Disclaimer: I do not own gs or gsd.
Special thanks to: , Kkornelia, rynne marge. I LOVE YOU GUYS!
Okay, im taking this thing to the next level, ilalagay ko na yung military side ni athrun.
. . . . . . . . . . . . . . . . . . .
Sa likod ng bawat matagumpay na bansa ay isang mgaling na pinuno, isang namamahala na handang ialay ang kanyang bawat araw sa pag gawa ng tama a pag tuwid na mga mali.
(Punong Palasyo)
"Mag bigay galang sa mahal na prisepe ng Plants" ang sigaw ng isang sundalo sa labas ng malalaking pintuan ng palasyo, agad namang nag sipagsaluduhan ang mga sundalo na nakahilera sa dadaan ng mahal na prinsepe. Sumaludo din si Athrun sinyales na maaari na nilang ibaba ang kanilang mga kamay.
Apat na beses sa isang buwan ay nagtutungo si Athrun sa Akademiya para sa pag mimilitar, upang magturo at suriin ang mga estudyante doon. Si Athrun ay isa sa pinaka magaling na estudyante na nahubog ng Akademiya na ito.
Hindi basta-basta ang nakakapasok sa Akademiya na ito. Bago mapasok at maging estudyante dito, ay dadaan muna sila sa matinding,pag -sasala, pagsubok at pag susulit. Maging sa larangan man ito ng talino, lakas, abilidad, kooperasyon at pagpaplano.
Bihasa si Athrun sa paghawak ng espada,saulo din niya ang bawat pag gamit,talim at sulok nito na parang sarili na niyang katawan.
Buwan-buwan ay nabibigyan ng oportunidad ang mga estudyante na hamunin ang mga taong may mataas na rango kesa sa kanila. Bilang susunod na hari si Athrun ang kinikilalang punong komander(A/N: commander-in-chief?). Simula nang natapos ni Athrun ang kanyang pag-aaral sa Akademiya na ito ay wala pang nakakatalo sa kanya maliban lang sa kanyang ama pag dating sa buwanang tagisan ng lakas na nangyayri sa Akademiya.
"Mahal na Prinsepe , nasa silid niyo na po si Lord Asuka, matapos po ng iyong pag pupulong ay maaari na po kayong magtungo sa Akademiya." Ang sabi ni Caleen ang personal na sekretarya ni Athrun.
"Maraming salamat,Carleen" ang sabi ni Athrun , sa oras na tumuntong si Athrun sa Punong palasyo ay nag-iiba ito, para siyang isang bato, walang emosyon, matigas at tila walang nararamdaman, maliban lang pag nasa harap niya ang kanyang malalapit na kaibigan. Ayaw magpakita ni Athrun ng kahinaan, ayaw niyang mapahamak ang kanyang kaharian, ayaw niyang magkaroon ng gulo, ayaw niyang may mamatay na malapit sa kanya dahil sa kahinaan niya, ayaw niyang masaktan.
. . . . . . . . . . . .
"Mahal na prinsepe" ang sabi ni Lord Asuka sabay yuko tanda ng kanyang pag-galang.
"Maupo ka Shinn" ang sabi ni Athrun habang umuupo sa kanyang upuan.
"Pinatawag niyo po ako, sa anong kadahilanan?" ang tanong ni Shinn.
"May ipagagawa akong isang pribadong misyon, kailangan mong mag saliksik at mag espiya." Ang sabi ni Athrun na may otoridad sa kanyang boses.
"Maaari ko po bang malaman kung bakit po ako ang napili ninyo? Alam ko pong matagal na nating ginagawa ito, pero mas lumalaki na din po ang lupain na kailangan kong pangalagaan, karamihan sa mga taong nasasakupan ko ay naaapektuhan na dahil sa kumakalat na lason. Sa tingin niyo po ba ay kaya ko pong gawin ang ipapagawa ninyo sa akin?" ang tanong ni Shinn.
