(BAGO ANG LAHAT: Sorry po kung hindi po nakapag-update ang lola ng matagal, busy sa trabaho and at the same time naghahanap ako ng translatos. YES PEOPLE I'M LOOKING FOR TRANSLATORS. Kaya ko naman pero kulang na me sa oras, sorry talaga... Anyway, Sana ma-enjoy n'yo ang susunod na interview!)
RUNWAY RYOHEI
Session Three:
TSUNA
Nakilala ko si Kuya Ryohei dahil kay Kyoko na crush ko noon pa. Sa una, mahirap paniwalaan, pero sapat na ang pagmamahal at proteksyong ibinibigay niya kay Kyoko't ang pag-aalala naman ni Kyoko sa kanya sa tuwing napapaaway siya para maniwala kaming lahat.
Gustung-gusto talaga ni Kuya Ryohei ang boxing. Kuwento pa nga niya sa akin noon, si Kyoko ang dahilan para subukan niyang mag-boxing. Dati kasi napaaway na siya sa mga taong mas matatanda sa kanya, na sabi pa nga ni Kyoko muntik na daw niya iyong ikamatay. Doon na siya nangakong hindi na siya makikipag-away para hindi na raw siya umiyak. At dahil din doon kaya siya sumali sa Boxing Club at doon na lang niya ibinuhos ang lahat.
Ang totoo, ang weird ng pagkikita namin. Noong minsang ginawang hostage si Kyoko ng Karate Club para gawing manager, hindi ko alam kung ano ang nasa utak ko noon at basta na lang ako sumugod. Gusto ko lang ba siyang ipagtanggol? Nagawa ko naman, na wala ang tulong ni Hayato o ni Takeshi. Doon na ako nagulat sa sarili ko. Lalo na noong unang beses akong nakita ni Kuya Ryohei. Tama bang hamunin niya ako sa boxing? At ang pinaka-weird sa lahat, natalo ko siya. Wala naman akong ganung intensyon eh. Ipinagtanggol ko lang naman ang sarili ko. Pero sino ba ako para sabihin iyon? Kahit sino naman ganoon ang palusot pag nananalo sila, eh. Hindi lang ako nalalayo sa kanila.
Sa huli, pinilit niya akong isali sa Boxing Club, bagay na ayoko, pass ako. Sapat na sa akin ang makitang ayos si Kyoko, ayoko ng gulo. Ba't hindi na lang si Hayato? Nakoh, hindi sila magka-vibes. Wala namang problema si Kuya sa kanya, pero si Hayato...siya lang naman ang gumagawa ng issue, eh. Basta't may lumalapit sa akin, kaaway na niya. Overprotective na ewan. Pinapabayaan ko naman. Mabait naman si Hayato eh—exagg nga lang. Pero rakenrol naman siyang katropa.
Mabuti na lang mabait si Kuya Ryohei. Siguro dahil hindi pa niya alam na me gusto ako sa kapatid niya—pero kung ganun nga dapat pina-powertrip na niya sina Takeshi (pero kung si Hayato lang, oks lang, sanay na 'yun eh). Speaking of Takeshi, halos magkatulad sila sa ilang bagay: parehong sports-minded, sobrang bait, at pareho ding me topak. At patawarin sana ako ng langit, pero kung ikukumpara ang mga utak nilang dalawa, mas malala si Kuya. Ayos kasi ang memory span niya—parang sa goldfish. Madali pa niyang nami-misinterpret ang mga bagay-bagay. Mahirap pagpaliwanagan. Ampangit pang magsinungaling. At wala siyang ibang nasa utak kundi boxing...
At doon ko naalala. Dahil wala siyang ibang nasa isip kundi boxing, ni minsan hindi sumagi sa isip ko na makakagawa siya ng isang bagay na ngayon lang namin nakita sa kanya. Katulad na lang noong araw na iyon... isang araw na may nakalaban siyang isang alanganing lalaki sa mismong boxing gym ng school.
