(NOTA BENE: Nakapag-upload na ako agad, tutal naman ready na. Basa lang people! Syangaps: Beware of OOC-ness galore! You have been warned.)

(DISCLAIMER: REBORN! and all of its characters are all belonged to Amano Akira-sensei. Di ko rin kaanu-ano sina Marithe+Francois Girbaud, Coco Chanel, at Monique Lhuillier. At hindi pa ako nakakapunta ng Italy sa buong buhay ko.)

RUNWAY RYOHEI

Session Two:

LUSS

Walang hindi nakakakilala sa akin. Hindi sa pagyayabang, pero isa lang naman ako sa mga pinaka-after sought, most expensive designers ngayon. Kung hindi n'yo pa ako maalala, this might ring a bell: ako ang star witness sa pagpatay kay Girogio Virtruce [1] na naging mentor ko for fifteen years. Nakakalurkey pang alalahanin 'yon. Dyuskoh, simula nga noon nagpalaki na ako ng katawan, five years pa akong tumira sa Thailand para lang mag-aral ng Muai Thai. Pero siyempre, hindi ko pa rin nakakalimutan ang passion ko. Dahil sa mga nangyari kaya mas lalo akong nagsumikap at para marating ang kinatatayuan ko ngayon. Ang taray ng lola mo noh?

Sa Venice ako ipinanganak. Bata pa lang ako mahilig na ako sa mga anik-anik. Favorite subject ko ang Mythology kaya mapapansin mo na lang ang mga creations ko na inspired lagi sa mga diyos at diyosa, kasi naman gataray ng sinaunang panahon para makapag-isip sila ng mga ganoong kabobonggang istorya ng mga bayaning malalaki ang katawan, mga mujeres na halos imposible na ang ganda, mga nilalang sa langit, lupa't impyerno na may major-major powers, etc, etc. Ilang Mythology books na ang nasa library ko para sa inspirasyon, noh! Nakailang beses na rin akong lumibot sa Rome, Athens, Cyprus, Egypt, kahit pa sa India para lang pasukin ako ng diyosa ng inspirasyon. Wala pa rin. Huling labas ko pa nga noon ng line eh nung two years pa bago ang pinakabago ko noon. 'Naturally' pa nga ang tawag sa collection ko, hango sa mga kuwento ng mga diwata, diwani't diyos ng kagubatan at kakahuyan. Main model ko pa nga noon si Kouyo Aoba, ang uberyabang at uber out-of-this-world na si Kouyo Aoba. At alam mo bang dahil sa hambog na 'yong talo pa ang kalandian ko kaya ako nilayasan ng espiritu ng inspirasyon! Dalawang taon din akong display sa sarili kong opisina. Pinakaayaw ko pa naman ang nilalangaw akoh!

Hanggang one time may nag-alok sa aking magbakasyon muna. Subukan ko daw sa Tuscany. Go naman ako. Sinama ko si Fran, 'yung anak ng kaibigan ko na pinakilala sa akin para gawing assistant ko. Ai, wala pa ngang summer, susmaryosep, para kaming nasa Africa sa sobrang init! Pero uy, in fairness, maaliwalas sa Tuscany, ang taray ng sunset at ang bongga ng effect sa mga buildings doon kapag tinatamaan ng sinag ng araw pag sunset na. At doon, yes doon, pangatlong araw namin sa Tuscany, bigla akong binisita't sinampal-sampal ng espiritu ng inspirasyon. Sinabi niya oras na para gisingin ang utak kong dalawang taon nang inaamag. Kinabukasan nakita ko na lang ang sarili kong nagse-sketch na't nagdedesign para sa bago kong collection habang nakatirik pa ang araw. Umutang pa ako ng tatlo pang araw para lang tapusin ang pagse-sketch ko. Ang resulta...