"Hahayaan mo na lang ba na mag kaganoon ang mga taong nasasakupan mo Shinn? alam kong gumagawa ka din ng paraan tungkol sa bagay na ito, kaya kailagan ko din ng tulong mo. Sabihin na din natin na ikaw ang isa sa pinaka magagaling na imbistigador at espiya na nakilala ko. Malaki ang tiwala ko sayo Shinn bilang pinuno at kaibigan. Sana'y di mo pa tinatapon ang mga bagay na pinag samahan natin." Ang sabi ni Athrun na halos lunurin na si Shinn sa kanyang matalim na pag titig.
Malaki ang respeto ni Shinn kay Athrun, malaking-malaki. Nakikita at nararamdaman niya ang awra ng isang tunay na pinuno kay Athrun. Kaya di na din siya nag tanong pa.
"Maraming salamat po, kung ganon ang tingin ninyo sa akin. Kinakarangal ko pa din po ang ating pag kakaibigan at pinagsamahan , alam niyo yan mahal na prinsepe." Ang sabi ni Shinn.
"Tatanggapin mo ba ang aking alok?" ang tanong ni Athrun.
"Tungkol po ba saan yan?" ang tanong ni Shinn
"Alamin mo kung sino ang ahas sa aking kaharian, tungkol doon sa lason na kumakalat, alamin mo kung sino ang nagpakalat nito at bakit." Ang sabi ni Athrun na napasandal sa kanyang upuan. Agad na napalunok ng laway si Shinn, kaya mas minabuti na lang niyang tumayo.
"Sa lalong madaling panahon din mahal na prisepe, makaka-asa kayo." Ang sabi ni Shinn na medyo naguguluan sa kanyang sitwasyon, sa punto pa lang ng pag pasok niya sa silid na ito, alam niyang malalagay na siya sa alanganin.
"Magaling kung ganon, umaasa ako Shinn, maari ka ng umalis kung wala ka nang iba pang katanungan." Ang sabi ni Athrun.
"Maraming salamat po," ang sabi ni Shinn na yumuko at umalis na sa loob ng silid.
Tumayo si Athrun at humarap sa bintana ng kanyang opisina.
"Saan tatayo ang pananalig at katapatan mo Shinn." ang sabi ni Athrun sa sarili.
. . . . . . . . . . . . . . . . . .. . . . .
Naglilinis si Cagalli ng kwarto nila ni Milly ng makita niya ulit ang libro na nabili niya sa bayan, tandang tanda niya na iyon ang unang beses na nakita niya si Shinn, naka kapa, at napaka misteryosong tingnan, di niya akalain na magiging magkaibigan silang dalawa.
Tinapos ni Cagalli ang kanyang pag lilinis at binuklat niya ang libro na tungkol sa mahika. Siguro ay oras na para hasain niya ang kanyang kakayahan pag dating sa mahika.
Sinigurado niya na sarado ang pintuan at ang mga bintana, umupo siya sa sahig at pinikit ang kanyang mga mata, sinimulan niyang ituon ang isip niya sa kanyang sarili, huminga siya ng malalim at nilinis ang kanyang isip, binanggit niya ang mga salitang matagal na niyang nasa ulo, sa bawat mahika na ginagamit niya ito ang mga salita na una niyang binabanggit. Sirpentel monarkil apater de solbenta. Nagsimulang may mabuo na kulay asul na apoy sa kanyang mga kamay, ito ay ang apoy ng kahilingan, ito ang apoy na hinahalo nila sa kanilang ginagawang matatapang na inumin para mag katotoo ang hiling ng isang tao habang ginagawa nila Cagalli ang inumin.
Tulad na lang ng minsa'y, may isang batang nagamitan ng matapang na itim na mahika, lumapit sa kanila ang magulang ng bata, unti-unting na aagnas ang balat ng bata, kaya mabilis na gumawa ang Master niya ng inumin at nilagyan ito ng apoy ng kahilingan, kahilingan na magamot ang bata. Walang ka ano-ano'y bumalik sa normal ang balat nito.
Maaring maging masama ang mahika dipende sa gumagamit, pero sa bawat beses na humiling o gumagamit ang isang mahikero ng kanyang mahika ay nababawasan ang araw ng kanyang buhay. Minsan sa sobrang lakas o sa sobrang dami ng mahika na nagagamit ng isang mahikero ay bigla na lang itong namamatay, bawal din gamitin ang apoy ng kahilingan sa pag gawa ng inumin na makakapagpahaba ng buhay ng isang tao, mahikero man ito o hindi, bawal din ito gamitin upang bumuhay ng patay.
