Disclaimer: i do not own gs or gsd
Special thanks to: Kkornelia, rynne marge
(edited) wah! dami kong errors!
. . . . . . . . . . . .
"Pipikit ko na lang ang mata ko." Ang sabi ni Shinn, na di malaman ang gagawin, sinubukan na niyang maglakad-lakad, mag unat-unat, uminom ng gatas at maging ang mga papeles na kailangan niyang gawin para sa susunod na linggo ay natapos na niya. Pero bakit parang di pa pagod ang isip niya?
Gulong-gulo na siya, di na niya alam ang gagawin niya. Di niya alam kung sino ang susundin niya, masyado na siyang naiipit sa sitwasyon. Pati yung mga taong naka paligid sa kanya ay naapektuhan na din. Ang daming bumabagabag sa kanya. Naisip din niya na kumustahin ang mga tao na nasasakupan niya. Bilang isang tagapamahala ng isang maliit na baryo o panginoong may lupa. Kailangan niyang isaalang alang ang mga taong umaasa sa kanya.
"Di ko na alam ang gagawin ko!" ang sabi ni Shinn habang sinasabunutan ang sarili. Sa di malaman na kadahilanan ay pumasok sa isip niya si Cagalli, oo si Cagalli nga, ang babaeng masarap kausap, matalas ang dila at matalas ang isip. Panatag ang loob niya sa tuwing kasama niya ang dalaga. Di niya alam kung kelan nag simula, ang tanging alam lang niya ay kailangan niyang makuha ang libro na nasa pag aari ni Cagalli. Tapos eto na ang nangyari, alam niya at di na niya maipagkakaila na gusto niya si Cagalli, mabilis man ang mga pangyayari pero, di niya masisi ang sarili niya, ngayon lang siya nakakita ng isang pambihirang babae. Na kung ngumiti ay akala mo'y kayang ilawan ang buong mundo.
Hangga't maari ay ayaw niyang madamay si Cagalli sa mga kaguluhang nangyayari sa buhay niya, di niya ata kakayanin na madawit si Cagalli. Kailangan na niyang lumayo. Pero bago iyon, kailangan niya munang makuha yung libro.
"Cagalli. . . . " ang sabi ni Shinn habang pinipikit ang kanyang mga mata.
. . . . . . . . . . . .
Lumipas na ang isang linggo sa kaharian. Wala namang masyadong nag bago maliban lang sa ilang tao sa palasyo. Marahil kilala niyo na kung sino-sino sila.
"Milly, san ka nanggaling at bakit kasama mo si Dearka?" ang tanong ni Cagalli habang sinusuklay ang kanyang mahabang buhok.
"Ha?" ang pagulat na tanong ni Milly.
"Sabi ko saan ka nanggaling at bakit kasama mo si Dearka? Ala sais pa lang ng umaga, nawawala ka na agad?" ang tanong ni Cagalli na ngayon ay nag tatali na ng buhok niya.
"Cagalli! Grabe! Kung alam mo lang! kung alam mo lang!" ang sabi ni Milly habang tulalang nakangiti at nakatingin sa kawalan.
"Oo nga, kung alam ko lang kung ano yang pinag sasasabi mo edi lahat tayo masaya!" ang sabi ni Cagalli. Habang tinititigan ang kaibigan.
"Cagalli! Ang saya-saya ko!" ang sabi ni Milly na umupo sa gilid ng kanyang kama.
"Oo milly nakikita ko nga! Tungkol saan ba yan?" ang tanong ni Cagalli.
"Di mo maiintindihan!" ang sabi ni Milly na nakatingin pa rin sa kawalan.
"Di ko talaga yan maiintindihan kung di mo sasabihin sa akin!" ang sabi ni Cagalli.
"Basta maniwala ka Cagalli, di mo talaga maiintindihan." Ang sabi ni Milly.
"Sasaktan na kita! Ano nga iyon?" ang tanong ng naiiritang si Cagalli.
