Disclaimer: I do not own gs or gsd

Special Thanks to: Kkornelia, rynne marge

Dumugo yung ilong ko sa sinabi ni rynne marge. Hahahahahah tapos natawa ako ng sobra! Mas malupet ka pala sa akin mag tagalog.

. . . . . . . . . . . . . . . .

"Milly, niyakap ka na ba ni Dearka ng walang dahilan? Ano bang ibig sabihin ng ganon?" ang tanong ni Cagalli habang tinutulungan ang kaibigan sa pag luluto ng hapunan para sa mahal na prinsepe at kay Lady Flay.

Mabilis lang ang pag-uusap na ginawa nila Cagalli at Shinn, marahil ay tumagal lang ito ng mga tatlongpung minuto at naisipan na niyang umuwi.

"Bakit mo natanong yan? May yumakap na ba sayo ng walang dahilan?" ang tanong ni Milly na biglang naguluhan sa tanong ng kaibigan.

"Hindi, kasi ganito yan. . ah. . .pano ko ba sasabihin...ah" ang sabi ni Cagalli na di magkamayaw kung paano sasabihin sa kaibigan ang nangyari sa kanya ngayong araw na ito. Napatigil si Milly sa pag luluto at tinitigan ang kaibigan na akala mo'y tinubuan ng pangil sa noo.

"Cagalli? Meron ka bang hindi sinasabi sa akin?" ang tanong ni Milly.

"Wala!" ang sabi ni Cagalli na nanlaki agad ang mata.

"Pambihirang bibig kasi ito, kung ano-ano ang lumalabas" ang sabi ni Cagali sa isip niya.

"Eh bakit mo natanong yan?" ang tanong ni Milly na di pa rin tinatanggal ang tingin sa dalaga.

"Kasi nga. . . ano. . ." ang sabi ni Cagalli habang pinaglalaruan ang laylayan ng kanyang manggas.

"Cagalli, sabihin mo na." ang sabi ni Milly na nag sisimula ng mag alala.

"Kasi ganito yan, may nakita kasi akong mag kaibigan habang naglalakad ako sa daan. Naglalakad yung mag kaibigan tapos biglang niyakap nung lalaki yung babae ng walang dahilan. Di ba parang ang pangit tingnan nung ganon?" ang sabi ni Cagalli. Maka ilang beses na napakurap si Milly sa tanong ng kaibigan.

"Teka Cagalli, bago ko sagutin yung tanong mo. Kelan ka pa naging mapang usisa sa buhay ng may buhay? At pano mo nalaman na magkaibigan lang yung dalawa?" ang tanong ni Milly.

"Milly una akong nagtanong sayo, sagutin mo muna yung tanong ko para makapagpaliwanag ako ng maayos" ang sabi ni Cagalli.

Nilagay ni Milly ang hintuturo niya sa ilalim ng kanyang baba at nag isip

at nag isip

at nag isip

at nagisip. . . . . . . . .

"Milly?" ang tanong ni Cagalli.

"Iba naman kasi ang sitwasyon namin ni Dearka dun sa dalawang nakita mo." Ang sabi ni Milly.

"Milly pwede ba pakisagot na lang yung tanong ko?" ang sabi ni Cagalli habang hinahawakan ang kanyang sentido. Minsan talaga ang hirap din kausap ng kaibigan niya.

"Sige! Sige! Niyakap na ako ni Dearka ng walang dahilan. Kung bakit at kung anong ibig sabihin ng ganon? Di ko alam kasi nga diba niyakap niya ako ng walang dahilan! Pero siguro dahil gusto lang niya ipakita kung gaano niya ako kamahal na di na kailangan na sabihin na 'mahal kita' para iparamdam at ipaalam sa akin na mahal niya ako." Ang sabi ni Milly na tila nawala nanaman sa mundong ibabaw at pumasok nanaman sa kanyang sariling mundo.

"Ah!" ang tanging nasagot ni Cagalli habang tinitingnan ang kaibigan na nananaginip ng gising.

"Ui! Milly!" Ang sabi ni Cagalli habang tinatapik ang kaibigan.

"Oh?" ang tanong ni Milly habang tinitingnan ang kaibigan.

"Eh paano pala yung mag kaibigan na nakita ko kanina?" ang tanong ni Cagalli.

