Disclaimer: I do not own gs or gsd
Dahil inspire ako at super saya ko today mag uupdate ako, actually nadidiscourage na akong seryosohin ang story na it kaya lang may mga tao pa palang nag babasa nito so, na boost up yung powers ko SUPER SAYA KO! Dahil yan as mga readers ko, silent readers(kung meron man ) at lalong lalo na kay. .
elgnis berserker and Kkornelia
. . . . . . . . ..
"Shinn! Kelan ka babalik dito?" ang tanong ni Cagalli kay Shinn habang tumitingin sa langit.
"Di pa nga ako umaalis tinatanong mo na agad yan?"agn sabi ni Shinn habang tumitingin sa kausap. Masaya palang mag lagi sa gubat lalo na't may kasama at kausap, halos matagal na ring panahon nung ginawa niya ito. Kakaiba talaga ang pakiamdam, parang wala kang problema, parang may iba kang mundo. Parang gusto mong sumigaw.
"Tinatanong ko po kasi aalis na ako, alas 2 na ng hapon, di ko na malayan ang oras." Ang sabi ni Cagalli.
"Ang daldal mo kasi." Ang patuksong sabi ni Shinn.
"Ano? Eh ikaw nga jan ang maraming kwinekwento! Marami ka palang alam tungkol sa mga halamang gamot?"ang sabi ni Cagalli habang tinitingnan ang loob ng kanyang lalagyan ng mga halaman.
"Paano ba naman kasi, pag di ako nag sasalita, kung ano-anong makukulay na lenggwahe ang lumalabas jan as bibig mo." Ang sabi ni Shinn.
"Anong ibang lenggwahe? Tagalog yun ah! Kasalan ko bang di ka makata? 'mawatasan' lang di mo pa alam kung anong ibig sabihin."ang sabi ni Cagalli na, nakasimangot.
"Siya! Tutal hapon na at kailangan mo ng umalis aalis na din ako."ang sabi ni Shinn habang tumatayo mula sa kinauupuan nila sa ilalim ng puno.
"Mag-iingat ka Shinn" ang sabi ni Cagalli.
"Sige" ang sagot ni Shinn habang lumalakad papalayo.
"Teka! Kelan ka ulit babalik dito?"ang pasigaw na tanong ni Cagalli.
"Subukan mo ulit na umakyat ng puno, baka sakaling dumating ako" ang sabi ni Shinn na di man lang lumingon sa kausap.
Lumakad na din si Cagalli pabalik sa palasyo. Magandang-maganda ang araw niya ngayon, di niya masasabi na kaibigan na nya si Shinn, pero magaan ang loob niya sa binata, masarap itong kausap, medyo suplado at tipid nga lang mag salita, pero alam niyang mag pangiti ng isang tao.
. . . . . . . . . . . . . . . . .
Tumingin muna si Shinn sa kanan at sa kaliwa, sinigurado niya muna na walang sumusunod sa kanya bago siya sumakay sa kabayo niya. Tulad ng buhok niya itim at makintab ang buhok ng kabayo niyang si Maine, makikita mo talagang alagang-alaga si Maine.
Makalipas lang ang ilang minuto ay nasa harapan na si Shinn ng isang malaking mansyon, purong puti ang kulay nito, umaabot sa 3 palapag, at napapaligiran ito ng mga pulang rosas at tanging pulang rosas lang,walang iba, mas lalo kang mamamangha sa dadaanan mo, dahil ang sahig nito ay gawa sa marmol na may mga dyamante na nakaukit, iba't-ibang kulay, at mas lalo pa itong nabibigyan ng buhay pag natatapatan ng sinag ng araw o pag natatapatan ng ilaw.
Sinalubong si Shinn ng isang lalaking nasa pinto na nakasuot ng amerikana, masasabi nating nasa 40 pataas na ang edad ng lalaki.
"Master Asuka, maligayang pagbabalik po." Ang sabi ng lalaki na agad na yumuko.
"Kumusta Alfred? Dumating na ba ang mga papeles na hinihintay ko?" ang tanong ni Shinn na nakangiti habang pumapasok as loob ng kanyang tahanan.