'Sunny Rush'. Isang panibagong unisex line inspired by the sun. Anything about the sun, mula sa composition, kuwento, hanggang sa attributes nito. At sa sketch pa lang proud na proud na ako sa sarili ko dahil sure akong pag tinahi na, kahit winter isusuot pa rin nila ito para mag-feeling summer pa rin. Reyna, noh? Matapos naming manatili sa Tuscany ng halos isang linggo, nag-book agad ako ng flight papuntang Delphi sa Greece para sa mas marami pang maipong inspirasyon. Nag-work naman. Sa Delphi kasi matatagpuan ang nasira-nang templo ni Apollo, kaya doon ko tinapos ang pagse-sketch ng designs ko't doon ko na rin tinahi ang first two outfits ng collection. Doon pa lang, sumagi na sa isip ko noon ang perfect Apollo's priestess para i-introduce ang aking bagong collection: ang half-Japanese, half-French na si Kurenai Picart [2].

Naisip ko si Kuranai hindi dahil sikat siya at that time, kasi aura pa lang niya nakikita ko na sa kanya ang sunshine, at kahit gabi na'y feeling mo maaraw pa rin kapag nakikita mo siya. Mas lalong gusto ko siyang kuning model nang makita ko siya sa isang billboard na napapaligiran ng sunflowers. Lagi kasi siyang mukhang fresh and blooming, na kahit haggard na ang mundo naroon pa rin ang hinahanap-hanap mong radiance. She's perfect. Nung tinawagan ko siya noon para mag-model para sa akin, pumayag siya agad. Wala na akong problema sa priestess ko. Pero nung oras na para maghanap ng Apollo, my God, akala ko madali lang. Mas mahirap pa pala ang maghanap ng perfect model kesa maghanap ng perfect jowa! At mantakin mong inabot ako ng tatlong buwan kaka-screen sa mga potential models—pero ni isa sa kanila wala ang radiance na puwedeng i-partner kay Kurenai! Ni ayoko nang kunin si Kouyo Aoba kahit na gusto niya't pinagpipilitan niya pa noon—pero hindi, ayoko na, dahil ayoko siyang katrabaho. Unang-una, wala sa kanya ang hinahanap ko! Minsan nga gusto ko nang itapon ang mga pinaghirapan kong sketches pati ang mga tinahi ko sa sobrang frustration. Sinasabi ko sa inyo, hindi magwo-work sa collection ko ang isang model na wala sa hinahanap ko! Hindi magiging maganda ang kalalabasan ng Sunny Rush collection if one or the other would not exist! Pangit kung panlalaki lang! Pangit kung pambabae lang! Getch mo ba ang logic! One cannot exist without the other! Sino ang 'pagsisilbihan' ni Kurenai kung wala ang 'Apollo' sa tabi niya!

Until that night...

-0-

"San ka galing?" bad timing na umuwi ng late si Fran dahil lasing ang lola mo, buong araw nag-swimming sa beer kaiisip sa magiging Apollo mo.

"Lasing ka na naman?" binato pa ako ng isa pang tanong.

"Etchuserang frog, ako ang naunang nagtanong!"

"Sabi ko nga," basta na lang siyang umupo kung saan. "Wala. Namasyal lang ako-"

"Namamasyal sa gitna ng trabaho? Bagong-imbento mo ba 'yan?"

"Eh ikaw, umiinom sa gitna ng trabaho-"

"Oy, oy, oy, hindi ako naglalasing, ha? Kelangan ko lang ng inspiration...:"

"Eh di kelangan ko rin palang uminom."

"At bahket!"

"Kulang kase ako lagi sa inspiration para makapagtrabaho-"

"Ai, namimilosopo na naman ang tiyanak na palaka!" mura ko. "At sa tingin mo ilang taon ka na para maki-join sa akin!"

"Eh sabi mo kelangan mo ng inspirasyon kaya ka umiinom. Pa'no naman ako? Hindi ako makakilos kase kulang ako sa inspirayon-"

"Susmaryosep, Fran. Logic! Logic! Isipin mo naman kung ilang taon ka pa lang! Isa pa, ang daming puwedeng gawin para ma-inspire ka! Matuto ka namang maghanap! Pero kung tinatamad ka lang at ginagawa mo lang excuse ang paghuli mo sa akin, itulog mo na lang 'yan. Malay mo baka makapanaginip ka pa d'yan ng..."