Di na naka inom ang Master niya ng inumin na may halo ng asul na apoy dahil, pinasa na niya ang lahat ng kanyang apoy ng kahilingan kay Cagalli bago pa man ito tuluyang mag laho dahil sa pag kalat ng lason sa kanyang katawan.
"Caga-,!" ang sabi ni Milly na bigla na lang pumasok sa loob ng kanilang kwarto. Agad namang idinilat ni Cagalli ang kanyang mata at dahan-dahan na hinipan ang apoy sa kanyang mga kamay.
"Milly bakit?" ang tanong ni Cagalli habang tumatayo sa kanyang kinauupuan.
"Magaling ka pa din gumamit ng mahika, Cagalli wag mong ugaliing laging gumamit niyan!" ang sabi ni Milly na bigla na lang nalungkot.
"Milly di ako mamamatay agad-agad, wag kang mag alala". Ang sabi ni Cagalli habang nilalagay ang kanyang mga kamay sa balikat ng kaibigan.
"Natatakot lang ako Cagalli, pag katapos nung nangyari kay Master." Ang sabi ni Milly.
"Shhhh, tapos na iyon, wag na nating isipin, masaya na si Master kung nasaan man siya ngayon." Ang sabi ni Cagalli.
"Pero-"ang sabi ni Milly.
"May trabaho pa tayo Milly. Tandaan mo dadating na ang pinsan ni Master Zala dito sa palasyo sa susunod na linggo." Ang sabi ni Cagalli habang naglalakad papunta sa pintuan.
"Oo nga! Di pa ako tapos mag ayos ng kwarto niya, ikaw kasi hinanap kita para tulungan ako." Ang sabi ni Milly.
"Halika na." ang sabi ni Cagalli.
. . . . . . . . . . . . .
"Anak sigurado ka bang doon ka muna sa palasyo nila Athrun?" ang tanong ni Lord Alster.
"Opo ama, sigurado po ako, nag padala na po ako ng liham kay Athrun, at pumayag siya, gusto ko lang po tingnan ang kalagayan ng mga tao sa punong lungsod." Ang sabi ni Flay habang tinitingnan ang kanyang ama na nagbabasa ng libro sa mesa.
"Hay, ano pa bang magagawa ko?" ang sabi ni Lord Alster na tumingin sa anak at ngumiti.
May kakaibang ganda si Flay, lalo na sa kulay pula nitong buhok, at maputing balat. Mahinhin ito kung gumalaw at napaka inosente tingnan, pero wag ka, isa siyang mautak at matalinong dalaga. Kung minsan may kasungitan pero makikita mo din ang kanyang kabaitan. Masarap siyang maging kaibigan pero masamang kaaway, at halos lahat ng gusto niya at nakukuha niya. Minsan masosorpresa ka na lang sa mga bagay na kayang niyang gawin para sa isang taong minamahal.
. . . . . . . . . . . . . . . .
(sa akademiya)
"TIKAS PAHINGA!" ang sigaw ni Athrun, tapos na ang pag tuturo ni Athrun sa ilang estudyante, nakita niya na maayos naman ang kanilang mga pagsasanay, pero kailangan pang hasain ang kanilang kakayanan pag dating sa palakasan. Sa gera di pwedeng matalino o marunong ka lang gumamit ng espada, dapat malakas at mabilis ka ding kumilos kundi baka matalo ka ng kalaban.
Maya-maya lang ay idadaos na nila ang kanilang buwanang tagisan ng galing laban sa mas nakatataas sa kanila.
"Sinong hahamunin mo ngayon Heine?" ang tanong ng lalaking may kulay dilaw na buhok.
"Nararamdaman ko na Miguel, ito na ata ang araw na matatalo ko ang mahal na Prinsepe." Ang sabi ni Heine kay Miguel habang naglalakad papunta sa lugar na kung tawagin nila ay 'lutakas', isa itong pabilog na lugar kung saan napapaligiran ito ng mga pader, at mga upuan na gawa sa pinagpatong patong na bato.
"Hanggang ngayon ba naman umaasa ka pa din?" ang tanong ni Miguel sa kaibigan.