"Cagalli? Anong tanong yan? Ano bang meron dun sa mag kaibigan kanina? Kakilala mo ba iyon?" ang tanong ni Milly.

"Milly pakisagot na lang" ang sabi ni Cagalli.

"Eto lang ang masasabi ko siguro kasi, may gusto yung lalaki dun sa babae, tapos di niya masabi na gusto niya yung babae kaya dinaan na lang niya sa yakap. ." ang sabi ni Milly.

"GANON?" ang sigaw ni Cagalli.

"uhmm, " ang patangong sagot ni Milly.

"Eh dun sa nakita ako kanina parang problemado yung lalaki" ang sabi ni Cagalli.

Talagang nag hihinala na si Milly, di naman ganito ka usisa ang kaibigan niya pag dating sa ibang tao. Siguro may nangyari kay Cagalli na kakaiba.

"Pwede din na baka, nahihirapan lang yung lalaki sa problema niya tapos kailangan niya ng makakausap o makakaramay kaya niya nagawang yakapin yung babae. Pero may narinig ako na pinag uusapan ng mga lalaki dito sa palasyo tungkol sa mga lihim na kahulugan ng mga ganyang yakap eh, siguro mas maganda kung sila na lang ang tanungin mo tungkol jan." ang sabi ni Milly.

"Sige." Ang sabi ni Cagalli na nagsisimula ng mag isip, tungkol sa nangyari sa kanya kanina.

"Oh, nasagot ko na yung tanong mo, yung tanong ko naman! Kelan ka pa nakisawsaw sa buhay ng iba? At pano mo nalaman na magkaibigan lang ang dalawang nakita mo kanina?" ang tanong ni Milly.

"AH! Ah. .ah.. . Milly yung niluluto mo nasusunog na!" ang sigaw ni Cagalli habang nakaturo sa niluluto ng kaibigan. Agad naman nataranta si Milly kung paano niya hahanguin ang kanyang nasusunog na lutuin.

Naisip ni Cagalli na ito na ang pagkakataon para tumakas!

"Milly, parang narinig ko na pinapatawag na ako ni Master Zala, mauna na ako ha!" ang mabilis na sagot ni Cagalli sabay takbo papalayo sa kaibigan bago pa siya bombahin ng tanong ni Milly.

. . . .. . . . . . . . . . .

"Cagalli, pinapatawag ka ni Master Zala." Ang sabi ni Murrue

"Sige po papunta na po" ang sabi ni Cagalli.

"Teka iha! Bakit tila pinagpapawisan ka.?" Ang tanong ni Murrue ng may pag aalala.

"Ah! Mainit po kasi sa loob ng kusina." Ang sabi ni Cagalli.

"Ganon ba? Sige mauna ka na hinihintay ka na ni Master Zala." Ang sabi ni Murrue kay Cagalli.

"Sige po." Ang sabi ni Cagalli sabay yuko.

. . . . . . . . . . . . . . . . .

Pumasok si Cagalli sa opisina ang kanyang amo.

"Maupo ka Cagalli." Ang sabi ni Athrun na nag babasa ng mga dokumento.

Agad na sumunod si Cagalli sa utos ng Master niya.

"Sandali lang, tatapusin ko lang itong binabasa ko." Ang sabi ni Athrun.

Habang nag babasa si Athrun, ay napaisip si Cagalli sa sinabi ni Milly sa kanya. Gusto niyang isipin yung pangalawang sagot ni Milly, siguro ay problemado lang si Shinn kaya siya nagawang yakapin nito. Siyempre medjo nailang ang dalaga sa ginawang kilos ni Shinn, pero di naman niya pwedeng isang tabi ang sitwasyon ni Shinn, alam niyang may problema ang kaibigan at baka kailangan nito ng kausap.

Pero dapat bang humantong iyon sa puntong yakapin siya ng kaibigan? At merong kakaiba sa tingin ni Shinn, di niya masabi kung ano iyon, ang alam lang niya ay parehong pareho iyon sa tingin na binibigay sa kanya ni Athrun.

O baka naman may gusto sa kanya si Shinn? agad na napailing si Cagalli. Hindi tama na bigyan niya ng malisya yung pagkakaibigan nila ni Shinn at isa pa, humingi naman ng pasensya yung tao.

. . . . . . . . . . .

