Disclaimer: I do not own gs and gsd
(i edited some parts^^)
Special thanks to : nareiya and Kkornelia
Thank you guys^^ and to my silent readers (if I have any) well enjoy and happy reading. And I hope next time, give me some love and leave something, you can write it in tagalog or whatever language you want to use. Love you all.
. . . . . . . . . . .
Sabado ng umaga, ano nga ba ang magandang gawin tuwing sabado ng umaga? Syempre para sa mga tauhan ng palasyo, bukod sa mag linis at mag luto, ito ang araw nang kanilang pahinga, maari silang mamasyal sa labas ng palasyo habang namimili ng mga bagay nakakailanganin sa pag luluto.
Di tulad ng ibang araw, mas maraming tao sa pamilihang lungsod, halos di na madaanan ang mga kalsada, kaya wala ng nag tangkang mag dala ng kabayo o kalesa dito para maiwasan ang sobrang abala, lalo na sa pag hahanap ng rancho na pwedeng pag lagyan ng mga ito.
"Cagalli, ano sa tingin mo ang mas masarap na pakwan dito sa dalwa?" ang tanong ni Milly habang tinuturo ang dalawang nag lalakihang pakwan
"Katukin mo muna milly, pag matunog, wag mong bilhin kasi di pa hinog yan, sandali nakita ko na si Miss Myrna, tutulungan ko muna siya sa mga bitbitin nya." Ang sabi ni Cagalli, habang nakikipag siksikan sa mga tao sa pamilihan para salubungin ang kusenera ng palasyong tinutuluyan nila.
"Miss Myrna, mukhang naparami ata yung napamili nyo, kaya ba nating bitbitin ito papunta sa palasyo?" ang tanong ni Cagalli.
"Ano ka ba iha, mas marami pa ako ng pinamili kesa dito, naipadala ko na lahat doon sa palasyo, nag patawag kasi ako ng kalesa na mag bibitbit nito papunta doon." Ang sagot ni Miss Myrna.
"Sige, mag libot muna kayo dito sa pamilihan, sauluhin nyo bawat daan, puntahan nyo na lang ako sa panederya na iyon pag tapos na kayo, mag ingat kayo at wag kayong masyadong mag tatagal."ang sabi ni Miss Myrna habang nakaturo sa isang panederya malapit sa kinatatayuan nila.
"Salamat po Miss Myrna." Ang sabi ng dalwa.
Tuwang-tuwa ang dalawa at nagkaroon sila ng oras para makalabas sa loob ng palasyo,wala naman talaga sa plano nila ang sumama sa pamimili lalo na si Cagalli, dahil siya ang personal maid ng kanilang prinsepe, nag kataon lang na nagkaroon ng bisita sa bahay at nag prisinta na si Miss Murrue na siya na muna ng bahala sa mga gawain ni Cagalli.
Pumunta ang dalwa sa bilihan ng mga libro, agad namang dumiretso si Cagalli sa mga libro tungkol sa pang gagamot at pag gamit ng mahika.
Binuklat nya ang libro ng tungkol sa mahika, at tiningnan ang mga laman nito. Naglalaman ito ng mga kakaibang ritwal tungkol sa iba't-ibang sumpa, tulad ng pangungulam,pangbabarang,pag aalis ng sapi, pag aalis ng mga sumpa, pag gawa ng gayuma at iba pa.
"Ano kaya kung gamitan ko ng mahika si sungit? Babait kaya siya kahit papaano? Hmm, wala na atang makakagamot doon." Ang sabi ni Cagalli sa sarili. Nagustuhan ni Cagalli ang libro kaya kinuha niya ito upang bilhin, ngunit nang babayaran na niya ito ay nakita niya ang isang libro na tungkol sa pag gagamot ng iba't-ibang klase ng lason, nang aktong kukunin na niya ang libro ay may naka banggaan siya. Di naman gaano kalakas ang pagkakabangga niya kaya nahulog lang niya ang librong hawak-hawak niya.
"Pasensya ka na, di ko sinasadya" ang sabi ni Cagalli habang pinupulot ang libro niya sa paanan ng taong nakabangga niya. Tinitigan niya ang sapatos ng lalaki pataas sa kanyang hita, sa bewang hanggang sa batiin siya ng mapupula nitong mata at itim na buhok.
Matagal silang nagkatitigan, nakakatakot ang mata ng lalaking nasa harapan niya, parang handa na itong pumatay, ano mang oras.
"Ugali mo bang tumitig sa kapwa mo?" ang sabi ng boses ng amo niya sa isip niya. Agad niyang tinanggal ang kanyang titig sa lalaki, at baka isipin din nito na masamang tumitig sa kapwa mo.