"Alam kong karangalan na, makaharap at makalaban ko ang mahal na prinsepe, pero mas lubusan kong ikasasaya kung kahit minsan sa buhay ko ay natalo ko sa palakasan ang pinaka magaling na mandirigma ng Plants". Ang sabi ni Heine.
"Talaga lang ha," ang sabi ni Miguel na nilagay na lang ang kamay sa loob ng kanyang bulsa.
"Suportahan mo na lang ako Miguel, isa din ito sa dahilan ko bakit pinilit kong manguna sa mga pag sasanay, alam mo naman na piling esudyante lang ang pwede dito." Ang sabi ni Heine.
"Oo na" ang tanging sagot ni Miguel.
. . . . . . . . . . . . . . .
( sa silid bihisan)
"Athrun, kumusta na?" ang tanong ni Andrew Waltfeld
"Ginoong Waltfeld, ayos lang naman. Mas lalong nagiging mahusay ang mga estudyate ng akademiya na ito, salamat sa matiyaga ninyong pag tuturo." Ang sabi ni Athrun na hinuhubad na ang kanyang damit, nag suot siya ng maluwang na pantalon na pang sundalo, bota at sando naman ang kanyang pang itaas, na nag papakita ng magandang hubog niyang braso.
"Wala iyon, ikinararangal kong mag lingkod sa akademiya na ito. Ikaw Athrun parang may nag bago sa iyo, meron ba o guni-guni ko lang?" ang tanong ni Andrew.
"Guni-guni mo lang iyon Ginoong Waltfeld." Ang sabi ni Athrun.
"Ikaw naman Athrun alam mo namang parang anak ka na sa akin, pwede mong sabihin ang lahat sa akin, sige na, may nag bago sayo tama ba ako?" ang tanong ni Andrew habang umuupo sa isang malaking bato. Tama si Andrew, parang mag ama na nga ang turingan ng dalawa sa isa't-isa, simula pag kabata ni Athrun ay si Andrew na ang nag sanay sa kanya sa pag gamit ng espada.
"Wag kang mag-alala ginoong Waltfeld, sasabihin ko sa inyo agad, pag may nag bago na sa akin." Ang sabi ni Athrun.
"O siya! Lumabas ka na roon, sigurado ka bang mag sasando ka lang? hubadin mo na rin yan, alam ko namang wala pang isang minuto tanggal na yan sa katawan mo." Ang sabi ni Waltfeld habang tumatayo para sabayan sa pag lakad si Athrun.
. . . . . . . . . . . . . . .
Naghanap na ang lahat ng magandang pwesto para sa pinaka huling laban, katatapos lang ng laban ni Andrew, at si Athrun na ang susunod, hinamon siya ni Heine Westenfluss, ang estudyante na nanguna sa klase ngayong buwan.
Tumapak na si Athrun at si Heine sa arena, pareho lang sila ng suot na damit pawang naka sando lang, di magkamayaw ang mga tao, ang daming nagsisigawan, sa gawing kaliwa man o sa gawing kanan, lahat ay sabik na sabik na sa laban na ito, ito na ang pangalawang beses na hinamon ni Heine si Athrun.
"Lumapit kayo, alam niyo na ang patakaran ng labanan na ito." Ang sabi ng tagahatol. Agad namang tumango ang dalawa.
Nag unat-unat muna si Heine, ito na ang pag kakataon na pinakahihintay niya sa loob ng isang buwan. Maya-maya pa ay, narinig na ang isang mahabang sipol senyales na simula na nang laban. Naunang sumugod si Heine, agresibo at mabilis, nagpakawala agad siya ng suntok,na mabilis na naiwasan ni Athrun, sinundan niya ito ng sipa , pero nahawakan ni Athrun ang paa niya at naitapon siya sa sahig, mabilis na nagpagulong gulong si Heine hanggang sa makatayo na siya.
"Heine, ikamamatay mo yang pagiging agresibo mo, basahin mo muna ang galaw ko bago ka sumugod." Ang sabi ni Athrun na bigla na lang tumakbo at sumipa ng mataas, agad namang natamaan si Heine sa balikat na muntik na niyang ikatumba.