Napansin ni Athrun na tulala si Cagalli at tila malalim ang iniisip, maka ilang beses itong, umiling iling at bawat lumulipas na segundo ay pa kunot ng pakunot ang noo nito kaya tinanong niya kung ayos lang ang dalaga.

. . . .. . . .

"Tapos ka na?" ang tanong ni Athrun. Napatingin naman sa kanya si Cagalli na tila kakabalik lang mula sa kanyang malalim na pag-iisip.

"Sa alin?" ang naguguluhan tanong ni Cagalli.

"Sa pag iisip mo, malalim na malalim ata yan, baka malunod ka." Ang sabi ni Athrun habang humahalumbaba.

"Wala ito." Ang sabi ni Cagalli.

"Sigurado ka?" ang tanong ni Athrun. Tinitigan siya ng dalaga na parang mag tatanong.

"Oo" ang sagot ni Cagalli.

"Cagalli, mag kaibigan na tayo ngayon diba? Pwede kang mag tanong sa akin ng kahit ano." Ang sabi ni Athrun.

"Wala ito Athrun." Ang sabi ni Cagalli.

"Di ako naniniwala." Ang sabi ni Athrun

"Bahala ka kung ayaw mong maniwala, bakit mo ba ako pinatawag dito?" ang tanong ni Cagalli.

"Di ko sasabihin kung bakit kita pinatawag dito hangga't di mo sinasabi sa akin ang problema mo." Ang sabi ni Athrun habang sumasandal sa kanyang upuan.

"Athrun! Labas ka na sa problema ko. Wala namang koneksyon ang problema ko sayo, kaya sabihin mo na kung bakit mo ako pinatawag." Ang sabi ni Cagalli.

Napailing si Athrun sa sinabi ng dalaga.

"Meron Cagalli, di ko makukuha ang atensyon mo kung may bumabagabag sa isip mo." Ang sabi ni Athrun.

"Basta Athrun, wag ka na lang muna magulo." Ang sabi ni Cagalli na mas lalo ng kumukunot ang noo.

"Cagalli, madaya ka din pala!" ang sabi ni Athrun. Agad namang nainis si Cagalli sa sinabi ng binata.

"AKO? MADAYA? ABA! Sumusobra ka na ha!" ang sabi ni Cagalli na napatayo sa kanyang upuan.

"Pag may problema ako nanjan ka, natutulungan mo ako, di naman siguro patas kung di man lang ako makakatulong sa problema mo di ba?" ang sabi ni Athrun.

Oo nga naman hindi naging maramot si Athrun sa problema niya. Siguro naman ayos lang na magsabi sa kanya ng problema, total mag kaibigan na sila, alam niyang mapagkakatiwalaan si Athrun sa mga ganitong bagay, di natin alam baka makatulong din si Athrun.

"Pero mangako ka na walang ibang makaka alam nito." Ang sabi ni Cagalli.

"Oo, pangako" ang sabi ni Athrun.

"Talaga?" ang tanong ni Cagalli.

"Talaga." Ang sagot ni Athrun

"Sige, ganito kasi yon, ano bang ibig sabihin ng mga lalaki pag niyakap nila ang babae ng walang dahilan pero mag kaibigan lang sila?" ang tanong ng namumulang si Cagalli.

Agad namang nagulat si Athrun sa tanong ni Cagalli. Ito na nga bang sinasabi ko,.

"Bakit mo natanong?" ang sabi ni Athrun

"Sasagutin mo ba ang tanong ko o hindi?" ang sabi ni Cagalli.

"Sasagutin ko." Ang sabi ni Athrun na nag sisimula ng mag isip

"Ano?" ang tanong ulit ni Cagalli.

"Siguro, may gusto yung lalaki sa babae." Ang simpleng sagot ni Athrun.

"Eh paano kung problemado yung lalaki tapos bigla niyang niyakap yung babae?" ang tanong ulit ni Cagalli.

"Hmmm siguro nag hahanap lang ng mapagsasabihan yung lalaki ng problema niya. Pero kung mag kaibigan lang sila, di naman tama na bigla-bigla na lang yayakap yung lalaki dun sa babae. Maliban na lang kung may gusto nga talaga yung lalaki doon sa babae." Ang paliwanag ni Athrun kay Cagalli. Naalala niya tuloy yung mga oras na bigla na lang niyang niyakap si Cagalli sa may hardin nung kaarawan ni Mia. Di kaya, iyon ang dahilan kung bakit nag tatanong ngayon si Cagalli? Pero bakit ngayon lang siyang nag tanong? Ang tagal-tagal na non.