Hanggang sa napansin ko na lang na may bitbit siyang kung anong poster. Suspetsa ko tuloy nagpunta pa siya sa shooting ng kung anong pelikula kaya siya nakasungkit ng souvenir. Pero para makasiguro...

"Ano 'yang dala mo?"

"Ah, ito?" pinakita pa niya sa akin. "Pulot ko lang sa dinaanan kong school. Nakakalat, parang nahulog mula sa pagkakadikit. Sayang naman kung hindi ko pupulutin. Mukhang astig pa naman 'yung poster..."

Pagkabuklat ni Fran sa poster, tumambad sa akin ang nakakasilaw na liwanag. Liwanag na nagmula sa lalaking nasa poster: ang tikas ng kanyang tindig, ang hubog ng kanyang mga masel, ang kinang at kinis ng kanyang balat, ang mukha niyang may angas pero nangniningning. Isang buklat pa lang sa poster, nagmistulang umaga ang madilim naming kuwarto.

I've finally found him.

"Franny dear," nakadikit pa rin ang mga mata ko sa model ng poster, "saan mo ba ulit...nakuha 'yan...?"

"Malapit sa school du'n, nakakalat eh, kaya-"

"Fran, you're a GENIUS!"

"...Ha?"

"Natagpuan mo rin siya! Ang-"

"Ang Apollo mo."

"Yes. Yes! YES!" na sa sobrang tuwa ko sa ko milagro't nawala ang kalasingan ko. "Nagkasilbi ka rin!" niyakap ko siya sa sobrang happiness. "Ni hindi mo namalayang iniligtas mo ako sa tiyak na pagkalugi! You're my lifesaver!"

Pero natagalan pa bago ma-gets ni Fran ang nararamdaman ko nung time na iyon. Ganun naman talaga siya, eh, laging late mag-react, although sanay na ako sa ugali ng assistant ko. Parang tinurukan ng formalin mula pa pagkabata. Hindi ko tuloy mabasa kung ano ang nasa utak niya, na kung minsan kulang na lang magpatawag na ako ng ispiritista para lang maging normal siyang tao.

Tinitigan pa niya 'yung poster bago pa siya makapag-react. "Sabihin mo nga," iniikot-ikot pa niya 'yung poster, "sigurado ka ba sa...sinabi mo...?"

"Beh! Palibhasa hindi ka designer kaya hindi mo masabi kung sino ang bagay sa isang damit at kung sino'ng hindi! Buti pa ako," hindi ko na naalis ang mga mata ko sa magiging future model ko, "isang tingin ko pa lang alam kong siya na. Isang buklat pa lang sa poster na 'yan, nasinagan na agad ako ng sikat ng araw. Hindi mo ba nararamdaman, Franny dear? Siya si Apollo! Siya ang araw na matagal ko nang hinahanap-hanap!"

"Yun lang naman pala eh. Ang problema, paano natin siya hahanapin-"

"Sus, Fran! Nandito na mismo ang sagot! Palibhasa ni address, tamad kang maghanap!" at ako na mismo ang nagbasa ng address na nakasulat sa poster. "Hmm...sa Boxing Gym ng Namimori Middle School pala. Doon natin siya makikita..."

"Eh papa'no kung wala talagang ganyang tao sa tinuturong address d'yan?"

"Kaya nga pupuntahan eh! Ang mabuti pa," stretch-stretch, "matulog ka na. Maaga pa tayo bukas. Pupuntahan natin ang Apollo ko-!"

"Gudlak naman kung mapapayag natin siya..."

"Dyusko, Fran...hindi ko alam kung papa'no ka inalaki ng mga magulang mo't lahat na lang ng negative vibes sa mundo sinalo mo na. Ah basta, matulog ka na! At sinisiguro ko sa 'yong mapapapayag natin siya by any means! Narinig mo! By any means..."

"Whatever. Sabi mo eh..."

At siniguro ko sa sarili ko noong tototohanin ko 'yon. Alam ni Fran ang ugali ko: hindi ko tinitigilan ang isang bagay o tao hangga't hindi ko nakukuha ang gusto ko. At pag sinabi kong siya si Apollo, siya si Apollo, at tiyak na magiging successful ang pag-launch ng collection ko.

