Disclaimer: I do not own gs and gsd.

Please rate and review I really need your opinions^^

Special thanks to: Kkornelia: your review helped a lot!

. . . . . . . . . . . . . . .

Before Athrun decided to went down the dining hall, he change his clothing first. He is now wearing a black long sleeve shirt and black pants. He look at himself at the mirror, he noticed that he's been wearing black for so long, still mourning, maybe it is good this way, staying at a dark corner, embracing the darkness because dark, dark is the color if his life.

It's funny to think that, while he's pushing himself into the darkness, he is living in a palace full of different colors. Hallways are painted red, hallroom is white, guest rooms are in pink. Even the garden is full of many colors. Starting from the red roses up to the different shades of lilies.

When he finally arrived at the dining hall he's been greeted by a young woman, golden hair and eyes, wearing a white long dress with a matching green apron.

"She's too radiant" he murmured.

He noticed that the young woman is staring at him.

"Is there any problem?" he ask while sitting on his chair.

A blush suddenly creep into Cagalli's cheeks, was she staring that long? good thing that her Master is not looking at her any more.

"Oh, nothing" she replied

The dining table was full of many different appetizing meals but just like any other day, Athrun only ate the most pleasing food in his eyes.

"What's your name?" he ask while cutting some vegetables.

"Me?" Cagalli ask in amusement.

"Do I have to repeat my self?" Athrun is indeed man of few words.

"Cagalli" Cagalli manage to reply. .

"ohhh.. you're so grumpy!" Cagalli told herself. Cagalli was shock when Athrun suddenly looked at her.

"Did he read my mind?"

"Im finish, please deliver my coffee inside my office" Athrun said while standing up.

"Yes Master Zala" Cagalli bowed her head.

Athrun started walking when suddenly he remembered something.

"Oh, I almost forgot, I'm not grumpy, i just don't like wasting my time or repeating the words that I've already said." with that being said Athrun start walking towards his office.

. . . . . . . . . . .

"Hey! are you alright?" Milly ask to her friend who just entered the kitchen.

"I'm fine" Cagalli said with a sime

"Do you want some food.?"

"Maybe later, after I delivered Master Zala's coffee" Cagalli replied.

"Cagalli, Master Zala is good person, he just need some time." Murrue who is passing by said.

Okay now, she's puzzled.

"Okay, come back immediately,Mister Mwu is telling his battle stories, oh! he's the head security of this palace" Milly said.

Cagalli put the coffee in a tray.

She climbed the stairs and walk the hallways until she reached Athrun's office.

Cagalli, breathe in breathe out! you can do this, you can do this.

She doesn't bother knocking since the door was already open. Cagalli went straight towards the huge wooden table and put the coffee there.

This office is huge, a large french windows, a huge bookshelf a fireplace, a cabinet and. . .

There he is, sitting in a chair near by the fireplace. Holding a picture frame.

Athrun seems so lonely.

"Are you just gonna stand there?" Athrun said while putting the picture frame on it's respective place.

"I've already delivered your coffee, can I leave now?" Cagalli ask.

Athrun start walking towards her and stopped until they are standing face to face.

"Do you really have a hobby of staring at people?" Athrun said while staring into Cagalli's amber eyes.

"Pardon?" she can't think clearly, she can smell her Master's warm and minty breath.. .it's very. .very, ,

"Do I really need to repeat myself every time?" Athrun watch Cagalli's fierce eyes

"Why is it hard for you to repeat your question?" Cagalli can't hold her mouth anymore

Athrun lean closer to Cagalli's ear and whisper.

"Do you really have a hobby of staring at people?"

Athrun watched Cagalli's face turn red from embarrassment.

"Well, it depends on the person i'm staring at!" Cagalli spat.

Athun took a step backwards amused by the girl's answer.

"You can leave now" he said.

Cagalli start walking towards the door, when Athrun spoke again.

"Miss Cagalli, come back where after you finish your other duties."

Cagalli manage a small bow before she left the room.

"Miss Cagalli, you really have a hobby of making me smile" Athrun said to himself as another smile appeared on his face.

. . . . . . . . . . . .

