Disclaimer: I do not own gs or gsd.

Special thanks to my loving family: Kkornelia, rynne marge, lie and to my silent readers

lie: hahahaha don't worry wala pa akong balak baliwin si Athrun^^. masaya ako at nagustuhan mo yung last chap. so eto na yung request mo at ni sis rynne marge. saktong-sakto yung request niyo ah!

And also doon sa mga nag review sa story na ito at sa mag rereview pa! Love you Guys!

. . . . . . . . . . . . . . . . .

Minsan ba hiniling mo na sana dalawa na lang ang puso mo? Para kaya nating mag mahal nang dalawang mag kaibang tao. Ano ba ang mas totoo, ang unang pag-ibig ay di namamatay? O mas masarap ang pag-ibig sa pangalawang pagkakataon?.

Nag babasa si Shiho sa kanyang opisina sa loob nang punong palasyo. Bilang tagapag siyasat ng mga krimen kailangan niya ang isang matinding konsentrasyon, pero paano niya magagawa ito kung patuloy na bumabagabag sa isipan niya ang kanyang kasintahan

Nag patuloy siya sa kanyang pag babasa hangang sa maramdaman niyang may isang kamay na lumapat sa kanyang balikat.

"Shiho," ang sabi nang boses.

Di siya makapaniwala, sa unang pagkakataon ay naunang lumapit si Yzak sa kanya. Kadalasan pag nagkakaroon sila ng mga pag tatalo ay pinapalipas na lang nila ang isang buong linggo,bago sila mag ka ayos at isiping parang wala lang nangyari. Pero ngayon, iba ito. Nandito ang kanyang kasintahan sa kanyang silid.

"Shiho, Alam mong hindi ako sanay sa ganitong pag uusap." Ang sabi ni Yzak na nakatingin pa din sa likod nang nakaupong dalaga.

Tumigil si Shiho sa pag babasa, para makinig sa kung ano mang sasabihin ni Yzak, alam niyang di pa niya kayang harapin ang kasintahan kaya mas minarapat na niyang hindi humarap dito.

"Shiho, yung sa nangyari kahapon, gusto ko sanang humingi nang tawad, alam kong di dapat kita sinigawan." Ang sabi ni Yzak.

Gumuhit ang ngiti sa mukha ni Shiho.

"Pero, kung inaakala mong, nandito ako para humingi nang tawad sa buong pangyayari sa sitwasyon natin, nag kakamali ka, di ko gusto ang nangyayari ngayon, pero nandito ako para humingi nang pang unawa." Ang sabi ni Yzak habang nag iisip ng mga salitang dapat niyang sabihin.

"Bakit?" ang tanging sagot ni Shiho na nananatili pa ding nakatalikod, bakas sa mukha niya ang labis na kalungkutan.

"Shiho, di ko na mababawi ang nararamdaman ko, kailangan ko ng oras, para malinawan ako, sana ay maunawaan mo." Ang sabi ni Yzak.

Humarap si Shiho kay Yzak, tumayo at tumingin sa mata nang kasintahan, di na niya kailangan nang mahabang paliwanag kay Yzak, di na niya pahihirapan ang binata.

"Hayaan mong ako na ang makipag hiwalay sayo Yzak, di mo na kailangang sabihin, bibigyan kita nang oras at panahon para hanapin ang sarili mo, ginagawa ko ito dahil alam mong, mahal kita, gusto ko lang malaman mo na kahit anong mangyari nandito lang ako sa tabi mo, bukas palad na nag hihintay sayo." Ang sabi ni Shiho ng may lungkot sa kanyang mga mata, hinawakan niya ang pisngi ng binata at hinalikan ito.

"Paalam, Yzak, hanggang sa muli." Ang sabi ni Shiho.

Ngumiti si Yzak at sinabi

"Hanggang sa muli."

. . . . . . . . . . . . . . . . . .

"Myrna, nakita mo ba si Murrue?"ang tanong ni Mwu habang sumisilip sa loob ng kusina.

"Aba! Nandito ka na pala, kumusta ang pag papatrol mo sa buong bayan.? Ang tagal mong nawala dito sa palasyo. " ang sabi ni Myrna.

"Oo nga eh, pero ano pa bang magagawa ko? Kahit na ako pa ang punong tagapamahala nang kaligtasan niyo dito, ay kailangan ko pa ding sumunod sa utos ng mahal na hari." Ang sabi ni Mwu habang naglalakad papalapit kay Myrna.

"Malaki lang talaga ang tiwala sayo ni Master Zala." Ang sabi ni Myrna.

"Nasobrahan nga ata" ang sabi ni Mwu habang napapakamot ng kanyang ulo.

