Disclaimer: i do not own gs or gsd

I feel like updating so here i am! ^^

Special thanks to : elgnis berserker and Kkornelia

. . . . . . . . . . . . . . . . .

Martes ng umaga, gising na lahat ng tao sa palasyo at nag hahanda para sa pag alis ng kanilang prinsipe papunta sa kabilang palasyo.

Naghahanda na si Athrun ng kanyang susuotin, naisipan niyang mag suot ng kulay berdeng damit na may mahabang manggas na tinernohan niya ng itim na pantalon kinuha din niya ang kanyang kulay puting kowt(A/N:Coat? Haha basta maitagalog na lang^^). Tiningnan niya ng maayos ang sarili sa salamin bago masabi na ayos na ang porma niya.

"Master Zala handa na po ang almusal niyo." Ang sabi ng boses sa labas ng kanyang pintuan.

"Nanjan na." ang sabi ni Athrun,na naglalakad papalabas ng kanyang kwarto. Nakita niya doon si Cagalli na matiyagang naghihintay sa kanyang paglabas.

Napalingon naman si Cagalli sa kanyang amo, natulala at namangha siya sa suot ng kanyang Master, di na ito nakasuot ng itim, magandang simulain ito para sa kanyang amo.

Nakangiti naman siyang tiningnan ni Athrun.

"Cagalli? Athrun pangalan ko di Master Zala. Ako si Master Zala pag may ibang taong nakatingin" Ang sabi ni Athrun.

"Naninibago pa kasi ako." Ang sabi ni Cagalli.

"Tara na." ang sabi ni Athrun habang naglalakad, sumunod naman sa likod niya si Cagalli.

"Cagalli sabayan mo ako sa pag lalakad, mag kaibigan na tayo di ba? Gawin mo lang yan pag nasa ibang lugar tayo." Ang sabi ni Athrun na nakangiting humarap kay Cagalli.

Agad naman sumunod si Cagalli at tumabi sa kanyang amo. Kaibigan, ang sarap pakinggan, na magkaibigan na kayo ng amo mo, nakakatuwang isipin na handa ng mag bago ang amo niya para sa ikabubuti ng lahat.

Tahimik na naglakad ang dalawa papunta sa hapag kainan. Kung saan doon nag hihintay si Dearka.

"Dearka, Cagalli sabayan niyo ako sa pag kain." Ang sabi ni Athrun na nakaturo sa dalawang upuan sa mahabang mesa.

"Kami?" ang sabay na sabi ng dalawa.

"Oo, kayo sabayan niyo ako , di masarap kumain pag mag isa ka lang, sige na maupo na kayo."ang sabi ni Athrun habang umuupo.

Wala ng nagawa kundi umupo ang dalawa. Nakangiti namang kumakain si Athrun, muntik na niyang makalimutan ang pakiramdam na ganito, ang pakiramdam na di ka mag isa. Para siyang nakahinga ng mas maluwag.

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

"Murrue nakikita mo ba yung nakikita ko.?" Ang tanong ni Myrna sa katabi habang nakasilip sa pintuan ng hapag kainan.

"Oo, Myrna." Ang pangiting sabi ni Murrue.

"Di ako makapaniwala, si Master Zala ba yan?"ang tanong ni Myrna

"Oo, kung di ako nagkakamali yan na yung dating Athrun na nakilala natin." Ang sabi ni Murrue.

"Matagal ko na ding si nakita ang ngiti ni Master Zala, nakakatuwa naman at bumalik na siya sa dati." Ang sabi ni Myrna.

"Hay, napaka gandang umaga naman ng araw na ito." Ang sabi ni Murrue habang bumabalik sa kanyang unang ginagawa.

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

(Sa pangunahing palasyo)

"Mag bigay galang sa Mahal na Prinsepe ng Plants" ang sabi ng isang sundalo sa labas ng punong palasyo, ito ang palasyo kung saan ginagawa ni Athrun ang trabaho niya, bigla namang sumaludo ang mga sundalong nakahilera sa labas ng pintuan ng palasyo. Sumaludo din si Athrun tanda na pwede na nilang ibaba ang kanilang nga kamay.

"Mahal na Prinsepe nasa silid na po ang mga doktor at iba pang espesiyalista sa larangan ng medisina na pinatawag ninyo para sa pagtitipon sa araw na ito." Ang sabi ni Nicole ang punong kalihim ni Athrun. Nginitian naman siya ng prinsepe na agad na kinagulat ng kanyang punong sekretarya na miyembro din konseho at isa sa mga malalapit na kaibigan. Agad na napailing ang binata sa nakita niya sa kaibigang prinsepe.