After eating and helping Milly at the kitchen, Cagalli once again face the same office doors.

i can do this!

Cagalli opened the door and closed it again immediately.

She blink a few times.

Her Master was staring at her.

Summoning all her courage, once again, she open the door.

Okay. . She's not dreaming, her Master IS really staring at her.

"How does it feel?" Athrun ask.

"Huh?"

"Does it feel good?"

"What?" Cagalli is really confused right now.

"Now you know what it feels like being stared"

Cagalli's blood is boiling. She's pissed, humiliated and again PISSED!. she look like a fool opening and closing the door!

"Do you need anything?" Cagalli asked.

"Sit" Athrun command. He watched Cagalli take her sit, in front of his desk.

Again Cagalli asks her Master.

"Do you need anything?" she cannot even look him in the eyes.

"Miss Cagalli, I want you to look me in the eyes whenever you're saying something. It's rude not to look at someone while you are talking you know." Athrun calmly said.

"Wait! you told me earlier that it's rude to stare now you want me to look at you in the eyes? What the-! what's your problem?" said the fuming blonde

"Miss Cagalli, staring and looking in the eyes are two different things." Athrun said while reading his papers.

He took out a large book and pass it to Cagalli. Then he resume reading again.

"You know something about medicine right? I already took the liberty of asking Miss Murrue, read that book and be back here tomorrow morning." Athrun said, while reading

Cagalli took the book.

"You may go now" Athrun said, still reading.

"Well, Master Zala! how about you? it is rude not to look at someone, when you are talking.!" the nerve of this guy.

Athrun didn't even bulge and continued reading.

"Well, Miss Cagalli it depends upon the person i'm talking or looking." Athrun smirk while reading.

That's it. Cagalli leave his office fuming.


. . . . . . . . . . . . . . . . . .

Bago bumaba si Athrun ay nagpalit muna siya ng damit, pumunta siya sa kanyang cabinet para kunin ang pares ng itim na long sleeve turtle neck shirt at itm na pantalon(hehe sorry tag-lish di ko alam kung pano ko idedescribe sa tagalog)

Tiningnan niya ang sarili sa salamin,napansin din niya na matagal na pala siyang nagluluksa,nasanay na siya na lumugar sa isang sulok,madilim at tahimik na sulok, isang lugar na walang makakakita sa kanya ,walang magtatangkang lapitan siya, mas maganda na ata iyon, para di na niya masyadong maramdaman kung gaano ka sakit mawalan ng minamahal,kung gaano kahirap ang mabuhay ng mag-isa, mas maganda na yakapin niya ang kulay ng kadiliman, dahil itim, itim ang kulay ng mundo nya.

Lumabas na siya ng kanyang kwarto patungo sa hapag kainan, kabaliktaran ng kwarto nya, makulay at maliwanag ang daan patungo sa hapag kainan, ang bawat sulok ay napapalamutian ng ilaw, di tulad ng ibang palasyo makulay ang bawat pader ng kanyang tahanan. Ang mga pader ng hallway ay kulay pula, ang hall room ay kulay puti, ang sala ay kulay kulay lila, maging ang hardin ay punong-puno ng buhay, mula sa iba't-ibang kulay ng rosas hanggang sa iba't-ibang kulay ng gumamela. Dagdagan mo pa ito ng makaagaw pansin na fountain na napapaligiran ng makukulay na ilaw.

Nakakatawang isipin, na habang kayakap niya ang kadiliman ay napapaligiran siya ng ligawanag at iba pang makukulay na bagay.

Sa pag dating niya sa hapag kainan ay nakita niya doon si Cagalli, nag hihintay sa kanya sa tabi ng kanyang upuan. Doon lang niya napansin ang kanyang kulay gintong buhok na nakatali na parang mamon(A/N: mamon? Hahaha Bun yun). Naka suot ito ng kulay puti na damit na umaabot sa kanyang paa at may kulay berde na apron.

"Masyadong maliwanag,masyadong makulay" ang sabi ni Athrun sa sarili

Napansin din niya na nakatitig sa kanya ang dalaga. Kaya tinitigan din niya ito sa mata,bawat hakbang niya papunta sa upuan niya ay di natatanggal ang kanyang mata sa mata ng dalaga, berde sa dalandan/narangha. Pati ba naman ang mga tao sa paligid nya maliwanag din?