"Opo, nasa lamesa na po ito sa opisina niyo." Ang sabi ni Alfred.
"Sige,salamat Alfred." Ang sabi ni Shinn habang umaakyat ng hagdan.
"Mukhang maganda po ang araw niyo ngayon Master Asuka, nakuha niyo na po ba yung kailangan ninyong libro?" ang tanong ng mas nakakatandang lalaki.
"Hindi pa Alfred, pero tama ka maganda nga ang araw ko. Magandang-maganda, mas maganda pa sa sikat ng araw." Ang sabi ni Shinn habang binubuksan ang pinto ng kanyang opisina.
Nakangiting nakatayo na lang ang nakakatandang lalaki, iba ang saya na pinapakita ng Master niya ngayon, di tulad ng mga nakaraang araw na parang problemado at tulala ito.
. . . . . . . . . . . . . . . .
"Cagalli, tamang-tama ang dating mo sukatin mo nga itong tinatahi ko." Ang sabi ni Milly habang hinaharap sa kaibigan ang damit na tinahi niya.
Di naman masyadong maliit o malaki yung kwarto nila ni milly, tamang tama lang ito para sa dalawang tao, may palikuran, 4 na malalaking lalagyan ng damit, dalawang kama, kulay lila na pader, malinis, maayos at mukhang bago pa lahat ng gamit na nandoon.
"Bakit ako? Eh sa iyo naman yan." Ang sabi ni Cagalli.
"Paano ko makikita kung ano yung idadagdag ko kung ako yung mag susuot?" ang tanong ni Milly.
"Milly, sayang ang salamin kung di mo gagamitin." Ang sabi ni Cagalli habang nakaturo sa isang malaking salamin.
"Mas gusto ko yung nakikita ko ng maayos para matahi ko na din agad habang nakasuot pa sa iyo, mahirap hanapin yung mali ko pag nakahubad na."ang sabi ni Milly.
"Oh! Tapos ngayon gusto mo naman akong tusukin ng karayom?"ang tanong ni Cagalli
"Depende yun kung di ka pa papayag na sukatin ito."ang sabi ni Milly.
"Milly di ba't bawal mag tahi pag gabi na? anong oras na ba? Alas 8 na!"ang sabi ni Cagalli.
"Ano ka ba walang masama doon, ang masama eh kung di mo talaga susukatin ito, kasi talagang tutusukin kita." Ang sabi ni Milly.
"Wala ka na bang ibang gawain dito sa palasyo?" ang tanong ni Cagalli.
"Wala na, alam ko wala ka na ding gagawin kasi gagabihin daw si Master Zala ng uwi, mag hapon ka na ngang nag layas!" ang sabi ni Milly.
"Nag paalam ako Milly, at nanguha ako ng mga halamang gamot. Sinabi din sa akin ni Binibining Murrue na wala naman ako masyadong gagawin, at isa pa tumulong ako kanina pag dating ko ha! Talagang ginabi lang ako sa pag aayos ng silid aklatan, ang dami kasing magagandang libro doon, kaya habang nag aayos ako eh binabasa ko na din."ang sbi ni Cagalli habang kinukuha ang damit kay Milly.
"Sige na, sige na, ang dami mo na agad nasabi,kung maka binibini ka naman!ayaw mo na ng miss?" ang sabi ni Milly habang tinutulungan ang kaibigan mag bihis ng damit
"May nag sabi lang sa akin na mahalin natin ang sarili nating wika! Masama bang tumawag ng binibini?"ang tanong ni Cagalli. Habang naka tingin sa kaibigan na ngumiti na lang sa kanya.
"Sobrang dilaw naman ng kulay ng damit na ito Milly, ang tingkad masyado." Ang sabi ni Cagalli habang tinitingnan ang sarili sa salamin.
"Buti na lang at mag kasukat lang tayo ng damit! Ayan, bagay na bagay sayo, wag kang gagalaw ha, kung ayaw mo ng masama ang balat mo sa damit na ginagawa ko." Ang sabi ni Milly habang tinatahi ang damit na suot-suot ni Cagalli
Laglag-balikat (A/N:off-shoulder?)ang damit na tinatahi ni Milly dilaw ang kulay nito na malapit na sa ginto, may burda itong mga maliliit na bato, palapad ang palada na halos lapat na sa sahig, may malaking ribbon ito sa gilid ng kanyang balakang, simple lang ito pero elegante ang dating.