-0-

Kung tutuusin masyado nang late ang 8:30 ng umaga para maabutan pa namin ang Apollo ko sa pinapasukan niyang school. Paano ba naman, ambagal magising ni Fran! Nakasampung utang na siya noon ng five minutes kundi ko lang sinabing nakauwi na ang parents niya (di naman tro dahil nagha-honeymoon pa rin ang mga hitad noon sa Vanuatu) na kung tutuusin dapat kanina pa kami noong nakaalis ng alas-siyete! Tuloy pagdating namin, gahaba ng pila na di mo mawari kung para saan. Pero mukhang sulit naman. Totoo ang sinabi ni Fran tungkol sa poster, halos kalat na sa lugar na iyon ang picture ng Apollo ko. Parang bawat daan namin sinisinagan kami ng kanyang liwanag. Haaay..!

"Mukhang may nagaganap na boxing tryouts ah," hula ni Fran. "Haba kasi ng pila... So ibig sabihin, para sa tryouts 'yung poster. Kaya kung susugurin natin ang gym ngayon, baka aakalain nilang naroon tayo para mag-tryout. Pero oks lang. Trained ka naman sa Muai Thai di ba, Madame?"

Ai, si Fran. Kung ano ang ikina-nega ng katawan at utak, iyon pang ikinakati ng dila niya. Hindi ko na lang siya pinansin. Dyuskoh, pake ko sa tryouts na 'yan! Nagpunta kami doon para kay Apollo, wala nang iba. Kaya paghinto ng kotse, pinauna ko agad ang mga julalers ko papuntang gym.

-0-

Amoy-hombre. The usual na amoy ng isang gym lalo na pag training days. Immune na ako sa amoy since limang taon ko rin 'yong tiniis sa Thailand. At king ikukumpara sa pinuntahan ko sa Thailand, walang-wala pa ang gym ng Namimori doon. Siguro dahil karamihan sa mga naroon hindi pa yata nakakatungtong ng puberty stage kaya puwede pang pagtiyagaan. Anyway, hindi ko na pinansin ang mga nagte-training doon. Pero nang dumating kami, aba, lahat ng mata nakatuon sa amin—o siguro sa akin, na-mesmerized yata sa angkin kong ganda. Pero keber ko lang.

At para makasiguro pa, "Franny dear," tinignan ko ang lugar, "sigurado ka bang ito ang lugar?"

"Ikaw ang me sabing pumunta tayo rito,"sumagot ang palaka, "tapos ngayon tatanungin mo ako kung ito nga 'yon?"

Kung kami-kami lang, baka kanina ko pa siya noong pinatikim ng Muai Thai ko. "Di ka rin etchuserong pagtanungan no? Tinatanong kita diyan ng maayos..."

Maya-maya nilapitan kami ng medyo gurangis na lalaki. "Uh...excuse me, ano po ang kailangan nila?"

"You mean sino," sinagot ko bigla, sa inip ko na rin. "Anyway, ito ba ang Boxing Gym ng Namimori Middle School?"

"Uh...ito nga ho-"

"So ibig sabihin," ah, mabuti na lang at may lumapit sa amin nung time na iyon kundi'y hindi namin maipaparating ang aming pakay. Wala nang paliguy-ligoy, ipinakita ko agad sa kanya ang poster na napulot ni Fran nung gabi bago iyon. "kilala n'yo ang nasa poster na 'to. Hinahanap namin siya."

Kakaiba pa ang reaction ng na natanggap ko bago ako sagutin ni Manong. "S-siya ang Captain namin dito. Ano'ng kailangan n'yo sa kanya?"

"Captain n'yo?" nang malaman ko 'yon, parang nagsikantahan ang lahat ng mga Musa sa kaluluwa ko. Mas lalo pang napadali ang aming quest na makadaupang-palad ang magiging Apollo ko. "Kaya naman pala, Franny dear!" bulalas ko. "Ah, anyway, hinahanap namin siya para ibigay sa kanya ang isang pambihirang opportunity!"