Laking gulat na ang niya ng iabot ng lalaki nang kanyang kamay upang tulungan siyang tumayo. Agad niyang kinuha ang kamay ng lalaki.
"Salamat" ang sabi ni Cagalli. Habang inaayos ang damit niya, napansin niya na nakasuot ng kapa ang lalaking nasa harapan niya na mas lalong dumagdag sa pagka misteryoso nito. Pinilit niyang hindi ulit tingnan ang mga mata nito, pero di niya magawa, kaya eto nanaman siya, nakatitig sa pulang mata ng nasa harap niya, at ang mas nakakagulat pa doon ay, tinititigan din siya ng misteryosong lalaki sa harapan niya. Kapawang nawala sa mata ng isa't-isa.
"Oo, pula ang kulay ng mata ko." Ang sabi ng lalaking nasa harap niya, dahan dahan itong dumaan sa tabi niya at parang nilamon ng kawalan sa dami ng tao sa labas ng tindahan ng libro.
"Cagalli? Sino yon?" ang tanong ni Milly
"Di ko alam Milly, nakakatakot ang mata niya." Ang sabi ni Cagalli.
"Gutom lang yan, halika na, nag hihintay sa atin si Miss Myrna." Ang sabi ni Milly.
Binili ni Cagalli ang parehong libro na, naibigan niya, at lumabas na sila ng tindahan papunta sa panederya.
"Halina kayo mga anak, tatanghaliin tayo sa daan." Ang sabi ni Myrna habang dala-dala ang mga tinapay na kanyang pinamili sa panederya.
Habang naglalakad sila Cagalli patungo sa kalesa, ay nag tataasan ang balahibo niya sa likod, nararamdaman niya lang ito sa tuwing may taong nakatingin sa likod niya o pag may sumusunod sa kanya, tumingin siya sa kanyang likuran ngunit wala naman siyang nakita.
"Cagalli? Ano yon?" ang tanong ni Milly.
"Wala," ang maikling sagot niya.
"Parang kanina ka pa kasing di mapakali jan." ang tanong ni Milly.
"Wala talaga Milly, pagod lang siguro ito." Ang sagot ni Cagalli sa nag-aalala niyang kaibigan.
. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
"Cagalli. . .Cagalli pala, kailangan ko ang librong hawak mo." Ang sabi ng misteryosong lalaki sa sarili habang nag tatago sa mga poste ng ilaw sa paligid.
. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
"Nandito na kami" ang sabi ni Myrna sa mga tao sa kusina.
"Ah! Cagalli pinapatawag ka ni Master Zala sa opisina niya." Ang sabi ni Miss Murrue na kapapasok lang sa kusina upang ihatid ang mga tasa ng kape na ginamit ng mga bisita kanina.
"Naka-alis na po ba ang mga bisita?" ang tanong ni Milly.
"Oo, hinahatid na sila ni Dearka sa kani-kanilang karwahe." Ang sabi ni Miss Murrue.
"Mauna na po ako sa inyo Miss Murrue, Milly at Miss Myrna." Ang sabi ni Cagalli habang nag lalakad palabas ng kusina.
"Cagalli?" ang pahabol na tawag ni Murrue
"Po?" ang sagot ng dalaga sabay tingin sa kausap.
"Mabait si Master Athrun, bigyan mo lang siya ng pagkakataon, di madali ang pinag dadaanan niya." Ang sabi ni Miss Murrue.
"Di ko po kayo naiintindihan." Ang sagot ni Cagalli.
"Maiintindihan mo din ako sa tamang panahon." Ang sabi ni Murrue.
"Sige na iha, nag hihintay pa sa iyo si Master Zala." Ang sabi ni Miss Myrna.
"Mauna na po ako ulit" ang sabi ni Cagalli.
"Napaka bait na bata." Ang sabi ni Myrna.
"Sinabi mo pa" ang pag sang ayon ni Murrue.
Bago mag tungo si Cagalli sa opisina ng kanyang amo, ay nagbihis muna siya ng disenteng damit, damit na umaabot sa kanyang mga paa, mahaba ang manggas at pinatungan niya ito ng asul na apron. Ayaw naman niya na humarap sa amo niya na amoy palengke.
Tinali din niya ng maayos ang kanyang hanggang bewang na buhok(A/N: im just testing the water, but I can make her cut her hair if you don't like the longer one^^) at nag lagay din siya ng konting pabango.
"Hinga Cagalli, Hinga, kaya mo yan!" ang sabi niya sa sarili, habang umaakyat ng hagdan patungo sa opisina ng amo niya.