. . . . . . . . . . . . . . . . .
Sa kalamigan ng gabi, sa isang lugar malapit sa bangin may isang lalaking nakatayo, nag-iisip at nag babalik tanaw. Dito din sa saktong lugar na ito, dito sa lugar kung saan berde ang mga damo sariwa ang hangin, dito sana binalak ni Athrun na yayain si Mia na mag pakasal, ito ang isa pa sa mga pinaka espesyal na lugar na pinupuntahan nilang dalawa, dito niya unang nakilala si Mia.
Tuwing sasapit ang araw na ito, ay laging nag pupunta dito ang binata upang gunitain ang mga ala-ala nilang dalawa mga panahon na, di na mababalik at tanging mananatiling ala-ala na lang.
"Maligayang kaarawan Mia." Ang sabi ni Athrun sa kawalan, maliwanag ang buwan, maraming bituin sa langit at nababalot siya ng kadiliman.
"Sana nasa maayos ka na lugar, kasama ang mga magulang ko." Ang sabi ni Athrun habang sumasakay kay Justice.
"Tara na Justice" ang sabi ni Athrun sa alagang kabayo.
. . . . . . . . . . . . . . . . .
Tahimik na sa buong palasyo, nakatulog na din si Milly, kani-kani lang pumikit siya at sinabing mag iisip lang siya ng pwedeng idagdag sa kanyang damit, tapos heto siya ngayon nakalupagi sa kama at mahimbing na natutulog.
Naisipan na lang, na mag lakad-lakad ni Cagalli sa hardin. Di na muna siya nag palit ng damit tutal pantulog lang naman ang susuotin niya pag katapos niyang hubarin ang damit na ito, mas maganda ng ito muna ang suot niya kesa mag lakad siya sa hardin ng naka pantulog lang.
Patay na ang ilaw sa buong palasyo maliban lang sa mga poste ng ilaw at yung mga ilaw sa daan, medyo madilim na din sa hardin tanging ang liwanag na lang galing sa buwan ang sumisilip dito.
Dahan-dahan niyang nilanghap ang sariwang hangin na ubod ng bango dahil na din siguro sa mga halimuyak ng mga bulaklak, malawak ang hardin na ito at malinis, naisipan ni Cagalli na maupo sa Fountain, pero natigilan siya ng may makita siyang anino. Si Cagali bilang si Cagalli, ay unti-unting nilapitan ang anino para malaman kung ano iyon.
Habang papalapit siya ay nakita niya ang isang lalaking nakaupo sa fountain nakayuko at parang may iniisip.
. .. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
Nararamdaman niya may isang taong papalapit, kaya inangat niya ang kanyang ulo, dilaw? Yan ang paboritong kulay ni Mia.
Baliw na ata ako, nakikita ko na si Mia, nakasuot ng kulay dilaw na damit at sumasabay sa hangin ang kanyang mahabang buhok. Baliw na nga ako, kelan pa naging ginto ang kulay ng buhok niya?
"Cagalli? Anong ginagawa mo dito?" ang tanong ni Athrun na, nananatiling nakaupo.
"Naglilibot lang, pwede bang maki upo sa tabi mo? Master Zala?"ang tanong ni Cagalli.
"Bakit hindi?" ang sagot ni Athrun.
"Alam mo.." ang panimula ng dalaga, agad naman siyang tiningnan ng binata
"Ang kalungkutan ay parang kuto."ang sabi ni Cagalli.
"Kuto?"ang tanong ni Athrun.