"Mwu! Maligayang pagbabalik." Ang bati ni Murrue na kapapasok palang ng kusina.

"Murrue, pwede ba kitang makausap sa labas?" ang tanong ni Mwu

"Tapos na rin naman ang mga gawain ko, bakit hindi?" ang sabi ni Murrue.

Agad namang kinindatan ni Myrna si Murrue.

Naglakad si Mwu papalayo sa palasyo kung saan wala masyadong makakakita sa kanila.

"Mwu saan tayo pupunta?" ang tanong ni Murrue.

Agad niyang niyakap si Murrue at hinalikan ito sa noo.

"Alam mo bang ang tagal ko ng gustong gawin yan sayo?" ang tanong ni Mwu.

Agad naman napangiti si Murrue.

"Halika may ipapakita ako sa iyo." Ang sabi ni Mwu habang hinihila niya si Murrue.

Nag lakad sila sa hanggang sa dulo ng bayan, di nila alintana ang mahabang lakarin, dahil kapwa silang nalilibang sa kanilang mga pinag uusapan.

Maya-maya pa ay tumambad kay Murrue ang dalawang kabayo.

"Para saan yan Mwu?" ang tanong ni Murrue.

"Sumakay ka na lang." ang sabi ni Mwu habang inaalalayan niyang makasakay ng kabayo si Murrue.

"Saan ba tayo pupunta?" ang tanong ulit ni Murrue kay Mwu na ngayon ay sumasakay na sa sarili nitong kabayo.

"May tiwala ka ba sa akin?" ang tanong ni Mwu.

"Oo naman." Ang sagot ni Murrue na naguguluhan sa kasamang lalaki.

"Kung ganon, edi sundan mo na lang ako." ang sabi ni Mwu, walang nagawa si Murrue kundi ang sumunod kay Mwu.

Mga makailang sandali pa ay, napansin niya na lumabas na sila sa kaharian ng Plants papunta sa isang pamilyar na lugar, isang lugar na pilit na niyang kinakalimutan. Bumibilis ang tibok ng puso niya habang bumabalik ang mga di kanais nais na nakaraan.

. . . . . . . . . . .

(balik tanaw)

"Ahas ka Murrue! Saan mo dinala ang mga anak ko?" ang tanong ng isang lalaking nang gagalaiti sa galit.

"Kuya, mag papaliwanag ako!" ang sabi ni Murrue. Kanina lang ay nag lilinis siya nang kanyang bahay ng biglang siyang sinugod ng kanyang kapatid.

"Taksil ka! Paano mo nagawa sa akin ito? Paano mo ito nagawa sa akin at sa sarili mong kadugo? Wala ka ng dapat pang ipagpaliwanag, kitang-kita ko ng dalawa kong mata, na nakikipag kita ka pa rin sa lalaking iyon!" ang sabi ng lalaki, habang inutusan niyang pumasok ang kanyang mga alagad na may dala-dalang apoy.

"Kuya, buhay ni Mwu ang nakataya! Isa pang pagkakataon, kuya, ibabalik ko din ang mga bata!" ang sabi ni Murrue na ngayon ay nakaluhod na sa kanyang kuya.

"Tama na Murrue! Sawang-sawa na ako sa mga kasinungalingan mo! Binigyan na kita ng isa pang pagkakataon para hanapin ang isa ko pang anak! Pero anong ginawa mo? Kinuha mo pa yung dalawang natitira!" ang sabi ng lalaki.

"Kuya maawa ka." Ang sabi ni Murrue.

"Bakit? Ikaw ba Murrue, nag karoon ka ba ng awa sa akin? At sa mga pamangkin mo? Kinahihiya kita! Simula ngayon ay tinatapon na kita sa aking kaharian! Tinatakwil na kita bilang kapatid! Inaalis na kita sa pagiging maharlika at dugong bughaw." Ang sabi ng lalaki.

"Dakipin siya, at ipatapon sa kabilang kaharian, sunugin niyo ang bahay na ito, para wala na siyang balikan." Ang sabi ng lalaki habang lumalabas ng tahanan ni Murrue.

"KUYA!MAAWA KA SA AKIN" ang sigaw ni Murrue habang dinadakip ng mga sundalo.

"Yan na ang ginagawa ko sayo Murrue, binibigyan kita ng awa, dahil dapat pinatay na kita! Marahil ay kinakahiya ka na din ng asawa mo na kapitan pa naman ng sandatahan ng Plants." Ang sabi ng lalaki bago ito tuluyang umalis.

Walang nagawa si Murrue kundi panooring nasusunog ang kanyang tahanan habang dinadakip siya ng mga sundalo. Ang kanyang tahanan, tahanan na binuo nila ni Mwu.