-0-
Absent noon ang adviser namin kaya binigyan kami ng pagkakataong mag-self-study. Pero doon din nakakuha ng pagkakataon si Hayato para makalabas ng classrooom. "Puntahan kaya natin 'yung boxing gym ngayon?" yaya pa niya.
"Pero hindi pa ngayon ang araw ng recruitment ah," sabi ni Takeshi.
"Alam ko! Hindi naman 'yung recruitment ang habol natin eh!"
"Ah," hula ko, "kukumustahin natin 'yung poster?"
"Kukumustahin natin 'yung reaction ng utak-damng captain nila tungkol sa poster," humagikhik pa.
Hinid ko naman nagustuhan ang balak niya. "Pero pinaghirapan di ni Mhar 'yon para sa team nila. Kung bibisita lang tayo doon para lang pagtripan ang reaction ni Kuya Ryohei-"
"Boss naman, aminado akong masama akong tao, pero hindi ko naman ugaling manlait ng gawa ng kapwa ko! Pero kung 'yun talaga ang tingin mo...sige, 'wag na lang tayo tumuloy..."
Mukhang paawa-epek no? Pero ang totoo, madali namang makunsensya si Hayato, eh, lalo na kung alam niyang hindi ko gusto ang iniisip o binabalak niya. Pero sa kasong iyon, hindi naman sa ayokong pumunta. Mahirap na pag nakita ako ni Kuya, hihilahin niya ako bigla't pipiliting mag-boxing. Isa pa, 'yun lang ba ang pupuntahan namin? Pero kung ako ang tatanungin, gusto ko ring kumustahin ang poster ni Mhar, kung natuwa ba si Kuya't ang Boxing Club o hindi. Silip lang ba?
Kaya para hindi na sumama ang loob ni Hayato, "Wala naman akong sinabing 'wag na tayong sumilip, eh," sabi ko. "Kukumustahin lang natin 'yung poster."
"Eh di tamang-tama!" pitik ni Takeshi. "Nakausap ko na si Captain kanina. Mapapag-usapan na namin ni Mhar tungkol sa promotion ng Baseball Club!"
Kaya napagdesisyunan naming tatlong bumisita sa gym para kumustahin si Mhar. Wala kaming kamalay-malay sa sorpresang nag-aabang sa amin doon.
-0-
"B...b-ba't...andaming...tao...?"
Ganoon na lang ang gulat namin nang daanan namin ang boxing gym—andaming nakapila. Hindi naman namin alam kung para saan 'yung mga nakapila, pero sigurado ako noong pare-pareho kami ng kutob.
"Teka," napakamot na noon si Takeshi, "akala ko ba hindi pa ngayon ang araw ng recruitment?"
At doon na nga namin naalala...
"ANG POSTER!" sabay-sabay pa kami ng bulalas. Kaya napasugod na kami noon sa loob, kaso hindi rin kami makapasok agad sa dami ng tao. At parang parami pa ng parami ang mga tao. Pinagkamalan pa nga kami noong mga hindi nakapila para sa tryout, sinabihan pa nga kami na pumila. Eh hanggang tennis court na ang pila sa dami ng gustong sumali sa Boxing Club!
"Duda ako, Boss," sabi pa ni Hayato, "hindi sila pumila dahil nakita nila 'yung poster. Alam ko na 'yan, eh. Alam kasi nilang kapatid ng utak-damong iyon si Kyoko kaya sila nagbabakasakali-"
"Pero hindi naman nila manager si Kyoko ah!" may punto si Takeshi.
"Oo, pero hindi nila 'yon alam O kung alam man nila, wala na silang pakealam. Sumali sila para mapalapit sila ke Kyoko, 'yun lang 'yon!"
"Eh 'yun nga ang weird, eh. Hindi naman si Kyoko 'yung nasa poster. Tsaka wala naman sigurong nakalagay na me libreng kiss sila ke Kyoko 'pag sumali sila-"
"Hindi rin dugyot ang utak mo, no?"
Maya-maya pa, "Uy!" nakita rin kami ni Mhar na nag-a-usher noon sa mga aplikante. Nilapitan niya kami. "Magta-tryout din kayo?"