"Oo kuto, ang kuto, di madaling nauubos, kailangan mo ng oras para matanggal ito, di siya madaling mahuli, di mo siya kayang tanggalin mag-isa, kailangan may katulong ka, sa pamamagitan ng suyod o sa tulong ng ibang tao, ang kuto mabilis dumami, makati at pag minsan sa sobrang kati ay nag susugat na ang anit mo sa pagkamot. Parang kalungkutan, di madaling maubos, di madaling mawala, kailangan ng mahabang oras para mawala ang lungkot na nararamdaman, sa sobrang pag yakap sa kalungkutan minsan nasusugatan ka na din,jan, sa puso mo, kailangan mo ng katulong para matanggal yan. Master Zala mahal ka ng mga taong nasa paligid mo hayaan mong tulungan ka nilang tanggalin yang kalungkutan mo , alam ko ng di madali ang pinag dadaanan mo, pero kailagan mo din ang tulong nila, nila na taong nag mamahal sayo." Ang sabi ni Cagalli na nakatingin sa mga mata ni Athrun.
"Di mo alam ang pakiramdam" ang sabi ni Athrun na biglang napayuko
"Alam ko Master Zala, nagkakuto na ako pero nagpatulong ako sa Master ko at kay Milly mag patanggal, mahirap din lumaki ng walang magulang. Pero di iyon naging hadlang sa akin para isan tabi ko ang mga taong nagmamahal sa akin, na handang tumulong sa pangangailangan ko" Ang sabi ni Cagalli. Agad naman napatingin si Athrun sa dalaga.
"Di madaling lumimot" ang sagot ni Athrun
"Wala namang nag sabing kalimutan mo ang lahat, tanggapin mo na lang at humakbang paabante." Ang sabi ni Cagalli.
"Pano mo nasasabi yan?" ang sabi ni Athrun.
"Kasi, wala na akong kuto, salamat sa mga taong nasa paligid ko." Ang sabi ni Cagalli habang nakangiti.
"Pwedeng magtanong?"ang tanong ni Athrun.
"Ano yon?" ang sagot ni Cagalli.
"Ikaw? Tutulong ka din ba mag tanggal ng kuto ko?" ang tanong ni Athrun na nagsisimula ng mamula ang mga pisngi. Nagulat naman ang dalaga sa tanong ni Athrun, kaya namula din ang pisngi niya.
"Oo naman." Ang sagot ni CAgalli na pulang pula na ang pisngi.
Tahimik ang gabi, malamig, walang tao. Syempre dahil 'maginoo' si Athrun, hinawakan niya ang kamay ni Cagalli at nilagay niya ito sa kanyang dibdib, sinara niya ang kanilang agwat sa pamamagitan ng isang yakap. Sino ba namang di matutuwa kung may isang tao na gusto palang tumulong sa iyo sa oras na ganito.
. . . . . . . . . . . . . . . . . .
Umiikot ang paningin ni Cagalli, bumagal ang pag hinga niya, umaakyat ang dugo niya sa kanyang mga pisngi, tumigil ata ang oras. Ang sarap pala, ng may yumakap sayo ng ganito? Oo sanay siya sa yakap, yakap ni Milly, pero ito? Iba ito, nakapag palabas siya ng isang tao sa kadiliman.
"A—Master Zala?" ang pautal na sabi ng dalaga.
"Athrun, Athrun ang pangalan ko." Ang sabi ni Athrun na di pa rin binibitawan ang dalaga.
"Po?"ang sabi ni Cagalli.
"Tawagin mo akong Athrun." Ang sabi ni Athrun habang pinapakawalan ang dalaga sa kanyang mga braso.
"Pero-" ang sabi ni Cagalli.
Nginitian na lang siya ng binata, sa puntong iyon ay alam na niya ang nais iparating ni Athrun.
"Sige, Athrun" ang sabi ni Cagalli habang inaabot ang kanyang kamay para maki pag kamayan.
"Cagalli." Ang sabi ni Athrun na tinanggap ang kamay ng dalaga.
Gabi, ito ang oras ng pag pag tulog, simbolo na tapos na ang kahapon at paparating na ang bagong umaga, oras ito ng pag papahingan, ito rin ang oras ng bagong umaga sa ating prinsepe.
. . . . . . . . . . . . . . . . . . .
Sorry kung medjo maikli at medjo boring, realization part kasi ito. Alam ko din po na medjo o nasobrahan ata sila sa pagka OC? At maxado atang cheesy? At corny? ^^
I'll be more creative sa next chapter.
Marami akong kuto pa help naman pong matanggal sa pamamagitan ng Review^^
How is it? Please leave a review^^