"May problema ba?" ang tanong ni Athrun habang umuupo sa kanyang upuan.

Agad namang namula ang pisngi ni Cagalli buti na lang at di na nakatingin sa kanya ang kanyang amo.

"Wala po"ang maikling sagot ni Cagalli

Punong –puno ng iba't-iba putahe ang lamesa na pinagkakainan niya. Lahat ay tila masarap, pero tulad ng dati pinili lang niya ang pag kain na sa tingin niya ay pinaka masarap. Tahimik ang boung proseso ng pagkain ni Athrun, tahimik ang buong paligid at wala kang maririnig na ingay kahit tunog ng plato. Makalipas ang ilang minuto ay nagsalita si Athrun

"Anong pangalan mo?"ang tanong ni Athrun habang kumakain.

"Ako po?"ang tanong ulit ni Cagalli.

"Wag mo akong paulitin ng tanong ko."ang sabi ni Athrun. Bihira lang mag salita si Athrun at mabibilang mo sa daliri kung ilang beses lang niya binuka ang kanyang bibig.

"Cagalli po." Ang sagot ni Cagalli.

"Akala ba niya ay nakalimutan ko na yung ginawa niya sa akin kanina? Sungit!" Ang sabi niya sa sarili.

Nagulat na lang siya ng biglang tumungin sa kanya si Athrun.

"Nabasa niya ang nasa isip ko?" ang sabi ni Cagalli sa sarili

"Tapos na akong kumain ipag handa mo ako ng kape at dalhin mo sa opisina ko."ang maikling sabi ni Athrun. Agad siyang tumayo at naglakad papunta sa kanyang opisina.

"Opo"ang sagot ni Cagalli sabay yuko para mag bigay galang.

"Ah! Bago ko makalimutan, kung bubulong ka ng tungkol sa akin siguraduhin mong di ko maririnig. Di ako masungit prangka lang akong tao." Ang sabi ni Athrun.

Agad namang namula sa kahihiyan si Cagalli.

"Opo"ang tanging naisagot ng dalaga.

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

(Cagalli's POV )

Kanina sa kwarto ni Athrun. ..

"Grabe talaga yung sungit na yon!" ang sabi ni Cagalli sa sarili matapos niyang isara ang pinto sa kwarto ng kanyang amo.

Habang nag lalakad siya sa hallway ay napansin nya ang mga paintings na nakadikit sa mga pader. Larawan iyon ng mga taong dating naninirahan sa bahay na ito.

"Mga ninuno siguro ito ni Master Zala."ang bulong ni Cagalli sa sarili.

Agad na siyang nagtungo sa hapag kainan at matyagang nag hintay sa kanyang amo. Mga ilang minuto pa ay dumating na ang kanilang Master at nakasuot ito ng itim.

"Itim? Anong meron sa itim?"ang tanong ni Cagalli sa sarili. Tiningnan niya ang kanyang amo,mula ulo hanggang paa. Mula sa kung paano ito mag lakad, mag ayos, kung paano ang ayos ng kanyang buhok hanggang sa. . . .

"Ang mata nya, parang basag na salamin,walang kinang." Ang sabi ni Cagalli sa sarili. Ngayon lang siya nakakita ng ganoong kagandang mga mata. Berde, kulay ng isang malinis at magandang hardin, hindi,mali, kakaibang berde ito, kulay ng pag-asa ,yan ang kulay kanyang mga mata. Parang binasag na pag-asa. Yan ang nakikita nya

Natigilan siya sa kanyang pag-iisip ng narinig niyang mag salita ang kanyang amo.

"Anong pangalan mo?"ang tanong ni Athrun

"Sabi nya kanina masamang makipag-usap lalo na't di ka natingin sa kausap mo, ano kaya ang gusto niyang palabasin ngayon?"ang sabi ni Cagalli sa sairili.

"Ako po?"ang tanong ulit ni Cagalli.

"Wag mo akong paulitin ng tanong ko."ang sabi ni Athrun.