"Hindi," sagot bigla ni Hayato. "At hindi namin pinangarap na maging under ng captain n'yong utak-damo."
Sinuway ko dahil tumalas na naman ang dila niya. "N-naku," sabat ko, "pasensya ka na... Hindi kami magta-tryout. Ang totoo niyan, na-curious lang kami sa dami ng ng mga nakapila sa gym n'yo. Pero hindi pa ngayon ang recruitment week, ah..."
"Ah, 'yun ba?" abot-tenga ang ngiti ni Mhar. "Kahit nga ako nagulat, eh. Pero kung hindi lang talaga dahil sa inyo, hindi makakarating kay Captain 'yung ginawa kong poster!"
Sabi ko na nga ba't 'yung poster ang dahilan! Naka-akit ito ng mga tao kaya andaming nakapila noong araw na 'yon! "Sabi na sa 'yo, eh! Papatok ang poster mo!"
"Akala ko nga sasabunin na ako ni Captain, eh. Pagdating ko rito ng mga 6:30, me mga nakapila pa sa labas ng gym! Tuwang-tuwa si Captain sa poster ko! Sabi pa nga niya, nung nakita niya iyon kagabi, bumalik pa raw siya ng school para pirmahan iyon at para ipapirma agad sa Student Council Representative para madikit na iyon agad! Hindi pa rin ako makapaniwala hanggang ngayon! Salamat talaga sa 'yo!"
"N-naku," kami pa ang na-flattered, eh "wala nga kaming ginawa eh..."
At tapos may lumapit kay Mhar na teammate niya, na medyo balisa. Kinumusta niya ito. Hindi ko naman alam kung para saan iyon. Nagkuwento 'yung teammate:
"Grabe, mhen," sabi niya, "round three na, pero tablado! Doon na magkakaalaman..."
Parang nagulat si Mhar doon. "Lumalaban talaga ang baklang 'yon!"
"Seryoso! Ang lakas nga niya para sa isang bading! Kickboxing pa ang style niya! Siya nga 'yung nanalo sa round two, eh!"
"Di nga!"
Kami naman, wala kaming ma-gets sa pinag-uusapan nila. Ang intindi ko pa, may sumaling bakla sa Boxing Club. Kung sinu-sino na tuloy ang sumasali kina Kuya, at sa palagay ko pa, tiyak sumali 'yon nang makita niya si Kuya Ryohei sa poster—gets mo na 'yon. Pero para malinawan na rin kami't hindi agad iyon ma-misinterpret ni Hayato o ni Takeshi...
"Ano ba 'yang sinasabi n'yong me bading na sumali sa tryouts n'yo?" tanong ko. "Seryoso ba 'yan?"
Doon ko na napansin ang unti-unting pamumutla ni Mhar na parang kulang na lang umiwas na't hindi na niya ikuwento pa ang totoong nangyari. "T-teka," napakagat pa ng labi, "p-papa'no ko ba 'to ipapaliwanag...?"
Kaya isinama na lang niya kami sa loob ng gym para mas maipaliwanag pa niya ang lahat. At pagpasok nami't pagkakita kay Kuya Ryohei...hindi namin alam kung paniniwalaan pa ba namin ang nakita namin o isipin na lang naming pare-pareho lang kaming natutulog sa klase't iisa lang ang pinapanaginipan namin, lalo na nung ikuwento na sa amin ni Mhar ang lahat ng nalalaman niya.
-0-
Naabutan na lang namin si Kuya Ryohei sa loob ng ring, bugbog na pero matibay pa ring nakatayo. Buti't 'yung kalaban niyang mukhang bading nga, panahon pa ni Mama ang buhok niya, at mukhang di-papasang kahit teacher man lang sa high school. Napansin kong may mga lalaking naka-amerikanang itim, mga anim sila, at isang weirdong naka-costume na palaka na panay ang kuha ng litrato't nagsusulat. Akala ko pa nga reporter siya mula sa ibang school. Ganoon na lang ang kamot namin sa ulo kung sinu-sino ang mga nakikita naming nilalang at ano ang ginagawa nila sa lugar na iyon; ni halos isa sa kanila hindi mukhang kahit taga-Ministry of Education pa sa paningin namin.
