Discalimer: i do not own gs or gsd

Special thanks to: Kkornelia, rynne marge, lie and to my silent readers. I love you guys! You know that right?

Lie: dun sa sinabi ni Shinn na "una siyang naging akin" kasi remember yung night ng coronation? Tinanong niya si Cagalli kung pwedeng maging kanya si Cagalli kahit nung gabing yung lang? tapos pumayag si Cagalli, so yun, naglakas na siya ng loob na sabihin na unang naging kanya si Cagalli. ^^ hahahahahah

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

"Ano na kayang ginagawa ngayon ni Shinn? bakit di na siya nag papakita sa akin?" ang sabi ni Cagalli sa sarili. Habang naglalakad sa may gubat kung saan madalas silang magkita, tatanggi pa ba siya? Alam naman niya sa sarili niya na gusto niya din si Shinn, sa loob ng dalawang linggo ay mag tutungo na siya sa bahay ni doktor Litonjua para mag aral ng medisina.

Sa paglalakad niya ay napadpad siya sa lawa sa gitna ng gubat at doon ay nakita niya si Athrun nakatayo. Kaya naisipan niya itong lapitan.

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

"Mia, nandito ako para mag paalam sana sayo, gusto ko sanang sabihin na may babae na akong nagugustuhan, lagi niya akong pinapangiti, masarap siyang kausap, maganda siya at kakaiba. Wag kang mag –alala, nandito ka pa din sa puso ko, pero kailangan na niyang lagyan ang puwang sa buhay at puso ko." Ang sabi ni Athrun sa kawalan.

"Pag sumagot yang tubig, sabihin mo sa akin ha!" ang sabi ni Cagalli na papalapit kay Athrun.

"Nag papaalam lang ako kay Mia, ang lawang ito ang saksi sa pag-iibigan naming dalawa." Ang sabi ni Athrun habang minamasdan si Cagalli.

"Mahal na mahal mo talaga siya." Ang sabi ni Cagalli.

"Oo, dati, iba na ngayon." Ang sabi ni Athrun

Di na sumagot si Cagalli, alam na niya kung saan pupunta ang usapang ito.

"Cagalli, hinihintay ko pa rin ang sagot mo." Ang sabi ni Athrun

"Oo alam ko." Ang sabi ni Cagalli.

"Mag-hihintay at mag hihintay ako hanggang sa malaman mo na ang isasagot sa akin, ayaw kitang pilitin." Ang sabi ni Athrun

"Sa totoo lang, alam ko na ang sagot." Ang sabi ni Cagalli.

"Wag muna ngayon, pag isipan mo pa." ang sabi ni Athrun.

"Athrun, hindi pwede. Hindi tayo pwede" ang sabi ni Cagalli na nakatingin sa lupa.

Kahit na parang tinusok si Athrun ng isang libong karayom sa puso niya ay pipilitin pa din niyang unawain si Cagalli.

"Bakit Cagalli?" ang tanong ni Athrun.

"May gusto na akong iba." Ang sabi ni Cagalli.

"Sino? Si Shinn?" ang tanong ni Athrun na ngayon ay mag kasalubong na ang kilay.

Di na lang sumagot si Cagalli. Nitong makalipas na araw ay, madalas siyang kinukulit ni Athrun, di rin niya maitatanggi na napapasaya din siya ng binata, pero di niya alam kung bakit nag kakaroon pa rin siya ng alinlangan sa puso niya.

"Cagalli, gusto pa lang naman yun di ba?aasa pa din ako." ang sabi ni Athrun na ngayon ay papalapit na kay Cagalli.

"Athrun. . di talaga pwede" ang sabi ni Cagalli.

"Bakit Cagalli? Bakit?" ang tanong ni Athrun na ngayon ay kinakapitan si Cagalli sa magkabilang braso.