Iniwan na lang siya ng mga sundalo sa labas ng kaharian at doon ay nag pakita ang lalaking pinaka ayaw niyang makita.

"Murrue, sabi ko naman sa iyo, wag kang mag papahuli!" ang sabi ng lalaking naka kapa.

"IKAW! Kagagwan mo lahat ng ito." Ang sabi i Murrue habgn umiiyak

"Ako?, bakit ako? Kung tutuusin nga, ay malaki pa ang utang na loob mo sa akin, dahil di ko pa pinatay si Mwu sa kabila ng katangahan mo, ang sabi ko ibigay mo sa akin ang mga bata, pero anong ginawa mo? Akala mo ba ay di ko sila kayang hanapin?" Ang sabi ng lalaki

"Anong ginawa mo sa kanya? Anong ginawa mo kay Mwu?" ang tanong ni Murrue, na natatakot na sa kung ano man ang nangyari sa kanyang asawa.

"Sabihin na lang natin na, di na niya maaalala ang kanyang mahal na asawa!" ang sabi ng lalaking naka kapa.

"Ano bang ginawa ko sayo, bakit mo ako pinahihirapan?" ang tanong ni Murrue.

Agad siyang hinawakan ng lalaki sa leeg at bumulong sa kanyang tenga.

"Kung di dahil diyan sa makati mong dila, edi sana ayos pa ang lahat. Dapat nga ay pinutol ko na yan, pero gusto pa kitang makitang mag dusa at mahirapan. Tama lang yon bago kita patayin." Ang sabi ng lalaki bago ito nawala na parang bula.

Kawawang Murrue naiwang nag-iisa at bigo.

. . . . . . . . . . . . . .

"Murrue! Murrue? Ayos ka lang ba?" ang tanong ni Mwu na ngayon ay nakababa na sa sariling kabayo.

"Ha? May sinasabi ka?" ang tanong ni Murrue.

"Ang sabi ko nandito na tayo." Ang sabi ni Mwu

Nang hina si Murrue, tila pinag lalaruan ata siya ng tadhana, dahil nandito siyang muli sa harap ng kanyang dating tahanan.

"Bakit mo ako dinala dito?" ang tanong ni Murrue na natataranta.

"Dito ang aking dating tahanan" ang sagot ni Mwu.

Nanlaki ang kanyang mga mata sa sinabi ni Mwu.

"Anong sinabi mo?" ang tanong ni Murrue.

"Dito ang aking dating tahanan, nagulat na lang ako ng makita ko ito." Ang sabi ni Mwu habang pinapakita ang nakaukit na larawan ng isang agila na napapaligiran ng mga rosas, sa labas ng pader ng bahay.

"Paano mo ito nakita?" ang tanong ni Murrue, na ngayon ay di na alam ang gagawin, di kaya, bumalik na ang ala-ala ni Mwu?

"Habang nagpapatrol ako sa mga katabing kaharian ng Plants ay aksidente akong napadpad dito, nagulat na lang ako na makita ko ang agila na yan, yan ang simbolo ng angkan namin at bukod sa aking ama, ay ako na lang ang natitira sa aming angkan." ang sabi ni Mwu.

"Ganon ba?" ang sabi ni Murrue.

"Ang pinag tataka ko pa, eh ang bulaklak na nakapalibot sa agila na ito, napag alaman ko na ito daw ang pamosong bulaklak ng Orb. Orb dating tawag sa lugar na ito, sinasabing bigla na lang nabuwag ang kaharian na ito at nabaon na lang sa limot ng mamatay ang hari. Ang bulaklak na yan ang simbolo ng kanyang angkan. Makikita mo ang bulaklak na yan na kagat-kagat ng isang leon, yun ang simbolong ginamit ng dating nasawing hari." Ang sabi ni Mwu.

Di na lang nag salita si Murrue at hinintay niyang matapos ang sinasabi ni Mwu.

"Bakit kaya, nakapalibot sa agila na yan ang bulaklak ng Orb? Kadalasan lang yang nangyayari, kapag ang isang babaeng maharlika ng isang kaharian ay nakapangasawa ng isang lalaking may katungkulan at nanggaling sa ibang kaharian. Para hindi makalimutan ng babae na isa pa rin siyang maharlika. Kung ganoon ang nangyari sa larawan na yan. Ibig sabihin lang nito ay, nakapangasawa ako ng isang maharlika na nanggaling sa kahariang ito." Ang sabi ni Mwu.

Tama lahat ng sinabi ni Mwu. Walang mali sa kanyang mga hinuha. Nakapangasawa nga si Mwu ng isang maharlika.

"Kung ganon, saan na kaya ang aking asawa?" ang tanong ni Mwu sa kawalan.

"Nandito lang ako Mwu" ang sabi ni Murrue sa isip niya.