"Ano'ng...opportunity?"

Ang this is the moment. Habang napapaisip noon si Manong kung anong 'opportunity' ang balak naming ibigay sa kanilang Captain, speaking of Captain...diosmio! Siya na mismo ang lumapit para makealam! Gustung-gusto ko na noong himatayin sa bumabalot sa kanyang sinag ng araw na papalapit na noon sa amin. The face...the built...it's Apollo—in the flesh! Gustung-gusto ko na siya noong yakapin, pero nooo, control thyself, Luss! Umayos ka, hungkag!

At nang magpakilala na rin siya, "Ako ang Captain ng Namimori Boxing Club, Ryohei Sasagawa. Me kelangan daw kayo sa akin?"

Ryohei Sasagawa. Ai...musika sa aking pandinig! Parang Japanese equivalent ng pangalan ni Apollo! Hindi na ako nag-second thoughts. "Fran, take down notes!"

"Yes Madame."

"Nakuha mo ba ang pangalan niya?"

"Yes Madame. Captain ng Namimori Boxing Club, Ryohei Sasagawa-"

"Good! Picture!"

"Yes Madame."

Ang maganda lang naman kay Fran, ipinanganak siyang Boy Scout. Alam niya kung ano ang kailangan ko, and'yan na agad, kaya hindi kami nahirapang kunan ng picture si Apollo—I mean, Ryohei. At mabuti na lang, hah, expert photographer ang assistant ko, kaya hindi ako nag-aalala kung ano ang magiging kalalabasan ng mga pictures, as long as A-ok yung model. Pero ai, nung kinukunan namin siya, kung makapag-react naman ang pobre parang never pa nakakita ng camera sa buong talambuhay niya. Takot yata ke Flash Elorde [3].

"Teka! Teka!" pinipigilan niya noon si Fran "Ni hindi pa nga ako pumapayag magpa-picture eh! Sino ba talaga kayo! Ano'ng kelangan n'yo sa 'ken!"

Mukha ngang hindi niya kami kilala't wala siyang alam, so "Fran!" agad siyang naglabas ng calling card ko't ibinigay sa kanya; siya kasi ang nagtatago ng lahat ng personal things ko—maliban siyempre sa cellphone. "Baka makatulong iyan para makilala mo kung sino ang babago sa buhay mo starting today."

So binasa naman ni Apollo—uh, Ryohei, ang calling card ko na parang hirap siyang magbasa. Di ko alam kung malabo lang ang mga mata niya o hindi siya marunong magbasa, tsk-tsk... "Lus...suria...?" napakamot pa sa ulo. "Pangalan ba 'to...?"

Tural! Pero in fairview, nagulat ako nang mag-react bigla si Manong. "S-sabi mo? Lussuria?"

"Uh...opo—"

"PAMBIHIRA kaya pala hindi n'yo kilala eh!"

Kahit ako nagulat doon nang malaman kong kilala ako ni Manong, in fairview. So explain niya:

"Siya lang naman ang isa sa mga pinaka-respetado't pinakahinahangaang fashion designer sa buong mundo! Kahilera niya sina Chanel, Girbaud, at Monique Lhuillier [4]! Kilala siya sa kanyang versatile unisex collections! Pa'no ko nalaman 'yon! Paboritong designer lang naman siya ng asawa ko!"

Kilala nga ako ni Manong. Impressed ako. Para sa asawa niyang sinasamba ako, no wonder na may alam siya sa akin. Anyway, hindi na ako nagpaliguy-ligoy. Sinabi ko na agad ang aming misyon. "At pagkatapos ng halos tatlong buwang paglalakbay at paghahanap sa aking perfect Apollo," sabay turo ko sa kanya, "nahanap ko na rin siya sa wakas!"

Shocked ang lolo moh. Tinuro pa niya ang sarili niya.

"You. Yes, you!" ulit ko pa. "Ikaw! Ikaw ang Apollong matagal ko nang hinahanap para sa aking Sunny Rush Collection! Salamat na lang sa poster na ito't matatapos na rin ang pagdurusa koh!"