"Athrun, hari ka, katulong lang ako, di tayo bagay, at isa pa marahil naguguluhan ka lang sa nararamdaman mo, alam ko balang araw magigising ka na lang na nalimutan mo na ang nararamdaman mo, maniwala ka." Ang sabi ni Cagalli na nakatitig sa mata ni Athrun

"Cagalli, ang ayaw ko sa lahat ay iniisip mo ang estado natin sa buhay, lahat ay pantay-pantay sa pag-ibig, at paano kita malilimutan kung sa bawat pagpikit at pagdilat ng mata ko ay ikaw ang aking nakikita? Kahit na siguro maaksidente ako, magka amnesia ako, o kahit pa maka inom ako ng pampakalimot, nandito ka pa rin, dito lang." ang sabi ni Athrun habang, kinukuha ang kamay ni Cagalli para ilagay sa dibdib niya.

"Wag mo na akong pahirapan Athrun." Ang sabi ni Cagalli.

"Wag pahirapan? Cagalli, di ba ako nahihrapan sa nangyayari? Ang hinihingi ko lang naman sayo ay isang pagkakataon, may dalawang linggo pa ako para patunayan sayo ang nararamdaman ko, alam mo ba, sinabi sa akin ni Shinn, na una kang naging kanya, alam mo ba kung gaano kasakit sa akin iyon?." Ang sabi ni Athrun na di na mapigilan ang nararamdaman.

"Ikaw lang naman ang nagpapahirap ng sitwasyon, tumigil ka na Athrun! TUMIGIL KA NA!" ang sabi ni Cagalli.

"Patayin mo ako, kung gusto mo akong tumigil! Una kang naging kanya, pero huli kang magiging akin!" ang sabi ni Athrun na nag aapoy na sa galit.

"Bakit mo ba pinagpipilitan sa aking ang sarili mo? Anong tingin mo sa akin? Laruan? Na pwedeng angkinin ng kung sino na lang ang may gusto." ang sabi ni Cagalli.

Di siya laruan, oo utusan siya, pero alam pa in niya ang gusto niya.

"Alam ko Cagalli, kaya nga humihingi ako ng isang pag kakataon, kahit isa lang!." ang sabi ni Athrun na nananatili pa ding nakatingin sa dalaga.

"Athrun hindi pwede." Ang sabi ni Cagalli.

"Ikaw lang ang may sabi niyan" ang sabi ni Athrun

"Wag mong pakikielaman ang buhay ko." Ang sabi ni Cagalli na ngayon ay di na mapigilan ang galit sa hari.

"Wag mo ding pagkielaman ang puso ko. Cagalli, di mo ba nakikita? Masaya ako pag nanjan ka? Ngayon lang ako naging sakim, ngayon lang ako naging ganito, kahit kay Mia hindi ako naging ganito sayo lang, ikaw lang." ang sabi ni Athrun.

"Athrun hindi pwede!" ang pasigaw na sabi ni Cagalli.

"Tigilan mo ako sa linya mong iyan! Ikaw lang ang nagsasabi niyan, ang dali lang sabihin para sa iyo! Di mo ba nakikita? MAHAL NA MAHAL KITA KAHIT ANG SAKIT-SAKIT NA." Ang pasigaw na sabi ni Athrun habang niyayakap si Cagalli.

Nagulat na lang si Cagalli sa sinabi Athrun, mahal siya ni Athrun? Hindi lang gusto, kundi mahal pa?

"Isang pagkakataon lang Cagalli, pag wala pa rin, at kung talagang di na mag babago ang nararamdaman mo, titigil na ako, pangako." Ang sabi ni Athrun

Siguro nga ay, sobrang nahihirapan na si Athrun, sino nga naman ba siya para diktahan ang puso ni Athrun, siguro nga ay gusto niya si Shinn, pero di naman siguro masama kung bibigyan niya ng pagkakataon si Athrun. Mahirap ang pinagdadaanan ni Athrun at tanging siya lang ang nagbigay saya sa binata. Para na lang siguro sa katahimikan ng isip niya at puso ni Athrun. Sige susubukan niya.