"Kailangan mong maging alerto." Ang sabi ni Athrun. Agad naman tumango si Heine. Sinubukan niyang takirin si Athrun pero agad na nakatalon ang prinsepe at nasipa ulit si
Heine sa mukha, tumulo naman agad ang dugo sa ilong ni Heine. Umatras ng konti si Athrun para mabigyan ng pagkakataon na tumayo si Heine, pero di niya inaasahan ang suntok na binigay sa kanya ni Heine sa tiyan na sinundan ng pagsiko sa kanyng batok, agad na tumumba si Athrun.
Mabilis siyang tumayo, bago pa man siya mapaimbabawan ni Heine. Tumagal ng halos sampong minuto ang laban bago ito natapos, natapos ito ng napatalsik si Heine sa labas ng guhit ng arena.
. . . . . . . . . .
"Maraming salamat mahal na Prinsepe." Ang sabi ni Heine habang yumuyuko.
"Mag ensayo ka pa ng mabuti, malaki ang ginaling mo ngayon kesa nung isang buwan." Ang sabi ni Athrun habang inaabot ang kanyang kamay kay Heine. Nagulat naman si Heine sa ginawa ng prinsepe, kaya tinanggap na lang niya ang kamay na inabot ni Athrun ng may galak at tuwa.
"Hanggang sa muli" ang sabi ni Athrun na tumalikod at nag simula ng umalis.
. . . . . . . . . . . . . .
"Binibining Murrue, pwede po bang lumabas muna ng sandali?" ang tanong ni Cagalli kay Murrue na nag aayos ng hapag kainan, para sa hapunan ng kanilang Master.
"Sa ganitong oras? Anong gagawin mo sa labas ng alas syete ng gabi?" ang tanong ni Murrue.
"Medyo di po maganada ang pakiramdam ko, kaya lalabas po muna ako ng sandali para magpahangin." Ang sabi ni Cagalli, nakita ni Murrue na parang namumutla si Cagalli at parang bumibilis ang pag hinga nito.
"O siya, sige, ako na muna ang bahala kay Master Athrun, bumalik ka agad, baunin mo na din yung tinapay,hamon at tsokolate para may kainin ka sa pag labas mo, mag iingat ka ha." Ang sabi ni Murrue.
"Opo, maraming salamat po Binibing Murrue" ang sabi ni Cagalli.
. . . . . . . . . . . .
Humuhuni si Cagalli habang naglalakad siya sa may kagubatan para maibsan ang paninikip ng dibdib niya, nangyayari ito sa kanya matapos siyang gumamit ng mahika, dapat siguro ay di na muna niya ginalaw ang mahika niya.
Maliwanag ang paligid, salamat sa liwanag na nanggagaling sa buwan. Bitbit niya ang kanyang mga pagkain sa kanyang kaliwang kamay habang nakalagay naman sa dibdib niya ang kanyang kanang kamay. Patuloy siyang naglakad hanggang sa marating niya ang isang lawa sa gitna ng kagubatan. Namangha siya sa tanawin doon lalo na at kumikinang ang tubig sa ilalim ng liwanag ng buwan.
Binaba niya ang kanyang bitbit at unti-unti niyang nilublob ang kanyang ,mga paa sa lawa, hawak hawak ng kanyang mga kamay ang laylayan ng kanyang mahabang damit habang nilalasap niya ang ihip ng hangin. Sinong mag aakala na may ganito palang kagandang lugar sa gitna ng masukal na gubat?
"Cagalli? Ikaw ba yan?" ang tanong ng isang boses.
Agad namang napalingon si Cagalli sa bandang kanan.
"Athrun? Anong ginagawa mo dito?" ang tanong ni Cagalli sabay ahon sa tubig.
"Ako dapat ang nagtatanong niyan, anong ginagawa mo dito sa ganitong oras?" ang tanong ni Athrun.
"Nagpahangin lang ako, masama kasi ang pakiramdam ko kani-kanina lang, pero, di ako tumatakas sa gawain ko, nag paalam ako kay binibing Murrue, pero kung gusto mo babalik na ako." Ang sabi ni Cagalli.
"Di mo naman kailangang umalis agad, at di ko iniisip na tumatakas ka sa mga gawain mo." Ang sabi ni Athrun na napatingin sa basket sa gilid ng lawa.