"Di ko alam kung kelan lang nangyari pero, nagsimula yun sa pag uusap namin, tapos namalayan na lang namin na halos araw-araw na pala kaming nag-uusap, tapos madalas kaming magkatitigan sa mata! Tapos nagkagaanan na kami ng loob, tapos madalas ko siyang hinahanap hanap, tapos madalas ko siyang naiisip, tapos masaya ako pag kasama ko siya, tapos nagkahulugan na kami ng loob, tapos,tapos, "ang masayang sabi ni Milly na nasa munti niyang mundo.
"Tapos?" ang tanong ni Cagalli, na kapwang masaya para sa kaibigan.
"Kanina lang inaya na niya ako ng maging nobya! Parang isang panaginip, pero hindi! Totoo, Cagalli, totoo talagang inaya niya ako!" ang sabi ni Milly habang hawak-hawak ang mga kamay ng kaibigan.
"Anong sagot mo?" ang sabi ni Cagalli na masayang-masaya para sa kaibigan.
"Natural, pumayag ako! Ang sarap pala sa pakiramdam ng ganito Cagalli!" ang sabi ni Milly na bigla na lang napahiga sa kama.
Masayang-masaya si Cagalli para sa kaibigan, sinong mag aakalang makikita niyang maging ganito ang kanyang kaibigan dahil sa pag-ibig? Nakikita niya ang di maipaliwanag na emosyon na nararamdaman ni Milly. Hay pag-ibig nga naman.
"Teka! Bakit di ko ata alam na may kakaibang nangyayari na pala sa iyo?" ang tanong ni Cagalli.
"Nasan ka ba? Eh halos araw-araw eh wala ka. Tapos pag nandito ka naman sa palasyo, eh nandun ka sa opisina ni Master Zala!" ang sabi ni Milly.
"Anong magagawa ko? Eh yun ang tungkulin ko?" ang sabi ni Cagalli.
"Ano ba naman kasi ang ginagawa mo sa gubat? Napaka tagal mo namang manguha ng halamang gamot! wag mong sabihin na naiwan ka nanaman sa taas ng puno?" ang sabi ni Milly.
"Kasi naman..." ang sabi ni Cagalli, na nag iisip ng palusot. Ayaw niya munang pag usapan si Shinn, kasi alam niya na aabutin sila ng isang buong araw, sa pag uusap.
"Kasi?" ang tanong si Milly na tinuon ang pansin sa kaibigan.
"Milly halikana! Tutulong ka pa sa kusina! At mag lilinis pa ako ng opisina ni Master Zala." Ang sabi ni Cagalli sabay hatak sa kaibigan.
. . . . . . . . . . . .
Humuhuni si Cagalli habang naglilinis ng opisina ng kanyang Master, inayos niya ang isang katutak na papel sa mesa nito. Pati mga libro ay inayos din niya, habang nagwawalis siya, ay napansin niya ang larawang naka lagay sa ibabaw ng pausukan o pugon.
Tumingin muna siya sa paligid bago niya kunin ang larawan, tiningnan niya ito ng mabuti, may mahabang abuhin na buhok ang babae at may makikislap na asul na mata, napansin din niya na pintado pala ang larawan, maganda ang pag kakapinta sa larawan, kahit ang maliliit na detalye ay kuhang kuha nito. Mula sa dekorasyon ng damit hanggang sa korte ng labi ng dalaga.
"Yan si Mia. Siya yung kwinento ko sa iyo nung nakaraang araw." Ang sabi ni Athrun habang naglalakd papalapit sa kanya. Natulala na lang si Cagalli sa kanyang kinatatayuan, sino ba namang hindi? Makita mo ba naman si Athrun na nakasuot ng pulang damit na may mahabang manggas at puting pantalon, si Athrun? Naka suot ng pula?
"Ah, napaka ganda niya." Ang sabi ni CAgalli habang binabalik ang larawan sa dati nitong lalagyan.
"Oo maganda nga siya." Ang sabi ni Athrun habang nakatingin sa sumsikat na araw.
