Chapter 4

Away.


"Tanga.", BATOK dito.

"Baliw.", SAPAK dyan.

"Sira.", SIPA doon.

"Loko-loko.", at isang malutong na SAMPAL.

"Oo na, tigilan mo na ko, alam ko nang tanga, baliw, sira at loko-loko ako. Wag niyo naman akong bugbugin... Malungkot na nga ako eh..", kawawang Uchiha Sasuke, sabagay, dapat lang sa kanya yan, pagkatapos ba naman ng kalokohang ginawa niya.

"Para ka namang baliw, anlayo ng 'SAKURA' sa 'KARIN'! Kahit na akong medyo hindi marunong sa English alam na hindi magkalapit sa yun pag alphabetical, ikaw pa kaya? Ano ba yung iniisip mo?" at binatukan nanaman ni Uzumaki Naruto ang bestfriend niya.

"Hindi naman kasi 'SAKURA' yung pangalan niya sa phonebook ko eh..", bulong naman nitong si Sasuke habang nakatingin sa flooring ng bagong gawang basketball court ng school.

"Eh ano?", napakamot ng ulo si Kiba sa narinig niya.

"Uhm.. ano.. AY EWAN. HINDI NIYO NA KAILANGAN MALAMAN YUN!", tumalikod si Sasuke at naglakad papunta sa sulok ng court.

"Washu, akin na nga yang cellphone mo.", dali-daling hinablot ni Naruto ang cellphone mula sa bulsa ng polo ni Sasuke. Eto namang si Sasuke, walang nagawa.

Nagsimula nang magpipi-pindot si Naruto, habang si Sasuke, wala talaga sa sarili niya, pinanood lang si Naruto.

"AHA! Karin.. pagkatapos ni Karin ay si Kiba...", bulong ni Naruto.

"Sino ba bago si Karin?", usisa naman ni Kiba at nakitingin sa cellphone.

"Jellybean.", natulala ang dalawa sa nabasa nila.

"TEME! ANO TO!", natatawang sigaw ni Naruto. Si Sasuke naman, medyo namumula-mula na ang mukha.

"AKIN NA NGA YAN, TAE, SINABI NA NGANG WAG NA ALAMIN EH.", kinuha ni Sasuke ang cellphone niya mula sa kamay ni Naruto at binulsa.

"HAHAHAHHAHA. OH SHET. JELLYBEAN.", halos gumulong naman na kakatawa si Kiba. Nasipa tuloy siya ng isang asar na asar na Uchiha.

"ARAY NAMAAAAN!", napaupo si Kiba sa lakas ng sipa ni Sasuke.

"KASI NAMAN, WAG NIYO NA KONG ASARIN!", sigaw ni Uchiha. Kinuha niya ang bag niya mula sa sulok ng court at lumabas na.

"Ay, nag-walk out...", bulong ni Naruto habang pinapanood ang papalabas nilang kaibigan.

"Nako, si Sasuke pa, hindi naman siguro galit talaga yun..", tumayo si Kiba hawak ang braso niyang nasipa ng nagwalk-out na si Sasuke.

"Galit yun..", tumakbo kagad si Naruto para kunin ang bag niya. "Tara, sundan natin, baka kung anong gawin nun..", sumunod naman kagad sa kanya si Kiba.

Noong papalabas na yung dalawa, nakasalubong naman ni si Gaara. "Oh, kala ko ba sa court muna tayo ngayon?", tanong ng kadarating lang na redhead.

"Nagwalk out si Sasuke eh..", napakamot ng ulo si Kiba.

"Bakit?"

Nagtinginan sina Kiba at Naruto. "Napikon.", sabay nilang sagot.

"Tch. Problemado na nga yung tao eh pinikon niyo pa.. tara, hanapin natin..", at nauna na si Gaara sa pagtakbo papunta sa kung saan man. Sumunod naman kagad yung dalawang unggoy.


Nagtatatakbo ang tatlo, dito, doon, kung saan saan. Natigilan sila nang makita nilang binabato ng sapatos ni Sakura si Sasuke.

"ANG KAPAL MO NO! PINAGTITRIPAN MO LANG PALA AKO!", hinubad ni Sakura ang kabila niyang sapatos at ibinato kay Uchiha. Mabuti nalang at nakailag si Sasuke, kundi, baka nawasak na yung cute niyang mukha.

