragi.
Kinagabihan…
Handa na ang banda sa kanilang tugtog para kay Haruko. Si Sakuragi naman ay hindi pa rin mapakali. Ilang minuto na lang at dadating na si Haruko.
"Goodluck satin mga tol. Sana magustuhan niya 'to." Saad ni Sakuragi.
tok, tok, tok…
Dumating na si Haruko.
"Pasok ka Haruko!" sigaw ni Sakuragi.
"1,2,3 go." Senyas ni Sakuragi sa mga kabarkada.
"Sakuragi ano---" putol na saad ni Haruko.
"Para sayo 'to Haruko. Ang title nito ay 'Superhero'." Saad ni Sakuragi bago magsimulang kumanta.
Nagsimula nang tumugtog ang banda…
pano kung ayaw mong tumingin
pano kung ayaw mong makinig
may magagawa pa ba kaya upang mapansin mo ako
lahat ng lakas ko ay ibibigay todo
dahil ako ang iyong superhero, superhero...
ahhhh... ahhhhh... ahhhhh...
pano kung di ka naman maniwala
ikaw nga siguro ang bahala
basta't ako'y naririto para sayo nakahandang sumalo
lahat tatalunin ko para sayo dahil ako ang iyong
superhero (4x)...
lilipad tayo ng super powers ko, ohh..
at sabay kong itatanong sa'yo kung mahal mo pa ba ako...
ako ang iyong superhero(3x)...
superhero, superhero...
Natapos na ang kanta…
"O, pano Sakuragi. Alis na kami. Goodluck sayo ha." Saad ni Mitsui.
"Oo nga. Kaya mo yan." Saad ni Ryota.
"Goodluck." Saad ni Rukawa.
"Salamat." Sagot ni Sakuragi.
Umalis na ang tatlo, naiwan sina Haruko at Sakuragi…
"Ano bang meron Sakuragi?" naguguluhang tanong ni Haruko.
"Halika, dun tayo sa kusina." Anyaya ni Sakuragi.
"B-Bakit?" tanong ni Haruko.
"Basta." Saad ni Sakuragi sabay hatak kay Haruko.
Sa kusina…
"Ano bang meron Sakuragi ha?" tanong ulit ni Haruko.
"Kain na muna tayo. Mamaya ko na sasabihin sayo." Seryosong saad ni Sakuragi.
"O-Okay." Sagot ni Haruko.
Pagkatapos kumain…
"Ano? Sasabihin mo na ba kung anong meron? Bakit kayo tumugtog kanina pagdating ko?" tanong ni Haruko.
"Dahil iyon ang kanta ko para sayo Haruko." Sagot ni Sakuragi.
"H-ha?" naguguluhan na talaga si Haruko.
"Kanta ko sa iyo yun. Dahil…" putol na saad ni Sakuragi.
"Dahil ano?" tanong ni Haruko.
"Dahil mahal kita Haruko. Simula pa lang nung una kitang nakita, nagustuhan na kita. At nang makilala kita, nahulog ang loob ko sayo. Alam kong hindi ako ang gusto mo, dahil si Rukawa ang gusto mo. Pero, okay lang sakin yun. Wala akong pakielam dun, basta ang alam ko mahal kita. At sana, pagbibigyan mo kong… ligawan ka." Saad ni Sakuragi. Hindi siya makatingin nang diretso kay Haruko.
"Sakuragi…" hindi makapaniwalang saad ni Haruko.
"Kung hindi mo matatanggap ang sinabi ko, okay lang Haruko. Handa akong lumayo muna, pero maghihintay ako kung kailan mo ko pababalikin. Kahit gaano pa katagal yun Haruko, hihintayin ko ang sagot mo." Saad ni Sakuragi.
"H-hindi pa ako handa Sakuragi. Hindi naman sa hindi kita gusto pero…" putol na saad ni Haruko.
"Naiintindihan kita Haruko. Alam kong kaibigan pa lang ng tingin mo sa akin. Pero sana, pag-isipan mo. Maghihintay naman ako Haruko." Saad ni Sakuragi.
"Sakuragi…" saad ni Haruko.
"O, sige Haruko. Umuwi ka na, nasabi ko na sayo ang nararamdaman ko. Sana, makapag-isip ka at pumayag kang manligaw ako. Bye na Haruko. Salamat dahil dumating ka. Bibigyan kita ng oras para mag-isip. Hindi muna ako magpapakita sa iyo. Lalayo muna ako." Saad ni Sakuragi.
"S-Sakuragi. Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Ayokong paasahin ka sa hindi ako siguradong bagay. Hindi pa ako handa. Ayokong masaktan ka ng dahil sa akin." Saad ni Haruko.
"Wala akong pakielam Haruko. Basta, maghihintay ako. Hindi ako aasang mamahalin mo ako kaaad. Pero sana, buksan mo ang puso mo para sa ibang taong nagmamahal sayo. Huwag mo sanang ilaan ang puso mo sa isang taong hindi ka naman mahal." Saad ni Sakuragi.
"Bahala na Sakuragi." tanging saad ni Haruko sabay labas ng apartment.
Naiwang mag-isa si Sakuragi. Malungkot siya dahil sa mga sinabi ni Haruko. Pero maghihintay siya, ayaw niyang mawala ang babaeng pinakamamahal niya. Dahil ang tunay na pag-ibig ay mahirap pakawalan. At alam niyang ang nararamdaman niya para kay Haruko ay tunay na pag-ibig...
Dumating ang tatlo…
"Anong nangyari Sakuragi?" tanong ni Mitsui.
"Okay ba? Kayo na ba?" tanong ni Ryota.
"Hindi. Hindi pa daw siya handa. Pero sinabi ko sa kanyang maghihintay ako sa sagot niya." Sagot ni Sakuragi.
"Pasakit lang ang mga babae." Saad ni Rukawa.
"Hindi yan totoo Rukawa. Dahil kapag nahanap mo na ang babaeng pinakamamahalin mo, sigurado akong magbabago ang pananaw mo." Sagot ni Sakuragi.
Hindi man masaya, okay na rin iyon para kay Sakuragi. At least nasabi niya ang nararamdaman niya. At pinangako niyang maghihintay siya sa sagot ni Haruko. Kahit gaano pa katagal iyon...
"Ikaw lang ang mamahalin ko Haruko. Walang kahit na sino ang pwedeng pumalit sa iyo." Saad ni Sakuragi bago siya natulog.
