Wrong Send.
Chapter 2.
"Hinata, teka laangg!!", sigaw ng isang hingal na hingal na blonde habang pilit hinahabol ang papalayong kotse ng mga Hyuga. Sa likod niya ay nakasunod naman si Sasuke na mukhang nahirapan sa paghabol sa kanya.
-
"Tch. Ano ba naman kasi yang ginawa mo, sino ba naman hindi magagalit.", bulong ni Sasuke in monotone. HUmarap sa kanya si Naruto, mukhang sobrang lungkot. With matching puppy dog eyes pa.
-
"HIndi ko naman kasi sinasadya yun e.. nadala lang ako masyado..", bulong ni Naruto. Bakas na bakas sa tono niya ang pagsisisi. Ano nga ba kasi ang kalokohang ginawa nitong si Naruto at iniiwasan na siya ng kanyang pinakamamahal na si Hinata. Well, ganito kasi yan..
-
flash back po.
-
"Shino, okay lang, wag mo nang buhatin yung bag ko, kaya ko na to..", bulong ni HInata sa kaklase niyang pilit na kinukuha ang bag niya. Pero kahit anong hila ang gawin niya, ayaw talagang ibigay ni Shino sa kanya ang kanyang kawawang Lavender na backpack.
-
"Wag ka nang makulit Hinata, para namang hindi tayo magkaibigan o.", kalmadong sagot ni Shino habang sinusukbit sa balikat niya ang bag.
-
"E nakakahiya naman sayo e.", bulong pa ni Hinata, pero wala na siyang nagawa.. Masyado na kasing mahigpit ang hawak ni Shino sa bag.
-
"Nakuu, si Hinata naman o. Ako na magdadala. wag ka nang makulit, ok?", mahinahong sabi ni Shino at nagpatuloy nalang sa paglalakad. Syempre, wala na ring nagawa si HInata kundi sumunod sa kanya, at sabay silang naglakad papunta sa susunod nilang subject sa kabilang building.
-
Kasama ang II-Marconi, dumaan ang dalawa sa gitna ng quad.. hindi naman inaasahang biglang may sumuntok kay Shino. Napatingin si HInata at nakita niya si Naruto na medyo namumula pa an g kamao.
-
"Anong ginawa mo Naruto?!", tanong ni Hinata habang lumuluhod para alalayan patayo si Shino.
-
"Sinuntok ko siya Hinata.", sagot naman ni Naruto habang shine-shake ang kamay niya para mawala ang sakit.
-
Tinulungan ni Hinata na makatayo si Shino pagkatapos, tsaka siya nagsalita. "Eh bakit mo nga ginawa yun?!", ngayon, maghalong inis na ang boses ng Hyuga.
-
At doon na nagsimulang maghysterical si Naruto. "EH KASI, BUHAT NIYA ANG BAG MO. ANO BA. KAYO NA NO? PINAGLOLOLOKO NIYO PA KO. MGA SINUNGALING. HINATA NAMAN, BA'T MO PA KO PINAASA?", diri-diretsong sabi ni Naruto.
-
Natulala sandali si Hinata.. "Ang praning praning mo, hindi nga kami ni Shino, bestfriend ko lang to."
-
"Sus, bestfriend bestfriend ka pa dyan, alam ko namang niloloko mo lang ako. Wag mo na nga kong kakausapin!", at nagwalk-out si Naruto.
-
"Eh di wag. Jusko, ang laki ng problema mo Naruto. Hindi na kita makausap ng maayos.. sige na, halika na Shino, baka ma-late pa tayo..", at umalis na si Hinata.
-
end of flashback
-
"Kung hindi ka ba naman kasi gago e. Kahit kailan, ang OA mo.", sabat naman ni Kiba na sa wakas ay nakahabol na sa dalawa.
-
"Eeeeee.. ano na kasing gagawin ko? Ayaw na niya kong kausapin e.. magli-limang araw na... pati mga text ko, hindi man lang niya nirereplyan.. ANO NANG GAGAWIN KOOOOOOO...", at napaluhod si Naruto, sabay tingala sa langit. Cue in background music.
-
"Ang gawin mo, mag-sorry ka nalang. Kapag hindi niya tinanggap.. e di, pasensyahan nalang.", sabi ni Kiba. Tinignan siya ni Naruto..
