Disclaimer: I do not own gs or gsd
OPPPSSIIEEE sorry for the late update, ive been trying to translate this story in English. Can someone help me? I really need someone, somebody to play the role as my editor, daming echos!
Special thanks to: Kkornelia
. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
"Lagi kitang hinihintay dito, araw-araw, nag hihintay ako umaasa na balang araw, makikita kita ulit na nasa harap ko, nakangiti, at masayang masaya." hindi naman bawal ang mangarap kahit minsan diba? Di naman masamang humiling, di naman masamang umasa, basta't kaya mo pa, at alam mong di mo pa isusuko ang lahat, magiging ayos lang ang lahat.
"Mia, isa't kalahating taon na, ang hirap ng wala ka." Ang sabi ni Athrun sa sarili habang nakatingin sa lawa, malapit sa palasyo, liblib ang lugar na ito, nasa gitna kasi ito ng kagubatan, at tanging silang dalawa lang ng kanyang kasintahan ang nakaka alam ng lugar na ito, dito ang lugar kung saan sila nag sumpaan na mag mamahalan ng walang hanggan.
"AHHHHHH!" ang sigaw ng isang boses sa di kalayuan,agad namang tumakbo si Athrun papunta sa boses na kanyang narinig, kung di siya nag kakamali doon iyon sa gawing kanan.
"Aba! Tingnan mo nga naman di lang pala prutas ang pwedeng masungkit sa punong ito." Ang sabi ni Athrun habang nakatingin sa taas ng puno.
"Master Zala, paki usap po wag po kayong tumingin dito sa direksyon ko."ang sabi ni Cagalli na di maintindihan kung paano iipitin ang palda ng kanyang damit gamit ang kanyang mga kamay. Pahamak na damit.
"At bakit naman,unang una sa lahat, may makikita ba ako jan? may mapapala ba ako, pag sinilipan kita Miss Cagalli? At huli sa lahat, sa mukha mo ako naka tinggin at hindi sa kung ano mang bagay na tinutukoy mo." Ang sabi ni Athrun na agad namang inalis ang pag kakatingala.
"Ano ba kasi ang ginagawa mo jan?"ang tanong ni Athrun.
"Kinukuha ko po yung bulaklak ng puno na ito, kailangan ko po kasi para sa gamot na ginagawa ko."ang sagot ni Cagalli habang sinusubukan na bumaba mula sa puno.
"Ganon ba?siya, baka nakakaistorbo ako, Sige mauuna na ako." Ang sabi ni Athrun na handa ng umalis mula sa kinakatayuan niya.
"Master Zala-ahmmm" ang sabi ni Cagalli.
"Bakit?"ang sabi ni Athrun na lumingon sa direksyon ng dalaga.
"Pwede po bang-"ang nahihiyang sabi ni Cagalli.
"Hindi."ang madaling sagot agad ni Athrun.
"Alam niyo na po ba ang sasabihin ko?"ang tanong ni Cagalli.
"Marunong kang umakyat dapat marunong ka ding bumaba, parang buhay yan, kung marunong kang umakyat sa tutok ng tagumpay, dapat marunong ka ding ilapat ang paa mo sa lupa." Ang sagot ni Athrun.
"pero—" ang sabi ng dalaga.
"Mauna na ako Miss Cagalli, pumunta ka na lang sa opisina ko pag nakababa ka na jan."ang sabi ni Athrun na nag lalakad papalayo, at muli nakarinig nanaman siya ng sigaw.
"AHHHHHHHHHHHHHHHH!"ang sabi ni Cagalli, na namimilipit na sa sakit, dahil sa kamay niya, mang yari kasi na nasalubsob siya ng kahoy habang inaabot niya yung bulaklak.
"Wag kang sumigaw kawawa ang mga hayop sa paligid." Ang sagot ni Athrun na patuloy pa din ang pag lalakad.
Halos mangiyak ngiyak si Cagalli sa galit, iniwan na lang siya ng ganon-ganon? Ganyan ba talaga siya sa ibang tao? Napaka makasarili! May mga tagumpay at ilapat ang paa sa lupa, pa siyang nalalaman! Na kakainis! Paano ako makakababa nito? Pag tinalon ko ito, pwede akong mabalian ng buto, ayaw ko namang mangyari yon.
Makalipas ang ilang oras na pag iisip kung paano siya makaka alis sa puno, ay wala pa din siyang maisip. Kaya naisipan na lang niyang sumigaw.