"Ehem!" ang sabi ni Athrun na nasa likod ni Cagalli.
"Ay patatas!" ang sabi ni Cagalli dala ng sobrang gulat. Agad siyang tumigil sa pag akyat at hinarap kung sino mang taong nasa likod niya.
"Hmmm, kahapon , sungit tapos ngayon patatas ano naman kaya mamaya?" ang sabi ni Athrun na nilampasan si Cagalli, at patuloy na umakyat sa hagdan
Agad namang napayuko si Cagalli sa nangyari, buti na lang at nakahawak siya ng maayos sa hawakan ng hagdan, dahil kung hindi baka nag pagulong gulong na siya pababa.
"Miss, Cagalli umakyat ka na, at gusto ko pang marinig kung ano pa mang makukulay na salita ang pwedeng lumabas jan sa bibig mo." Ang sabi ni Athrun na patuloy pa din ang pag akyat ng hagdan.
"Ano kayang ibig sabihin niya sa sinabi niyang iyon?" ang sabi ni Cagalli sa isip niya.
Agad siyang sumunod sa Master niya papunta sa opisina nito.
. . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
"Maupo ka" ang sabi ni Athrun habang umuupo sa kanyang upuan.
Marahang umupo si Cagalli sa upuan, at sinimulan niyang paglaruan ang laylayan ng kanyang damit.
"Nabasa mo na ba ang librong binigay ko sa iyo kagabi?" ang tanong ni Athrun habang tinititigan niya si Cagalli gamit ang kanyang matalas na mata. Agad namang tumingin sa kanya ang kausap niya.
"Opo," ang sabi ni Cagalli.
"Alam kong bihasa at marami ka ng alam tungkol sa pang gagamot Miss Cagalli, kaya nais ko lang itanong kung interesado kang mag aral ng medisina?" ang tanong ni Athrun.
"Po?" ang pagulat na sagot ng dalaga, di ata makapaniwala ang kanyang mga tenga, dahil kung tama ang pagkakarinig niya, tinatanong siya ng amo niya kung gusto ba niyang mag aral ng medisina.
"Miss Cagalli, uulitin ko nanaman ba ang tanong ko?"ang tanong ni Athrun.
"Opo." Ang sagot ni Cagalli. Na nananatili pa rin sa kanyang munting mundo.
"Ano bang meron sa iyo at gusto mong pinapaulit ulit ang tanong ko?"ang tanong ni Athrun.
"Wala po." Ang sagot ni Cagalli, na napilitang tumingin sa sahig, takot siya, takot siya na baka may masabi nanaman siyang di maganda.
"Miss Cagalli, ilang beses ko bang uulitin sa iyo na tumingin ka sa mata ko pag kinakausap kita, may problema ba sa pandinig at pang unawa mo?" ang matalim na tanong ni Athrun.
Di na ito kaya ni Cagalli, personal maid siya sa palasyo na ito at hindi isang papet, na dapat diktahan ng dapat niyang gawin at kung saan siya dapat tumingin.
"Master Athrun, pag paumanhin ninyo, pero kayo po? Ano po ba ang dahilan ninyo at bakit gusto nyo akong tumingin sa mata niyo sa tuwing mag uusap tayo? Minsan kasi dapat ding inilulugar mo ang ginagawa mo, alangan naman po na tumingin ako sa mata ninyo sa tuwing mag iisip ako, mamaya sasabihin niyo nanaman po, na tumititig ako sa inyo." Ang sagot ni Cagalli na unti-unti ng nauubos ang pasensya.
"Mahirap bang sagutin ang tanong ko Miss Cagalli? Kailangan ba lahat ng tanong ko may rason, para sagutin mo?" ang tanong ni Athrun.
"Hindi naman po Master Zala, bakit po? Pag po ba, tinanong ko kayo kung bakit lagi kayong nakasuot ng itim, kailangan may rason din? Pano makakapag usap ang dalawang tao ng maayos kung sa bawat tanong at sallita nila eh kailangang may rason? Alam niyo po, napaka sungit niyo! Tatanda kayo ng maaga niyan, masyado po kayong matalas mag salita, masyado kayong matalas mag isip, ayaw niyo na nalalamangan kayo pag dating sa salitaan!" ang sabi ng ngayon ay galit na galit, na dalaga,. kung gaano kataas ang sinag nag araw ay ganun din kataas at kabilis ang pag kulo ng dugo niya.
Nagulo ang katahimikan ng paligid ng biglang, umalingasaw ang tunong ng kaligayahan, tunong ng tuwa, tunog ng saya, tunog ng tawa, oo tawa, bigla na lang natawa ang ating tigasing amo, hindi yung tawa na grabe ha, tawa lang, normal na tawa.