Doon na ikinuwento ni Mhar ang lahat: 'yung kalaban ni Kuya nung mga oras na iyon, Lussuria daw ang pangalan niya, isa sa pinakakilalang fashion designers sa mundo. Pamilyar pa nga ke Hayato 'yung pangalan dahil 'yun daw ang brand na paborito ng ate niyang commercial model. At 'yung batang nakasumbrero ng palaka, assistant niya, at mga bodyguards niya 'yung mga mukhang miyembro ng mafia. Yun na nga ang question mark doon, eh: ano ang ginagawa ng isang kilalang fashion designer sa teritoryo ng mga machong mahihilig sa sakit ng katawan at ka-sparring pa niya ang Captain ng Boxing Club? Doon na ibinunyag ni Mhar sa amin ang pakay ng designer na halos ikaputok na ng mga utak namin sa sobrang gulat, windang, gulantang, lahat na ng synonym nuon:
"GUSTO NILANG KUNING MODEL SI KUYA RYOHEI!" bulalas naming tatlo.
"Wag mong sabihing ng sports apparel!" sabat ni Hayato. "Eh hindi naman sila gumagawa ng ganun-!"
"Nakakainggit!" bulalas bigla ni Takeshi. "Hanep na talaga ang dating niya! Biruin mo pati sikat na designer napasugod pa rito para lang kunin siyang model! Ibang level na'ng dating ng poster mo, Mhar!"
Sinabi lang iyon ni Takeshi, napansin ko na lang na lalong namutla si Mhar. Doon pa lang, kutob ko nang pakiramdam niya may nagawa siyang malaking krimen.
"Nakakainggit ka d'yan!" kontra ni Hayato, as usual. "Kung ako si Ryohei, iisipin kong nakakabawas 'yon sa pagkalalaki ko!"
"Bakit naman?"
"Tingin ko ba siya 'yung tipong papayag na mag-pose sa magazine o TV para lang sumikat? Sa pagkakakilala ko s akanya, hindi niya ipagpapalit ang boxing sa kahit ano, kahit pa sa pagiging hari ni Japan para magpababa ng ganun-ganun lang! Isa pa, nakarining ka na ba ng boksingerong naging supermodel! Sino'ng magtyatyagang tumingin sa pasa-pasang katawan sa isang magazine o commercial?"
"Pero fashion designer ang kumukuha sa kanya, hindi director ng isang porn movie-"
"Ayan na namang utak mo eh! Hindi 'yon ang ibig kong sabihin!" Tapos bigla niyang tinawag si Mhar. "Tama ako, di ba? Para sa mga tulad niyang boksingero, nakakabawas sa pagkalalaki na mula sa boxing babagsak sila sa runway at kung anu-ano na lang ang ipinapasuot nila sa kanila-!"
"Alam n'yo," sabat ko bigla, "wag n'yo nang i-pressure si Mhar tungkol d'yan..."
Kasi napansin ko na lang si Mhar noon na parang unti-unti nang natutunaw sa sobrang hiya sa dahilang bo-malabs pa rin sa kanilang dalawa, samantalang ako, kahit papaano, gets ko na.
"Masama ba'ng pakiramdam mo?" nag-alala bigla si Hayato.
Umiling lang si Mhar." "Pakiramdam ko kasi...kasalanan ko 'to eh..."
Nagkatinginan lang kaming tatlo.
"K-kase," at parang nag-alangan pa siya noong umamin, "dahil siguro sa poster...direkta man o hindi," sabay lunok, "b-binugaw ko ang...Captain namin..."
At parang inamin na rin ni Mhar na siya ang puno't dulo ng mga nangyayari, na ang poster niya ang umakit kay Lussuria para kunin niyang model si Kuya, kung anuman ang rason niya. Awang-awa ako sa itsura niya nang inamin niya iyon, at alam kong hindi niya ginusto iyon. Nagkataon lang iyon, wala siyang ganung intensyon, gusto lang niyang makatulong sa team nila. Pero sa nangyayari nung mga oras na iyon...