"Dapat bang mailang yung babae doon sa lalake?" ang tanong ni Cagalli. Ayaw naman ni Athrun na mailang sa kanya si Cagalli.

"Hindi, dipende, pag pinilit ng lalaki ang sarili niya sa babae doon lang siya dapat mailang lalo na't kung kaibigan lang talaga ang tingin nung babae dun sa lalaki." Ang sabi ni Athrun.

"Ganon ba?" ang sabi ni Cagalli na mas lalong napaisip sa sinagot ni Athrun. Mas maganda na lang siguro kung kusang manggagaling kay Shinn ang sagot sa mga kilos na ginawa niya.

"May tanong ka pa ba?" ang tanong ni Athrun habang tinitingnan ang dalaga.

"Eh paano kung matapos iyon ay hinalikan nung lalaki yung babae sa noo.?" Ang tanong ni Cagalli.

"Ha?" ang pagulat na tanong ni Athrun. Alam niyang niyakap niya si Cagalli , pero dahil sa sobrang tuwa iyon, at siguradong sigurado siya na di niya hinalikan si Cagalli sa noo.

"Ah Wala" ang sabi ni Cagalli na mas lalong namula sa tanong niya.

"Paki ulit Cagalli." Ang sabi ni Athrun

"Wala!" ang sabi ni Cagalli

"Hindi! Yung tanong mo, pakiulit" ang sabi ni Athrun

"Wag mo ng isipin yon Athrun" ang sabi ni Cagalli.

"Ano nga iyon Cagalli." Ang sabi ni Athrun

"Athrun wag mo ng isipin iyon!" ang sabi ng naiinis na dalaga.

"Cagalli!" ang sabi ni Athrun

"NAIINIS NA AKO ATHRUN!" ang sabi ni Cagalli.

"Cagalli sige na sabihin mo na." ang sabi ni Athrun

"ATHRUN! " ang sabi ni Cagalli.

"Mahirap bang ulitin yung tanong mo?" ang sabi ni Athrun

"OO!" ang sabi ni Cagalli.

"Bakit?" ang tanong ni Athrun

"PAANO BA NAMAN KASI! NAKAKAILANG NG ULITIN YUNG TINANONG KO! PARA NA AKONG BALIW DITO KAKAISIP KUNG BAKIT AKO HINALIKAN SA NOO AT NIYAKAP NG KAIBIGAN KO! SA HALIP NA MAKATULONG KA NA MALINAWAN ANG ISIP KO LALO KA PANG NAKAKAGULO." Ang pasigaw na sabi ni Cagalli

"Ikaw yung babae sa tanong mo?" ang tanong ni Athrun. Di siya makapaniwala sa narinig niya, may yumakap kay Cagalli? Alam niyang di dapat siya makaramdam ng ganito, pero parang kinukurot ang puso niya sa sinabi ng dalaga. Kaya pati siya ay napaisip din.

Nagulat naman si Cagalli sa nasabi niya kaya agad siyang napayuko sa kahihiyan.

"Ikuha mo ako ng kape." Ang utos ni Athrun.

"Ano?" ang tanong ni Cagalli.

"Ikuha mo ako ng kape." Ang seryosong utos ni Athrun.

"Pinapunta mo ako dito para kumuha ng kape?" ang tanong ng di makapaniwalang si Cagalli.

"Bakit Cagalli? Di ba yon ang tungkulin mo? Ang sumunod sa bawat utos ko?" ang tanong ni Athrun na bigla nalang nag bago ang awra.

"Athrun ano bang problema mo? Kanina di ka naman ganyan." Ang sabi ni Cagalli.

"Ikuha mo na lang ako ng kape." Ang sabi ni Athrun sa kalmadong tono ng boses.

"Athrun gabi na mag kakape ka pa?" ang tanong ni Cagalli.

"Cagalli, ikuha mo na lang ako ng kape. Wag ka ng madaming tanong. Gawin mo na lang ang trabaho mo. Personal kitang katulong, binabayaran kita para sumunod sa utos ko hindi para mag tanong ng mag tanong" Ang sabi ni Athrun sa kalmado pero galit na boses.