Mas lalo itong ikinagalit ng dalaga, dahil wala namang nakakatawa sa mga sinabi niya.
"May nakakatawa po ba Master Zala?" ang tanong ng galit na galit na dalaga.
"Ang sinag pala ng araw habang dumadating ang katanghalian, kahit di mo nahahawakan, ay nakakapaso din." Ang sabi ni Athrun na ngayon ay inaayos ang sarili, mula sa ginawa niyang pag tawa.
"Anong ibig niyong sabihin?" anng tanong ulit ni Cagalli.
"Gusto mo bang mag aral ng medisina ,Miss Cagalli?" ang tanong ni Athrun na ngayon ay nakangiti sa kausap niya.
"Bakit niyo po ba ako inaalok na mag aral ng medisina?"ang tanong ulit ni Cagalli.
"Alam mo Miss Cagalli, may kumakalat kasing sakit sa paligid ngayon ng Plants, at biglaan namang nawawala ang mga magagaling na mang gagamot na nandito, kailangan ko ang talento mo sa pang gagamot para matulungan ang mga taong naapektuhan nito at para na din maagapan ang lalong pag laganap ng sakimtna ito, kung ayaw mo namang tanggapin ang inaalok ko, ayos lang, ano? gusto mo bang mag aral ng medisina?" ang tanong ng nananatiling nakangiting si Athrun.
Napatango na lang ang dalaga, parang gusto na niyang sampalin ang sarili niya, kasi parang nasa isa,siyang panaginip, una ay nagalit siya sa amo nya, pangalawa ay narinig niya itong tumawa, pangatlo ay nakangiti ito habang kinakausap siya, ano bang meron sa sinag na araw ngayon?
"Magaling, ikuha mo muna ako ng maiinom at bumalik ka ulit dito." Ang sabi ni Athrun.
Tumayo si Cagalli at pumunta sa kusina.
. . . . . . . . . . . . . . . . .
Nagtataka siya kung bakit tila lahat ata ng mata ng mga tao na nasa kusina ay nakatingin sa kanya, dali dali siyang kumuha ng malamig na tubig at umalis na.
"narinig nyo ba yung tawa kanina?" ang tanong ni Myrna. Nag si tanguan naman ang mga taong nasa kusina
"Di bat' boses iyon ni Master Zala?"ang tanong ni Milly, at muli nag si tanguan na lang ang mga tao sa kusina, wala ata ng gustong magsalita. Lahat ay nagulat sa tawa na narinig nila, dahil kung tama sila at tawa nga iyon ng Master nila, iyon ang kauna unahang tawa ng prinsepe sa loob ng 2 taon.
"Murrue, narinig mo ba yung tawa kanina?si Master Athrun iyon tama ba ako?" ang tanong ni Myrna
Sinagot na lang siya ni Murrue ng isang ngiti.
. . . . . . . . . . . . . . . . . .
Agad na ininom ni Athrun ang tubig na dala ni Cagalli, inutusan niya itong basahin ang isa pang libro tungkol sa medisina, habang nag babasa ang dalaga ay lihim siyang tinititigan ng kanyang amo. agad namang nagsi tayuan ang balahibo sa likod ni Cagalli
"Master Athrun, di po ba masamang tumitig sa kapwa mo?" ang tanong ni Cagalli na tumigil sa pag babasa para tingnan ang amo niya.
"Miss Cagalli, tinitingnan ko lang kung saan ka na sa binabasa mo, mag kaiba pa din ang pag titig sa pag tingin., ituloy mo na yang binabasa mo." Ang sabi ni Athrun.
. . . . . . . . . . . . . . . .
"Masarap tumingin sa mata mo, kasi nararamdaman ko ang init ng liwanag, dahil kakulay ng mata mo ang sinag ng araw,sinag ng araw na, nakakapaso kahit di mo hawakan."
. . . . . . . . . . . . . . . . . . .
OKIESS! Sorry for some errors, inaantok na po kasi ako, kaya di ko nap o binasa yung tinatype ko, maybe I'll just edit it the day after tomorrow?
Di sana ako ,mag uupdate kaya lang irereformat ko si Lappy kasi napasukan ng virus, so here I am updating again, kasi sa susunod na araw ko pa magagalaw ulit si Lappy, so please, pag pasensyahan nyo na po yung mga errors, I eedit ko na lang po after makarecover ni Lappy!, naka auto correct din po kasi ang ms word ko ,,,wahhhhhhhhhhhhh sleepy na ako.
Love yah guys! Please throw me some love and give me some reviews to boost my powers!^^