"ah ganon ba?" ang sabi ni Cagalli na nakatingin sa buwan.
"Ano nga pala ito?" ang tanong ni Athrun habang inaangat ang basket.
"Ah yan ba? Pag kain ang laman niyan, pinadala sa akin ni Binibining Murrue, gusto mo ba? Di ko naman kayang ubusin lahat yan." Ang sabi ni Cagalli, agad namang tumango si Athrun, di rin naman niya maitatanggi na nagugutom na siya kaya tumango na lang siya.
Masasabi nating medjo komportable na ang dalawa sa isa't-isa matapos ang gabing nag usap sila, marami silang nalaman sa tungkol sa isa't-isa at di na lang nila namamalayan na nagugustuhan na nila ang presensiya ng bawat isa.
Hinain ni Cagalli ang dala niyang pagkain sa banig na dala din niya. Habang tahimik siyang minamasdan ni Athrun.
"Bakit ka nga pala nandito? Di ba dapat nasa palasyo ka na?" ang tanong ni Cagalli.
"Gusto ko lang mag-isip." Ang sabi ni Athrun habang kumukuha ng tinapay at hamon.
"Ah, at ito na pala ang magandang lugar para mag-isip." Ang sabi ni Cagalli.
"Oo, parang ganoon na nga" ang sabi ni Athrun.
"Ah! May Tsokolate nga pala akong dala, gusto mo? Sabi nila masarap daw kumain ng tsokolate habang nag-iisip." Ang sabi ni Cagalli.
"Di ako kumakain ng Tsokolate." Ang sabi ni Athrun.
"Bakit naman?" ang tanong ni Cagalli habang kumakagat sa Tsokolateng dala-dala niya.
"Di ko lang siya gusto, hindi kasi siya mukhang masarap kainin. Tingnan mo nga ang kulay niyan." Ang sabi ni Athrun habang humihiga.
"Nasubukan mo na bang tikman ito?" ang tanong ni Cagalli habang tinatapat ang Tsokolate sa mukha ni Athrun.
"Hindi" ang sabi ni Athrun na gumilid habang tinutuon niya ang kanyang kaliwang siko para alalayan ang kanyang ulo. Di niya alam kung bakit napapayapa ang loob niya sa tuwing tinititigan niya si Cagalli. Siguro ay dahil natutuwa siyang panoorin ang pagbabago ng reaksyon ng dalaga, o dahil siguro sa mata niya, dahil siguro sa kanyang magandang mukha, o kaya dahil...
"Pano mo malalaman kung masarap o hindi kung di mo titikman? Parang ganito yan eh, nakakita ka ng magandang babae, paano mo malalaman ang ugali niya kung di mo siya kikilalanin? O di kaya may kilala kang tao paano mo malalaman kung may masamang lihim siya sayo kung di mo siya uusisain ng husto?" ang tanong ni Cagalli.
"Bakit Cagalli may masamang sikreto ka bang di ko alam?" ang tanong ni Athrun.
Tumahimik bigla ang paligid, umihip ang hangin at nagkatitingan silang dalawa. Agad na nanlaki ang mata ni Cagalli sa tanong ni Athrun, di niya alam kung dapat na bang ipagkatiwala niya ang kanyang sikreto sa taong kelan lang niya nakilala ng lubos.
"Wala, at kung meron man bakit ko sasabihin sayo? Sikreto nga diba?." Ang bigalang sabi ni Cagalli.
"Yun naman pala eh, bakit ko pa kailangang usisain yung isang tao kung ayaw niyang ilantad ang lihim niya? " ang sabi ni Athrun .
"Hay, kainin mo na nga lang itong tinapay." Ang sabi ni Cagalli habang inaabot ang tinapay kay Athrun. Tinitigan ni Athrun ang tinapay bago niya ito kinagat, nginuya at nilunok.
"Masarap ba?" ang tanong ni Cagalli. Napatango na lang si Athrun.
"May Tsokolate yan sa loob." Ang sabi ni Cagalli habang nakangiti kay Athrun. Walang nagawa si Athrun kundi ngumiti na lang din, di naman niya maitatanggi na masarap nga ang Tsokolate.
