A/N: This chapter is written in Tagalog for my Filipino readers. Wala lang, napagkatuwaan ko lang sila.. Dahil sa tinatamad akong mag-edit eh sorry ko may typo error.

EXTRA CHAPTER: AFTER THE STORY

ARCHER'S POV

Hindi naman sa nagrereklamo ako kaso lang pahirap talaga si Rin. Ang dami niyang pinapabitbit sa'kin sa gamit at inuutos na kung ano-ano. Sa halip na boyfriend e para yatang servant pa din ang turing niya sa'kin. Ang malupit pa niyan kapag nagagalit siya ay tinitira niya ako ng gand, nung una palang binalaan ko na siya na 'wag niyang gagawin yun dahil sa hindi na ako kagaya ng dati na kayang gumamit ng magic, isa nalang anong normal na tao ngayon matapos kong i-give up ang pagiging heroic spirit ko at ang mga magic circuits ko para makasama siya. So basically kayang kaya akong pataying ng gand ng sadistang babaeng 'yon.

Tahimik siyang tumitingin sa mga libro sa library dahil nagawa siya ng thesis, nasa fourth year college na kami ngayon sa kursong BS Electronics Communication Engineering. Matapos niyang suriin ang likod ng mga libro na naglalaman ng preview nito at parang siga niyang iniabot sa'kin iyon para dalhin.

"Aki kunin mo 'to."

Aki na ang naging pangalan ko mula ng makabalik ako dito bilang normal na tao, hindi naman kasi pwedeng may dalawang Emiya Shirou sa mundong ito kaya napalitan ang pangalan ko. Mas prefer ko din naman na mabago ang pangalan ko dahil for some reason eh naiirita talaga ako sa "dating ako".

Lumapit ako sa kanya para kunin ang libro. Minsan talaga naaasar na ako sa babaeng ito, pero kahit na tsundere siya mahal ko pa din siya.

I love the way she looked at me kapag nahihiya siya. Natutuwa din ako kapag nagbla-blush siya kaya naman madalas ko siyang pagtripan kaya nga niya ako natitira ng gand eh.

"A-Anong ginagawa mo?" Nauutal niyang tanong.

Bigla ko kasi siyang itinulak sa book shelf at itinuon ko ang kanang kamay ko sa gilid ng ulo niya habang ang kaliwang kamay ko naman ay nakahawak sa chin niya. Ngumiti ako, ngiti ng tagumpay. Sobra kasing namumula ang mukha niya, lalo tuloy akong na-tempt na asarin siya.

"And cute mo talaga kapag namumula ka."

Itinulak niya ako pero pinakita ko sa kanya na hindi ako matitinag, it's payback time sa ginawa niyang pang-aalalay sa'kin.

"O-Oy! Tigilan mo nga kung a-ano man ang plano mo!"

"Bakit nanginginig ka? Natatakot ka ba sa pwede kong gawin? Nandito tayo sa pinakadulo ng library at walang makakakita sa'tin dito. What if I do this?"

Inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya kaya naman lalo siyang namula. Naalala ko tuloy ang laro namin dalawa noong binigyan ako ng pagkakataong makabalik sa mundong ito sa loob ng twenty four hours, in that game all I need to do was to make her blush. At syempre nanalo ako sa huli.

Sobrang lapit na ng labi ko sa kanya, nakapikit ang mata niya at pulang pula ang mukha niya. Nararamdaman ko ang pigil niyang paghinga.

"I love you." Bigla ko nalang nasabi ng malakas.

Napansin ko na iminulat niya ang mata niya, nawala din ang pamumula ng mukha niya kaya naman medyo na-disappoint ako.

"I love you too stupid Aki." Nagulat ako nang bigla niyang iniyakap sa leeg ko ang mga bisig niya.

I was supposed to embarrass her dahil sa ginawa niya akong alalay kanina pero nawala yung pagnanais kong asarin siya dahil sa ginawa niya.

Ano bang pinakain sa'kin ng babaeng 'to at mahal na mahal ko siya?

Natitigan ko ang mapupula niyang labi, may kung anong nagtulak sa'kin na halikan iyon. Inilapit ko ang labi ko sa labi niya, malapit ng magdampi ang mga iyon ng bigla kong narinig ang boses ng nakakairitang bata.

"Keep your hands of my future bride!"

Napatigil ako sa ginagawa ko at tinignan ko ng masama si Satoshi. Kahit kelan wrong timing talaga ang batang yun.

"She's my wife." Bawi ko naman sa kanya.