"Bakit siya biglang nawala? Ano kayang nangyari sa kanya?" ang patuloy na sabi ni Mwu

Gustong-gusto na ni Murrue sabihin ang lahat kay Mwu, pero naunahan siya ng takot. Natatakot siya na baka ikahiya din siya ni Mwu sa kanyang mga ginawang pagkakamali, natatakot siya na baka mawala ulit sa kanya si Mwu. Kinaya niyang itago ang lahat para lang makasama ulit si Mwu, at alam niyang kakayanin pa niyang ulit.

Sa gitna ng kanyang pag iisip ay naramdaman niya na binalot siya ni Mwu sa isang maiinit na yakap.

"Sana lang, ang tanging hiling ko lang, ay nasa mabuti siyang kalagayan, at nakahanap na siya ng kaligayahan, dahil nakita ko na ang akin." Ang sabi ni Mwu habang tinitingnan si Murrue sa kanyang mga mata.

"Mwu..." ang sabi ni Murrue, na bigla na lang tumulo ang mga luha.

. . . . . . . . . . . .

Kakauwi pa lang ni Athrun galing sa punong palasyo, at tulad ng dati ay dala-dala pa rin niya ang bigat ng problema na kinahaharap ng kanyang kaharian.

Kitang-kita ni Flay ang hirap ni Athrun dahil sa kanyang problema at naisip niya na makatulong.

"Wala namang masama kung susubukan ko." Ang sabi ni Flay sa sarili

Alam niyang di madalas na nag pupunta si Athrunsa balkonahe sa bandang likod ng palasyo, kaya doon siya nag tungo.

Tumingin muna si Flay sa buong paligid at siniguradong walang ibang makakakita sa kanya. Kailangan niyang iayos ang kanyang sarili, kailangan niya ng isang tahimik na lugar kung saan walang kakatok, kaya di niya pinili ang kwarto niya ay para siguraduhing walang kakatok sa pinto sa kala gitnaan ng kanyang konsentrasyon.

Susubukan niya kung kaya ba niyang makita ang mga susunod na araw sa hinaharap, alam niyang kaya lang niyang makita ang kahapon, bukas at ngayon, pero gusto din niyang subukan kung kaya ba niyang makita ang hinaharap. Nang sa ganon ay makita niya kung saan susunod na aatake ang may pakana ng lason.

Huminga siya ng malalim, pinikit ang kanyang mga mata, at nag simula na sa kanyang konsentrasyon.

. . . . . . . . . . . .

"Cagalli, nakita mo ba si Flay?" ang tanong ni Athrun.

"Hindi po kamahalan." Ang sabi ni Cagalli.

"Nakapagtataka naman na di niya ako sinalubong." Ang sabi ni Athrun

"Baka naman po natutulog siya sa kanyang silid." Ang sabi ni Cagalli.

"Sige, titingnan ko, bumalik ka na sa mga gawain mo." Ang sabi ni Athrun na agad na nag tungo sa silid ng pinsan.

Nahihirapan na siyang di pansinin si Cagalli, pero ginagawa niya ito para din sa kanilang dalawa. Kailangan muna niyang mag-isip kung paano susuyuin si Cagalli.

Makailang beses siyang kumatok, pero walang sumasagot, kilala niya ang pinsan niya, di iyon nag kukulong sa kwarto niya. Agad na hinanap ni Athrun si Flay.

Hinanap niya ito sa kusina, silid tanggapan,silid aklatan,hardin,rancho,hallroom(A/N: di ko alam yung talagalog ^^) at sa lahat ng lugar na alam niyang pwedeng puntahan ni Flay.

"Myrna, nakita mo ba si Flay?" ang tanong ni Athrun

"Di po Master Zala, sa pagkakalalam ko po ay di din umalis si Lady Flay, gusto niyo po bang hanapin ko siya?" ang tanong ni Myrna

"Hindi na Myrna, ako na ang bahala bumalik ka na lang sa ginagawa mo." Ang sabi ni Athrun.

"Sige po, tawagin niyo na lang po ako pag may kailangan kayo." Ang sabi ni Myrna.

"Sige, Salamat." Ang sabi ni Athrun

Inisip ulit ni Athrun kung saan pa ang lugar na di pa niya napupuntahan.

"Ah! Sa Balkonahe sa likod ng palasyo." Ang sabi ni Athrun sa sarili

Laking gulat niya sa tumambad sa kanyang harapan ng marating niya ang nasabing balkonahe. Si Flay na lumulutang sa ere, ang alam niya nangyayari lang ito sa tuwing gumagamit si Flay ng kapangyarihan niya. Agad niyang hinigit si Flay at sinimulan itong alugin. Nakita niya na nag iba ang kulay ng mata ng dalaga, naging kulay itim ang dating makikislap na kulay abuhin nitong mga mata.

