Disclaimer: i do not own gs or gsd
To my loving fanfiction friends: Kkornelia, rynne marge , lie , angel90876
and to my silent readers,
natuwa ako nung nabasa ko yug reviews nila lei at angel90876, di ko akalain na bukod sa dalawa kong bagong kaibigan eh nadagdagan pa ako nang mga reviewers. Balak ko sanang tapusin na itong story na ito sa isang BANG! Then, biglang nabago yung isip ko. Thank you guys! Nakaka touch!
Okay, mag papasok na muna ako nang ilang mga characters ha!^^
. . . . . . . . . . . .
Gayuma. Totoo nga bang kaya nitong lasunin ang puso't isipan ng isang tao? Kaya ba nitong takpan ang totoong sinisigaw ng puso? Sagot ba ito sa mga pusong sawi?.
. . . . . . . . . . . . . .
"Grabe ang sakit ng ulo ko." ang sabi ni Athrun habang bumabangon sa kama.
Marahan siyang tumayo habang hawak-hawak ang ulo niya. Di niya alam kung anong nangyari kung bakit ganito na lang kasakit yung ulo niya, parang binibiyak, natulog naman siya nang maaga, di naman siyang uminom nang alak, pero bakit ganito na lang kalakas ang tibok nang pulso niya sa kanyang sentido.
Tumingin siya sa kanyang bintana at napansin niya na nag sisimula nang mag bukang liwayway. Masakit man o hindi ang ulo niya kailagan pa rin niyang pumunta sa punong palasyo para asikasuhin ang ilang mga bagay.
. . . . . . . . . . . . . . . . . .
"Myrna, ihahatid ko lang itong dayami sa rancho nang mga kabayo, di ko kasi makita si Dearka, tulog pa ata." Ang sabi ni Murrue habang binibitbit ang mga dayami na naka kumpol sa likod nang pintuan sa may kusina.
"Marahil nga siguro ay tulog pa iyon, maaga pa naman mag aala singko pa lang nang umaga, kailangan mo ba nang tulong jan?" ang tanong ni Myrna, habang nag lilinis nang kusina.
"Hindi kaya ko na ito, sandali lang naman ako." ang sabi ni Murrue.
Oo nga naman, ala singko palang nang umaga ito ang oras kung kailan nag hahanda palang ang ilang mga tauhan sa loob nang palasyo.
Inayos ni Murrue ang pag kakalagay niya sa mga dayami, naisipan na din niyang linisin ang rancho nang mga kabayo at palitan ang inuming tubig nito.
Tahimik siyang nag tratrabaho nang maka rinig siya nang yabag ng paa. Agad niyang kinuha ang katabing pala at nag kunwaring pinapala ang mga dumi nang mga kabayo. Maganda na ata ang handa.
"Murrue, di mo na kailangan yang pala." Ang sabi ng isang boses.
Medyo may kadiliman pa sa kapaligiran kaya di masyadong maaninag ni Murrue ang mukha nang lalaking naka kapa.
Agad na nilingon ni Murrue ang lalaking nasa bukana nang pinto. Kilala niya ang boses na iyon, kilalang-kilala. Alam niya kung sino iyon, dilat man o pikit ang kanyang mga mata. Sa puntong ito ay alam niyang wala siyang takas, nasa bukana ng pinto ang lalaking naka kapa, at ang pintong iyon lang ang tanging paraan para maka alis siya sa lugar na ito.
"Anong kailangan mo?" ang tanong ni Murrue, na nag iisip pa din kung paano siya makakatakas sa kanyang kinalulugaran.
"Murrue, alam mong di ka makakatakas sa akin, gusto ko lang kumustahin ang mga bata, ah, mali pala, dalaga na nga pala sila ngayon." Ang sabi nang lalaki.
"Tigilan mo na sila, tahimik na ang buhay nila, wag mo na silang guluhin pa!" ang sabi ni Murrue na humihigpit ang hawak sa pala.
"Tsk. . tsk. . .tsk, Murrue, Murrue, di mo pa rin naiintindihan hanggang ngayon? Nasan na ang dating asawa ng Kapitan nang sandatahan ng Plans, yung matalinong si Murrue Ramius? " ang sabi nang lalaki na tila tuwang-tuwa sa nagiging reaksyon ni Murrue.