Bigla naman kinilabutan si Cagalli sa tono ng boses ng amo. Inaamin niya, nasaktan siya sa sinabi sa kanya ng amo niya. Siguro ay tama lang iyon dahil sinigawan niya si Athrun kanina, dapat ay inisip pa din niya ang lugar sa pamamahay na ito. Isa nga lang pala siyang hamak na tagapag silbi sa hari ng isang kaharian.

"Sige po mahal na prisepe, pasensya na po kayo sa inasal ko, kukuha na po ako ng kape niyo." Ang sabi ni Cagalli sabay yuko.

Timalikod naman si Athrun at di na hinarap si Cagalli.

Bakit ba naman kasi, ayaw umalis nitong nararamdaman ko. Bakit parang ang sakit sa dibdib? Di ko pa ito nararamdaman kay Mia. Bakit nakakaramdam ako ng . .. ng. . . .

. . . . . . . . . . .

"Yung Athrun na yon, kani-kani lang ang bait-bait tapos ngayon si Sungit nanaman siya! Nakakasar!" ang sabi ni Cagalli habang nagtitimpla ng kape.

"Sinong kausap mo diyan?" ang tanong ni Flay na kapapasok lang ng kusina.

"Lady Flay, wala naman po." Ang sabi ni Cagalli sabay yuko para mag bigay galang.

"May sinasabi ka, tungkol sa sungit at bait-bait?" ang tanong ni Flay.

"Wala po talaga iyon Lady Allster." Ang sagot ni Cagalli

"Sige, bahala ka," ang sabi ni Flay.

"May kailangan po ba kayo dito sa kusina?" ang tanong ni Cagalli.

"Wala naman, napadaan lang ako nang marinig kitang mag salita." Ang sabi ni Flay.

"Ah ganon po ba? Sige po mauna na ako ihahatid ko pa po itong kape kay Master Zala." Ang sabi ni Cagalli na handa ng umalis.

"Sige. Baka pag nakainom na siya ng kape, eh di na siya maging masungit."ang sabi ni Flay habang umaalis

Agad namang napatingin si Cagalli sa likod ng umaalis na dalaga.

"Ano daw?" ang tanong ni Cagalli sa sarili.

. . . . . . . . . . . . . .

"Ito na po ang kape niyo." Ang sabi ni Cagalli habang hinahain ang kape ng amo niya sa mesa.

"Cagalli?" ang tanong ng ngayon ay kalmadong si Athrun.

"Ano po iyon Master Zala?" ang tanong ni Cagali.

Agad namang napapikit si Athrun sa tinawag sa kanya ni Cagalli.

"Cagalli di, ko sinasadya yung sinabi ko kanina." Ang sabi ni Athurn.

"Wala po iyon, sa katunayan ako po ang dapat na humingi ng tawad, mali po ang ginawa ko kanina, dapat po ay matuto akong lumugar." Ang sabi ni Cagalli.

"Wag kang ganyan Cagalli, di ba't magkaibigan tayo?" ang tanong ni Athrun.

"Magkaibigan pa naman po tayo Master Zala. Lumulugar lang po ako." Ang sabi ni Cagalli.

"Cagalli wag ka ng magalit." Ang sabi ni Athrun

"Master Zala madami pa po ako ng gagawin, mas maganda siguro kung sasabihin niyo na po ang dahilan kung bakit niyo ako pinatawag.

Mamaya na lang niya aayusin ito.

"Malapit na kasi ang kaarawan ko,sa araw din na iyon ako kokoronahan, gusto ko sanang tulungan mo si Flay na magplano ng mga bagay-bagay sa darating na okasyon" Ang sabi ni Athrun.

"Kelan po ba iyon gaganapin?" ang tanong ni Cagalli.

"Sa susunod na linggo." Ang sabi ni Athrun.

"Yoon lang po ba?" ang tanong ni Cagalli.

"Yon lang." ang sabi ni Athrun na bigla namang napatayo.

"Sige po mauna na ako." Ang sabi ni Cagalli.

"Cagalli sandali lang." ang sabi ni Athrun habang hinahawakan ang kamay ng dalaga.

"Bakit po Master Zala?" ang tanong ni Cagalli.

"Cagalli naman, wag ka ng magalit, di ko naman sinasadya yung mga nasabi ko kanina." Ang sabi ni Athrun.