Habang yakap ni Athrun si Cagalli ay naramdaman niya na bumalot sa bewang niya ang kamay ng dalaga.

"Salamat Cagalli" ang sabi ni Athrun na ngayon ay naguhitan na ng ngiti sa labi niya.

"Sa isang kundisyon." Ang sabi ni Cagalli.

"Ano yon?" ang tanong ni Athrun

"Wag mo na akong pasisigawin sa palengke." Ang sabi ni Cagalli.

Agad naman tumawa ang binata.

"Oo naman." Ang sabi ni Athrun.

. . . . . . . . . . . . . . . . .

"Flay." Ang sabi ng isang boses.

Nasa hardin si Flay at nag iisip ng marinig niyang may tumawag ng kanyang pangalan kaya lumingon siya.

"Yzak?" ang sabi ni Flay.

"Pwede ba kitang makausap." Ang sabi Yzak.

"Paano ka ba naka pasok dito?" ang tanong ni Flay na nananatiling naka upo sa upuan.

"Kilala ako ng mga tao dito, ano? Pwede ba kitang makausap?" ang tanong ni Yzak.

"Nag uusap na tayo Yzak." Ang sabi ni Flay.

"Flay, hindi dito." Ang sabi ni Yzak habang inaabot niya ang kamay sa dalaga.

"Di ako aalis dito." Ang sabi ni Flay.

"Bubuhatin na lang kita!" ang sabi ni Yzak.

"Ikaw? Na isang lolo? Mabubuhat ako? sige lang, tingnan natin." Ang sabi ni Flay

Maya-maya pa ay, nasa labas na siya ng palasyo buhat-buhat ni Yzak.

"IBABA MO AKO! MANYAK! MATANDANG BASTOS!" ang sabi ni Flay habang nag pupumiglas.

"Tumahimik ka kung ayaw mong halikan kita!" ang sabi ni Yzak.

Agad namang tumahimik si Flay at hinayaang dalhin siya ni Yzak sa lugar kung saan sila mag uusap.

Makailang minuto lang ay, nakarating sila sa isang lumang templo, binaba siya ni Yzak sa baba ng hagdan.

"Mauna kang umakyat." Ang sabi ni Yzak.

"AKO? aakyat jan? tingnan mo nga! Eh halos isang daang bahagdan yan! AYAW KO NGA!" ang sabi ni Flay

"Sige na! Takot ka lang eh!" ang sabi ni Yzak.

"Ako? takot? Eh ikaw nga jan yung takot, tingnan mo ako yung pinapauna mo!" ang sabi ni Flay.

"Mauna ka na bilis!" ang sabi ni Yzak habang tinutulak si Flay paakyat ng hagdan

"Ano ba yan!" ang sabi ni Flay.

Tahimik na umakyat ang dalawa , nauuna si Flay at tatlong bahagdan pababa ay si Yzak.

"Pagod na ako Yzak!" ang sabi ni Flay na patuloy pa ding umaakyat.

"Sabi nila ang templong ito ay para sa nag iibigan, kung gusto mo daw na tumagal ang relasyon niyo, sabay daw kayong umakyat ng hagdan at sabay na mag dasal sa templo, o pwede ring sabay kayong bumaba at mag alay na lang ng bulaklak sa unang baitang ng hagdan." Ang sabi ni Yzak.

"Ano namang kinalaman ko doon? Dapat yung kasinatahan mo na si, Shiho ba yon? Oo Shiho nga, siya dapat ang kasama mo dito." Ang sabi ni Flay na patuloy pa din sa pag akyat.

"Flay, bigyan mo ako ng isang pagkakataon, gusto kita Flay, pag pumayag ka gusto kong lumingon ka sa akin pag nakarating ka sa dulo ng hagdan at sabay tayong bababa at mag aalay sa unang baitang ng hagdan na ito, pero kung hindi, wag kang lilingon." Ang sabi ni Yzak.