"Di ako nakikinig sa mga sinasabi mo." Ang sabi ni Murrue, na nag pupuyos na sa galit.
Agad namang tumawa ang lalaki, malalim at nakakakilabot na tawa.
"Di ka nakikinig? Wag na tayong mag lokohan Murrue! Ah, siguro kaya di ka na din maalala nang dati mong asawa ay dahil di ka na rin nakikinig sa kanya!" ang sabi ng lalaki.
"Di niya ako maalala, dahil sa kagagawan mo!" ang sabi ni Murrue
"Ako? Murrue, pwede ba! Wag mo na akong sisihin pa! alam nating dalawa na di ka nakinig sa akin! Sabi ko naman sayo sundin mo lang ang mga utos ko! Tingnan mo ang nangyari." Ang sabi ni nang lalaki na nag sisimula nanamang tumawa.
"Wag kang mag tatangkang lumapit sa kahit kanino man sa kanila, dahil sinasabi ko sayo, papatayin kita!" ang sabi ni Murrue na handa nang umatake.
Mas lalo namang humalakhak nang tawa ang naka kapang lalaki.
"Magaling Murrue, tumapang ka na pala! Magaling talaga! Tunay na mahusay! Nasan ang tapang mo nung kinailangan ka nang dati mong asawa? Nasan yang tapang mo nang tanggalan ka nang titolo bilang isa sa mga dugong bughaw? Nag lolokohan na lang ata tayo Murrue. Ikaw na isang dating maharlika na ngayon ay isang hamak na katulong na lang." ang sabi nang lalaki na patuloy pa din ang pag tawa habang pumapalakpak.
"Baliw ka na." ang sabi ni Murrue, galit na galit, sa mga pang iinsultong narinig niya.
"Matagal ko ng alam yan, Murrue, ikaw ba? Alam mo na din ba na nababaliw ka na?" ang tanong nang lalaki.
"Anong sinabi mo?" ang sabi ni Murrue na sa isang iglap ay biglang nawala ang lalaking kausap.
"Binibining Murrue sino po ang kausap niyo?" ang tanong ni Dearka kararating lang sa rancho.
Agad namang napaupo si Murrue, nanginginig at umiiyak. Nataranta si Dearka at dali-daling tumakbo sa tabi ni Murrue.
"Binibining Murrue? Ano pong nangyari?" ang tanong ni Dearka.
Umiling-iling na lang si Murrue at nag punas ng luha.
"Wala Dearka, gusto ko sanang mangako ka, na atin-atin lang itong nakita mo." Ang sabi ni Murrue habang hinahawakan ang binata sa mag kabilang braso.
"Pero.." ang sabi ni Dearka.
"Mangako ka Dearka." Ang sabi ni Murre. Walang nagawa si Dearka kundi ang tumango.
"Sige, pupunta na muna ako sa aking silid." Ang sabi ni Murrue, na bigla na lang nanghina dahil sa nangyari.
"Gusto niyo po bang ihatid ko kayo?" ang tanong ni Dearka.
"Wag na, kaya ko na ang sarili ko." Ang sabi ni Murrue na nag lalakad papunta sa kanyang kwarto.
. . . . . . . . . .. . . . . . . . .
Nagising si Cagali dahil sa patuloy na tunog nag isang paa na tumatapik sa sahig.
Pumaling siya kung saan nanggagaling ang tunog, dinilat niya ang kanyang mga mata, at yun, nakita niya ang isang galit na galit na Milly, nakatayo at nakatingin sa kanya.
"Magandang umaga." Ang bati ni Cagalli habang umuupo sa kanyang kama.
"Magandang umaga din naman Cagalli." Ang matigas na sabi ni Milly.
"Milly, may ginawa nanaman ba akong kasalanan?" ang marahan na tanong ni Cagalli. Nag iingat na baka masigawan siya nang kaibigan.
"Wala naman Cagalli, NATURAL MERON!" ang sabi ni Milly na pinanlilisikan ng mata ang bagong gising na kaibigan.
"Milly, aga-aga, mas mataas pa sa tilaok ng manok ang boses mo." Ang sabi ni Cagalli habang kunwari'y tinatakpan ang kanyang tenga.