Nakumbinsi niya si Hayato. "Kasalanan mo pala eh..."
Sinuway ko nga.
Maya-maya biglang umingay ang buong gym. Doon lang namin naalala alng laban ni Kuya Ryohei na halos nakalimutan na namin kaiisip tungkol sa naging alok ng fashion designer sa kanya. Muntik na noong bumagsak si Kuya, buti't napakapit agad sa lubid. Malinaw na para sa amin kung bakit naroon si Lussuria't ang entourage niya, pero nung oras na naglalaban sila, hindi ko na alam kung me kinalaman pa rin iyon sa pakay niya o para pagbigyan at pasayahin na lang ang mga naroroong mahihilig manood ng mga action films.
"Uh...Mhar," tanong ko, "ba't nga ba naglalaban ang dalawang 'yan?"
"Ewan ko," sagot niya. "Ang alam ko lang, nung biglang inalok si Captain na maging model ni Lussuria, basta na lang sila pinapasok ni Coach sa opisina niya't doon na-usap. Hanggang doon na lang ang alam ko, inutusan kasi ako ng Vice-Captain namin na asikasuhin muna 'yung mga tao sa labas. Nakikibalita na nga lang ako, eh..."
"Tiyak me pinag-usapan ang dalawang 'yan," hula ni Hayato. "Hindi sila maghaharap ng ganyan kung wala silang pinagkasundua't tiyak me kinalaman 'yon sa desisyon ni Grasshead."
"T-talaga?"
"Simple lang naman, eh. Pag nanalo si Grasshead, pababayaan na lang siya ni Lussuria. Pero pag si Lussuria ang nanalo, wala siyang ibang choice kundi ang mag-comply."
"Eh di dapat magpatalo na lang si Ryohei!" katwiran ni Takeshi.
Tama ba'ng narinig nahmen!
"Sayang ang opportunity, ano bah! Suwerte na mismo ang lumalapit sa knaya! Hindi ba kayo natutuwa para sa kanya? Hindi lang siya sa boxing sisikat pag nagkataon! Kung magiging model siya, libre na ang wardroobe niya, makakapunta pa siya sa iba't ibang bansa, kung sinu-sino pang sikat ang makikilala niya, puwede pang maging daan 'yon para maging bida siya sa sarili niyang pelikula! Tiba-tiba pa'ng kikitain niya-!"
"SIRA!" binulyawan ni Hayato. "Hindi mo man lang siya tatanungin kung gusto niya 'yon! Eh di dapat hindi na lang niya 'yan pinatula't sumama na lang sa kanya!"
"Hindi mo nage-gets, eh! Hindi habambuhay iikot ang mundo niya sa boxing! Pa'no pag na-injure siya ng grabe bago man lang siya maging pro? Sayang din! At least pag me sideline siya, hindi pa rin siya malalaos!"
"Ikaw 'tong di nakaka-gets, eh! Si Ryohei ang pinag-uusapan natin dito! Parang hindi mo kilala 'yung tao, eh-!"
"Siyempre kilala ko! Masaya lang ako para sa kanya kaya kung ako sa kanya, susunggaban ko na ang pagkakataon! Ikaw, hindi ka ba masaya?"
"Talagang hindi ka nakakaintindi, ano-?"
"Hindi. Ka. Ba. Masaya?"
"Tural, masaya! Kung masaya si Ryohei! At kung masaya nga siya doon, hindi na dapat 'to nangyari! Hindi mo ba 'yon magets-gets!"
"Kaya nga sinasabi kong magpatalo na lang si Ryohei para hindi masayang ang boxing career niya. Subok lang naman, eh..."
"Hindi mo nga talaga siya kilala. Alam mo, me pagpipilian man o wala, papanalunin pa rin niya ang laba't hindi siya papayag na matalo na lang basta-basta!"