Alam niya na may kakaibang nangyari sa kaibigan, isang magandang, pangyayari.

(Sa meeting room / Silid pulungan )(A/N: di ko alam yung tagalog nito^^)

"Magandang umaga sa inyong lahat. Di na ako mag papaligoy-ligoy pa, pinatawag ko kayo para pag usapan natin ang kumakalat na lason sa buong Plants, habang lumilipas ang araw ay mas lalong tumataas ang bilang ng nag kakasakit dahil sa lason na ito."Ang sabi ni Athrun, habang tinitingnan ang lahat ng tao na nasa loob ng silid.

"Ano po ang estado ngayon ng Plants?" ang tanong ni dorktor Ablene Daigo, siya ay isa sa mga pinaka magaling na siruhano (A/N:Surgeon?)

"Hayaan niyong tawagin ko si Yzak Jule, ang punong taga pag saliksik at isa sa mga miyembro ng mataas na konseho."Ang sabi ni Athrun. Agad namang tumayo si Yzak Jule upang ipaliwanag ang kalagayan ng kanilang bansa

"Magandang araw sa inyong lahat, ayon sa ating talaan para sa buwan na ito halos, pumapalo na sa limang libo ang nagkakasakit at limang daan na ang namamatay sa loob lang ng tatlong bwan. Di pa rin namin malaman kung saan nanggaling ang lason na ito, di lang iyon, napag alaman din namin na limang klase ng lason ang kumakalat sa ating bansa, ang mga sintomas nito ay di agad madaling makikita, umaabot ng halos tatlong linggo bago mo malaman na apektado na pala ang isang tao. Pag napansin ng isang tao na unti-unti siyang nagkakapantal sa buong katawan na di kalaunan ay nagiging sugat, ito ay ang dulot ng unang lason, tawagin na lang natin ito na p1. Kapag naman pagsusuka ng dugo at pag dudugo ng gilagid, ito ay dulot ng p2. Ang pag pag ihi naman ng kulay itim kasabay ng mataas na lagnat ay dulot ng p3. P4 naman ang nagdudulot ng hirap sa panghinga at madalas na pagdudugo ng ilong kasabay ng pagkalagas ng ngipin. At huli sa lahat ay ang p5 na nagdudulot ng pagkalagas ng buhok , pagsusugat ng katawan at paninilaw ng kuko. Ito ang mga lason na masusi pa rin naming pinag aaralan" ang sabi ni Yzak Jule.

"Anong plano natin ngayon?" Ang tanong ni Jochel Gatdula, isang parmasiyotiko.

"Pinatawag ko ngayon dito para sumama kayo sa paghahanap ng lunas dito at paano ito pipigilan. Sa lalong madaling panahon" Ang sabi ni Athrun.

Makaraan pa ang dalawang oras sa loob ng silid pulungan, ay bumalik na sa kani-kanilang trabaho ang bawat isa. Dumiretso naman si Athrun sa isa pang pag pupulong kasama ang mga miyenbro ng mataas na konseho.

. . . . . . . . . . . . . . . . . . .

"Anong pinipitas mo jan?" ang tanong ni Cagalli sa walang kamalay kamalay na binata.

"Kelan mo pa naging gawain ang panggugulat ng tao, Cagalli?" ang tanong ni Shinn na patuloy pa din ang pag pitas ng halaman.

"Pwede ko ba iyang matingnan?" ang tanong ni Cagalli.

"Di pwede" ang sabi ni Shinn sabay tago sa mga halaman sa loob ng kanyang supot.

"Di ko naman kukunin yan, tingnan mo iyon oh!" ang sabi ni Cagalli habang nakaturo sa isang halaman malapit sa kinakatayuan ni Shinn.

"Alin?" ang tanong ng binata. Pinitas naman ni Cagalli ang halaman na kanyang itinuro.

"Alam mo ba bihira lang ang halaman na ganito, di ko akalain na meron pala nito dito, dapat nating bungkalin ang halaman na ito at putulin ang ugat, pag katapos ang ilibing natin." Ang sbi ni Cagalli.

"Bakit naman?" ang tanong ni Shinn.