"MISTER ZALA, DI KA TALAGA MAGINOOOOOO!SUNGIIIIIIITTTTTT MOO!" ang sigaw ng dalaga, kahit papaano naman ay guminhawa ang kanyang pakiramdam.
"Masarap bang sumigaw jan?"ang sabi ng isang lalaki na naka kapa.
Bigla namang napatahimik ang dalaga sa kanyang posisyon ng marinig niyang may nag salita sa bandang baba ng punong kinauupuan niya.
"Ikaw?" ang tanong ni Cagalli ng makita niya ulit ang lalaking naka kapa at may pulang mata.
"Ikaw? Magaling ka pa lang bumati," ang sagot ng lalaki habang nakatingin kay Cagalli.
"Aba! Ano pala ang gusto mong sabihin ko? Kumusta? Ang ganda ng panahon noh? Ang ganda ng tanawin sa paligid payapa at tahimik, ang sarap sumigaw, ang sarap mabuhay, lalo na kung marunong kang bumaba ng puno?" ang sagot ni Cagalli. Ano bang meron sa mga taong nandito? Napaka pilosopo! Talaga naman.
"Sige ayaw mo pa atang maabala jan sa kinakatayan mo, alis na ako, mag ingat ka jan, lalo na sa gabi, maraming mababangis na nilalang sa paligid." Ang sabi ng lalaki habang nag lalakad.
"teka! Tulungan mo naman ako." Ang pabulong na sabi ni Cagalli.
"Ano? Wala ata ako ng narinig." Ang sabi ng lalaki
"Tulungan mo ako bumaba sa puno na ito." Ang sabi ni Cagalli.
"Alam mo Miss kung ako sa iyo, makikiusap ako ng ayos ,yan eh kung gusto mo pang bumaba jan, pero sa tingin ko nawiwili ka pang kapiling ang puno na yan, sige ingat ka." Ang sabi ng lalaki habang nakangiti.
"Pwede bang tulungan mo ako bumaba, . . . . paki usap?" ang nahihiyang sabi ni Cagalli.
"Hay!,sige, talon." Ang sabi ng lalaki habang binubuka niya ang kanyang mga braso.
"Ano? Tatalon ako?" ang di maka paniwalang sagot ng dalaga.
"Sige, Lipad!- - - - ano ka ba? Tumalon ka na at sasaluhn kita!"ang sagot ng lalaki
"Sigurado ka? Baka di mo ako masalo." Ang sabi ni Cagalli.
"Sa tingin ko nag aaksaya lang ako ng oras." Ang sabi ng lalaki na agad ng tumalikod at handa ng umalis
"TEKA! Tatalon na!." ang sabi ni Cagalli.
"Edi tumalon ka" ang sabi ng lalaki na patuloy na nag lalakad.
"Di mo ba ako sasaluhin? Naki usap ako sa iyo ng maayos ah!" ang sabi ni Cagalli. Umihip ang malakas na hangin kaya kinailangan na kumapit ng maigi ni Cagalli sa sanga ng puno, aksidente naman niyang napang hawak ang kamay niyang may salubsob, kaya nakabitaw siya. Sa maikling salita nalaglag siya sa puno.
Pinikit ni Cagalli ang kanyang mata. "Masakit ito." Ang sabi ni Cagalli sa isip niya. Hinintay niya na lumapat ang likod niya sa lupa, pero walang nangyari, sa halip, pares ng malakas ng braso ang sumalubong sa kanya.
"Magpapakamatay ka na ba?" ang pagalit na sabi ng lalaki, unang dinilat ni Cagalli ang knyang kanang mata sunod ang kanyang kaliwa, laking takot niya ng tumambad sa kanya ang pares ng galit na pulang mata. Di siya naka pag salita, di siya nakakibo, sa bawat segundo na lumilipas ay nawawala ang galit sa mga pulang mata na iyon, at napalitan ito ng maamong tingin,marahil ay napansin nito ang kanyang reaksyon, nandoon lang siya, sa braso ng misteryosong lalaki, kapwang nakatingin sa mata ng isa't-isa.
Pwede silang tumagal ng taon doon kung sila titigil sa kanilang gingawa, buti na lang at napansin ng lalaki ang salubsob ni Cagalli na nag sisismula ng dumugo.
"Kailangan nating tanggalin at gamutin yan,baka maimpeksyon ka" ang sabi ng lalaki habang binababa si Cagalli.