"Alam ko naman po iyon Master Zala, kung pwede lang po pakibitawan ng kamay ko, baka may ibang taong makakita sa atin, at baka may kung anong bagay pa silang maisip." Ang sabi ni Cagali habang tinatanggal ang kamay niya sa pag kakahawak ni Athrun.

. .. . . . . . . . . . . . .

"Athrun." Ang tawag ni Flay sa pinsan niya.

"Bakit Flay?" ang tanong ni Athrun sa dalaga. Pumunta si Flay sa opisina ng pinsan dahil di ito kumain.

"Di ka kumain." Ang sabi ni Flay habang umuupo.

"Di ako gutom" ang sabi ni Athrun.

"Wag kang sinungaling." Ang sabi ni Flay.

"Wala ako ng gana." Ang sabi ulit ni Athrun

"Wag kang sinungaling." Ang sabi ulit ni Flay.

"Di ako nag sisinungaling" ang sabi ni Athrun na patuloy na tinitingnan ang buwan mula sa kanyang kinauupuan. Di man lang niya hinarap ang pinsan.

"Wag kang sinungaling." Ang sabi ulit ni Flay.

"Flay," ang sabi ni Athrun

"Athrun?" ang sabi ni Flay.

"Flay." Ang sabi ulit ni Athrun.

"Athrun. . ." ang sabi ulit ni Flay.

"Flay!" ang sabi ni Athrun na di pa rin tinatanggal ang tingin sa buwan.

"Sige ka Athrun kung ayaw mo ng sabihin aalamin ko na lang." ang sabi ni Flay.

"Wag mong subukan!" ang sabi ni Athrun.

"Talaga? Panoorin mo ako!" ang sabi ni Flay.

Agad namang huimarap si Athrun sa pinsan niya.

"Flay, ilang beses ko ba sasabihin sa iyo na wag mong gagamitin yang kakayahan mo?" ang tanong ni Athrun.

"HUH! Athrun, ano naman masama kung gamitin ko ang kakayanan ko na makita ang nangyari kahapon ngayon at bukas? Eh ayaw mo namang sabihin kung bakit ka ganyan." Ang sabi ni Flay.

Kaya ni Flay makita ang nangyari kahapon, kanina,ngayon at bukas. Ngunit hanggang doon lang iyon, di na niya kayang makita ang mangyayari sa susunod na araw. Tulad ng kay Cagalli limitado din ang kapangyarihan ni Flay, sa tuwing gagamit siya ng kapangyarihan niya ay nababawasan din ang araw niya sa mundong ito.

"Kasi nababawasan ang buhay mo sa tuwing gagamit ka niyan! Mamaya bigla ka nanamang himatayin." Ang sabi ni Athrun.

"Sige, pero sabihin mo muna sa akin kung bakit ka ganyan." Ang sabi ni Flay.

"Wag kang matatawa." Ang sabi ni Athrun

"Depende." Ang sabi ni Flay.

"Nagka usap kami ni Cagalli kanina, naikwento niya na may yumakap sa kanya at humalik sa noo, tapos di ko alam kung anong nangyri pero, parang kinukurot ang puso ko at biglang nanlamig ang katawan ko, kaya nasabihan ko siya ng di magagandang salita. Di ko din alam kung bakit ako biglang nagalit" Ang sabi ni Athrun

"Ah! Sa madaling salita nag selos ka." ang sabi ni Flay habang tinitingnan ang kanyang kuko sa kamay.

"Ako? Di ah! Nagulat lang ako." Ang agad na depensa ni Athrun.

"Bakit grabe ka kung makadepensa?" ang sabi ni Flay.

"Ha?" ang tanong ni Athrun na agad na namula.

"Nagseselos ka nga." ang sabi ni Flay na parang iyon na ang pinaka halatang bagay sa mundo.

"Sa tingin mo?" ang tanong ni Athrun.

"Di lang sa tingin ko. Dahil talagang nagseselos ka nga." Ang sabi ni Flay.

"Hay!" ang sabi ni Athrun na napaupo na lang sa upuan.

"Kung ako sayo, kikilos na ako nang mabilis." Ang sabi ni Flay,

"Anong ibig mong sabihin?" ang tanong ni Athrun.

Tumayo si Flay at kibit balikat na umalis sa opisina ni Athrun.

. . . . . . . . . .

"Nakuha mo na ba ang libro Shinn?" ang tanong ng isang lalaki na naka kapa.

"Hindi pa, bigyan mo pa ako ng oras." Ang sabi ni Shinn.