"Ni hindi ka man nag-aalala o naaawa ke Kyoko na baka ito na ang huling beses na tatapak siya sa ring?"
"Eh ikaw? Hindi ka ba naaawa na puwede siyang sundan-sundan ng mga paparazzi kada segundo kapag naging model na siya!"
"Kung mangyari man iyon, ang ibig sabihin lang nu'n sobrang sikat na niya na hindi na niya kelangang magpabugbog para kumita!"
"Utak-baseball kang talaga! Hindi mo ba iniisip na pagkalalaki na ni Ryohei ang nakataya dito!"
"Ano nama'ng masama pag naging model ka? Hindi ka pa ba nakakita ng lalaking model!"
"Ano'ng akala mo sa akin, inutil na neverpa nakakakita ng lalaking rumarampa sa stage! Saka hindi naman 'yon ang isyu, eh! Kung totoo kang kaibigan ni Ryohei, rerespetuhin mo ang gusto niya-!"
"Eh ikaw, alam mo ba'ng gusto niya?"
"Tural!"
"Talaga lang, ah... Baka naman naiinggit ka lang kaya ka nagre-react ng ganyan-"
"Naghahanap ka ba ng away!"
Gusto ko na noong magpabugbog sa mga taga-Boxing Club sa reaction ng dalawang kaklase ko, lalo pa't iyon ang unang beses na nakipagsagutan si Takeshi kay Hayato. Ewan ko sa kanila. Unang beses iyon na nagtalo sila dahil lang kay Kuya Ryohei. Naiintindihan ko naman sila, eh. Pareho lang silang nag-aalala sa kinabukasan niya. Ako rin naman. Pero sa init na rin ng debate nila, hindi na ako sumabat at baka ihawin pa nila ako ng di-oras.
Nang biglang umingay ulit ang mga tao. Pero sa pagkakataong iyon, nakita na lang naming bumagsak ang kalaban niyang designer. Hindi man lang namin namalayang tapos na pala ang laban.
"PLAKDA!" bulalas ni Hayato (na halos tumalon na ang puso ko palabas sa gulat ko). "Sabi na't walang sinabi ang kalaban ni Grasshead!"
"Ba't niya pinalagpas ang pagkakataon!" olats si Takeshi.
"Tama lang 'yan, Ryohei! Pakita mo sa binabaeng 'yan kung sino ang hari sa ring!"
Oo, si Kuya Ryohei pa rin ang hari sa rin na hindi niya pinatawad kahit ang isang bading. Pero kahit konti lang ang napanood ko, kahit papaano bilib ako sa kalaban niyang si Lussuria, isang sikat na fashion designer na expert din pala sa Muai Thai at pinatulan ang isang tulad ni Kuya para makuha ang gusto niya. Tuwang-tuwa naman ang mga tao hindi lang dahil nanalo ang Captain nila, kundi dahil din ngayon lang sila nakakita ng maskuladong bading at nakipagsabayan pa sa suntukan. Pero ewan ko lang talaga kung me ideya ng sila sa kung ano ang totoong dahilan.
Matapos noon, inabot ni Kuya ang kamay niya sa tinalo niya. "Pa'no ba 'yan?" sabi pa niya. "Panalo ako."
"Obvious naman eh," inabot ni Lussuria nag kamay niya't tumayo. "Nakaka-disappoint. Pero in fairview nag-enjoy ako, ah!"
"Ako din. Malakas ka pala para sa isang fashion designer..."
"Guso mong malaman ang sikreto ko? Five years lang naman akong na-stranded sa Thailand."
Kaya naman pala eh... Kahit si Kuya nagulat sa nalaman niyang iyon.
"Oh well," at may nag-abot kay Lussuria ng tuwalya't trenchcoat, "ano nga ba'ng magagawa ko? Pero sa totoo lang, sayang ka, dong. Ikaw talaga ang gusto kong maging model para sa bago kong collection. Kasi para sa akin ikaw ang reincarnation ng Diyos ng Araw na si Apollo. Kahit saan ka kasi ibagay, nagsa-standout ka. Namumukod-tangi ang face mo. Maiintindihan mo lang 'yon kung tinanggap mo lang ang alok ko..."