"Kaya ko na ito, mang gagamot ako, kayang ko ng gamutin ang sarili ko."ang sabi ni Cagalli habang nakatingin sa lupa, pulang pula ang pisngi niya, di niya alam kung bakit niya tinitigan ang lalaking di man lang niya alam ang pangalan.
"Sige, pero, hayaan mo akoang bendahan yan." Ang sabi ng lalaki na agad na kinuha ang kamay ng dalaga, dahan-dahan niyang binalot ang kanyang panyo sa palad ng dalaga. Hay, kung may mas matapang pa siguro na kulay kesa sa pula, marahil nakita mo na iyon sa mukha ni Cagalli. Nararamadaman niya ang pag lapat ng daliri ng binata sa kanyang palad. Anak talaga ng patatas. Ang lambot ng kamay niya.
"Cagalli ang pangalan ko."ang sabi ni Cagalli.
"hmm"ang patangong sagot ng lalaki.
"ikaw anong pangalan mo?"ang tanong ni Cagalli.
"Shinn." Ang sagot ng lalaki.
"Maraming salamat Shinn pero di mo na dapat ginawa ito." Ang sabi ni Cagalli habang hinahawakan ang kamay niya na katatapos lang bendahan.
"Para ka kasing kawawang ibon." Ang sabi ni Shinn.
"Kawawang ibon?"ang tanong ni Cagalli.
"Oo ibon, sige na mauna na ako."ang sabi ni Shinn, na tumalikod agad at naglakad.
"Teka! Bakit ka nga pala nandito?"ang tanong ni Cagalli.
Agad naman tumakbo ang lalaki at mabilis na nawala. Nagmamadali ata. Di man lang sila naka pag usap ng maayos. Nandoon lang si Cagalli sa kinakatayuan niya, nakatingin pa din sa direksyon na tinakbuhan ni Shinn habang hawak-hawak ang kanyang kamay.
"Aba! Naka baba ka na pala, sayang naman ito." Ang sabi ni Dearka habang dala-dala ang isang mahabang hagdan.
"Para saan yan? Bakit ba ang tagal mo?" ang tanong ni Cagalli.
"Pinadala sa akin ito ni Master Zala, tulungan daw kitang bumaba." Ang sagot ni Dearka.
Ngayon talaga ay nakokomsensya na si Cagalli. Sana walang nakarinig ng sigaw niya.
.. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
"Cagalli saan ka ba nanggaling nag alala ako sayo." Ang sabi ni Milly na agad na sinalubong ang kaibigan na papasok ng pinto.
"Sorry Milly kung nag alala ka, mamaya ko na lang ikwekwento sayo ang mga nangyari sa akin ngayon, kailagan ko munang kumuha ng tubig." Ang sabi ni Cagalli na pumunta sa kusina.
Agad na kumuha ng tubig si Cagalli, sino ba naman ang di mauuhaw kung halos 2 oras ka sa taas ng puno? Di rin naka tulong yung ginawa niyang pag sigaw, siguro nakatulong yun sa pag gaan ng pakiramdam niya.
"Shinn. . ." ang sabi ni Cagalli sa sarili.
"May sinasabi ka ba Cagalli?"tanong ni Murrue na kapapasok lang ng kusina.
"Wala po"ang sabi ng nagulat na dalaga.
"Pinapatawag ka ni Master Zala sa opisina niya." Ang sabi ni Murrue.
"Pupunta na po ako Miss Murrue." Ang sabi ni Cagalli na agad namang yumuko, tanda ng kanyang pag galang.
. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
"Miss Cagalli, kumusta naman ang araw mo." Ang tanong ni Athrun habang umiinom ng kape.
"Subukan niyo pong maiwan sa taas ng puno mula 1 hanggang 3 ng hapon,tapos yung taong inaasahan mong tutulong sayo eh bigla kang nilayasan?"ang sabi ni Cagalli habang lumalapit sa lamesa ng amo niya.
"Sino ba ang inaasahan mong tutulong sayo? Miss Cagalli kung ako ang tinutukoy mo, pinadala ko si Dearka para tulungan ka sa pag baba mo sa puno." Ang sabi ni Athrun habang naka halumbaba. Napa buntong hininga na lang ang dalaga.