"Kuhang kuha nung nag pinta ang bawat angulo niya. Parang isang buhay na larawan." Ang sabi ni Cagalli habang nakatingin kay Athrun.
"Talaga? Oo maganda din ang pagkakapinta ko sa kanya." Ang sabi ni Athrun habang nilalagay ang kanyang kamay sa kanyang bulsa.
"Ikaw ang nag pinta nito? Pero wala kang nabanggit sa akin na marunong kang mag pinta." Ang sabi ni Cagalli.
"Siguro nakalimutan ko lang sabihin sayo." ang sabi ni Athrun habang naglalakad papunta sa kanyang upuan.
"Bakit hindi ka na nag pipinta ngayon?" ang tanong ni Cagalli.
"Di ko alam, bigla na lang akong nawalan ng gana." Ang sabi ni Athrun
"Maupo ka" ang sabi ulit ni Athrun habang nagbabasa ng ilang mga papeles.
"May iba ka pa bang ipapagawa sa akin?" ang tanong ni Cagalli habang umuupo.
"Oo, paki sulat naman ng mga ito sa isang bagong papel." Ang sabi ni Athrun habang inaabot ang mga lumang papel, na halos punit-punit na ang mga dulo.
"Sige." Ang sabi ni Cagalli.
Tahimik na nagsulat si Cagalli, at tahimik din namang nagbabasa si Athrun na paunti-unti ay sumisilip sa dalaga.
"Athrun wag mo kong titigan." Ang sabi ni Cagalli na nananatili pa ring nag susulat. Naka ngiting napailing na lang si Athrun.
"Kakaiba ka talaga." Ang sabi ni Athrun sa isip niya.
"Cagalli?" ang tanong ni Athrun.
"Hmmm?" ang sabi ni Cagalli na tumigil sa pag susulat para tingnan ang kanyang amo.
"Wala" ang sabi ni Athrun.
"Huh?" ang tanong ni Cagalli.
"Wala" ang sabi ulit na Athrun. Napa kibit balikat na lang si Cagalli na bumalik sa kanyang unang ginagawa. Wala naman talagang sasabihin si Athrun gusto lang niyang makita ang mukha ni Cagalli. Alam niya, alam na alam niya, ang ganitong pakiramdam. Di na ito bago sa kanya, minsan na niya itong naramdaman. Pag di siya makatulog kakaisip, lagi niyang naaalala ang dalaga, napapangiti siya sa tuwing mag kasama sila, gusto niyang laging nakikita si Cagalli, minsan pa nga'y nakatulog siyang nakangiti kakaisip sa dalaga. Alam niya, alam niya na si Athrun Zala ay may gusto sa kanyang personal na katulong at kaibigan.
"Cagalli." Ang tawag ulit ni Athrun.
"Bakit?" tanong ulit na Cagalli, na sa padalwang pag kakataon ay tumigil sa pag susulat para tumingin sa taong tumawag sa pangalan niya.
"Alam mo ba?" ang sabi ni Athrun na nakatitig sa mata ng dalaga.
"Ang alin?" ang tanong ng naguguluhang si Cagalli.
"Na. . . " naputol ang sasabihin ni Athrun nang biglang kumatok si Murrue.
"Master Zala, dumating na po si Lady Flay." Ang sabi ni Murrue, na nginitian si Cagalli.
"Sige bababa na ako." Ang sabi ni Athrun. Inabot naman niya ang kanyang kamay para alalayan na tumayo si Cagalli. Agad naman namula ang dalaga bago nito tanggapin ang inaalok na lamay ng binata, ito ang kauna-unahang beses na mahahawakan niya ang kamay ni Athrun.
"Cagalli may sakit ka ba? Namumula ka." Ang sabi ni Athrun habang inaalalayan ang dalagang makatayo ng ayos.
"Wala" ang sabi ni Cagalli na agad na hinila ang kamay niya.
"Halika na sa baba." Ang sabi ni Athrun.
. . . . . . . .
"Athrun!" ang sigaw ng babaeng kabababa pa lang ng karwahe.