Umupo si Milly sa tabi ni Cagalli, at niyakap niya ang kaibigan.
"Milly?" ang tanong ni Cagalli, na nagulat na lang sa ginawa ni Milly.
"Bakit mo ba ako laging pinag aalala Cagalli? Di ba sinabi ko naman sa iyo na wag mong gamitin ang mahika mo? Alam mo ba kagabi, tinalo ko pa ang mga kabayo sa pabilisan ng pag takbo nung malaman ko na masama ang pakiramdam mo." Ang sabi ni Milly.
"Milly, ayos lang ako." ang sabi ni Cagalli, na tila nakokosensya sa nangyari kay Milly.
"Ilang beses na ba kitang, pina aalalahanan? Wag mo nang hasain ang kakayahan mo sa pag gamit niyan, magaling ka na Cagalli pag dating sa larangan ng pag gamit niyan, Ikaw na lang ang natitira kong pamilya, di ko kakayanin pag may nangyari sa iyong masama." Ang sabi ni Milly na malapit ng umiyak.
"Wala namang mangyayari sa aking masama Milly, maniwala ka." Ang sabi ni Cagalli na kinakabahan dahil baka siya pa ang dahilan kung bakit iiyak nanaman si Milly.
"Kahit na, maganda pa rin ang nag iingat, at isa pa tingnan mo yang buhok mo! Grabe ka! Pinutol mo! Ano bang pumasok sa isip mo at ginupit mo yan?" ang tanong ni Milly na hinahawakan ang dulo ng buhok ni Cagalli.
"Wala lang, nahihirapan na kasi akong ayusin ang buhok sa umaga." Ang sabi ni Cagalli na wala ng maisip na ibang palusot.
"Sana, humingi ka ng tulong ko, alam mo naman na kahit ano pa yan, handa akong tumulong." Ang sabi ni Milly.
Niyakap ni Cagalli nang mahigpit ang kanyang kaibigan,kababata at kapatid.
"Napaka swerte ko talaga at nabigyan ako ng kapatid na tulad mo." Ang sabi ni Cagalli.
"Cagalli talaga." Ang sabi ni Milly.
Matapos yon ay nag ayos na ang dalawa at nag tungo na sa kani-kanilang gawain.
. . . . . . . . . . . .
"Ano ba namang ulo ito." Ang sabi ni Athrun sa sarili habang binubuksan ang pinto.
"Master Zala, handa na po pala kayo, mabuti pa po ay magtungo na kayo sa hapag kainan." Ang sabi ni Cagalli.
Sa sobrang sakit nang ulo ni Athrun ay di na niya napansin si Cagalli, ang taning alam na lang niya ngayon ay kung paano maalis itong, pahamak na sakit sa ulo niya.
Wala namang nagawa si Cagalli kundi sumunod sa kanyang amo na panay ang ungol tungkol sa kanyang nararamdaman.
"Tumalab kaya?" ang tanong ni Cagalli sa sarili
. . . . .. . . . . . .
"Magandang umaga Athrun." Ang bati ni Flay matapos niyang halikan si Athrun sa pisngi.
"Magandang umaga din sa iyo Flay." Ang sabi ni Athrun na hanggang ngayon ay hawak-hawak pa din ang kanyang sentido.
"Mukhang di ata maganda ang pakiramdam mo?" ang tanong ni Flay habang humihigop nang kape.
"Ayos lang ako, kaya lang, sobrang sakit talaga ng ulo ko." Ang sabi ni Athrun
"Naku, pabunot mo, bata ka pa naman tutubo pa yan!" ang sabi ni Flay.
"Flay!"ang sabi ni Athrun na ngayon ay naka ubob na sa mesa.
"Athrun, masama yang ginagawa mo, nasa harapan ka ng pag kain wag kang umubob!" ang sabi ni Flay.
"Saglit lang." ang sabi ni Athrun.
"Eto, inumin mo, para sa iyo yan, baka matanggal ang sakit ng ulo mo, kanina pa kitang naririnig na dumadaing sa kwarto mo nung dumaan ako." ang sabi ni Flay habang inaabot ang isang inuming gamot.
"Salamat." Ang sabi ni Athrun na agad na inubos ang mapaklang inumin.
"Ano? Kumusta ang pakiramdam mo?" ang tanong ni Flay.