"Akala ba niya ay nakalimutan ko na yung ginawa niya sa akin kanina? Sungit!" Ang sabi niya sa sarili.

Nagulat na lang siya ng biglang tumungin sa kanya si Athrun.

"Nabasa niya ang nasa isip ko?" ang sabi ni Cagalli sa sarili

"Tapos na akong kumain ipag handa mo ako ng kape at dalhin mo sa opisina ko."ang maikling sabi ni Athrun. Agad siyang tumayo at naaglakad papunta sa kanyang opisina.

"Opo"ang sagot ni Cagalli sabay yuko pra mag bigay galang.

"Ah! Bago ko makalimutan, kung bubulong ka ng tungkol sa akin siguraduhin mong di ko maririnig. Di ako masungit prangka lang akong tao." Ang sabi ni Athrun.

Hiyang-hiya si Cagalli sa narinig niya, di niya alam kung dapat ba siyang humingi ng tawad o hahayaan na lang niya ang nangyari. Bakit naman kasi nakapatalas ng pandinig ng amo niya. Wala naman kasi siyang ibang ibig sabihin doon. Ngayon lang kasi siya nakatagpo ng tao na grabe ang ka sungitan. Ano pa ba ang gagawin nya? Eh isa lang naman siyang hamak na tagapag silbi ng lider ng kaharian na ito.

"Opo"ang tanging naisagot ng dalaga.

Pumunta si Cagalli sa kusina para ipaghanda ng kape ang prinsepe, wala atang lugar na hindi makulay sa bahay na ito, kung may isa siyang lugar na gustong puntahan sa bahay na ito, bukod sa hardin, ito ay ang kusina, nanadoon lahat ng trabahador ng palasyo, taliwas sa ibang parte ng bahay, dito ang pinaka masarap puntahan.

Kung ikukumpara sa isang opera, maiihalintulad mo ang mga taga pagsilbi sa mga backstage crew, di sila pwedeng makita bukod nga lang kay Dearka, mga gwardiya at sa kanya. Magugulat ka na lang na yung isang lugar na kanina ay magulo, bigla na lang magiging maayos, kasama iyon sa trabaho nila, ang di makaita sa eksena, dapat mabilis kang kumilos at dapat siguradong malinis ang lugar na pupuntahan mo, bawal kang mag kamali, may oras na binigay sa kanila para mag linis sa isang lugar, at tanging sa oras na iyon lang sila pwedeng maglinis.

"Cagalli kumain ka muna."ang sabi ni Miss Murrue, habang nakikipagtawanan sa mga tauhan sa loob ng kusina. Malawak at malinis ang kusina, may mga upuan at mesa din ang nakalagay doon. Bukod ang lutuan sa imbakan ng pag kain,bukod din ang lalagyanan ng mga gamit sa pag kain.

"Sige po , mamaya na ako kakain, kailangan ko lang po muna ihatid ang kape ni Master Zala"ang sagot ni Cagalli.

"Cagalli ayos ka lang ba? Kung gusto mo sabay na lang tayo kumain mamaya, ipinagtabi na kita ng pag kain"ang sabi ni Milly

"Ayos lang ako Milly, mauna ka na."ang sabi ni Cagalli.

"Bilisan mo para maabutan mo pa yung kwento ng buhay ni Mr. La Flaga., siya yung head ng security ng palasyo na ito,." Ang sabi ni Milly.

"Sige titingnan ko"ang sabi ni Cagalli, sabay alis bitbit ang tray ng kape at tinapay.

"Kawawang bata."ang sabi ni Mwu LaFlaga, habang umiinom ng tubig.

"Bakit naman po?" ang tanong ni Milly.

"Wala lang, kailagan nyang harapin si Master Athrun, Murrue, bakit nga pala siya ang napili mo para maging personal maid ni Master Athrun,kakayanin kaya niya ang trabahong iyon?"ang tanong ni Mwu

"Makikita mo kung bakit"ang pangiting sabi ni Murrue.

"Oh! Handa na ba kayo sa kwento ko?"ang tanong ni Mwu sa mga kasamahan niya.