"Hay, Bakit niyo nga po pala ako pinatawag?" ang tanong ni Cagalli
"Maupo ka, pag uusapan natin ang tunggkol sa pag aral mo ng medisina" ang sabi ni Athrun habang kinukuha ang mga papeles sa isang kahon. Tulad ng dati tahimik ang buong paligid, itim pa rin ang suot ng amo niya, itim na long sleeve at pantalon, malinis at mabango, ano pa ba naman ang aasahan mo sa isang prinsepe? Sinundan ni Cagalli ng tingin ang kanyang amo mula sa pag tayo nito hanggang sa paglakad.
Matikas itong tumindig, mahinhin mag lakad, maayos ang buhok, matangos na ilong, perpektong hugis ng mukha, magandang labi at nakakabighaning mga mata, ang mata niya na parang basag na salamin. Ano kaya ang ugali ng dating Athrun? Sabi nila pala ngiti daw ito at masiyahin, ano kayang nangyari? Saan kaya nag punta ang dating Athrun na tinutukoy nila?
Teka! Tama ba ito? Tama ba na isipin ko ang kung ano mang nangyari sa kanya, siguro napakasakit ng dinanas niya, na naging dahilan kung bakit niya sinara ang mundo niya sa mga taong nakapaligid sa kanya. Kawawa naman.
"Miss Cagalli?" ang tanong ni Athrun na nasa harap ng mukha ni Cagalli, nakalagay ang kamay ni Athrun sa gilid ng upuan at halos magkadikit na ang ilong nilang dalawa sa sobrang lapit ng agwat ng mukha nila. Naging kasing pula ng mukha ni Cagalli ang suot niyang damit, di niya alam kung paano napunta sa harap niya ang kanyang amo, parang ang bilis naman ng pangyayari. Ilang Segundo lang ay tinititigan niya ang amo tapos bigla na lang siyang magugulat na nasa harap na niya ang taong iniisip niya?
Napalunok na ang ng laway ang dalaga, di na niya alam ang gagawin niya, di siya makagalaw at di rin siya makapag isip ng ayos. Ayan nanaman sila, mag katitig sa mata ng isa't-isa, parang nasa kawalan.
"Alam mo bang napaka ganda mo Miss Cagalli?" ang biglang sabi ni Athrun, nagulat na lang ang binata sa kanyang nasabi, di niya alam kung bakit nabanggit niya ang mga salitang iyon, wala siyang intension na iparinig sa dalaga ang sinasabi niya sa kanyang isip. Kaya agad siyang lumayo at umupo sa kanyang upuan at nag panggap na may binabasa.
"Ano pong sinabi niyo Master Zala?"ang tanong ng dalagang tulala parin sa pangyayari.
"Ang sabi ko maganda yang damit na suot mo, bagay pala sa iyo ang pulang damit." Ang sabi ni Athrun na nagpapanggap pa rin na may binabasa.
"Ah ganun po ba?" ang sabi ni Cagalli habang tinitingnan ang sarili, ano bang meron sa damit niya? Nakasuot lang naman siya ng long sleeve na puting damit at pulang palda na umaabot sa kanyang mga paa.
"Basahin mo muna ang mga ito." Ang sabi ni Athrun habang inaabot kay Cagalli ang mga papeles na kinuka niya kani-kanina lang. agad naman itong kinuha ng dalaga at sinimulang basahin.
Di mo lang alam Miss Cagalli pero may kakaiba kang kagandahan, kagandahan na konting tao lang ang makakakita, lalo na ang mga mata mong, napakalinaw, lahat ng emosyon na pwede ko ng makita ay nakita ko na sa iyong mga mata, walang bahid ng galit at dumi ang iyong mga mata, nakakaakit at nakakasilaw. Parang si-Mia, hindi, mag kaiba silang dalawa. Ibang-iba si Mia sa babeng nasa harapan ko. Mahinhin si Mia, mayumi at marikit. Samantalang si Miss Cagalli ay matapang, inosente, walang takot ,may kakaibang kagandahan at punong puno ng buhay.
"Master Zala, tapos ko na pong basahin." Ang sabi ni Cagalli habang inaabot kay Athrun ang mga papeles, agad namang napansin ng binata ang benda sa kanang kamay ng dalaga.
"Napaano yang kamay mo Miss Cagalli.?"ang tanong ni Athrun.
" Nasalubsob lang po ako kanina habang inaabot ko yung bulaklak ng puno." Ang sagot ni Cagalli na agad na tinago ang kanyang kamay.
"Bakit di mo agad sinabi sa akin kanina na nasalubsob ka?" ang tanong ni Athrun.
"Paano ko po sasabihin sa inyo kung nilayasan niyo agad ako? At isa pa kayang kaya ko naman po itong gamutin wala lang ito." Ang sabi ni Cagalli.