Muli ay inalog ni Athrun si Flay, sa pag kakataong ito ay malakas at may pwersa.

Pero wala pa din.

Wala na siyang ibang alam na paraan, kaya sinampal niya si Flay.

Agad namang bumalik sa dating sarili si Flay.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" ang tanong ng ngayon ay galit na galit na si Athrun.

"Athrun? .. . . . . . .Pasensya ka na, gusto ko lang naman makatulong." Ang sabi ni Flay na ngayon ay nakayuko at nakaharap sa sahig

"Makatulong? Di mo ba alam kung anong nangyari sayo? Dati bumabalik ka na sa kamalayan sa tuwing tatawagin ko ang pangalan mo, pero ngayon, kinailangan pa kitang sampalin at kalugin, Flay, di mo na nakokontrol ang kapangyarihan mo." Ang sabi ni Athrun na unti-unti ng tumataas ang boses.

"Athrun, patawad na. Wag ka ng magalit oh." Ang sabi ni Flay, na parang munting bata na pinapagalitan ng kanyang kuya.

"Wag magalit? Flay akala ko ba matalino ka? Akala ko ba magaling ka, bakit parang di mo ata ginagamit ang utak mo ngayon." Ang sabi ni Athrun

"Athrun! Ayos lang ako! humingi na ako ng tawad di ba? Ano pa ba ang problema mo? At isa pa wag mo akong pag tataasan ng boses!" ang sabi ni Flay na naiinis na sa pinsan.

"Flay, alam mo namang kapakanan mo lang ang iniisip ko, kapatid na ang turing ko sayo, ayaw kong nalalagay ka sa alanganin." Ang sabi ni Athrun na punong-puno ng pag aalala.

"Alam ko naman yon Athrun." Ang sabi ni Flay, na bigla na lang hinimatay.

"FLAY!" ang sabi ni Athrun, na agad na binuhat ang dalaga para dalhin sa kanyang silid. Dali-dali niyang tinawag si Cagalli para tingnan ang kalagayan ni Flay.

"Kumusta si Flay?" ang tanong ni Athrun kay Cagalli na kalalabas pa lang ng silid ni Flay.

"Ayos lang naman po ang kalagayan ni Lady Allster, marahil po ay nasobrahan lang siya sa pagod, ano po ba ang ginawa ni Lady Flay?" ang tanong ni Cagalli.

"Wala naman, siguro nga ay napagod lang siya." Ang sabi ni Athrun kay Cagalli.

Tiningnan niya si Cagalli sa mata, matang umakit sa kanya, ang matang sinimulan niyang mahalin. Gustong-gusto niyang yakapin si Cagalli at ibulong nito ang kanyang nararamdaman. Pero. . . . .

.

.

.

.

.

"UNA SIYANG NAGING AKIN"

.

.

.

.

Di pa rin niya maalis sa isip niya ang mga salitang binitiwan ni Shinn. Nasasaktan pa rin siyang isipin na, sinabi sa kanya iyon ni Shinn. Parang pinamukha niya na isang bagay lang si Cagalli na pwedeng angkinin ng kung sino mang may gusto. Nasasaktan siyang isipin na may umaangkin na kay Cagalli. Di pa rin niya matanggap na naunahan siya ni Shinn.

Mag kaganon pa man, isa lang ang sisiguraduhin niya. Si Cagalli ay magiging kanya dahil sa sariling desisyon ng dalaga. Bibigyan niya ng oras si Cagalli, tataya siya, isusugal niya ang lahat, mag hihintay siya. Susuyuin niya ang dalaga at kasama ang pag-ibig nito.

Ang tanging hinihintay na lang niya ay ang sagot ni Cagalli sa tanong niya noong nakaraang araw.

"ATHRUN ENGOT KA TALAGA! WAG MO NG HINTAYIN ANG SAGOT NIYA! SIMULAN MO NA NGAYON"

Napainling si Athrun, dahil naisip niya ang mga katagang sasabihin ni Flay pag sinabi niyang, hihintayin pa niya ang sagot ng dalaga. Pero di siya kagaya ni Shinn, dahil siya, siya ay handang mag hintay.

"Master Zala? May ipapautos pa po ba kayo sa akin?" ang tanong ni Cagalli

Ngumiti si Athrun at Tumingin kay Cagalli.

"Alam mo? Nasasaktan ako pag tinatawag mo akong Master Zala." Ang sabi ni Athrun.

"Bakit naman po?" ang tanong ni Cagalli.

"Kasi parang nilalagyan mo ng agwat ang pagitan nating dalawa." Ang sabi ni Athrun.