"Eh ano ba talaga'ng gusto n'yo sa 'ken!" atat na si Apollo.

"—I want YOU...to be my supermodel!"

Hindi iyon ang inaasahan kong reaction. Ang buong Boxing Club ang nagulat—maliban kay Apo—este Ryohei (dyuskoh, dapat talaga masanay na ako sa totoong pangalan niya!), tulala pa rin. Maria, mas malala pa siyang mag-react kesa kay Fran! Pero inisip ko rin na siguro speechles lang siya dahil siya ang pinili ko sa libu-libong hombres na gustong magtrabaho sa akin, including the wretched Kouyo Aoba. At sa reaction pa lang ng kanyang passe, unti-unti na rin silang namamatay sa inggit!

Pero biglang sumingit si Manong. "Ah, eh, M-Mr. Lussuria, hindi sa nangengealam ako, pero tingin ko hindi 'to magandang lugar para pag-usapan ang tungkol diyan, ano? Ang mabuti pa," tinulak niya kami somewhere, "sa opisina ko na lang natin pag'usapan 'yan. Mahirap na pag may makarinig pang iba. Alam n'yo na..."

May point naman si Manong. Inaalala lang niya ang kapakanan ng estudyante niya, so understood. Pumayag rin kaming pag-usapan ang future ni Ryohei in private, sa opisina niya. At para masigurong hindi magkakagulo habang nagmi-meeting kami, may inutusan noon si Manong na kung sino para mag-take charge. Ako naman, na-excite. Wala ako noong ibang iniisip kundi puro positive, positive, na sana positive ang makuha kong sagot mula sa aking Apollo. Konti na lang. Wag nawang...

-0-

"Ayoko."

Feeling ko binagsakan ako ng langit at lupa sa sagot niyang iyon. So straight to the point! Para akong binaril diretso sa puso ko! Ako, si Lussuria, tinanggihan ng isang kung tutuusi'y amateur boxer at never pa naranasang maging cover guy sa buong buhay niya! Sa simpleng sagot niyang iyon para na niya akong ininsulto. Wala pang nakakatanggi sa akin!

Si manong naman, hindi mapakali sa naging sagot ng estudyante niya. "Iho," dinig ko pa nga siya noon, "hindi ka ba kinikilabutan sa sarili mo? Kilala mo ba 'yang tinatanggihan mo! Pasalamat ka nga diya't ikaw na mismo ang nilalapitan ng isang kilalang designer! Tapos aayaw ka lang!"

"Eh sa ayoko eh," tigas ng ulo, sintigas ng masel niya. "Teka nga, Coach, binubugaw n'yo ba ako!"

Susmaryosep ang utak at bibig ng batang 'yon! Walang breeding! Tila ba unti-unting nawawala noon ang sinag ng araw sa kanya dahil doon—pero no, Lord, no! Wala na akong ibang makitang Apollo kundi siya lang! Paulit-ulit ko tuloy tinatanong sa sarili ko kung bakit kailangang pahirapan pa ang pagkumbinsi sa kanya. Ako naman itong nagtitimpi, wala akong magawa. Keri lang.

"N-naku-naku, Mr. Lussuria," panay ang hingi sa akin ni Manong ng sorry na kung tutuusin dapat 'yung bata ang humingi ng sorry sa akin, "pagpasensyahan mo na sana 'tong estudyante ko, he-he... Alam n'yo kase hindi naman siya 'yung tipong palatanggi, n-nagkataon lang na naghahanda kami sa mga tournaments kasi nag-champion kami nitong taon lang. Pero minsan, eh, hindi n'yo siya mapipilit sa mga bagay na...na hindi niya linya." Mukha nga. Sa totoo lang naawa ako ke Manong. Siya pa kase ang nagpapaliwanag imbis na 'yung estudyante niyang me ayaw. Pero buti't "Teka, ba't ako ang nagpapaliwanag dito! Ba't di ikaw!"

"Ba't ako!"

"Eh ikaw 'tong me ayaw eh! Kaya ikaw ang bahalang magpaliwanag! Bigyan mo siya ng pinakamagandang dahilan para ayawan mo ang alok niya! 'Wag ka nga d'yang mag-inarte!"