"Flay, kumusta ka na?" ang tanong ni Athrun na agad na sinalo ang yakap ng pinsan. Parang kapatin na ni Athrun si Flay, madalas na nag pupunta sa palasyo ang dalaga, lalo na nung mga bata pa sila.
"Ayos lang naman! Ikaw? Kumsta ka na? wala ka pa ring pag babago nakakabighani ka pa din." Ang sabi ni Flay. Agad namang napangiti si Athrun na ikinagulat naman ni Flay.
"Teka! Aba! Naka pula ka ngayon! Parang may iba sayo, teka! Iisipin ko!" ang sabi ni Flay habang panaiikutan si Athrun.
"Walang nagbago sa akin Flay." Ang sabi ni Athrun.
"Tsk..tsk. .alam ko meron! Humanda ka sa akin pag nalaman ko." Ang sabi ni Flay habang minamatahan si Athrun..
"Halika nag pahanda ako ng makakakain." Ang sabi ni Athrun habang kinukuha ang kamay ni Flay para ilagay sa kanyang braso.
"Ang bait mo naman!" ang sabi ni Flay, napansin niya si Cagalli mula sa gilid ng kanyang mga mata, di siya nag kakamali, hindi talaga, wala pang nakakaligtas sa kanyang matatalas na mata, nakita niya kanina bago siya yumakap kay Athrun na nag palitan ng ngiti ang pinsan niya at yung babaeng may gintong buhok.
"Kumusta ang biyahe mo? Kumusta si Lord Allster?" ang tanong ni Athrun.
"Ayos lang naman si ama, medyo abala siya sa pag aasikaso ng mga tao na nasasakupan namin. Natatakot kasi siya sa kumakalat na lason." Ang sabi ni Flay.
"Nakakatakot nga talaga yung kumakalat na lason, hanggang ngayon wala pa din yung lunas, at ang nakakapagtaka pa nito, marami din ang mga espesiyalista at doktor ang nawawala o kaya namamatay." Ang sabi ni Athrun habang inaalalayan na umupo si Flay sa hapag kainan.
"Sa tingin mo ba ang dahilan din ng pagkakawala ng mga doktor ay kagagawan din nung nagpapakalat ng lason?" ang tanong ni Flay.
"Oo, parang ganon na nga." Ang sabi ni Athrun.
"May kilala ka na bang maaring konektado sa taong gumagawa nito?" tanong ni Flay habang nilalagyan ng asukal ang kanyang inumin
"oo meron, pero di pa ako sigurado." Ang sabi na Athrun.
"Pwede ko bang malaman kung sino.?" Ang tanong ni Flay.
"Di pa pwede ngayon Flay, siguro sa ibang araw na lang. pag may sapat na ako ng ebidensya." Ang sabi ni Athrun na biglang napatingin kay Cagalli na nag hahain ng tinapay sa mesa. Di naman ito nakalampas sa mga mata ni Flay.
"Ehem" ang sabi ni Flay na kunwari ay naglilinis ng kanyang lalamunan.
"Ah! Flay, nakalimutan ko ng sabihin, ito nga pala si Cagalli ang aking personal na katulong" ang sabi ni Athrun na nananatiling naka tingin kay Cagalli(A/N: yeah, please! Tunaw na yan kanina pa!)
"Kinagagalak ko po kayong makilala" ang sabi ni Cagalli habang yumuyuko.
"Personal na katulong?" ang tanong ni Flay na parang may nararamdamang kakaiba.
"Oo, bakit Flay?" ang tanong ni Athrun, na tumingin sa pinsan.
"Wala, maganda siya Athrun. " ang pangiting sabi ni Flay sabay kindat sa pinsan.
Agad na namula si Cagalli sa sinabi ni Flay. Napangiti na lang si Athrun sa naging reaksyon ni Cagalli.
"Aha! Sabi ko na nga ba eh! Lagot ka sa akin Athrun!" ang sabi ni Flay sa isip niya habang humihigop ng kanyang inumin.