Bakit ngayon? Bakit niya ito sinasabi? Ibig sabihin ba ay, nakipag hiwalay na siya sa kasintaha niya para lang sa kanya? Di naman ata tama iyon. Di talaga. "Paano na yung kasintahan mo?" ang tanong ni Flay na malapit na sa tuktok ng hagdan

"Wala na kami." Ang sabi ni Yzak

Parang biglang bumigat ang pakiramdam ni Flay, di niya gustong makasira ng isang relasyon, gusto niya si Yzak pero, ayaw niyang may masaktan. Galit siya, galit siya sa mga taong di marunong panindigan ang sarili nila, galit siya sa mga taong duwag!

"Yzak, gusto ko sanang malaman mo na gusto din kita, pero mali ang ginawa mo kay Shiho, mahal ka niya, di mo dapat binalewala iyon, ang dami niyo ng pinagsamahan, sana inuna mo ang nararamdaman niya kesa yung nararamdaman mo, kaming mga babae ay parang babasaging baso, kailangan mong hawakan ng mabuti, dahil pag nabitawan mo ito at nalaglag sa sahig ay maaring mabasag. Madali kaming masaktan. Masakit ang ginawa mo kay Shiho,Yzak, sana'y inisip mo yon. " ang sabi ni Flay.

Matapos iyon ay narating niya ang tuktok ng templo, naghintay si Yzak ng halos isang minuto.

.

.

.

.

Pero Hindi lumingon si Flay.

. . . . . . . . . . . . .

"Kira.. ang sakit ng ulo ko." Ang sabi ni Lacus na nakahiga sa kama niya habang namimilipit sa sakit.

"Lacus, sandali lang, huminga ka muna ng malalim." Ang sabi ni Kira.

Agad na sinara ni Kira ang pinto para siguraduhing walang makakapasok

"Kira, bilisan mo na, di ko na kaya." Ang sabi ni Lacus, na umiiyak na sa sakit.

Agad na yumuko si Kira at nilapit niya ang labi niya sa labi ni Lacus, tamang tama lang para maipasa niya ang isang kulay pulang apoy sa bibig ng bata.(A/N: di sila nag kiss okay?)sa isang iglap ay nawala ang sakit ng ulo ni Lacus.

"Ang galing talaga ng kapangyarihan mo Kira." Ang sabi ni Lacus na ngayon ay nagpupunas na ng kanyang luha.

"Di ko kapangyarihan yon, pinahiram lang yon sa akin." Ang sabi ni Kira.

"eh kanino.?" Ang tanong ni Lacus.

Sasagot na sana si Kira ng biglang hinimatay si Lacus. Sanay na si Kira sa ganitong sitwasyon sa tuwing sasakit ang ulo ni Lacus, nangyayari ito sa tuwing babalik ang ilan sa kanyang mga ala-ala

(sa isip ni Lacus)

"Kira, ayos ka lang ba? Kira gumising ka!" ang sabi ni Lacus habang niyayakap ang katawan ng sugatang si Kira.

"La . lacuss" ang sabi ni Kira na sobra ng nang hihina

"Kira, sino ang gumawa sayo nito? Kira! Sandali lang wag ka munang bibitaw, hihingi ako ng tulong." Ang sabi ni Lacus at napansin niya na parang naputol na ang hininga ng binatilyo.

"KIRA! KIRA! Gumising ka! Gumising ka!Kira naman!" ang sabi ng dalagita habang umiiyak.

Iniwan muna ni Kira si Lacus para makatulog ito ng ayos, di na mag tatagal at babalik na ang ala-ala ng bata, at pag dumating ang oras na iyon ay kailangan na niyang ibalik ang kapangyarihan na hiniram niya.

. . . . . . . . . . . .. . . . . .

"Milly, wag ka ng mag tampo." Ang sabi ni Dearka habang sinusuyo ang dalaga.

"Layuan mo nga ako!" ang sabi ni Milly na naglalakad papalayo sa kasintahan

"Milly, di ko namam sinasadya!" ang sabi ni Dearka.