Oo nga naman. Samantalang ubos na noon ang pasensya ko, pero kung magpapadala pa ako sa galit ko para ko na ring pinakawalan ang pagkakataon, muzhta naman? So para walang gulo, kinausap ko ulit si Ryohei ng dahan-dahan para unti-unting pumasok sa pagjujutack niya ang tungkol sa mundong naghihintay para sa kanya. Hala:

"Iho," kumanta na ako, "nare-realize mo naman siguro na... pagkakataon na mismo ang lumalapit sa 'yo. Alam kong hindi mo 'to forte, pero siguro naman walang mawawala sa 'yo kung hindi mo susubukan. Ipapaalala ko lang sa 'yo... Out of 1,000 boys na nag-audition para maging star ng aking bagong collection, ikaw, na nadiscover ko't hindi na kailangang dumaan sa audition, ang napili ko. Napakalaking break ito, iho! Ba't ka pa nagdadalawang isip-?"

"Ayoko nga eh."

Kung ipinanganak lang akong walang pasensya, baka kanina pa ako sumuko, nagwala't nag-walkout. Sinabihan pa nga ako ni Fran na "Sabi na sa 'yo eh," kaya nakadagdag lang iyon sa wrinkles ko't minura ko tuloy ng di-oras. Pero alam kong may dahilan si Ryohei para tanggihan ang ganoong kabihirang opportunity. Hinintay ko iyon.

"Tatlo ang dahilan ko," nagpaliwanag na rin. "UNA, target ng Namimori Boxing Club ang back-to-back championship next year! PANGALAWA, naghahanda na ako para maging professional boxer pagtungtong ko ng high school! At PANGATLO, pangarap kong maging National Sport ng Japan ang Boxing!"

Susme.

Napansin ko lang sa mga dahilan niya, lahat may kinalaman sa boxing. Doon ko lang nakuha ang logic. Since walang kinalaman sa boxing ang alok ko, ayaw niyang kagatin, kase feeling niya hindi makakatulong ang pagmomodel sa pangarap niyang maging boksingero. Tipong mas gusto pa niyang mabalutan ng bugbog at pasa sa katawan kesa masuotan ng magaganda't mamahaling haute-couture suits. Tuloy, pati utak ng bata bugbog na rin. I thought sumo wrestling ang National Sport ng Japan! Kaawa-awang bata...

"Iho," pinipilit ko pa rin siya noong pagpaliwanagan, "naiintindihan ko ang gusto ong mangyari...pero hindi ka ba naaawa sa sarili mo? Mas ine-enjoy mo pa ang mabugbog at bumabagsak kesa i-enjoy ang kabataan mo sa mga gimik at dates?"

"Dahil ganun ang mga boksingero," katwiran niya. "Kung totoo kang lalaki, gusto mong malaman kung hanggang saan ang kaya mo, di ba? Isa pa, bata pa ako, pangarap ko nang maging boksingero. Gusto kong protektahan ang mga mahal ko gamit ang mga kamao ko. Gusto kong harapin ang mga kalaban ko sa isang patas na laban. At kahit mamatay pa ako sa bugbog, hindi ko ipagpapalit ang boxing sa kahit ano pa man dahil ang tunay na boksingero, hindi susuko't hindi ibababa ang guard niya hangga't hindi pa tumutunog ang bell!"

Sa kabila ng kakaibang paniniwala niya tungkol sa boxing, in fairview pinahanga niya ako. Malaki ang respeto niya sa nasabing sport, at talagang naninindigan siya para rito. Pero hindi naman 'yon ang point ko eh! First and foremost, middleschooler pa lang siya! Ilang taon pa lang siya! Marami pa siyang puwedeng gawin aside from boxing! Pero kung iikot na lang ang mundo niya sa boxing, hindi natin masasabi kung assured na ang future niya kung mabubuhay lang siya sa suntok-suntok at pasa-pasa! Gets mo ba? At kung ako ang tatanungin, sayang ang kabataan niya, sayang ang mukha't katawan niya, sayang ang future niya! Period!

