CHAPTER 9: Love Life: Rukawa's Past


"Hindi yan totoo Rukawa. Dahil kapag nahanap mo na ang babaeng pinakamamahalin mo, sigurado akong magbabago ang pananaw mo."

Hindi makatulog si Rukawa, paulit-ulit na bumabalik sa kanya ang mga katagang binitawan ni Sakuragi, para bang sirang plakang hindi tumitigil. Kung kaya't lumabas siya upang magpahangin…

Ngunit sadyang hindi niya makalimutan ang sinabi ng gunggong na si Sakuragi.

"Gunggong talaga…" bulong ni Rukawa.

Nagdesisyon siyang maglakad, at dinala siya ng kanyang mga paa sa isang park, naupo siya sa swing…

Tumingala siya sa kalangitan na punong puno ng mga bituin… sa kanyang pagtitig sa nagniningning na mga bituin ay unti-unting nanumbalik ang isang masaklap na parte sa kanyang nakaraan…


FLASHBACK!

Nandoon sila ngayon ng kanyang kasintahan sa isang malawak na field... nakahiga sa damuhan at pinagmamasdan ang magagandang mga bituin sa kalangitan. Napakasaya ni Rukawa nang gabing iyon, sapagkat kapiling na naman niya ang kanyang mahal na si Shizuka Kurusaki. Si Shizuka ay kanyang kasintahan, kaibigan na niya ito simula pa noong siya ay bata. Hanggang sa maramdaman niyang mahal na niya ito kung kaya't niligawan niya at sa kabutihang palad ay sinagot naman siya.

"Rukawa…"

"Hmmm?"

Tinitigan niya ng mabuti si Rukawa, "K-Kung… sakaling… mawawala ba ko pansamantala… malulungkot ka ba?"

"H-Ha? Ano bang pinagsasabi mo?" gulat na tanong ni Rukawa.

"B-Basta sagutin mo na lang… kung s-sakali lang naman eh."

"Ahhh… hindi ko alam." Naguguluhang saad ni Rukawa.

"Sagutin mo na lang please… Magagalit ka ba? Malulungkot ka ba ng sobra? Ka-Kamumuhian mo ba ko?" muling tanong ni Shizuka.

"Malulungkot ako siyempre… dahil… alam mo naman kung gaano kita kamahal. At tanging ikaw lang ang babaeng napalapit sa akin. Magagalit… hindi ko alam…" Sagot niya, nagtataka siya sa mga sinasabi ng kanyang kasintahan ngunit ipinagsawalang bahala na lamang niya ito.

Naghari ang katahimikan sa pagitan nila, tanging paghinga na lamang nila ang maririnig…

"Shizuka… may problema ba?" tanong ni Rukawa sa kasintahan, sobrang naguguluhan siya sa ikinikilos at sinasabi ni Shizuka.

"Wala… wag mo na lang akong pansinin, may iniisip lang ako." Sagot ni Shizuka. "Basta… kahit anong mangyari, Rukawa… tandaan mo na mahal na mahal kita. Kahit ano pa man ang dumating, lagi mong isipin na mahal kita… at ayokong saktan ka." Dagdag niya.

Dahil sa mga sinabi ni Shizuka ay lalo lamang gumulo ang isip ni Rukawa, "Sigurado ka bang ayos ka lang?" tanong niya.

Tumango si Shizuka, "Mahal na mahal kita Rukawa…"

Napangiti siya, "Mahal na mahal din kita, wag kang mag-alala, walang mangyayaring masama… kasama mo ko kahit ano pa mang mangyari." Saad ni Rukawa.

Nangiti si Shizuka, isang ngiting may bahid ng matinding kalungkutan, "Salamat Rukawa…" saad niya. 'Sana mapatawad mo ko…' naisip niya.

Tumayo na si Rukawa at hinawakan ang kamay ni Shizuka upang itayo, "Halika na Shizuka." At nag-aya nang umuwi.

"Okay…"

Hinatid na ni Rukawa si Shizuka sa kanilang bahay…

"Goodnight…" saad ni Rukawa.

"Goodnight rin sayo Rukawa… mag-iingat ka parati ha…" tugon ni Shizuka, at hindi niya napigilan ang kanyang sarili kung kaya't niyakap niya si Rukawa ng mahigpit. Kasabay ng kanyang pagyakap ay ang pagpatak ng kanyang luha.

Nabigla si Rukawa sa ginawang pagyakap ni Shizuka ngunit niyakap rin niya ito ng mahigpit…

Naghari muli ang katahimikan habang sila ay magkayakap…

"Sige na Shizuka, pumasok ka na… baka makita pa tayo ng Papa mo." Saad ni Rukawa, at kumawala na siya sa pagkakayakap kay Shizuka.

"Paalam Rukawa…" huling saad ni Shizuka bago siya pumasok sa loob.

Naguguluhan parin si Rukawa sa kinilos at mga sinabi ni Shizuka pero ipinagsawalang bahala na lamang niya ito… inisip niya na marahil ay marami lang iniisip ngayon si Shizuka kung kaya't naging malungkot at may pagka-madrama ito ngayong araw.