"Alam mong kailangan mo ng mag madali Shinn, kumakalat na ang lason." Ang sabi ng lalaki.

"Oo. Alam ko iyon." Ang sabi ni Shinn sa lalaking kausap.

"Siguraduhin mo lang, dahil maraming mamamatay pag di mo nakuha ang libro na yon" ang sabi ng lalaki.

"OO, alam ko ang mga dapat ko ng gawin, umalis ka na pwede ba?" ang pasigaw na sabi ni
Shinn sa lalaki.

"Tumatakbo ang oras Lord Asuka." Ang sabi ng lalaki bago ito nawala.

. .. . . . . . . . . . . .

"Milly? Milly!" ang pasigaw na sabi ni Cagalli kay Milly na hinimatay sa sahig ng kwarto nila.

Inangat niya ang manggas ng damit ni Milly at nakita niya ang napakaraming pantal at yung iba ay nagsusugat na.

"Lason." Ang sabi ni Cagalli sa sarili. Alam niya ang lason na ito. ito ay nanggagaling sa halaman na nilibing niya nung mga nakaraan linggo. Tatlong linggo bago lumabas ang sintomas ng lason na ito, pero halos mag iisang buwan palang sila sa palasyo. Siguro ay nakakuha si Milly ng matapang na lason kaya siya nagkaganito. Kailangan na niyang gumamit ng mahika.

Agad na hinanda ni Cagalli ang kanyang mga kagamitan at sinimulan ang kanyang mahika.

" Sirpentel monarkil apater de solbenta."

Agad na lumabas ang asul na apoy sa kanyang mga kamay. Agad niyang hinalo ito sa inumin na ginawa niya. Pinainom niya ang natutulog na dalaga ng gamot at makalipas lang ang ilang segundo ay nawala na ang mga pantal sa katawan ni Milly.

Agad namang nahilo si Cagalli at biglang sumikip ang kanyang dibdib. Kaya minabuti na lang niyang maupo at bantayan ang kaibigan buong gabi.

"Lagot ako nito kay Milly bukas. Pero mas mabuti na ito kesa pabayaan ko ang kaibigan ko." Ang sabi ni Cagalli sa sarili.

. . . . . . . . . . . . .

(makalipas ang limang araw)

"Hay salamat at naayos na din ang lahat" ang sabi ni Flay habang nagpapaypay ng sarili. Katatapos lang nila Flay at Cagalli mag plano para sa kaarawan ni Athrun.

"Cagalli." Ang tawag ni Flay kay Cagalli na nakatingin sa mga bulaklak sa hardin.

"Kumusta na kayo ni Athrun?" ang tanong ni Flay.

Sa mabilis na pag lipas ng araw ay mas lalong naging malapit si Cagalli at si Flay, madalas silang mag usap, di lang tungkol sa pag plapalno pati maging sa mga ilang bagay-bagay din.

"Ayos lang naman." Ang sabi ni Cagalli.

"Alam mong ibig k ng sabihin Cagalli." Ang sabi ni Flay.

"Hay, Nilulugar ko lang ang sarili ko Flay, mahirap na." ang sabi ni Cagalli.

"Ganon pala eh, eh bakit mo siya iniiwasan? Di ba kaibigan ka niya? Bakit di ka lumugar ng ayos at maging kaibigan na lang sa pinsan ko?" ang tanong ni Flay.

"di kita maintindihan" ang tanong ni Cagalli.

"Cagalli, di ka lang kasambahay dito, kaibigan ka din ni Athrun, sabi mo lumulugar ka lang, di ba't dapat lumulugar ka sa tama mo ng kalagyan? Bilang kasambahay at kaibigan? Bakit nawawala yung parte mo bilang kaibigan ni Athrun?" ang tanong ni Flay.

"Flay. . ." ang sabi ni Cagalli na bigla na lang napaisip.

"Pag isipan mo nga yan Cagalli." Ang sabi ni Flay.

. . . . . . . . .

