Unang Kabanata.

Txt Message.

Mga Banat nga Naman.


15 minutes nang naghihintay si Sasuke sa harap ng gate.. ano bang problema nito?

-

Maya maya, napasmirk ang binata nang dumating na ang inaabangan niya.

-

"Sa wakas, pumasok ka rin..", bati ng ating paboritong heartthrob sa kaklase niyang si Haruno Sakura.

-

Si Sakura ay may kulay rosas na buhok at kulay berde namang mga mata.. bukod pa dun, ang buhok niya ay maikli pa rin.

-

"Nagkasakit nga ko diba!?", naiiritang sagot naman ni Sakura.

-

"O, easy lang. to naman oh.", at naglakad ang dalawa papunta sa quad para sa morning assembly.


"Oh, eto ah. May bangko bang malapit dito?.... Kasi I'm planning to save all my love for you..", nakangiting sabi ni Naruto.

-

"Wooohh.. Sobrang cheesy!", sabay-sabay na sigaw ng mga kaklase niya sa 2-Pauling.

-

Ganito sila araw-araw.. bumibilog muna bago ang assembly.. tapos nagkakanya-kanyang banat.

-

"Oh! Si Kiba naman daw!!", sigaw ni Ino. Nagtinginan ang lahat kay Kiba.

-

Nag-isip sandali ang dog lover.. "Alam mo tumataba ka…bumibilog…at unti unti kang nagiging…mundo ko.. "

-

"Ayieeee!!!", tili nanaman ng audience.

-

"Oh diba, ayos?! No match ka talaga Naruto!", pagyayabang ni Kiba. Ayun, naasar tuloy si Naruto.

-

"Ayos ba yun? eto ang ayos.. ehem.. Samahan mo ko sa Home for the Aged.. kasi I wanna grow old with you.."

-

"Nakksss!!", sigawan nanaman ng audience.

-

"Pano ba yan Kiba, tinatalo ka nalang ni Naruto o.", sabi ni Ino habang nakapamewang.

-

"Magaling siya e, kaso alam ko mas magaling ka. Pakitaan mo nga ko ng sample dyan o!", sigaw ni Kiba.

-

Nagtinginan ang lahat kay Ino. "INO! INO! INO!", nagmistulang cheering squad ang mga kaklase nila..

-

"Oh sige, sige.. wala na yata akong choice eh.", nanahimik sandali ang section nila.. "Aanhin pa ang alak.. eh sa'yo pa lang, ang lakas na ng tama ko?"

-

"YIHEE!", sigaw ng buong Pauling. Ang saya nila no?

-

"PAULING! PILA NA!", nagulat nalang ang lahat nang makisingit ang boses ng kanilang adviser sa kanilang hapi-hapi.

"Sakura, musta? Anong nangyari sa'yo?", tanong ni Suigetsu sa kaklase niyang 5 araw nang hindi nakapasok. Ngumiti ng kaunti si Sakura.

-

"Nagkasakit ako e. Buti nga nakabangon na ko kaninang umaga.", sagot ng dalaga.

-

"Sigurado ka bang wala ka nang sakit? Baka H1N1 yung sa'yo ah."

-

Natawa si Sakura. "Hindi a. Loko."

-

"Eto naman, biro lang."

-

"Sakura. Pumila ka na.", malamig na singit ng boses ni Sasuke, sabay glare kay Suigetsu, pagkatapos umalis kaagad si Sasuke.

-

Napakamot ng ulo si Suigetsu. "Anong problema nun?"

-

"Malay ko." Natawa ng kaunti ang binata. "Baka nagseselos.", sabi niya with a slight smirk.

-

Mas natawa naman sa kanya si Sakura. "Hindi magseselos yun, ano siya, syota ko?"

-

"Oy, Sakura! You're back from the dead!", masayang bati ng isang dalagang may pulang buhok at nakasuot ng salamin.

-

"Oo, Karin, I'm back from the dead! Hinahanap ka nga pala nung mga kaluluwa dun..", nakangiting sagot naman ni Sakura.

-

Nagtawanan ang dalawa.

-

"Buti naman gumaling ka na, wala akong maasar nitong mga nakaraang araw e.", sabi ni Karin sabay akbay kay Sakura.

-

"Mabuti pala pumasok ako, alam ko namang hindi mo kayang mabuhay ng wala ako e.", tinignan siya ni Sakura. "At hindi ko rin naman kayang mabuhay ng wala ka."

-

Tinignan din siya ni Karin. Nagkatitingan sila.

-

"Hanep ka sa banat a.", natatawang sabi ni Karin, at di nagtagal, tumawa narin si Sakura.

-

"Edison, pumila na kayo.", napalingon ang dalawa sa mababang boses ng isang binatang may kulay tsokolateng buhok at kakaibang mga mata.

-

"Uhm, pipila na kami Kuya Neji.", kinakabahang sagot ni Sakura.

-

Tumango at umalis na ang binata. Nagkatinginan nanaman ang dalawang dalaga.

-

"Ang gwapo ni Kuya Neji o.", bulong ni Karin ng may halong kilig kilig pa.

-

"Oo nga e.", sagot naman ni Sakura. Ayun pala, naging magkaibigan na ang dalawa dahil tinantanan na ni Karin si Sasuke, dahil si Neji na ang target niya ngayon.

-

Pagkatapos pumila ng lahat, nagsimula na rin ang morning assembly. Nagdasal, kumanta ng pambansang awit. Ganun ganun lang.