. . . . . . . . . . . .
"Miss Murrue, aalis lang po ako saglit" ang sabi ni Cagalli kay Murrue na naglilinis ng lamesa.
"O sige pero bilisan mo ha! Mag iingat ka." Ang sabi ni Murrue na nakangiti.
"Hay, Cagalli, kung alam mo lang. . " ang sabi ni Murrue sa isip niya habang tinitingnan niyang umalis si Cagalli.
. . . . . . . . . . . . . .
Hintayin mo lang ang pag tila ng ulan
Paligid ay dagling nahuhugasan
Di ba't kulay ay kumikinang makikita mong ganap
Ang anyo ng mundo
Hintayin mo lang at makikitang may ganda pa rin ito..
"Cagalli" ang sabi ng isang mahinahong boses.
Agad na tumigil sa pag kanta si Cagalli at lumingon sa kanyang likuran.
"Shinn? anong ginagawa mo dito sa gubat?" ang tanong ni Cagalli.
"Ikaw? Anong ginagawa mo dito?" ang mahinahong tanong ni Shinn. habang tinitingnan niya si Cagalli ng may lambing sa kanyang mga mata.
"Ako? Namimitas ako ng halaman na gagawin kong chaa." Ang sabi ni Cagalli na patuloy na namimitas ng dahon.
Walang ka ano-ano'y niyakap siya ni Shinn mula sa kanyang likod.
"Sh—inn? May problema ba?" ang tanong ni Cagalli, na pinipilit na humarap kay Shinn.
"Shh pakiusap wag ka munang gumalaw." Ang sabi ni Shinn habang hinihigpitan niya ang yakap kay Cagalli, pinikit niya ang kanyang mga mata at inamoy ang leeg ng dalaga.
Si Cagalli bilang si ' Cagalli' ay agad na namula, pero bakas sa mukha niya ang labis na pag aalala. Ngayon lang nag kaganito si Shinn. ramdam niya na may bumabagabag sa binata.
Tinanggal niya ang kamay ni Shinn sa kanyang bewang at dahan-dahan niyang hinarap ang binata. Hinawakan niya ang pisngi ni Shinn at tiningnan ni Cagalli ang mata ng taong nasa harap niya. May mabigat na problema si Shinn, nakikita niya, malinaw na malinaw sa kanyang mga pulang mata.
"Shinn? alam mo namang pwede mong sabihin sa akin ang problema mo di ba?" ang sabi ni Cagalli. Nagulat na lang siya ng hinawakan din ni Shinn ang kanyang kamay na nasa pisngi pa ng binata.
"Cagalli. . ." ang sabi ni Shinn na di pa din inaalis ang tingin sa dalaga.
"Bakit?" ang tanong ni Cagalli.
"Wag mo kong tingnan ng ganyan." Ang sabi ni Shiin
"Bakit naman?" ang tanong ni Cagalli.
"Natutukso akong halikan ka." Ang sabi ni Shinn. agad namang tinanggal ni Cagalli ang kanyang kamay sa mukha ni Shinn at napatingin na lang siya sa lupa, nilagay ni Shinn ang kamay niya sa baba ni Cagalli at unti-unti niyang inangat ang mukha ng dalaga, nilapit niya ang kanyang mukha at hinalikan niya si Cagalli sa noo (A/N: weh?)
Di naka galaw si Cagalli, di siya naka imik, bumibilis ang tibok ng puso niya. Bakit ganon? Anong meron? Ano itong nararadaman niya?
"Cagalli, marami ka bang gagawin?" ang tanong ni Shinn.
"Wala naman." Ang sabi ni Cagalli na agad na tumalikod.
"Pasensya ka na Cagalli, sana ay di ka mailang sa akin." Ang sabi ni Shinn. agad namang humarap si Cagalli sa binata.
"Wala ka namang dapat ihingi ng pasensya, nagulat lang kasi ako sa nangyari. May problema ba?" Ang sabi ni Cagalli habang umuupo sa ilalim ng puno.