Halos lahat ng tao ay di magkamayaw sa pakikipagsiksikan para makita kung sino ang taong dumaan sa kanilang bayan

"Ang mahal na prinsepe"

"Makisig pa rin siya"

"Marahil ay pupunta nanaman siya sa bahay ampunan"

"Napaka buting bata"

"Napaka galing na pinuno"

"Mahal na prinsepe! Pakasalan mo na ako"

"Mahal na prinsepe! Dumaan ka naman sa bahay ko!"

ang daming sigawan, ang daming tilian sa bayan, wala namang magawa si Athrun kundi ngumiti na lang.

naisipan niya kasi na dumaan sa bahay ampunan para kumbidahin ang mga bata na mag tanghal sa kanyang kaarawan. Malapit sa puso ni Athrun ang mga bata, lagi silang may espisyal na puwang sa kanyang buhay.

Bawat isa ay tinuturing niyang parang kapatid at ganon din ang mga bata sa kanya.

"Nanjan na ang mahal na prinsepe!" ang sigaw ng isang bata habang tumatakbo.

Agad na napatawa si Athrun nang makita niya ang grupo ng mga bata na nagsi takbuhan para salubugin siya. Agad siyang bumaba sa kanyang kabayo.

"MAHAL NA PRINSEPE!" ang sabi ng batang may kulay rosas na buhok, habang tumatakbo kay Athrun. Agad naman sinalo ni Athrun ang bata na bigla na lang tumalon para yakapin ang binata.

"Kumusta Lacus?" ang tanong si Athrun sa apat na taong gulang na bata.

"Ayos lang po ako Mahal na Prinsepe." Ang sabi ni Lacus na buhat-buhat ni Athrun.

"Mabuti." Ang sabi ni Athrun. Sa lahat ng mga batang nandito si Lacus ang pinaka malapit sa kanya, kahawig kasi ito ng kanyang yumaong kasintahan at tanging sa kulay lang ng buhok sila nagkaiba

"Mahal na prinsepe?" ang tanong ni Lacus .

"Bakit?" ang tanong ni Athrun?

Nalapit ni Lacus ang kanyang labi sa tenga ni Athrun sabay bulong nang. .

"Kelan niyo po ako pakakasalan?" ang tanong ni Lacus. Tiningnan siya ni Athrun at walang ka ano-ano'y napahalakhak si Athrun.

Naguguluhang tumingin sa kanya ang bata. Para sa isang apat na taong gulang na bata. Di pa malinaw sa kanya ang dahilan kung bakit natawa ang mahal na prinsepe. Ano bang nakakatawa sa sinabi niya? Di bat ang kasal, ay tungkol sa pag gawa ng pamilya? Gusto lang naman niyang maging kapatid si Athrun, may nakakatawa ba doon?.

"Mahal na prinsepe! Ako din kargahin mo!" ang sabi ng mga di mag kamaliw na mga bata.

"Sige-sige" bumaba si Athrun para maabot siya ng mga bata, dalawang batang sumabit sa kanyang magkabilang braso, meron sa likod, meron sa bewang, meron din sa mag kabilang hita. Tuwang tuwa ang mga bata na parang unggoy na nagsipag sabitan kay Athrun.

Nagsimulang tumakbo si Athrun habang hinahabol siya ng iba pang mga batang hindi nakasabit sa kanya.

"Mga bata, bumaba kayo jan, kawawa naman ang mahal na prinsepe." Ang sabi ni Caridad. Ang taga pamahala ng bahay ampunan.

Agad namang nagsi pag babaan ang mga bata at nagsimulang mag habulan

"Pasok ka Athrun." Ang sabi Caridad.

"Salamat." Ang sabi ni Athrun habang pumapasok sa loob ng bahay ampunan.

"Anong pakay mo dito Athrun?" ang tanong ni Caridad.

"Gusto ko lang sana imbitahin ang mga bata na magtanghal sa aking kaarawan." Ang sabi ni Athrun

"Naku, labis na ikatutuwa ng mga bata yan, pihado pag nalaman nila yan, ay agad nilang kukunin ang kanilang instrumento sa pag tugtog at magsisimulang mag ensayo." Ang sabi Caridad.

Namalagi muna nang sandali si Athrun sa bahay amunan para makipaglaro sa mga bata. Bago siya umalis para umuwi.

Agad naman niyang naisip si Cagalli.

. . . . . . . . . . .

"Hay. . . . . . . . ."

. . . . . . .

Okies!tapos na ang chaper nine! Wahaahahaha minamadali ko na para makaabot na ako sa climax,. Well malapit na yung exciting part! Mas maguguluhan na kayo.

Cute-cute ni lacus! Wahahahahaha

Well throw me some love!