"Cagalli. . . " ang pag aalalang sabi ni Milly

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

Nakita ni Cagalli na bukas ang pinto kaya pumasok na lang siya, tiningnan niya ang buong paligid, malinis at naka ayos lahat ng papeles at mga dokumento, may mga libro din ito na naka ayos ang lagay sa kanilang dapat kalagyan, at sa likod ng mesa at upuan ng Master niya, ay isang malaking French window, at sa likod ng book shelf ay merong fire place(A/N: sorry di ko po alam kung anong tawag) .

Doon ay nakita niya ,ang Master niya na nakatingin sa larawang hawak nito, mula sa kinakatayuan ni Cagalli ay mararamdaman mo ang lungkot at pangungulila ng kanyang Master sa taong nasa larawan, medyo malayo siya sa kinauupuan ng Master niya kaya di niya matanaw kung sino ang taong nasa larawan.

"Tatayo ka na lang ba jan?"ang biglang sabi ng Master niya, na nakatingin pa din sa larawan.

"Naihanda ko na po ang kape ninyo sa mesa, pwede na po ba akong umalis?"ang tanong ni Cagalli

Tumayo si Athrun at nilagay niya ang larawan sa mesa sa tabi ng kanyang upuan, unti-unti siyang lumakad papalapit kay Cagalli.

"Ugali mo ba talagang tumitig sa kapwa mo?" ang tanong ni Athrun na tumigil sa harapan mismo ni Cagalli, parehong nakatitig sa mata ng isa't-isa.

"Po?"ang tanong ni Cagalli, na di na makapag isip ng ayos dahil sa sobrang lapit sa kanya ng Master niya, na aamoy niya ang mabangong hininga ng nasa harap nya, nararamdaman niya ang kaba sa puso niya pero di niya alam kung para saan ang kabang nararamdaman niya.

"Bakit ba kailangan ko pang ulitin ang tanong ko sa iyo?"ang tanong ni Athrun na nananatiling nakatingin sa mata ni Cagalli, nakikita niya nag sisimula ng mamula ang pisngi nito.

"Di po ba pwedeng, ipaulit ang tanong ko? Mahirap po sa inyo na ibuka ang bibig ninyo?"nagulat na lang si Cagalli sa lumabas sa bibig niya, at mas lalo pa siyang nagulat ng nakita niyang ngumiti ng konti ang Master niya, nagkakamali kayo ng iniisip kung ngiti ng pagka tuwa ang ngiti ni Athrun, ngiti iyon ng taong na iinis o naaasar.

Nilapit ni Athrun ang bibig niya sa tenga ni Cagalli at sabay bulong ng "Ang sabi ko ugali mo bang tumitig sa tao?"

Kahit namumula ay nagawa pa rin umatras ni Cagalli para matitigan niya sa mata si Athrun

"Depende po sa tinititigan ko" ang sabi ni Cagalli.

"Ano?"ang tanong ni Athrun.

"Kailagan ko po bang ulitin ang sagot ko?"ang tanong ni Cagalli.

Napa atras na lang si Athrun sa sagot sa kanya ng dalaga, ngayon lang siya naka tagpo ng isang babaeng kaya siyang sagot sagutin, di naman sa naiinis siya, nagulat lang siya, sa lakas ng loob na pinapakita sa kanya ng taong nasa harapan niya, hindi araw-araw ay makaktagpo ka ng taong makakatapat mo.

"Maaari ka ng umalis." Ang sabi ni Athrun.

Tinitigan muna siya ni Cagalli bago ito tumalikod at umalis.

"Miss Cagalli, bumalik ka dito sa opisina ko pag katapos mong gawin ang mga dapat mong gawin." Ang sabi ni Athrun

Lumingon si Cagalli at yumuko sa amo niya bago tuluyang umalis.

Ang di alam ni Cagalli, ay napa ngiti nanaman niya ang Master niya.

"Ugali mo ba talagang pangitiin ako? " ang sabi ni Athrun sa sarili.

Lumakad si Athrun papunta sa French window habang hawak hawak niya ang kanyang kape. Mukhang magiging maganda ang gabi ngayon, maliwang ang buwan, at maaliwalas ang gabi, tahimik at payapa.

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

Matapos tumulong ni Cagalli sa kusina ay pumunta na siya sa opisina ng Master niya.