"Teka lang Sakura, sandali lang...", dahan-dahang humakbang si Sasuke papalapit sa galit na galit na si Sakura. Pero napalayo uli siya nang hampasin siya ng isang pink na lunch bag.

"ARAY!", napasigaw si Sasuke, mukang malakas yung pagkakahampas sa kanya.

"Aray aray ka pa dyan, ewan ko sayo Uchiha!", dinampot ni Sakura ang mga sapatos niya at naglakad na papalayo.

"Teka lang, Sakura!", hinabol siya ni Sasuke at hinila yung kamay niya.

Nilingon siya ni Sakura, "Ang gago mo pare. Sobra.", at umalis na ang dalaga.

Nang makaalis na si Sakura, lumapit na ang tatlo kay Sasuke.

"Anong nangyari?", seryosong tanong ni Gaara, si Sasuke naman, natulala sa lapag.

"Nakita daw niya yung text nung hiniram niya yung phone ni Karin kanina... eto namang si Karin, hindi binura yung message..", bulong ni Sasuke, nakatingin parin sa lapag.

"Bakit naman buburahin ni Karin yun eh yun yung pag-amin ng pinakamamahal niyang si Sasuke..", bulong ni Kiba. Siniko naman siya kaagad ni Gaara. Baka kasi maasar pa lalo si Sasuke.

"Shh.", bulong pa ni Naruto kay Kiba, at tumahimik na sila. Nagulat nalang ang tatlo nang makita nilang napaluhod na si Sasuke,

"WAAAA, ANONG GAGAWIN KOOOOO!", sumigaw ng pagkalakas-lakas si Sasuke at sinuntok ang simento.

"Oy pare, easy lang.. tulungan ka namin, ha. Tara na.", tinayo ni Gaara si Sasuke at inabutan ng bote ng VitWater.

"Binato ako ng sapatos Gaara, galit yun.", seryosong sabi sa kanya ni Sasuke.

"Eh di babatuhin din natin siya!", sigaw naman ni Naruto. Nabigyan tuloy siya ng deathglare ni Sasuke.

"Anong sinabi mo?", tanong ni Uchiha in monotone. Nanginig ng konti si Naruto sa tono ni Sasuke, parang papatay eh.

"W-wala, biro lang.. basta.. magkakabati din kayo. Gagawa kami ng paraan..", inakabayan ni Naruto si Sasuke. "Pero habang wala pa kaming naiisip, relax lang muna..". Napalingon sa kanya si Sasuke.

"ANONG RELAX LANG! HINAMPAS AKO NG LUNCHBAG! GALIT YUN!", sigaw bigla ni Sasuke.

"Relax nga lang. Tara...", at naglakad narin ang apat papunta sa quad para sa assembly.

Pagdating sa quad, nakita nila Naruto si Sakura na nakikipag-usap pa kay Ino.

"Lapitan mo na oh.. hindi na siya magwawala ngayon.. maraming tao oh..", bulong ni Kiba sa tahimik parin na si Sasuke.

Lalapit na sana si Sasuke, nang biglang lumingon sa kanila si Sakura, nakatingin ng masama kay Sasuke.

"Wag na lang pala..", bulong ni Kiba at hinila papalapit sa kanila si Sasuke.

"Pipila na kami Sasuke, buti pa eh kayo rin ni Gaara.. ", sabi ni Naruto at hinila na si Kiba.

"Tara", at pumunta narin naman sina Sasuke at Gaara sa pila ng section nila.

Pagdating nina Gaara at Sasuke sa pila nila..

"Uhm, good morning Sasuke...", medyo mahinang bati ni Karin habang namumula-mula pa ang pisngi. Pero hindi man lang siya pinansin ni Uchiha.

Sakto namang dumating si Sakura.

"S-Sakura, teka..", tinawag ni Sasuke ang dalaga, pero hindi siya nilingon.

"Uhm, ayos lang ba kung tabi tayo sa pila?", kinalabit ni Karin si Sasuke ng kaunti para lang makuha ang atensyon niya.

"Hn. Bahala ka.", at pumila na si Sasuke.


Sasuke's POV

Tanginang buhay ito.. ano nang gagawin ko?

Hindi na ko pinapansin ni Sakura... eto namang si Karin... hayy, ewan!

EWAN!

Tanga mo naman kasi Sasuke...

Magtetext nalang eh mali pa.

Hay naku.. EWAN.