"Malakas na lason ang halaman na ito,konting patak lang ng katas nito ay maaari ka ng mamatay makalipas ang ilang linggo at hanggang ngayon ay wala pa ding lunas para sa lason na kayang gawin ng halaman na ito." Ang sabi ni Cagalli habang binubungkal ang halaman. Mahirap malaman ang pinagka-iba ng halaman na ito sa iba pang halaman, kulay berde din ang kulay nito at meron itong maliliit na dahon at maliliit na tangkay, halos kahawig na ito ng halaman ng santan.

"Paano mo naman nalaman na lason yan?" ang tanong ni Shinn. Agad namang naging malungkot ang ekspresiyon ng dalaga.

"Sinubukan ng master ko ang halaman na ito, kinatasan niya ito at hinalo sa kanyang ginawang gamot para sa isang nanghihinang ibon, makalipas ang isang linggo ay gumaling ang ibon. Kaya naisip niya na mainam itong gamot para sa mga taong nanghihina. Isang araw sa sobrang pagod ng Master ko ay nanghina siya, kaya gumawa siya ulit ng gamot at hinalo ang katas ng halaman na ito, matapos iyon ay ininom niya ito" ang sabi ni Cagalli habang nililibing ang halaman.

"Makalipas ang dalwang linggo ay nakita na lang namin na patay na yung ibon na pinainom niya ng gamot, nanlagas ang balahibo nito. Epektibo naman ang gamot na ginawa ng master ko at tanging ang halaman na ito lang ang kanyang hinalo sa gamot na ginawa niya. Agad siyang nagsaliksik para sa lunas sa lason na ito, dahil maging siya ay uminom din ng gamot na may halo ng katas nito." Agad namang tumulo ang luha ng dalaga habang tinatabunan ang kanyang nilibing na halaman.

"Nagulat na lang kami dahil, nag karoon siya ng madaming pantal, biglang nanlagas ang kanyang ngipin at ang kanyang buhok..." di na kayang ituloy na dalaga ang kanyang kwento. Sariwa pa rin sa kanya ang takot na makita ang kanyang namamatay na Master. Agad namang niyakap ni Shinn ang umiiyak na dalaga. Para maibsan ang nararamdaman nitong sakit sa dibdib.

Umupo ang dalwa sa ilalim ng puno, binuhos ni Cagalli ang lungkot na kanyang nararamdaman sa pag iyak at mas lalo lang hinigpitan ni Shinn ang kanyang yakap. Mahirap talagang alalahanin ang isang pangyayari na labis na nakasugat sa isang damdamin. Maya-maya pa ay tumigil na ang dalaga sa pag iyak.

"Pasensya ka na shinn, di naman talaga ako iyakin pero, di ko alam kung anong nangyari sa akin." Ang sabi ni Cagalli habang nakayuko.

"Ayos lang iyon, paminsan minsan kailangan mo ding umiyak." Ang sabi ni Shinn habang pinupunasan ang luha ng dalaga gamit ang kanyang mga daliri.

"Salamat Shinn." Ang sabi ni Cagalli habang nakangiting tumingin sa binata.

"Wala iyon." Ang sabi ni Shinn sabay halik sa noo ng dalaga. Agad namang namula ang pisngi ni Cagalli.

"Para saan yon?" ang tanong ng nagulat na dalaga.

"Wala lang" ang sagot ni Shinn habang tumatayo mula sa kanyang kinauupuan.

"Aalis ka na?"ang tanong ni Cagalli.

"Oo." Ang maikling sagot ni Shinn.

"Sige mag-iingat ka. Dito muna ako sandali." Ang sabi ni Cagalli.

"Sigurado ka?" ang tanong ni Shinn.

"Oo. Sige na mauna ka na." ang sabi ni Cagalli na nakangiti.

"Sige." Ang sagot ni Shinn. Na tumalikod na at naglakad papalayo.

Kung wala ng lang siyang taong kakatagpuin ngayon ay di siya aalis sa tabi ng dalaga. Parang pinipisil ang puso niya na makitang umiiyak si Cagalli, napapansin niya na nitong mga nakaraang araw ay madalas niyang hinahanap hanap ang mukha ng dalaga. Di niya mantindihan kung bakit.

Nasasaktan siya dahil sa nangyari sa buhay ni Cagalli, madaling kausap si Cagalli kwinento ng dalaga ang talambuhay niya nung huli silang nag kita, marami siyang nalaman sa dalaga, natutuwa din siya at nirerespeto din ni Cagalli ang karapan niya na wag munang ikwento ang sariling talambuhay niya.

"Pasensya na Cagalli kailangan kong gawin ito, kailangan ko din yung libro."ang sabi ni Shinn sa sarili.