"Di ba tumalab ang sumpa? Imposible, kelan man ay di pa pumalpak ang apoy ng kahilingan, siguro ay unti-unti lang ang pagtalab nito sa bawat lumilipas na araw" ang sabi ni Cagalli sa sarili.

"Tama lang po na mag bigay galang ako sa inyo kamahalan." Ang sabi ni Cagalli.

"Pero mas gusto ko pa ding naririnig ang pangalan ko na binibigkas ng labi mo." Ang sabi ni Athrun.

"Tumigil ka na nga, Athrun" ang sabi ni Cagalli.

"Hay! Ang sarap talagang pakinggan, sige na mag pahinga ka na , ako na ang bahala kay Flay." Ang sabi ni Athrun.

"Ikaw ang bahala. Magandang gabi Kamahalan." Ang sabi ni Cagalli habang yumuyuko.

"Maganda ka pa sa gabi." Ang pabirong sabi ni Athrun

"ATHRUN!" ang sabi ni Cagalli

"Kita mo na, hindi naman mahirap banggitin ang pangalan ko di ba? Sige na, marahil ay pagod ka na." ang sabi ni Athrun

Madaling umalis si Cagalli takot na baka asarin nanaman siya si Athrun.

Mag hihintay siya sa sagot ni Cagalli, pero. . . . mahirap na ang magsalita ng tapos.

. . . . . . . . . . . . . . . . .

Pinagmamasdan ni Kira ang batang nasa tabi niya. Nangako kasi siya na kwekwentuhan niya si Lacus sa pag tulog niya ngayong gabi.

"Kira" ang sabi ni Lacus habang tinitingnan si Kira.

"Bakit?" ang tanong ni Kira na nakahiga din sa kama ni Lacus.

"May nagugustuhan ka na bang babae?" ang tanong ni Lacus habang tinataas ang kumot na ngayon ay umaabot na sa kanyang mga labi.

"Oo naman." Ang sagot ni Kira

Nakita ni Kira na biglang nalungkot si Lacus.

"Maganda ba siya?" ang tanong ni Lacus na di na makatingin sa binata.

Tumango si Kira.

"Matangkad ba siya?" ang tanong ulit ni Lacus

Tumango si Kira.

"Mabait ba siya?" tanong ni Lacus

"Sobra." Ang sagot ni Kira.

"Mapagmahal?mapagbigay?maputi?mayumi?mahinhin?ka edad mo?" ang tanong ni Lacus, na hangang ngayon ay nakasimangot pa din

"Oo,oo,oo,oo,oo,at hindi kasi mas matanda ako sa kanya ng dalwang taon." Ang sagot ni Kira.

"Kung ganon, masaya ako para sayo Kira." Ang sabi ni Lacus na unti-unti ng pumipikit ang mata.

"Salamat" ang sagot ni Kira sa ngayon ay tulog ng si Lacus. Nagulat na lang siya ng mag salita ulit ang bata habang natutulog.

"Kira, kahit may gusto ka ng iba, gusto pa din kita." Ang sabi ni Lacus na natutulog na.

Hinalikan ni Kira ang noo ni Lacus.

"Alam ko, at gusto din kita ikaw lang, walang iba." Ang sabi ni Kira, bago siya umalis sa tabi ng bata.

Noon hanggang ngayon ay wala pa ding mag babago.

. . . . . . . . . . . . . . . . . .

Sabado ng umaga,maagang nagising si Athrun para pumunta sa palengke, sa maniwala kayo o sa hindi, pumunta doon si Athrun para mamalengke, (A/N: natawa talaga ako dito). O kaya sabihin na lang natin na kaya siya namalengke ay para maging mas malapit siya sa mga tao, o pwede ding para maging malapit siya sa isang tao o binibini.

Naka bihis lang si Athrun ng simpleng damit, di bakas sa kanyang kasuotan na siya ay maharlika, madalas niya itong ginagawa nung nabubuhay pa si Mia.

"Kamahalan, pwede bang paki bilisan niyo naman!" ang sabi ni Cagalli habang nakikipagsiksikan sa mga tao sa palengke.

"Cagalli sandali lang." ang sabi ni Athrun habang nakayuko, napapansin na niya ang mga tinginan sa kanya ng mga tao. Marahil ay namumukhaan nila siya.

"Tingnan mo, ang mahal na hari ba iyon?"

"Ano ka ba, bakit naman pupunta sa palengke ang mahal na hari ng walang mga gwardiya?"

"Kamukha niya kasi, tingnan mo."

"Sa tingin mo ba ay mag susuot ng damit na ganyan ang mahal na hari? Wag mo nga siyang maliitin"

"Pero"

"Baka kahawig lang"

"Siguro nga."