"Pwedeng makahingi niyan?" ang tanong ni Athrun habang nakaturo sa Tsokolate na hawak ni Cagalli.
"Bakit kita bibigyan? Bigyan mo ako ng isang rason?" ang sabi ni Cagalli.
"Kasi masarap yan." Ang sabi ni Athrun habang umuupo.
"Paki ulit?"ang sabi ni Cagalli habang nilalapit niya ang tenga niya kay Athrun.
"Kasi masarap ang Tsokolate." Ang sabi ni Athrun sa medjo malakas na boses.
"Ano?" ang sabi ni Cagalli.
"Cagalli!" ang sabi ni Athrun
"Bakit?" ang sabi ni Cagalli.
"Akin na! penge lang ako ng konti!" ang sabi ni Athrun habang inaabot ang tsokolate.
"Ayaw ko nga! Isigaw mo muna 'masarap kumain ng tsokolate!' " ang sabi ni Cagalli habang inaangat ang tsokolate para di maabot ni Athrun ang hawak hawak niya.
Nilapit ni Athrun ang kamay niya sa kanyang mga labi sabay sigaw ng . . . . . .
"MASARAP KUMAIN NG TSOKOLATE!"(A/N: I LOVE YOU TOO ATHRUN!)
Umalingasaw sa paligid ang malakas na tawa ni Cagalli,malakas at nakakadalang tawa.
Napatanong tuloy si Athrun kung bakit siya nakakaramdam ng kasiyahan, natutuwa siyang pakinggan ang tawa ni Cagalli, at walang ka ano-ano,ay nadala na din siya ng tawa ng dalaga.
Nakita ni Cagalli na tumatawa si Athrun kaya mas lalo pa siyang natawa at ganon din naman si ang ilang segundo ay namatay na ang tawa ni Cagalli.
"Bakit ka tumatawa?" ang tanong ni Cagalli.
"Wala lang." ang sabi ni Athrun.
"Sige lang." ang sabi ni Cagalli.
"Ano? Bibigyan mo na ako ng Tsokolate?" ang tanong ni Athrun.
"Hindi pa din!" ang sabi ni Cagalli.
"Ano? Bakit?" ang sabi ni Athrun
"Kasi binulabog mo yung mga nakatirang hayop dito sa kagubatan!" ang sabi ni Cagalli.
"Ah! Ganun pala" ang sabi ni Athrun, unti-unti siyang lumapit kay Cagalli at sinimulang kilitiin ito. Namutawi sa kapaligiran ang tunog ng halakhakan. Nabulabog ang katahimikan ng kanilang tawanan. Gumolong, nagtulakan, at nagkilitian ang dalawa. Nakalimutan na nila yung kawawang Tsokolate na nalaglag sa banig.
Matagal tagal na din bago nakaramdam ng ganito si Athrun, kung paano maging bata, kung paano tumawa, maging masaya, mag karoon ng kakwetuhan, at kung paano kalimutan ang problema sa buhay kahit panandalian lang.
. . . . . . . . . .
"Myrna, bumalik na ba si Cagalli?" ang tanong ni Murrue.
"Hindi pa." ang sagot ni Myrna habang naghuhugas ng pinggan.
"Si Master Zala ba may nabanggit sayo na gagabihin siya ng uwi?" ang tanong ulit ng Murrue
"Wala siyang nabanggit sa akin, tanong mo kay Dearka." Ang sabi ni Myrna.
"Sige, salamat"
"nasan na kaya silang dalawa?" ang sabi ni Murrue sa sairili.
. . . . . . . . . . .
"Di kayang pahiran ng Tsokolate ang matatamis mong ngiti."
. . . . . . . .
WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA AAAAAAAAAAA! Nah! I just wanna scream!
Alam ko medjo OP or sobrang OP sila sa chappy na ito, pero minsan-minsan din, di natin namamalayan nagiging parang bata na din tayo, wala namang masama dun ryt?
Well, pakisabi na lang kung corny yung 'mahika' part. Pero don't worry yung apoy sa kamay lang naman yung wierd sa story ko. Kailangan ko kasi yun.
So. . . . Throw me some love! Mwah! See you soon.^^v