"Pambihira ka talaga!" ang sabi ni Milly

"Maniwala ka, di ko nakalimutan!" ang sabi ni Dearka.

Anong nangyari? Nakalimutan lang naman ni Dearka na sumipot sa kanilang tagpuan.

"Ang tagal kong naghintay doon! Di ka man lang naawa sa akin! PAMBIHIRA KA TALAGA!" ang sabi ni Milly

"Milly di ko nga nakalimutan, pag dating ko kasi doon wala ka na." ang sabi ni Dearka habang hinahawakan ang kamay ni Milly.

"Sinungaling! Halos apat na oras akong nahintay! Nakakainis ka!" ang sabi ni Milly na malapit ng umiyak.

"Pakinggan mo muna ako." ang sabi ni Dearka.

"Ewan ko sayo!" ang sabi ni Milly na nag simula ng umiiyak.

"Milly, wag ka ng umiyak oh." Ang sabi ni Dearka.

"Bakit ka ganyan!" ang sabi ni Milly.

"Nahuli kasi ako, may kinuha akong panandaliang trabaho, medjo natagalan akong matapos." Ang sabi ni Dearka.

"Bakit ka naman kumuha ng panandaliang trabaho? Di ka na ba masayang kasama ako sa palasyo na ito?" ang tanong ni Milly na umiiyak pa din.

Pinunasan ni Dearka ang luha ni Milly at hinalikan niya ang magkabilang mata ng dalaga.

"Masayang-masaya ako sa piling mo mahal ko, nahuli din kasi ako kasi, binili ko pa ito." Ang sabi ni Dearka habang sinusuot ang pares ng perlas na hikaw sa butas ng tenga ni Milly.

"Kaya ako kumuha ng panandaliang trabaho ay para mabili yan" ang sabi ni Dearka

"Mahal ito Dearka." Ang sabi ni Milly na napalitan ng gulat ang kaninang pag iyak niya. Hinawakan niya ang pares ng hikaw na ngayon ay nasa butas na ng tenga niya.

"Mas mahal ang pag mamahal ko sayo." Ang sabi ni Dearka

Agad na niyakap ni Milly ang kasintahan at pinaulanan ito ng halik.

. . . . . . . . . . . . . . . .

Mabilis na lumipas ang dalawang araw, at bawat araw ay lumalarawan sa magandang umaga ni Athrun.

"Athrun, ito na ang kape mo, sigurado ka bang di ka pupunta sa punong palasyo ngayon?" ang tanong ni Cagalli.

Tumayo si Athrun para kunin ang kape sa kamay ni Cagalli at hinalikan niya ito sa noo.

"Ayos lang, wala naman akong pagpupulong sa araw na ito, pinadala ko na lang dito yung mga kailangan kong mga papeles, isa pa gusto kitang makasama bago ka man lang umalis sa susunod na linggo" Ang sabi ni Athrun habang binababa ang kanyang kape sa mesa.

"Kahit na, iba pa rin na nakikita ka nila doon." Ang sabi ni Cagalli na ngayon ay umuupo sa upuan.

"Hayaan mo na lang ako. teka! Wag kang masyadong gagalaw." Ang sabi ni Athrun

"Ano ba yan.?" ang tanong ni Cagalli habang tinuturo ang isang malaking papel na hawak ni Athrun

"Sandali lang." ang sabi ni Athrun habang tinatapos niya ang kanyang ginagawa.

Biglang tumayo si Cagalli at pumunta sa likod ni Athrun para tingnan ang ginagawa nito.

"Ako yan ah!" ang sabi ni Cagalli na tinitingnan ang larawan niya, larawan niya na nakaupo, nakangiti at masaya.

"Ikaw nga." Ang sabi ni Athrun habang binibigay kay Cagalli ang larawan.

Kinuha ni Cagali ang larawan at kanya itong tinitigan.

"Nagustuhan mo ba?" ang tanong ni Athrun habang niyayakap niya ang bewang ng nakatalikod na dalaga.

Humarap sa kanya si Cagalli.