(Biglang sabat ni Hayato sa akin, mahina pala siya sa mythology, Boss! Si Helios ang Diyos ng Araw, hindi si Apollo! Madalas lang siyang tawaging ganun kase sa kapatid niyang si Artemis na tinatawag na Diyosa ng Buwan na hindi naman! Whatever, wala akong maintindihan.)
"Ganun ba?" medyo nakonsensya si Kuya doon. Kaso, "Pasensya na talaga. Kase kahit maputulan pa ko ng kamay, hindi ko pa rin kayang iwan ang ring. Hinahanap-hanap ng katawan ko, eh..."
"Ay, ang tibay mo talaga dong. Wa na me ma-say. Anyway," nakipag-kamay, "baka ito na ang huling pagkikita natin. Sorry for bothering you, by the way."
Nakipag-kamay din si Kuya. "Wala 'yun. Tsaka 'wag sanang sumama ang loob mo. Hindi naman talaga ako model material, eh..."
"Ang modest mo para sa isang boksingero, alam mo 'yon?"
Bumaba ng ring si Lussuria, tinulungan siya ng assistant niya't inalalayan pa siya ng mga bodyguards niya palabas ng gym sa dami ng bugbog niya sa katawan. Pero sa paglabas niya, gulat na lang namin nang biglang dumating si Kyoko, alalang-alala, as usual. Lalo na nang nakita niya kung sino ang kalalabas lang.
"K-Kyoko!" gulat ko. "ano'ng ginagawa mo rito!"
"T-teka, Tsuna," napalingon ulit, "yung lumabas kani-kanina lang...si...si Lussuria ba 'yon?"
Medyo nagulat kami doon dahil mukhang "K-kilala mo 'yon!"
"Ano ba kayo! Wag n'yo sabihing hidni n'yo siya kilala! Ilang beses na siyang napi-feature sa dyaryo, ang versatile designer na si Lussuria! Nakupo, mali sana 'tong iniisip ko! May nakapagsabi kasi sa akinna may sumugod ritong taga-ibang school para lang guluhin ang practice nina Kuya! Pero ba't 'yung entourage ni Lussuria ang nandito! Hindi kaya pinagkamalan siya ni Kuya na taga-ibang school! Nakupo! Sinumpong na naman siya ng ugali niya!"
At siyempre, si Kyoko, sinumpong din ng pag-aalala lalo na tuwing nalalaman niyang napapaaway na naman ang Kuya niya. Wala pa siya noong kaide-ideya kung ano talaga ang totoong nangyari, o kung bakit naroon si Lussuria sa boxing gym ng Namimori Middle School nung mga oras na iyon. At pakiramdam ko, hindi ako sigurado kung may balak pa si Kuya Ryohei na ikuwento iyon sa kapatid niya o pipilitin na lang niyang itago iyon sa sarili niya para na rin sa ikabubuti ng bayan.
Uh...speaking of Kuya Ryohei, nahuli na rin niya kami. "Uy, Kyoko! Pati ang Tatlong Itlog! Kanina pa kayo nandito?"
"Ah...eh..." kailangan ko pang mag-isip ng kapani-paniwalang palusot para hindi siya manghinala. "H-hindi naman, kararating lang namin." Totoo naman iyon, kahit na kung tutuusin, kalahati ng kuwento'y nalaman lang namin mula kay Mhar.
Pero sinira din ni Hayato ang diskarte ko. "Wala ka talagang patawad, Grasshead! Kahit bading, basta't nasa loob ng ring, pinatumba mo pa rin! Ibang klase-!"
At ni Takeshi. "Ba't mo siya tinalo! Sayang ang opportunity na inaalok niya sa 'yo! Hindi na kelangang sumakit pa ang katawan mo dahil doon!"
At ni Kyoko din. "ba't nandito si Lussuria, Kuya! Pinagkamalan mo ba siyang taga-ibang school kaya mo siya binugbog! Kuya naman...!"