Mabilis na nag lakad si Athrun papunta kay Cagalli.

"Cagalli, wag mo akong tatawaging kamahalan. Baka dumugin tayo dito" ang pabulong na sabi ni Athrun.

"Edi sana kasi di ka na sumama!" ang sabi ni Cagalli, na hinahanap pa rin si Milly na kasama si Dearka.

"Ang sungit mo naman ngayon." ang sabi ni Athrun habang binubulungan si Cagalli sa kanyang tenga.

"Ewan ko sayo." Ang sabi ni Cagalli na mas lalong binilisan ang kanyang lakad.

Napangiti naman si Cagalli sa pag aakalang nakadistansya na siya sa mahal na hari,ng bilang maramdaman niya na may humawak sa kanyang kamay.

"Tsk. . Tsk. . Cagalli! Baka mawala ka!" ang sabi ng nakangiting si Athrun habang hinahalikan ang kamay ni Cagalli.

"Athrun. . . ano sa tingin mo ang ginagawa mo?"ang tanong ni Cagalli.

"Ito ba?" ang tanong ni Athrun, habang hinahalikan ullit ang kamay ni Cagalli.

"Oo" ang sabi ni Cagalli.

"Ang bilis mo kasing maglakad." Ang sabi ni Athrun habang nilulusot ang daliri ni Cagalli sa pagitan ng daliri niya.

"Ano naman ngayon? Eh ganon na akong maglakad, at ano ito?" ang tanong ni Cagalli habang hinaharap kay Athrun ang kanilang magkahawak na kamay.

"Natatakot lang ako." ang sabi ni Athrun

"Natatakot? Na alin? Na mawala ka?" ang tanong ni Cagalli habang umiirap.

"Na baka mawala ka sa paningin ko" ang sabi ni Athrun habang tinitingnan si Cagalli sa mata.

"Athrun, ang tagal ko ng pumupunta dito, at sinisigurado ko sayo, di ako mawawala sa paningin mo kung bibilisan mo lang mag lakad" ang sabi ni Cagalli.

"Hindi yon ang tinutukoy ko." Ang sabi ni Athrun na naka tingin pa rin kay Cagalli.

"Ano pala? Athrun, wala akong oras sa usapang ganito, kailangan pa nating hanapin sila Milly!" ang sabi ni Cagalli.

"Natatakot ako na baka pag nawala ka sa paningin ko ay bigla ka na lang makuha ng iba. Ayaw kong mangari yon Cagalli, ayaw ko." Ang sabi ni Athrun

"Ahhh-" na udlot ang sasabihin ni Cagalli ng biglang may sumigaw.

"HOY! WAG KAYONG HUMARANG SA DAAN! WALA KAYO SA LIWASANG BAYAN!" ang sigaw ng isang lalaki.

"Pasensya na po kayo." Ang sabi ni Athrun habang yumuyuko. Agad naman niyang hinila si Cagalli para ipagpatuloy ang kanilang pag lalakad.

Habang naglalakad sila Cagalli ay di mapigilan ni Athrun ang mapangiti. Sinong mag aakala na mapapangiti siya ng mga simpleng bagay tulad ng paglalakad ng magkahawak ang kamay?

"Athrun! Tumigil na ang sirkulasyon ng dugo sa kamay ko!" ang sabi ni Cagalli habang pinipilit niyang kunin ang kanyang kamay sa pag kakahawak ng binata.

"Shhhhh. . .dagdag ka pa sa ingay sa palengke." Ang sabi ni Athrun na nananatili pa ding nakangiti.

"Dapat pala tinapangan ko yung sumpa! Ang tagal namang tumalab nun!" ang sabi ni Cagalli sa kanyang isip.

"ANAK NG! kanina pa kaming naghahanap sa inyo ah!" ang sabi ni Cagalli na nililisikan ng mata ang mag kasintahan na parehong nag sasalo sa iisang sorbetes.

"Gusto mo?" ang tanong ni Milly.

"Para kayong mga bata." Ang sabi ni Cagalli.

"Kamahalan gusto mo ba?" ang tanong ni Dearka.

"Sige, pengeng isa." Ang sabi ni Athrun sa kaibigan.

Inabot ni Dearka ang sorbetes sa mahal na hari.

"Athrun! Ano ba yan! isa ka pa! bitawan mo nga ang kamay ko!" ang sabi ng naiinis na dalaga.

"Sige, pag tinulungan mo akong ubusin ito." Ang sabi ni Athrun habang dinidilaan ang sorbetes na binigay sa kanya ni Dearka.

"Ano? Eh may laway mo na yan!" ang sabi ni Cagalli habang nakaturo ang isa niyang kamay sa sorbetes na hawak ni Athrun.