"Kaya ko ito, kaya ko ito, kaya ko ito, hinga ng malalim" ang sabi ni Cagalli sa sarili bago siya kumatok at pumasok.

Binuksan ni Cagalli ang pinto, at nagulat siya sa kanyang nakita, kaya sinara niya ulit ang pinto huminga ng malalim at binuksan ulit ito, makailang beses din siyang kumurap, para malaman kung tama ba ang nakikita niya "Totoo ba ito? Nakatitig sa akin si Master Athrun?"ang tanong ni Cagalli.

"Maupo ka." Ang sabi ni Athrun na naka upo sa kanyang upuan habang naka titig pa rin kay cagalli.

Marahang lumakad at umupo si Cagalli sa upuan sa harap ng mesa ni Athrun.

"Anong pakiramdam?"ang tanong ni Athrun.

"Nang alin po?" ang tanong ni Cagalli.

"Na titigan ka ng isang tao ng walang rason." Ang sabi ni Athrun.

Agad na namula si Cagalli dahil sa kakahiyan at sa inis, nakakahiya ang reaksyon niya kanina, akala niya kasi ay namamalik mata lang siya na tinititigan siya ng amo niya, at ngayon bigla na lang niyang malalaman na gumaganti lang sa kanya ang Master niya, di naman niya kasalanan na mapatitig siya sa kanya, kelan pa naging krimen ang tumingin sa isang tao?

"Bakit niyo po ako pinabalik dito ?" ang tanong ni Cagalli habang nakatingin sa sahig, dahil nahihiya siyang ipakita ang mukha niya na ubod ng pula.

"Tumingin ka sa mata ko pag kinakausap mo ako." Ang sabi ni Athrun

"Ano po ang kailangan niyo at pinabalik niyo ako dito" ang tanong ni Cagalli na nakatingin sa mata ni Athrun.

"Gusto ko pag kinakausap mo ako, tumitingin ka sa mata ko." Ang sabi ni Athrun

"Sabi niyo po kasi masamang tumitig, tapos po ngayon, sasabihin niyo po na tumitig ako sa mata ninyo." Ang sabi ni Cagalli.

"Mag kaiba ang tumititig at tumitingin, Cagalli." Ang sabi ni Athrun na, nananatiling nakatingin kay Cagalli.

"Ano po ba ang gagawin ko dito?" ang tanong ni Cagalli. Para matapos na ang usapan ng tungkol sa titigan at tinginan, sungit talaga!

"May alam ka tungkol sa pang gagamot tama ba ako? Tinanong ko kanina si Miss Murrue, basahin mo ang libro na ito, at may ipapagawa ako sa iyo bukas ng umaga." Ang sabi ni Athrun.

Tumango na lang si Cagalli.

"Maaari ka ng umalis" ang sabi ni Athrun habang nag babasa ng mga dokumento sa mesa niya.

"May tanong lang po ako." Ang sabi ni Cagalli.

"Ano iyon?" ang tanong ni Athrun na, nananatiling nagbabasa.

"Kayo po, ugali niyo din po bang hindi tumingin sa kausap niyo, kasi sabi niyo po sa akin kanina masama pong di tumingin sa kausap pag may sinasabi ka, eh ano po yang ginagawa niyo?" ang tanong ni Cagalli.

Tiningnan ni Athrun si Cagalli sa mata.

"Depende iyon sa tinitingnan at tinititigan ko., Miss Cagalli." Ang sabi ni Athrun.

Namumulang umalis si Cagalli sa opisina ni Athrun. Tama na ang isang kahihiyan na natanggap niyang ngayong gabi, gamitin ba naman sa kanya ang sarili niyang salita?

Naka ngiting umiling si Athrun habang tinutuloy ang kanyang pagbabasa.

"Gusto kong malaman kung hanggang saan aabot yang matalas mong dila Miss Cagalli." Ang sabi ni Athrun

. . . . . . . . . . .

Wahhh! Sorry po kung may pagka tag-lish ^^

Sorry din po kung may mga errors.

Hope ypu like it^^

Give me some love and reviews to boost my inspiration,

Love ya all!