Para na rin nila kinantang alam na nila ang totoo sa mga reaksyon nila, na halos inataranta ko na. Kung ipinanganak lang akong may maraming kamay, sabay-sabay ko na sanang tinakpan ang mga bibig nila para bawas-hinala na. Kaya ako na nama ang kailangang magsakripisyo para hindi kami makahalata:
"N-naku, Kuya, he-he, n-nagulat lang kami na...na si Lussuria ang ka-sparring mo... D-di ba sikat na designer 'yon? B-ba't siya nandito-?"
Pero hindi talaga makulit silang tatlo. "Nakalimutan mo na ba, Tsuna!" gaya na lang ni Takeshi. "Nandito siya para kuning-"
Biglang tinakpan ni Hayato ang bibig niya bago pa siya tuluyang kumanta. "Ang importante, tinalo niya ang kalaban niya, so ligtas pa rin ang-"
At tinakpan ko rin agad ang bibig niya. "Ang kelangan lang nating alamin ngayon ay kung bakit nandito si Lussuria umpisa pa lang! Tiyak me malalim siyang dahilan!"
"Kuya, wag kang magsinungaling!" iba pa rin ang nasa isip noon ni Kyoko.
At kapag ganun na si Kyoko, inaasahan ko nang gagawa't gagawa si Kuya ng kahit anong palusot para lang hindi siya mag-alala. Pero sa kasong iyon, nagpalusot siya para protektahan ang sarili sa tsismis, haynaku. At gaya nga ng inaasahan ko...
"Ah...'yun ba? O-oo, si Lussuria nga 'yon, 'yung s-sikat na designer. Nandito siya para ma...ma-inspire! Alam n'yo na. Nag-request pa ngang makipag-sparring sa akin. Ayoko sana, pero me kakulitan, pinagbigyan ko. Pero sa tulad niya, magaling palang mag-Muai Thai! Bilib ako sa kanya! Para kasi 'yon sa gagawin niyang collection na inspired sa mga boksingero't gagawin niyang model si Manny Pacquiao!"
Wala nang tatalo pa sa kabaduyan ng mga palusot niya. Pero ang nakakatuwa, as usual, naniwala si Kyoko. Ang hindi nga lang nakakatawa pagkatapos noon, inakala ni Kuya na magta-tryout kaming tatlo kaya kami naroon, at tulad ng dati ako ang mas nagdusa. Bumalik kami sa classroom mga lunchtime na masakit ang katawan. Sabi na't ayokong magtagal doon kahit isang segundo! Pero ang nakakapanibago doon, matapos ang sparring hidni na nag-usap sina Hayato't Takeshi pagbalik sa classroom. Kahit papaano iyon ang unang beses na pinatulan ni Takeshi si Hayato dahil lang sa 'nasayang na pagkakataon' para kay Kuya. Masama nga siyang galitin. Kahit ng ako natakot na lapitan siya pagkatapos noon...
At ang nakakalungkot doon? Halos isang buwan ding nagtagal ang 'tampuhan' nila dahil kay Kuya. Pero dahil din kay Kuya't bumalik din sila sa dati.
Sa totoo lang, naawa ako kay Lussuria pagkatapos noon. Mukhang gustung-gusto nga niya noong kuning model si Kuya para sa collection niya'y mukhang wala na siya noong ibang makitang gaya ni Kuya na nababagay sa mga damit na dinisenyo niya. Mukha ngang may dahilan si Takeshi para ma-dismaya siya. Walang ibang nasa utak si Kuya kundi boxing. Paano na lang kung isang araw hindi na siya makasuntok? Paano na lang pala kung sa bandang huli'y hindi pala para sa kanya ang boxing? Marami sanang puwedeng mangyari kundi lang siya tumanggi. Kaya akala namin noon iyon na ang huling beses na makikita namin si Lussuria ng personal. Wala kami noong kamalay-malay na iyon na pala ang simula ng malaking pagbabago sa buhay ni Kuya Ryohei...