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

"Cagalli! Marami kang ipapaliwanag sa akin!" ang sabi ni Milly sa kaibigan na kapapasok pa lang sa kwarto nila.

"Tulad nang?" ang tanong ni Cagalli na agad namang umupo sa dulo ng kanyang kama.

"Anong nangyari kagabi? Bakit pag gising ko wala ka na? tapos kaninang umaga? Bakit kasabay mong kumain si Master Zala? At bakit parang sinapian ata si sungit kasi di na matanggal sa mukha niya yung ngiti niya?" ang sunod- sunod na biarada ni Milly.

"Milly-" ang panimula ni Cagalli. Nang may kumatok sa pinto

"Cagalli pinapatawag ka ni Master Zala." Ang sabi ni Murrue.

"Susunod na po." Ang sagot ni Cagalli.

"Aba! Ano kayang kailanga sayo ni Master Zala at pinapatawag ka ng ganitong oras."Ang sabi ni Milly habang nakatingin sa kaibigan.

"Milly alas'otso pa lang ng gabi at tungkulin ko na sumunod sa utos niya kahit hating gabi pa yan." Ang sabi ni Cagalli habang tumatayo.

"Basta! Kailangan ko ng paliwanag mo! Di ako matutulog hanggat di ka nag papaliwanag ng maayos." Ang sabi ni Milly.

"Sige na Milly." Ang sabi ni Cagalli habang sinara ang pinto. Sigurado naman siya na pag balik niya ay tulog na si Milly.

. . . . . . . . . . . . . .

"Master Zala?" ang tanong ni Cagalli habang pumapasok sa loob ng opisina.

"Wala si Master Zala dito." Ang sabi ni Athrun na nakatingin sa labas ng bintana na agad namang humarap sa dalaga. Pumasok si Cagalli at pumunta sa mesa ng amo at naghihintay sa utos nito.

"Bakit mo ako pinatawag?" ang tanong ni Cagalli.

"Maupo ka Cagalli." Ang sabi ni Athun na umupo din sa tapat ng dalaga. Pero bago pa mag simula si Athrun sa kanyang sasabihin ay kumatok si Dearka.

"Ano iyon Dearka?" ang tanong ni Athrun.

"Kailangan na nila ang sagot ninyo." Ang sabi ni Dearka na nasa may pintuan. Agad namang kumunot ang noo ni Athrun at malakas na sinabi. . .

"Di nga pwede ang gusto nilang mangyari! Sabihin mo sa kanila, pag uusapan namin ito bukas." Ang sabi ni Athrun na hinahawakan ang kanyang sentido.

"Sige po, mauna na ako." Ang sabi ni Dearka na kumindat kay Cagalli. Naguluhan naman ang dalaga sa inasal ni Dearka.

"Pwede ko bang malaman kung tungkol saan iyon?" ang tanong ni Cagalli. Agad namang tumungin sa kanya ang binata.

"Gusto kasi ng konseho na, mas pagtuunan na lang muna ng pansin ang pag puksa ng lason kesa sa pag hahanap ng lunas sa mga naapektuhan na. Mas higit na maraming tao ang matutulungan at masasagip pag inuna ang pag pupuksa ng lason, kesa sa mga naapektuhan na at nag hihintay na lang mamatay." ang sabi ni Athrun.

"Bakit naman ganon? Parang sinabi nila na wag na tayong huminga kasi mamamatay din naman tayo." Ang sabi ni Cagalli na bakas sa mukha ang inis sa pangyayari. Agad namang lumabot ang tingin sa kanya ni Athrun.

"Tama ka jan." ang sabi ni Athrun habang tinititigan ang dalaga.

"Kung ang lahat ng tao ay tulad nilang mag-isip, di malayong mas maraming maaapektuhan, isipin nalang nila ang pamilya nung mga may sakit!" ang sabi ni Cagalli. Agad namang tumango si Athrun.

"Bakit ka ba nakatingin sa akin ng ganyan? May dumi ba sa mukha ko?" ang tanong ni Cagalli. Umiling lang si Athrun.

"Bakit mo ba ako pinatawag dito?" ang tanong ni Cagalli. Wala naman talagang ibang dahilan si Athrun kung bakit niya pinatawag si Cagalli, mangyari kasing , sa buong araw na ito madalas na sumagi sa isip niya ang dalagang nasa harap niya, at lagi na lang siyang napapangiti sa tuwing naaalala niya yung tungkol doon sa kuto, napaka kakaiba niya talaga, tapos ngayon may bago nanaman siyang linya ' parang sinabi nila na wag ng huminga kasi mamamatay din naman tayo'. May kakaibang paraan talaga ang babaeng nasa harapan niya kung paano niya ipaparamdam ang mga nasa sa loobin niya.