-

After that, umakyat si Principal Tsunade sa stage, hawak hawak ang microphone, at nagsalita.

-

"Second year, maiwan kayo, the rest of the students, you may go to your first period classes.", nagsunuran ang lahat, at hindi nagtagal, puro second year nalang ang naiwan sa quad. Nagsimula na ang bulung-bulungan..

-

"Ano nanaman kayang problema nitong si Ma'am?", tanong ni Suigetsu.

-

"Aba malay ko.. tignan nalang natin.", sagot naman ng katabi niyang si Juugo.

-

"Kinakabahan ako.. baka nalaman ni Ma'am na ako yung nagdrowing ng alam-mo-na sa pader ng boys' CR..", kinakabahang bulong ni Suigetsu.

-

"Ikaw ba naman pirmahan mo pa yung drowing mo..", natatawang bulong naman ni Juugo.

-

"Second year!", napunta sa Principal nila ang atensyon ng lahat. Tinignan nilang lahat si Tsunade, at ayun, mukhang galit.

-

"Hindi na ko magpapaligoy-ligoy pa.. kahapon, habang naglilibot ako sa mga classroom, may nakita akong kakaibang bagay sa building niyo.", diri-diretsong sabi ng principal sabay labas ng isang CD case.

-

"Nakikita niyo naman sigurong CD itong hawak ko.. at ang laman ng CD na to ay.. sabihin nalang natin na hindi kanais-nais..", pagpapatuloy ni Ma'am.

-

Nagsimula nanaman ang bulung-bulungan..

-

"Sasuke..", tawag ni Sakura sa kaklase niya, lumingon naman agad ang binata.

-

"Ayan ba yung CD ni Naruto?", bulong ni Sakura. Napasmirk si Sasuke..

-

"Parang ganun na nga."

-

Sa kabilang dako naman..

-

"Tae, patay tayo niyan tol..", bulong ni Kiba nang may halo pang panginginig.

-

"Shh.. wag kang maingay, baka mahalatang guilty ka..", pabulong din namang sagot ni Naruto.

-

"Baliw ka ba, anong hindi mahahalata, e exposed na exposed yung pagmumuka mo dun sa video."

-

"Bastaa.. magtiwala ka nalang Kiba. Hindi tayo pupunta sa opisina ni Ma'am mamaya..", sagot ni Naruto at himala, kalmadong kalmado siya..

-

"Yung mga taong may kinalaman sa kahindik-hindik na CD na to, pumunta kayo sa opisina ko mamayang homeroom period. OKay, pumunta na kayo sa mga klase niyo.", sabi ni Tsunade at bumaba na ng stage.


Homeroom period

-

"UZUMAKI NARUTO AT INUZUKA KIBA! KAYO NANAMAN ANG BISITA KO!", dumaragundong na sigaw ni Tsunade sa dalawang suking-suki na pagdating sa pagpunta sa opisina niya.

-
Sapilitang hinila nga pala ni Ino ang dalawa papunta sa opisina ni Ma'am..

Nanatiling tahimik ang dalawa.

-

"ANO NANAMAN BANG PUMASOK SA MGA UTAK NIYO AT GUMAWA KAYO NG VIDEO NA GANITO?!"

-

"Ma'am.. wala naman pong masama sa video na yan a.", bulong ni Kiba.

-

"Anong walang masama, e kitang-kita naman na kalaswaan ang laman nito!", sagot naman ng principal.

-

"Ma'am, nakadamit po ako niyan..", bulong ni Naruto.. sabagay, may point nga naman siya.

-

"Nakadamit ka nga, sumasayaw ka naman ng pang GRO sa kantang pang beerhouse pa! Uzumaki, Inuzuka, alam niyo ba kung anong pwedeng mangyari sa inyo?"

-

"Suspension", sabay na sagot ng dalawa.

-

"Alam niyo pala e.. sa ngayon, pagbibigyan ko muna kayo, pero sa susunod.. humanda na kayong dalawa. Sige na, labas na."

-

Dali-daling lumabas ang dalawa ng opisina, halatang takot na takot sa principal nila..


Sa homeroom naman ng Edison

-

"Ah eh, Sakura.. gusto mo ng tubig?", pag-aalok ni Suigetsu.

-

"Bakit mo naman ako binibigyan ng tubig ha?", natatawang sagot ni Sakura.

-

"Wala lang.. araw gabi ka kasing tumatakbo sa isip ko.. baka pagod ka na.", nakangiting sagot ni Suigetsu.

-

"Waa. haha. gumaganun ka na ha.", nakangiting sagot din ni Sakura.

-

Sa kabilang dako naman..

-

"Yang Suigetsu na yan.. namumuro na yan a..", bulong ng isang nanggagalaiting Uchiha.

-

"Tol, bayaan mo na, lam mo namang ikaw ang trip ni Sakura diba?", sagot naman ni Gaara habang nagbabasa ng napaka-kapal na Biology book.

-

"Nakakapikon na kasi e. Paulit-ulit.. banat ng banat kay Sakura.."

-

"O, e di pakitaan mo."

-

"Anong ipapakita ko?"

-

"Pakitaan mo kung pano bumanat ang heartthrob ng Konoha High."

-

"Tama tama. makikita niya."


UBER LATE NA UPDATE. Super busy sa school e. Updates on other stories, coming this weekend. 2 chapters po yung dun sa "Ang University" wala lang talaga kong time mag upload pa. R/R pleaasee.