Nakatulog siyang nasa isip pa rin ang kanyang mahal…

(KINABUKASAN)

Papasok na nang eskwela si Rukawa nang makasalubong niya ang isang kaibigan…

"Rukawa!"

"Bakit?" tanong niya.

"Pare, may pinabibigay pala sayo si Shizuka, actually kahapon pa yan eh, kaso sabi niya sakin ngayon ko daw ibigay sayo."

"Talaga? Ano ba yun?" muling tanong ni Rukawa.

"Parang sulat pare eh, ewan ko lang, kaw na lang magbukas. O sige, pare, una na ko, late na ko sa klase ko eh."

"Sige." Saad niya. "Ano kaya 'to? Hmmm…" Binuksan na niya ang sobre.

Isa ngang sulat, kung kaya't binasa niya ito…

Dear Rukawa,

Habang binabasa mo 'to, siguro nasa eroplano na ko papuntang Canada. Natakot akong sabihin sa iyo, gusto ni Papa na doon na ko mag-aral.

Sana mapatawad mo ko sa pag-alis nang walang pormal na pagpapaalam sa iyo, pero ayoko na kasing saktan ka pa.

Sana… huwag mo kong kamuhian. Ayokong magalit ka sakin, sana pagbalik ko, ikaw pa rin ang Rukawang minahal at nakilala ko.

Hindi ko na sasabihing hintayin mo pa ko, dahil hindi ko alam kung hanggang kailan ako mawawala… Ayokong maghintay ka at masaktan, kung kaya't kalimutan mo na lamang ako…

Marami pang ibang babae diyan na naghihintay na mapansin mo, alam ko yun, kaya… kalimutan mo na ko. Ibaling mo na sa iba ang pagmamahal na nararamdaman mo para sakin.

Hindi ibig sabihin niyan na hindi kita mahal o minahal, alam mong mahal na mahal kita Rukawa… pero ayokong masaktan ka dahil lang sakin. Gusto kong mabuhay ka nang masaya… kahit na wala na ko sa tabi mo… Gusto ko na maging maligaya ka.

Paalam na Rukawa…

Hanggang sa muling pagkikita…

Mahal na mahal kita…

Nagmamahal,

Shizuka

Pagkatapos basahin ay natulala siya, hindi niya alam kong anong dapat maramdaman, hindi niya alam kung anong dapat gawin… ang tanging alam niya, ay iniwan na siya ng mahal niya. Wala na si Shizuka, nasa isang malayong lugar na siya, at maaring hindi na bumalik pa. Nilukot niya ang papel at tinapon, nagagalit siya, oo, galit ang nararamdaman niya, dahil sa mga sinabi ni Shizuka na kalimutan na lamang niya ito, nagagalit siya dahil… hindi man lang ipinaglaban ni Shizuka ang nararamdaman nila para sa isa't isa. Basta na lamang itong pumayag sa gusto ng kaniyang Papa… hindi siya nagawang ipaglaban ng babaeng mahal niya. Basta na lamang itong umalis, at nag-iwan ng isang sulat. Na para bang isa lamang siyang batang iniwanan basta basta sa isang tabi. Hindi matanggap ni Rukawa ang nangyayari, kung kaya't tumakbo siya, hanggang sa makarating siya sa isang malawak na field na walang katao tao kundi siya lamang.

"SHIZUKAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!" malakas na sigaw ni Rukawa.

Paulit-ulit niyang sinigaw ang pangalan ni Shizuka, hanggang sa mapagod na siya at mapaluhod, kasabay noon, ay ang unti unting pagpatak ng kanyang mga luha. Hindi niya napigilang umiyak, dahil wala na si Shizuka… wala na ang kanyang mahal. Wala na ang katangi tanging babaeng pinahalagahan niya buong buhay niya… wala na.

Nakaluhod parin siya noon, nang biglang bumuhos ang mga patak ng ulan… kasabay ng malakas na pagbuhos ng ulan, ang patuloy na pagdaloy ng kanyang mga luha…

END OF FLASHBACK!


Napangiti si Rukawa sa pagka-alala ng kanyang masaklap na nakaraan… isang ngiti ng kalungkutan at… galit.

Matagal tagal na rin ang lumipas mula nang mangyari iyon… at ayaw na niya sanang balikan, ngunit sa tuwing makakakita niya ang mga nagniningning na mga bituin, ay hindi niya maiwasang maalala si Shizuka…

Nagpasya si Rukawa na umuwi na dahil lumalalim na rin ang gabi…


A/N: Ang tagal ko ding di naupdate to, pero ngayon may Chapter 9 na! Asenso na ko. Haha. Sa mga nag-abang, kung meron man kahit isa o dalawa, eto na. Wag na kayong magtaka at madaming linya si Rukawa dun sa flashback, gets niyo na naman siguro ang takbo ng storya. Kaya yun… Mga kapwa Noypi, R&R! XD