"Masamang tumitig di ba? Tinatanong kita kung anong kailangan mo sa akin?" ang tanong ni Cagalli.

"Cagalli." Ang banggit ni Athrun. Di alam ni Cagalli kung bakit biglang bumilis ang tibok ng puso niya ng binanggit ni Athrun ang pangalan niya. Ang sarap pakinggan, ang sarap paulit-ulitin.

"Bakit?" ang sabi ng namumulang dalaga.

"Gusto kong banggitin mo ang pangalan ko." Ang sabi ni Athrun na nananatiling nakatitig sa dalaga.

"Yun lang ba ang dahilan kung bakit mo ako pinatawag dito?" ang sabi ni Cagalli, na nagsisimula ng mainis. Tinitigan niya ang binata ng kanyang matatalim na mata at nang napansin niya ng nakangiti pa ring nakatitig sa kanya si Athrun ay mas lalong bumilis ang tibok ng puso niya.

"Athrun." Ang mahina,mahinahon at pahiyang banggit ng dalaga habang nakatitig sa sahig.

"hmmm?" ang sabi ni Athrun na natingin pa rin sa dalaga.

"Ang sabi ko 'Athrun'!" ang sabi ni Cagalli na nilakasan ng konti ang boses niya pero naka tingin pa rin sa sahig.

"hmm?" ang sagot pa din ni Athrun.

"ANO BA ATHRUN?" ang pagalit na sabi ni Cagalli na biglang napatingin sa kausap at sa puntong iyon ay nag kasalubong ang kanilang mga mata. At parang isang mahika dahan-dahan at mahinahong binanggit ni Cagalli ang. . .

"Athrun" ang sabi ni Cagalli na nakatitig sa mata ng nasa harapan niya. Eto nanaman sila, parang sila lang ang tao sa mundo. Marahil sabihin na nating lumipas na ang halos dalawang minuto bago nagsalita ang isa sa kanila.

"Di naman mahirap banggitin ang pangalan ko di ba?" ang sabi ni Athrun. Agad naman namula ang dalaga at nilagay ang kanyang mukha sa kanyang palad.

Dahan-dahang inabot ni Athrun ang kamay ni Cagalli at marahan niya itong binaba.

"Wag mong takpan ang mukaha mo, maganda ka lalo pag namumula." Ang mahinahong sabi ni Athrun.

"Ano?" ang tanong ni Cagalli.

Agad namang tumalikod si Athrun maging ang mukha niya ay namumula na din, di niya maintindihan kung bakit sa tuwing kausap niya si Cagalli ay nawawalan siya ng kontrol sa mga salita niya.

"Athrun? Bakit mo ba ako pinatawag dito?" ang tanong ulit ni Cagalli.

"Gusto ko lang ng makakausap, alam kong madaldal ka kaya pinapunta kita dito." Ang sabi ni Athrun.

"Di ko alam kung matutuwa o maiinis ako sa sinabi mo." Ang sabi ni Cagalli.

"Matuwa ka na lang, kailagan din natin ang ilang mag bagay tungkol sayo para sa pag pasok mo kay doktor Antonio" ang sabi ni Athrun.

"Saan naman konektado sa pag aaral ko, ang ilang mga bagay na tungkol sa akin?" ang tanong ni Cagalli.

"Malalaman mo din." Ang sabi ni Athrun. Sa katunayan pawang kasinungalingan lang yung huling binanggit ni Athrun. Gusto lang niya talaga malaman ang mga bagay-bagay tungkol sa dalaga.

. . . . . . . . . . . .

"Dahil ang boses mo ay ang maiinit na hangin sa malamig na gabi."

. . . . . . . . . . . . .

Okay. . . . . . 'baka', baka lang, baka matagalan ako sa pag update, kailangan ko munang mag hanap ng inspiration para sa mga next chapter ko , baka hanggang chapter 20 lang itong story na ito.

Gusto ko lang pasalamatan ng marami si elgnis berserker and Kkornelia

Kung di dahil sa inyo di ata ako tatagal ng ganito kalayo. Pero i'm not leaving this story! ^^ Promise, baka lang kasi one week bago ulit ako mag update? Nag sabay sabay din kasi yung thesis, research, reports, animation, web desingning, survey at assignments namin, yeah! College sucks! ^^ see you soon. Leave some reviews^^