"Medyo nawawala na, saan mo nakuha ang gamot na iyan?" ang tanong ni Athrun habang tumitingin sa pinsan.
"Binigay sa akin ni Cagalli yan, nung mga panahong nag plaplano kami para sa kaarawan mo." Ang sabi ni Flay, na ngayon ay tumitingin sa kapapasok pa lang na dalaga, bitbit ang ilang pag kain.
Ngumiti naman si Flay kay Cagalli.
"Magandang umaga, Cagalli." Ang bati ni Flay ng may ngiti.
"Magandang umaga din sa iyo, Lady Allster." Ang sabi ni Cagalli.
"Sumabay ka na sa amin, Cagalli." Ang sabi ni Athrun habang, hinahanda ang sarili sa pag kain.
Napatingin si Cagalli kay Athrun,
Di man lang siya nginitian? Marahil ay tumalab nga sumpa na ginawa niya,
. . . . . . . . . . . . . .
"Shiho, para ka naman tuod jan. Hanggang ngayon pa ba naman, ay di mo pa rin ako pinapansin? Kung inaakala mo na susuyuin kita, nag kakamali ka" ang sabi ni Yzak na nag susulat sa kanyang mesa, sa loob ng opisina niya sa may punong palasyo.
Malakas na binalibag ni Shiho ang mga papeles na kailangan na pirmahan ni Yzak.
"ANAK NANG! Tingnan mo yung ginawa mo? TINGNAN MO! Kumalat yung tinta sa papel na sinusulat ko!" ang pasigaw na sabi ni Yzak.
Matikas na tumayo si Shiho sa harap ni Yzak.
"Ano? Tatayo ka na lang jan?" ang sabi ni Yzak habang taas, baba niyang tinitingnan ni Shiho.
Di pa rin nag salita si Shiho.
"Alam mo Shiho, wala akong panahon sa mga kaartehan mo, di mo ba nakikita? Ang dami kong ginagawa?" ang sabi ni Yzak.
Nanatili pa din si Shiho sa pwesto niya.
"Nakaka pagod ka na Shiho! Di ko na alam kung anong gusto mo!" ang sabi ni Yzak habang pinapadaan ang kanyang kamay sa kanyang buhok.
Yumuko si Shiho.
"SHIHO ANO BA? Para kang . . .argghhhh ANO BANG PROBLEMA MO?" ang tanong ni Yzak na ngayon ay hinahawakan si Shiho sa magkabilang braso nito at doon na lang niya napansin na
May luhang pumapatak sa sahig.
Agad na napaatras si Yzak sa kanyang kinatatayuan.
"Wag mo akong tingnan." Ang sabi ni Shiho, na patuloy pa din sa pag iyak.
"Shiho, bakit ba?" ang tanong ni Yzak, na ngayon ay di na alam ang kanyang gagawin. Ngayon lang niyang nakita na umiyak si Shiho sa harap niya.
"Alam mo naman kung bakit Yzak. Galit ako Yzak! Kasi nakita ko kayo, kakaiba ang tinginan niyo, masaya ka Yzak, ni di mo siya kayang sigawan tulad nang ginagawa mo sa akin ngayon. Napapagod ka na di ba? Bakit di mo na lang sabihin sa akin nang diretcho na , ayaw mo na? sa tingin mo Yzak ikaw lang ang napapagod? Malinaw sa akin ang lahat nung pumasok tayo sa relasyon na ito at hanggang ngayon ay klarong-klaro pa rin sa isipan ko, ikaw Yzak, maliwanag pa din ba sayo kung ano tayo? Sinabi mo sa akin mahal mo ako, binulong mo sa akin na tapos na kayo, pero bakit ganon Yzak? Nung nakita mo siya, kitang-kita ko sa mata mo na nag dududa ka na sa mga sinabi mo sa akin, babae ako Yzak, tao ako, nasasaktan din ako, di ako tanga at lalong-lalo nang DI AKO TUOD!" ang sabi ni Shiho sabay takbo.
Agad namang nabangga si Shiho sa dumadaan na mahal na hari.
"Binibining Shiho. Bakit ka umiiyak?" ang tanong ni Athrun na tinutulungang makatayo ng maayos ang dalaga.