Nakokonsensiya na ngayon si Athrun, gusto lang naman niyang subukan kung hanggang saan ang kaya ni Cagalli, pero di naman niya iiwan ang dalaga kung nalaman naman niya agad na may sugat pala ito.
"Sa susunod wag ka ng aakyat ulit ng puno ha! Naiintindihan mo ba ako?" ang tanong ni Athrun.
"Kung susundin ko po kayo, paano ako makakapangulekta ng mga halaman na kailangan kong pag aralan?" ang tanong ni Cagalli.
"Kumuha ka kasi ng pangungkit o kaya mag patulong ka kay Dearka, ano ba naman kasing meron sa inyong mga babae at ang hilig niyong maiwan sa puno" Ang sabi ni Athrun na ginawang pabulong ang huling linya ng kanyang salita.
"Paumanhin po? Sino pong 'kami'? ang tinutukoy niyo?" ang tanong ni Cagalli. Agad namang naging malungkot ang mukha ni Athrun, naaalala nanaman niya si Mia, ang pinaka mamahal niyang si Mia.
"Wala, ito nga palang papeles ay ang sagot ng doktor na mag tuturo sayo ng tungkol sa medisina, pagkalipas ng tatlong buwan ay pansamantala ka muna titira kay Dr. Antonio Litonjua ." ang sagot ni Athrun.
"Gaano po ako katagal doon?" ang tanong ni Cagalli.
"Dipende kung gaano ka kabilis matuto, si Dr. Antonio ang isa sa mga pinaka magaling na dokor dito sa Plants, marami kang matututunan sa kanya, kailangan mong makinig at matuto agad Miss Cagalli, lalo na at sa bawat bwan na lumilipas ay dumadami ang nalalason sa kaharian na ito." Ang sabi ni Athrun.
"Nalalason? Saan po?" ang tanong ni Cagalli.
"Yan ang inaalam namin ngayon Miss Cagalli." Ang sabi ni Athrun.
. . . . . . . . . . . . . . . . . .
(sa isang liblib na lugar)
"Nag sisimula pa lang ang lahat Athrun Zala, humanda ka ng mahirapan" ang sabi ng isang lalaking nakatago sa dilim.
. . . . . . . . . . . . . . . . . .
(kinabukasan, lunes ng umaga)
"Dearka, wag niyo na akong sunduin galing sa kabilang palasyo, may iba akong kailangang puntahan, isunod niyo na lang si Justice, sa kanya na lang ako sasakay pauwi dito, baka gabihin na rin ako" ang sabi ni Athrun sa kaibigan habang umaakyat sa kalesa.
"Opo" ang tanging sagot ni Dearka, alam na niya kung saan pupunta ang kaibigan niya, di na niya kailangang tanungin pa ito, sa tuwing sasapit ang petsa na ito ay may isang lugar na pinupuntahan ang kanyang amo, isang espesyal na lugar.
. . . . . . . . . . . . . . . . . .
Dahil wala naman masyadong ginagawa si Cagalli ay naisipan niyang pumunta sa kagubatan at mamitas ng mga halamang gamot, napansin niya na may taong natutulog sa ilalim ng puno, sino ba naman ang taong gustong matulog sa ilalim ng puno sa kaagahan ng umaga? Unti-unti niyang nilapitan ang taong iyon at nagulat siya na si Shinn pala ito.
"Shinn? Anong ginagawa mo dito? Ang tanong ni Cagalli
"Wala, tahimik kasi sa lugar na ito, masarap matulog." Ang sabi ni Shinn na agad na umupo.
"Ganon ba? Pwede bang umupo?" ang tanong ni Cagalli.
"Basta't di ka nangangagat pwedeng pwede kang umupo" ang sabi ni Shinn. Agad naman umupo ang dalaga sa tabi ni Shinn
"Wag kang mag alala di ako nangangagat ng tao, kasi lumulunok ako, sinisimulan ko sa ulo hanggang makarating ako sa paa." Ang sagot ng dalaga na agad na tinawanan ni Shinn.
"Aga-aga gutom ka na agad." Ang sabi ni Shinn. Mukhang magiging mganda ang araw niya ngayon.
. . . . . . ..
"Sa totoo lang kasi - hay! Kung alam mo lang"
. . . . . . . . . . . . . . . .
WAHHHHHHHHHH! So what do you think? Am I going too fast or too slow?
Again please review^^ use what ever language you want.