"Wala naman akong sakit, sige dilaan mo na lang." ang sabi ni Athrun habang tinatapat ang sorbetes sa mukha ni Cagalli.

"Ayaw" ang pailing na sabi ni Cagalli.

"Bahala ka." Ang sabi ni Athrun habang hinihigpitan pa ang kapit sa kamay ng dalaga.

"Athrun, naiinis na ako." ang sabi ni Cagalli.

"Ayos lang, masaya naman ako." ang sabi ni Athrun.

"Para kang bata!" ang sabi ni Cagalli.

"Para kang lola, ang sungit mo ngayon" ang sabi ni Athrun na tuwang tuwa na asarin ang dalaga.

"Di ka na nakakatuwa." Ang sabi ni Cagalli.

"Nakakatuwa ka naman Cagalli." Ang sabi ni Athrun

"Athrun! Yung kamay ko!" ang sabi ni Cagalli na tumataas na ang boses.

"Dilaan mo na kasi." Ang sabi ni Athrun

Para matapos na ang usapan ay dinilaan na ni Cagalli ang sorbetes. Agad namang namula si Cagalli, parang naghalikan na din sila, isipin mo dinilaan niya ang sorbetes na kinakain ni Athrun, nag halo na ang laway nila sa pag kain. Kadiri! (A/N: Athrun ako na lang! baka ubusin ko pa yan para sayo!).

"Athrun! Yung kamay mo!" ang sabi ni Cagalli.

Agad namang siyang nginitian ni Athrun na patuloy pa din sa paglalakad habang kumakain ng sorbetes.

"SASAKTAN NA KITA!" ang sabi ni Cagalli.

"Ayos lang" ang sagot ni Athrun.

"Sisigaw ako dito, sasabihin ko na ikaw si Athrun Zala" ang sabi ni Cagalli

Tiningnan siya ni Athrun at ngumiti ulit.

"Ayos lang, para mas matagal tayong magkasama pag dinumog na tayo ng mga tao." Ang sabi ni Athrun

"Athrun! Ano bang gusto mo?" ang tanong ni Cagalli na namumula na sa galit.

"Sumigaw ka muna, na masarap ang sorbetes" ang sabi ni Athrun

"Teka! Parang nangyari na ito ah! Pero ngayon ako naman ang binibiktima mo! Gumaganti ka ba?" ang tanong ni Cagalli.

"Siguro." Ang sabi ni Athrun

"Pag ba sumigaw ako, bibitawan mo na ang kamay ko?" ang tanong ni Cagalli na nag titimpi na lang.

"Oo naman" ang sabi ni Athrun.

Maraming tao sa palengke, maingay at maraming nagsisigawan, siguro naman ay di nila mapapansin ang gagawin niya.

"Ano na Cagalli?" ang tanong ni Athrun.

Huminga ng malalim si Cagalli. Para matapos na ang lahat

.

.

.

.

"MASARAP ANG SORBETES!"

.

.

.

.

.

parang tumigil ang mundo at nagtinginan sa kanila ang lahat ng tao sa palengke. Agad namang natawa sila Athrun, Milly at Dearka. Napayuko naman si Cagalli sa kahihiyan. Agad na binitawan ni Athrun ang kamay ni Cagalli at kanya itong inakbayan.

"Pasensya na kayo, naglilihi kasi ang Misis ko sa sorbetes" ang sabi ni Athrun habang kinakamot ang kanyang ulo.

"Mahal naman, sabi ko naman sayo, mag hintay ka lang, bibigyan kita." Ang sabi ni Athrun habang nagpapanggap. Mabilis namang nagsibalikan ang mga tao sa kanilang mga gawain.

"ATHRUN! Humanda ka sa akin!" ang sabi ng ngayon ay galit na galit na si Cagalli.

Humarap si Athruns sa dalaga habang pinapakita nito ang pagdila niya sa parte ng sorbetes kung saan dinilaan din ni Cagalli.

"MMMMMMMMMMM, ang sarap mo palang humalik, may laway pa!" ang sabi ni Athrun habang tumatawa.

"Dapat pala binura ko na lang ang mukha ng lalaking ito" ang sabi ni Cagalli sa isip niya.

Wala namang magawa si Dearka at si Milly kundi ang magtinginan, parehong nagugulat sa kinikilos ng dalawa.

. . . . . . . . . . . . . . . . . . .

"Ang sarap talaga ng sorbetes"

. . . . . . . . . . . . . . . . . .

Hay, sakit ng mata ko, tambak na ang mga gawain ko, huuuhuhu, lapit na ang finals. Pero try ko pa rin pong mag update.

Give me some Love! ^.~ tnx sa mga reviews.