"Ayos lang po ako mahal na hari, ipagpaumanhin niyo, pero kailangan ko na pong umalis." Ang sabi ni Shiho, na kumaripas naman ng takbo.
. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
"Dapat lang natin na bigyan nang pantay na pag tingin ang mga taong naaapektuhan ngayon nang lason, gayong alam natin na lihitado pa tayo sa impormasyon kung paano ito masususpil, sa ganitong paraan mapapakita din natin ang pantay-pantay na pag trato sa mga tao mayaman man o mahirap" ang sabi ni Yzak habang nilalatag ang mga papeles sa harap ng mga konseho.
"Pero Ginoong Jule, paano yung mga mas dapat na bigyan ng atensyon? Alam ko na maganda na maging pantay-pantay tayong lahat,oo naniniwala ako doon,ngunit sa kalagayan natin ngayon, ay di naman makatarungan kung, bibigyan pa din natin ng parehong alaga ang mayayaman at mahihirap, dahil hindi naman iyon ang dapat nating tingnan, dahil sa puntong ito ay mas kailangan natin ang katarungan kesa sa pag kakapantay-pantay,katarungan para sa mga nasa bingit na nang kamatayan, katarungan na mas mabigyan sila nang lubos na atensyon, kailangan nating pag tuunan ng pansin ang mga may malubhang kalagayan at patuloy na bigyan ng pantay na alaga ang mga naaapektuhan, dahil magiging pantay-pantay lang tayo pag pantay-pantay din ang pag bibigay ng katarungan, tama ba ako ginoong Jule.?" Ang sabi ni Athrun sa kanyang kaibigan, napansin niya na kanina pa ata tulala si Yzak, marahil ay may kinalaman ito kay Shiho.
Agad na kumalat ang mga bulung-bulungan sa loob ng silid at lahat ay nag sipag sang ayunan sa sinabi ng mahal na hari.
"Hanggang dito na muna ang ating pag pupulong, marahil ay pagod na kayong lahat, halos tatlong oras na tayong nag pupulong, Ginoong Jule, nais sana kitang makausap sa aking opisina." Ang sabi ni Athrun habang umaalis sa silid pulungan.
Matapos na ayusin ni Yzak ang kanyang mga papeles ay nag tungo na siya sa opisina ng mahal na hari.
"Mahal na hari?" ang tanong ni Yzak habang sinasara ang pintuan kung saan siya pumasok.
"Yzak, anong nangyari sa iyo kanina?" ang tanong ni Athrun.
"May iniisip lang ako." ang sabi ni Yzak na hanggang ngayon ay malalim pa din ang iniisip.
"Si Shiho at si Flay ba?" ang tanong ni Athrun.
Di sumagot si Yzak, pero base sa reaksyon niya ay tama ang hinala ni Athrun.
"Sinabi mo kanina na kailangan nating nang pagkakapantay-pantay, pero Yzak, sa buhay hindi lahat ng bagay ay pwedeng pantay-pantay. Merong nagsabi sa akin, na para makahakbang ka sa kinabukasan mo, kailangan mong alamin kung anong gusto mo, Yzak ano ba ang gusto mo?" ang tanong ni Athrun.
"Athrun, Magulo ang lahat, nahahati na ang nararamdaman ko." Ang sabi ni Yzak.
Ngayon lang nakita ni Athrun na mag kaganito ang kanyang tigasing kaibigan dahil sa pag-ibig, nakikita niya tuloy ang kanyang sarili kay Yzak. Gulong-gulo at di na alam ang gagawin.
"Alam ko Yzak, wala ako sa posisyon para mag salita sa iyo, kasi puso mo yan, ikaw lang ang makaka alam ng sagot sa mga tanong mo, wala akong maiibigay na payo sayo bilang kaibigan dahil maging ako, ay nahihirapan pag dating sa usapang pag-ibig. Ang masasabi ko na lang ay, mag laan ka nang oras para mag-isip." Ang sabi ni Athrun.
Tumango na lang si Yzak sa sinabi ng kaibigan.
"Mahal na hari nandito na po si Lord Asuka." Ang sabi ni Carleen, habang kumakatok sa pintuan.
"Aalis na ako Athrun, marami pa akong gagawin." Ang sabi ni Yzak sabay yuko sa mahal na hari.