-
"Waaaaaa. ayokooo naaaa.", at nagsimula nanaman sa paghi-hysterical ang bata.
-
"Hn. Ewan ko sa'yo.", bulong ni Sasuke, at pinilit na itayo si Naruto, nakakahiya na kasi, nasa labas na sila ng campus,at dun pa siya nagdrama.
-
Tumayo din si Naruto. "Sige na ngaa.. iisip ako ng paraan para maging ok na kami ni HinataKO.", sabi niya with determination sa kanyang kulay blue na mga mata.
-
"O diba, pero bago yan, si Sasuke muna tulungan natin.. mukhang wala na siyang magawa, natatambakan na si Suigetsu.. Hindi naman kasi natutuloy yung plano mong mapalapit pa kay Sakura e. ", pang-aasar ni Kiba. Tinignan siya ni Sasuke with a death glare.
-
"Oo nga pala.. siyempre, tutulungan ko muna ang bestfriend ko..", sabi ni Naruto with a wink, at ngayon, dalawa na silang binibigyan ng death glare ni Uchiha.
-
"Ano bang date ngayon? November 6? O, maganda na yang date na yan, 11/6.", sabi ni Kiba with a smile.
-
Napataas ng kilay si Sasuke. "Ano naman kinaganda ng November 6?", tanong niya.
-
"Maganda yan, kasi ngayon, magtatapat ka na kay Sakura.. nakoo, siguradong pag nalaman niyang inlab na inlab ka na sa kanya, magkaka-hapi ending na kayo.", nakangiting dagdag ni Naruto.
-
"Mga sira kayo.", bulong ni Sasuke at nauna na sa paglalakad papunta sa LRT station.
-
"Dali na kasi Teme, sige ka.. balita ko nililigawan na ni Suigetsu si Sakura.. patay tayo dyan..", at doon, napatigil sa kanyang hakbang si Sasuke.
-
"Mamayang gabi, sabihin mo na kay Sakura yung nararamdaman mo, ha?", sabay na sabi nila KIba at Naruto.
-
"Hn.", at naglakad na uli si Sasuke.
-
"Tingin mo, gagawin niya yun?", bulong ni Kiba. Ngumiti si Naruto. "Asahan mo yun." at sumunod na ang dalawa sa nauna nilang kaklase.
-
noong gabing iyon.. Sasuke's POV.
-
Ano bang gagawin ko.. pano nga kung totoong nililigawan na nung unggoy na yun si Sakura.. hayy,,
-
Ano nang gagawin ko? Putek.
-
Hn. Baka naman hindi totoo yun..
-
Eh pano kung totoo nga?
-
Waaaa. Ayoko naaa.
-
Sige na nga, gagawin ko na yung sinasabi nila Naruto.. total, mukhang wala naman na kong choice..
-
Kinuha ko ang cellphone ko at nagsimula na kong pumindot..
-
'gndang gbee. :) may ssbhin sna ako, pro sna sten muna ha? yoko p kcing may ibang mkaalam.. ok ok.. eto na.. isa k po sa mga pnakamhalagang tao sa buhay ko, sobrng mhlga k, hgit pa sa inaakala mo. alm kong hnd ko msyadong naippkta pero MAHAL NA MAHAL PO KITA. ultin ko ha, iloveyou po. ewn ko b kung bket ngyon lng ako ngkaron ng lkas ng loob n sbhin sau to e.. bsta aun, sna wla pring mgbago sa smahan nten, gud nayytt.'
-
ayan, parang ang haba masyado.. mahaba pa nga yan e, summarized na yan sa lagay na yan.. sige na sige na, se-send ko na.
-
ayun, nasend na. ngayon, makakatulog na ko ng mahimbing..
-
kinabukasan
-
tinignan ko agad ang cellphone ko.. baka nagreply siya e.. pero ayun, si Karin lang pala ang nagtext.
-
'iloveyou din. siguro naman mtgal mo ng alm na mhal dn kta Sasuke-kun.. wg k mg-alala, wlang mgbbgo sten.. sobrng sya ko tlga nung mbsa ko yung text m0. :)'
-
putek. wag mong sabihin na.. na-wrong send ako?
-
tinignan ko ang sent items ko..
-
tangina.
-
wrong send nga.
-
ang masama, kay Karin pa.
-
putek, ano ng gagawin ko?
latee nnman.