Anak kasi si Satoshi ng isa sa mga professor sa Tokyo University kaya naman lagi siyang napunta dito. Halos apat na taon na din ang nakakalipas pero ipinipilit niya pa din ang gusto niyang pakasalanan si Rin.

Nilapitan naman siya ni Rin at hinawakan ang ulo niya.

"Do you want to help me with my thesis?"

"Oo naman Rin!"

Grabe lang talaga, Rin lang ang tawag niya sa girlfriend ko, di manlang dagdagan ng -san o kaya pwede namang onee-san ang itawag niya.

"Kindly bring this book to the table over there." Sabi ni Rin habang nakaturo sa table.

Agad naman sumunod ang bata.

"So where were we?"

Napangiti ako ng niyakap niya muli ang leeg ko.

Gusto ko sana siyang halikan kaso lang narinig ko na naman ang boses ng batang lalaki.

Hinalikan nalang ako ni Rin sa pisngi saka bumitaw sa pagkakayapos sa leeg ko. Masaya siyang lumakad papunta sa table kung nasaan si Satoshi. Pinagmasdan ko lang siya habang naglalakad siya, para bang na-hypnotize na naman ako ng kagandahan niya.

Mahal na mahal ko talaga ang babaeng 'yan kahit na ilang ulit na niya akong muntik mapatay.

Ito na ang buhay namin ngayon, tahimik at walang gulo. Nagpra-practice pa din si Rin ng magic at lagi naman akong nasa tabi niya para alalayan siya. Kinapa ko ang maliit na box sa bulsa ko na matagal kong pinag-ipunan. Masaya akong lumapit sa table.

"Rin do you have a minute?"

"Bakit?"

Sinenyasan ko ang ilan sa mga kaklase ko na kakuntsaba ko sa plano ko. Bigla silang nagpaulan ng petals ng flowers sa library, alam kong mapapagalitan ako pero pwede namang linisin ko nalang 'yon mamaya. Nagulat siya ng lumuhod ako sa harap niya.

"Naaalala mo ba sa amusement park dati? Umulan din ng petals ng roses noon, dati ang purpose non ay para ipahiya ka kasi nga may deal tayo na kapag nagblush ka e matatalo ka sa game natin."

"A-Archer..." Nakikita kong naguguluhan siya sa ginagawa ko. May ilang mag-aaral na din sa library ang nagkukumpulan ng makita nila ang mga petals ng rosas. Mukhang maraming makakasaksi ng gagawin ko ah.

Huminga ako ng malalim. "This time iba na ang purpose nila." Inilabas ko ang box ng singsing sa bulsa ko at ipinakita iyon sa kanya, "Alam kong marami na tayong ups and downs, sadista kang babae at tsundere kaya minsan hindi kita maintindihan pero isa lang ang alam ko..."

Nakita kong may dalawang tear drops na tumulo sa mga mata niya. I guess those were tears of joy.

"Mahal na mahal kita. Rin," binuksan ko ang box para ipakita ang singsing sa loob nito, "will you marry me?"

Narinig ko ang hiyawan ng mga tao, maraming sumisigaw ng "Say yes" sa kanila.

"Yes." Mahina niya sinabi.

"Pwedeng pakiulit?" Natatawa kong tanong.

Lumuhod siya at niyakap ako ng mahigpit. Umiiyak pa din siya, I wiped away the tears on her cheeks.

"Yes Aki Emiya, I will marry you!"

Pagkasabi noon ay lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya. Isinuot ko din ang singsing sa daliri niya.

It was the happiest time of my life. Nakita kong desmiyadong nakatingin sa'kin si Satoshi, nakakalokong kinindatan ko lang siya.

Naghiyawan ang mga tao doon na para bang wala ng bukas. Bigla tuloy dumating ang librarian.

"What is happening here? Sino ang may pakana ng ingay na to?"

I humbly raised my hand, ito ang consequence ng pagpro-propose sa library.

"Make sure na maaayos ang lahat ng to!"

Inaasahan ko na mahaba pa ang sermon niya sa'kin pero umalis na siya after nun.

"Let's clean these mess together." Sabi sa'kin ni Rin.

Hindi nga ako nagkamali ng taong minahal. Kung wala siya, malamang nakakulong pa din ako sa trahedya ng nakaraan. Siya ang babaeng nagbigay ng kulay sa buhay ko at nagbigay sa'kin ng pag-asa. I guess spending the rest of my life with her was the best decision I've ever made.

-wakas-

Author's Note: This story ended two years ago but I just want to write something about them... Hehe, I hope you enjoyed the story! To those who wanted to know what the story is all about, it's about Archer's wedding proposal to Rin.