"Sige." Ang tanging nasabi ni Athrun.
Sa pag labas ni Yzak ay siyang pag pasok naman ni Shinn.
Mabilis namang nag salubong ang kilay ni Athrun.
"Shinn, maupo ka." Ang sabi ni Athrun
"Pinatawag niyo daw po ako." ang sabi ni Shinn habang umuupo.
Inayos ni Athrun ang tingin sa kaibigan. Kahit may lihim na sama nang loob si Athrun kay Shinn ay di pa rin niya magagawang itapon ang kanilang mga pinag samahan.
"Kumusta na ang iyong, pag iimbistiga.?" Ang tanong ni Athrun habang nilalagay niya ang kanyang baba sa kanyang mga kamay na nakatuon sa mesa.
"Sa ngayon po ay wala pa, masyadong malalim ang gawaing binigay niyo sa akin." Ang sabi ni Shinn na tinititigan si Athrun sa mata. Di naman siya bulag, alam niyang may pakay ang mahal na hari kay Cagalli.
"Nakakagulat naman isipin na maging ikaw, isa sa pinaka magaling na imbistigador ay wala pa ding nahahanap ngayon." Ang sabi ni Athrun.
"Wala po akong magagawa, kung talagang magaling ding mag tago ang may pakana nito." Ang sabi ni Shinn.
"Siguro nga Shinn, nahanap mo na ba ang ahas sa loob nang kaharian ko?" ang tanong ni Athrun.
"Hindi pa po." Ang sabi ni Shinn.
"Talaga Shinn? parang nakakapanibago ka naman ata, kahit isang ebidensya ay wala ka pa ding nahahanap?" ang sabi ni Athrun, sa bawat minuto na nakikita niya si Shinn, ay naaalala niya ang nangyari nang gabi ng kanyang koronasyon.
"Di ko po ata gusto ang tono ng pananalita niyo mahal na hari." Ang sabi ni Shinn sa mahal na hari
"Nag tataka lang ako, yun lang, alam mo naman kasi na galit ako sa mga ahas. Kaya gusto ko nang masupil ang taong nasa likod nito. Di kaya ay may tinatago ka Shinn? o kaya pinag tatakpan? Bakit ganyan na lang ang reaksyon mo?" Ang sabi ni Athrun, na di na mapigilan ang mga salitang matagal na niyang gustong sabihin.
"Pinag bibintangan mo ba ako?" ang sabi ni Shinn na bigla na lang napatayo sa kanyang kinauupuan.
"Wala akong sinabing ganyan." Ang sabi ni Athrun na, nananatili pa ding kalmado.
"Di ako tanga mahal na hari." Ang sabi ni Shinn na nag pupuyos na sa galit.
"Alam ko, at di ka din makitid ang utak." Ang sabi ni Athrun na di pa din umaalis sa kanyang upuan.
"May kinalaman ba ito kay Cagalli? Kaya ganyan ka na lang kung makapagsalita?" ang tanong ni Shinn.
Agad na nanlaki ang mata ni Athrun.
"Wag mong idadamay si Cagalli sa usapan natin, wala siyang kinalaman dito. Wag mong baguhin ang usapan Shinn, dahil alam ko ang mga lihim mong gawain." Ang sabi ni Athrun
"Talagang, pinag bibintangan mo ako?" ang sabi ni Shinn na di na napigilang tumaas ang boses.
"Ikaw ang nag sabi niyan." Ang sabi ni Athrun.
"Aalis na ako mahal na hari, kung wala ka nang ibang sasabihin." Ang sabi ni Shinn na handa nang umalis
Agad na tumayo si Athrun.
"Shinn! di pa ako tapos sayo." Ang sabi ni Athrun
Humarap si Shinn na naka ngisi kay Athrun
"Walang nag didikta sa akin kung tapos na ba akong makipag usap sa isang tao." Ang sabi ni Shinn.
"Binabastos mo ba ako?" ang tanong ni Athrun na nag titimpi sa kanyang kinatatayuan.
"Nauna ka mahal na hari, aalis na po ako, kamahalan" ang sabi ni Shinn nang may pangungutya sa bawat salita.