Pero dahil na rin sa mga sinabi niya, doon na rin ako nakaisip ng isang major-major bright idea para mapasaakin siya. "O siya, o siya, I'll just have it your way, Mr. Sasagawa."

"Ano'ng ibig mong sabihin?"

"Naiintindihan ko ang mga sentimientos mo. Kaya nga naisip kong...hamunin ka sa isang laban."

Hmm...alam ko na 'yang iniisip mo. Iniisip mong at that time desperado na ako, no? Siguro. Pero seryoso ako. Hindi lang dahil ako 'yung tipong hindi tumitigil hangga't hinid nakukuha ang gusto ko. Dahil nirerespeto ko lang ang gusto niya't para maipakita sa kanyang nirerespeto ko nga ang gusto niya, hinamon ko siya sa isang bagay na alam kong kakagat siya.

Nagtaka pa nga ang lolo mo eh. Parang away seryosohin ang challenge ko. "Nagba-boxing ka ba?"

"Correction dahlin: Muai Thai."

"Kickboxing 'yun ah!"

"O, at least may boxing na involved. Ganito kasi ang gusto kong manyari: gusto kitang hamunin sa isang one-on-one match in three rounds. Siyempre, gagamitin ko ang sarili kong style. Don't worry, hindi ko ugali ang mandaya. Simple lang ang rules. Pag nanalo ka, fine, hindi na kita kukulitin, maghahanap na lang ako ng ibang model. Pero pag ako ang nanalo, wala kang choice. Sayaw mo't sa gusto, ikaw ang magiging star ng collection ko. Deal ba 'yon?"

Panalo ang deal ko, di bah? Kung hindi ko makukuha si Ryohei Sasagawa sa santong dasalan, eh di dadaanan ko na lang sa santong paspasan! Hindi niya noon namalayang nakuha na pala niya ang respeto ko bilang isang fighter, kaya gusto ko siyang sampulan na kahit fashion designer, marunong ding sumipa na parang kabayo. Ang taray ng first meeting namin noh? Mas mataray ang mga sumunod na nangyari, na inakala ko pa hanggang tingin na lang ang kaya kong gawin sa kanya, kaya mas lalo ko siyang nakilala...

Suspense na ang mga sumunod na nangyari. Matapos ang first encounter na iyon, nagsimula na ako noong magdalawang-isip habang tumatagal. Tama bang pilitin ko ang bata sa isang bagay na never niyang sinubuka't never niyang di-nare na subukan? Tama ba ako sa naging instincts ko noong una ko siyang makita sa isnag school poster? Tama bang isabak na agad ang isang middleschooler sa isang mundong kung tutuusi'y mas marumi pa sa mundong balak niya noong pasukin pagka-high school? Paulit-ulit ko iyong tinanong sa harap ng salamin nang may mangayaring sobrang selan ayoko nang i-share, basta me kinalaman ke Ryohei. Pero despite what happened, ang tibay pa rin ng lolo moh. Matatag pa rin...tulad ng di matinag-tinag na sikat ng araw. Tulad nga ni Apollo na nangingibabaw ang kanyang walang-hanggang liwanag.

Oh well, gusto mo bang malaman kung ano ang nangyari sa aming deal? Hmmm...?

NOTES:

[1] It's supposed to be Gianni Versace pero para na ring wala akong matamaang kung sino, kahit wala na siya sa mundong ito, minabuti ko na ring ibahin ang pangalan. Born in 1946 and died in 1997, binaril siya basta ng isa pa namang Fil-Am. Nagpakamatay din ang suspek pagkatapos.

[2] Kurenai Picart, another OC in my -Japanese, Half-French model-actress. Makikilala n'yo pa soya lalo sa mga susunod na chapters.

[3] Gabriel 'Flash' Elorde, one of the titans in Philippine boxing before Manny Pacquiao. Ginawa kong gay lingo ang pangalan niya na ang ibig sabihin ay camera flashes, lol

[4] See Disclainer. Mga totoong tao 'yan.

(Yan. Onward to the next chappie! Me English Version na rin 'toh!)