Guys, sorry talaga kung sobrang hindi ko na nauupdate to ah.. Busy kasi talaga. And naging abala rin ako doon sa iba ko pang kwento. Promise, iuupdate ko na to regularly.


Chapter 5.

Oplan Cupcake.


Sasuke.

"Huy, anong petsa na. Hindi ka na sumama sa Edison simula noong ano ah...", tinignan ko lang si Gaara habang paupo sa tabi ko. Oo nga, anong petsa na nga ba? Ilang araw.. hindi.. ilang linggo na nga ba ang nakakalipas simula noon?

"Hn.", yan lang ang naisagot ko. Sa totoo lang, ayoko talagang pag-usapan yung bagay na yun e. Uminom ako saglit ng Mountain Dew.

"Minsan lang kita sesermonan Uchiha, kaya makinig ka.", sabi niya ng medyo pabiro. Nilapag niya yung bote ng royal niya dito sa kulay dilaw na mesa ng canteen at humarap sakin. Ano naman kayang sasabihin sakin nitong mokong na to?

"Di ka ba naman kasi sira diba?", sabi na e, ito rin sasabihin niya. Sina Naruto, Shikamaru, pati nga si Kiba, pinaulit ulit nang ang hina ng utak ko.

"Oo, alam ko. Aamin nalang, wrong send pa.", naiirita kong sagot. Tinitigan ko lang yung mesa. Naiinis nanaman ako sa katangahan ko e.

"Hinde. Aamin ka nalang, sa text pa. Anong tawag sayo?", sabi niya. At doon, napaisip ako bigla.. Oo nga.. Bakit nga ba sa text pa ko aamin?

Si Sakura. Si Sakura na sobra sobra sobrang mahalaga sa akin. Yung nararamdaman ko para sa kanya, grabe, kung alam niya lang.. Tapos sa text lang ako aamin?

"Tangina, ang weak ko pala..", hindi ko sinasadyang ibinulong.

"Buti alam mo.", pang-aasar pa netong si Gaara. Nako, kung hindi ko lang talaga kaibigan to, matagal ko na tong nasapak. "At ngayon alam mo na kung san ka nagkamali, alam mo narin gagawin mo?"

Ayan, isa pa yan sa mga tanong na hindi ko maipinta ang isasagot. Putek, eh di sana kung alam ko na gagawin ko, matagal ko nang ginawa. Kala ba niya e trip na trip kong di ako pinapansin ni Sakura?

"Hindi ko alam.", yan nalang ang nasabi ko.

"Kala ko pa naman matalino ka.", napatingin kaming dalawa ni Gaara doon sa bagong dating. Umupo si Shikamaru sa tapat ko. "Malamang umamin ka sa personal."

Naninibago ako dito sa mga to ah, parang andami biglang alam sa mga bagay bagay na ganto. At ang dadaldal pa.

"Onga, makinig ka kay Shikamaru, expert yan.", nako, dumagdag pa itong si Naruto, kasama si Kiba.

"Teka nga, ba't nandito kayo?", tanong ko.

"Vacant rin namin e.", pahikab na sagot ni Shikamaru. Habang yung dalawang ungas, patawa tawa pa. "Cutting cutting din, dre.", sabi nitong si Naruto. Galing a.

"O game, so anong plano?", ang hindi ko maintindihan, eh bat parang mas excited pa sa akin itong si Naruto.


-Time Skip. MAPEH-

Sakura.

"Group 2, magreport na kayo.", at eto nanaman itong si Ma'am, wala nang ginawa kundi magpareport. Lumabas nanaman siya ng kwarto, as usual, at malamang sa malamang, hindi na siya babalik until the end of the period. Okay lang naman sana sakin yung gantong setup. Eh ang kinaiinis ko lang naman, eh yung katabi ko tong si ano..

Napalingon ako saglit sa kanya. Blanko ang expression niya, nakatitig lang siya doon sa notebook nyang nakabuklat. Ang hindi ko maintindihan, eh noong tinignan ko yung notes niya, wala rin namang laman.

Syempre, inalis ko rin kagad sa kanya yung tingin ko. Naiinis lang ako pag nakikita ko siya e. Sino pa ba, eh di itong si Sasuke.

"Sakura..", nagulat naman ako noong bigla nya kong kinausap.

"Hm?", sagot ko habang kinokopya yung nasa visual aid ng group na nagrereport. Lord, tulungan niyo po ako.. Ang hirap hirap namang sungitan kasi nitong si Sasuke e..

"Punta kang quad bukas. 5 ng hapon.", sabi niya in his usual tone. Ano raw?

"Ha?", tanong ko. Ano naman kayang gagawin sa quad? At malay ba niya kung may gagawin ako noong time na yun, diba?

"Basta, pumunta ka.", sagot nya habang kumokopya na rin ng notes.

"Teka, bakit nga?", tanong ko ulit. "Juugo, excuse. Di ko makita."

"Hn. Basta.", pagkatapos noon, hindi ko na siya kinausap pa. Ano ba, Sakura, dapat nagsusungit ka! Dapat hindi mo siya pinapansin! Ano ba to? Kaya naman lumipat nalang ako ng pwesto.


Sasuke.

"Hn. Basta.", sabi ko. Hindi na siya nagtanong pa pagkatapos noon. Grabe, sa totoo lang, ngayon lang uli ako kinabahan ng ganoon. Sa wakas, nasabi ko rin sa kanyang pumunta bukas. Akala ko kasi mababato nanaman ako ng sapatos...

Pero talagang nakakapanibago.. Hindi naman ganto si Sakura e. Ang sungit na nya sakin. Tignan niyo, umalis pa. Tangina, bat naman kasi ang tanga ko diba?

"Sasuke! Patingin nga.", umupo si Gaara sa bakanteng upuan sa tabi ko. "Hindi ko mabasa sulat nitong si Suigetsu e."

Hindi ko naman napigilang matawa ng kaunti. "Parang kinalahig nga e.", sagot ko. Natawa rin naman ang mokong. Sabi sa inyo e, wala kayong mapapalang maganda dyan kay Suigetsu.

"Bitter ka lang e.", biro pa nitong si Gaara. Pucha, panong hindi mabibitter. Kung lapit lapitan si Sakura ngayon.. sinasamantala masyadong hindi kami nagpapansinan nitong si Sakura.

"Hn. Sira.", pero syempre, hindi ko naman pwedeng sabihin yung mga bagay na yun.

"Ano, nasabi mo na?", tanong niya. Napa-smirk nalang ako.

"Oo. Ang sungit nga e.", ba't parang natawa pa to sa sagot ko.

"Nako, sa gagawin mo bukas, tignan nalang natin kung makapagsungit pa yan.", biro niya. Pero kahit anong biro pa nito sa akin, hindi parin mawala yung kaba ko.

Oplan Cupcake daw ang tawag doon sa plano, sabi ni Naruto. Kita niyo namang title palang, nakakaewan na. Hindi ko talaga maintindihan rin ang sarili ko ba't napapayag nila ko sa mga ganoong set up. Hay nako, Sakura, kung hindi lang talaga kita mahal e.