"May bumabagabag lang sa isip ko." Ang sabi ni Shinn na agad na tumabi sa dalaga.
"Tulad nang?" ang tanong ni Cagalli. Ngumiti naman si Shinn sa kausap at sinabi.
"Sasabihin ko sayo sa tamang panahon." Ang sabi ni Shinn.
"Sige, mag hihintay ako kung ganon." Ang sabi ni Cagalli.
"Kumusta ang araw mo? Isang linggo tayong hindi nagkausap" ang tanong ni Shinn.
Tiningnan siya ni Cagalli na hindi alam kung saan sisimulan ang kanyang kwento.
. . . . . . . . . .
"Athrun? Pwede bang pumasok?" ang tanong ni Flay na nasa pintuan ng opisina ni Athrun.
"Oo naman, sige maupo ka." Ang sabi ni Athun. Dahan-dahang lumakad at umupo si Flay.
"Kumusta ka Athrun?" ang mahinahong tanong ni Flay.
"Anong tanong yan Flay? Ayos lang naman ako." Ang sabi ni Athrun.
"Di iyon ang ibig kong sabihin." Ang sabi ni Flay.
"Ano pala ang nais mong iparating?" ang tanong ni Athrun
"Di ako nag bibiro nung sinabi kong may nag bago sayo." Ang sabi ni Flay.
"Flay walang nag bago sa akin." Ang sabi ni Athrun.
"Meron, tingnan mo, ngumingiti ka na ngayon, kakaiba ang awra mo, di ka na nakasuot ng itim." Ang sabi ni Flay.
"Yon ba?" ang tanong ni Athrun. Sinasabi na nga ba, alam niyang di siya makakalusot sa pinsan niya.
"Oo yun nga Athrun, di ka ganyan simula nung mawala si Mia, anong nag bago Athrun? Di naman sa di ako natutuwa, alam mong masaya ako sa kung ano mang nangyayari sayo ngayon, pero handa ka na bang kalimutan si Mia?" ang tanong ni Flay.
"Flay, di ko kinalimutan si Mia, nasa puso ko siya, lagi, di siya mawawala, sabihin na lang natin na tinanggap ko lang ang mga nangyari sa buhay ko at humakbang na ako para mag simula ulit" ang sabi ni Athrun.
"Dahil ba sa kanya?" ang tanong ni Flay.
"Sino ang tinutukoy mo?" ang tanong ni Athrun. Agad namang napairap si Flay.
"Si Cagalli sino pa ba?" ang sabi ni Flay.
"Anong meron sa kanya?" ang tanong ulit ni Athrun.
"Di ka makakalusot sa akin Athrun, alam mo yan." Ang sabi ni Flay.
"Pero di ko talaga alam yang sinasabi mo." Ang sabi ni Athrun.
"Alam kong, alam mo ang sinasabi ko." Ang sabi ni Flay.
"Flay, wag ngayon. Di pa ako sigurado." Ang sabi ni Athrun.
"Bahala ka Athrun! Ikaw din! Akala ko ba huamhakbang ka na para simulan ang buhay mo?" ang tanong ni Flay.
"Di ko pa kayang may makasama sa paghakbang ko." Ang sabi ni Athrun.
"Hay bahala ka! Pero naiintindihan kita Athrun, pero kung ako sayo utay-utay ak ng mag sisimula. Di mo alam kung gaano ka bilis tumakbo ang tadhana, baka maiwanan ka" ang sabi ni Flay.
. . . . . . . . . . . . .
"pag ba inabot ko sayo ang kamay ko para sabayan ako sa paghakbang, tatanggapin mo ba?"
. . . . . .
Well dapat talaga mas mahaba pa dito yung chapter na ito, kaya lang pinapatulog na ako ng mga tao dito sa bahay! So need ko na may meme, 2:00 am na ng umaga! Wahahahahahaha.
Throw me some love^^
Tell me if im going too fast! You know, with the mushy things!
NIGHTIE NIGHT! ^^