"Wag ko lang makikita ang dumi mo Shinn, dahil di ako mag dadalwang isip na parusahan ka, kaibigan man kita o hindi." Ang sabi ni Athrun na pinipilit na maging kalmado.
Agad na tumawa si Shinn.
"Kaibigan? Kamahalan? Kaibigan? KALOKOHAN!" ang sabi ni Shinn habang hawak-hawak ang bukasan ng pintuan.
"SHINN!" ang sabi ni Athrun.
Humarap si Shinn kay Athrun at tinitigan niya ito gamit ang kanyang matatalim na mata
"Ah! May isa pa pala akong nakalimutan kamahalan, tungkol kay Cagalli." Ang sabi ni Shinn
Napatahimik na lang si Athrun. Humarap ulit si Shinn sa pintuan at pinihit nito ang bukasan
"Kahit sandali lang, kahit yung sandali na yon nung gabi nang koronasyon, nahawakan ko siya at nakayakap. Kitang-kita ko ang inggit sa mga mata mo." Ang sabi ni Shinn na sa pangalawang pag kakataon ay tumawa muli.
"Wala ka nang magagawa kamahalan . Dahil kahit baliktarin mo ang mundo at suyuin mo siya, UNA SIYANG NAGING AKIN" ang sabi ni Shinn bago ito lumabas ng opisina ni Athrun.
Napa-upo si Athrun at napahawak sa kanyang buhok. Anong ginawa niya? Tinapon niya ang pagkakaibigan nila ni Shinn. Bakit ba naman kasi di siya naka pag timpi. Dapat siguro ay pabalikin niya si Shinn pag kalmado na ang binata para humingi ng tawad.
"UNA SIYANG NAGING AKIN"
.
.
.
.
"UNA SIYANG NAGING AKIN"
.
.
.
.
.
.
"UNA SIYANG NAGING AKIN"
.
.
.
.
.
Ang paulit-ulit na salita sa kanyang isip.
. . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
Tahimik niyang pinapanood ang apat na taong gulang na si Lacus (A/N: na edit ko na yung edad niya)
Masayang nag lalaro, kasama ng iba pang mga bata. Di na talaga siya nag bago. Mula noon hanggang ngayon, masaya pa rin siya sa paligid nang mga bata. Kaya di niya mapigilang lalong mahalin si Lacus, dahil bukod sa mapag mahal ito, ay utang na loob niya ang buhay niya dito.
"Kira! Pag may nang away ba sa akin ipagtatanggol mo ba ako?" ang tanong ng apat na taong gulang na si Lacus na bigla na lang kumaripas ng takbo ng makita niya ang binata.
"Oo naman, Ipagtatanggol kita kahit maging kapalit man ito ng buhay ko." Ang sabi ni Kira habang binubuhat si Lacus
"Pati sila?" ang tanong ni Lacus habang nakaturo sa mga batang nag lalaro.
"Pati sila." Ang sabi ni Kira
"Pangako?" ang tanong ni Lacus habang inaabot niya ang kanyang hinliliit sa binata.
"Pangako." Ang sabi ni Kira na binalot din ang kanyang hinliliit sa maliit na hinliliit ni Lacus.
Ganitong-ganito din ang ginawa nila nung araw na sinagip ni Lacus ang kanyang buhay ilang taon na ang nakalilipas.
. . . . . . . . . . . .
"Magaling Shinn," ang sabi ng lalaking naka kapa.
"Nabigay ko na sa iyo ang libro" ang sabi ni Shinn habang binibigay ang libro sa lalaki.
"Oo, wag kang mag alala, tutuparin ko ang sinabi ko." Ang sabi ng lalaking naka kapa.
"Dapat lang" ang sabi ni Shinn
. . . . . . . . . . . . .
"Mali ka, dahil kelan man ay walang nag may ari sa kanya, hindi ikaw, hindi ako, kaya humanda ka dahil di ko lang siya aangkinin, ipaparamdam ko pa sa kanya kung paano ang mahalin"
. . . . . . . . . . . . .
Okay! Done! Hikhihki kakaiba talaga ang feeling pag nakakabasa ng review, nakakabuhay agad ng utak! Kanina ang lamya ko tapos wala talaga akong maisip na isulat, tapos nung nabasa ko yung reviews nyo, dumami yung idea ko.
OKIES! Give me some love!love!love!