"Ang ganda." Ang sabi ni Cagalli na di mapigilan ang mapangiti.

"Maganda yan, dahil ikaw ang nasa larawan." Ang sabi ni Athrun na nanatiling nakayakap sa bewang ng ngayon ay nakaharap na si Cagalli.

"Salamat Athrun." Ang sabi ni Cagalli na nakangiting nakatitig sa larawan.

"Kahit ano, para lang mapangiti kita, walang anu man." Ang sabi ni Athrun habang hinahalikan ang noo ni Cagalli.

Di naman napansin ni Cagalli na nakayakap si Athrun sa kanya dahil abala siyang titigan ang larawan na ginuhit ni Athrun.

"Bihira ka kasing ngumiti, kaya pinangiti kita sa larawan." Ang sabi ni Athrun.

"HOY! Abusado ka ah! Yung kamay mo!" ang sabi ni Cagalli habang inaalis ang kamay ni Athrun.

Ngumiti nalang si Athrun.

"Ayaw ko nga" ang sabi ni Athrun.

"ATHRUN!" ang sabi ni Cagalli

"Ayaw!" ang sabi ni Athrun habang umiiling.

"ABA!" ang sabi ni Cagalli.

"Sumigaw ka muna! Sabihin mo, ang galing galing ni Athrun Zala!" ang sabi ni Athrun

"ANO AKO? UTO-UTO?" ang tanong ni Cagalli habang tinuturo ang sarili.

"Wala akong sinabi na ganyan." Ang sabi ni Athrun.

"Athrun pag naka wala ako dito lagot ka sa akin." Ang sabi ni Cagalli.

"Yun ay kung papakawalan pa kita." Ang sabi ni Athrun habang hinahalikan ang ilong ni Cagalli.

"ATHRUN!" ang sabi ni Cagalli

"Bakit?" ang tanong ni Athrun

"Tigilan mo nga yan!" ang sabi ni Cagalli.

"Ang alin? Ito ba?" ang sabi ni Athrun habang hinahalikan naman ang isang pisngi ni Cagalli.

"Sasakalin na kita!" ang sabi ni Cagalli habang tinataas ang kanyang kamay para sakalin si Athrun.

"Na-ah!" ang sabi ni Athrun na agad na ginamit ang isang kamay niya para hawakan ang parehong kamay ni Cagalli, pareho din niya itong hinalikan.

Agad namang namula si Cagalli, bakit ba kasi panay ang halik sa kanya ni Athrun.

"Tatapakan ko ang paa mo!" ang sabi ni Cagalli.

"Di ko gagawin yan kung ako sayo." Ang sabi ni Athrun na nakapulupot pa rin ang isang kamay sa bewang ni Cagalli at hawak-hawak pa din ang parehong kamay ng dalaga.

"Talaga lang!" ang sabi ni Cagalli natatapakan na sana ang paa ni Athrun pero naunahan siyang takirin ng banata, kaya ngayon ay tanging ang kamay na lang ni Athrun ang sumusoporta sa kanya para di siya mahulog sa sahig.

"Sabi ko naman sayo, di ko gagawin yan kung ako sayo." Ang sabi ni Athrun na ngayon ay hinahalikan ang leeg ni Cagalli.

Agad na namula ang dalaga.

"ATHRUN!MARYOSEP! ano ba yang ginagawa mo!" ang sabi ni Cagalli na di na magkaintindihan ang isip dahil sa ginawa ni Athrun.

"SHHHH. . .Tsk. .Tsk. . masama yan Cagalli." Ang sabi ni Athrun

"MASAMA? YUNG GINAGAWA MO ANG MASAMA! Ano ba! Bitiwan mo na ako." ang sabi ni Cagalli.

Nilapit ni Athrun ang bibig niya sa tenga ni Cagalli.

"Sigurado ka? Masakit nga lang pag bumitaw ako." ang sabi Athrun na di mapigilang mapangiti

Walang nagawa si Cagalli kundi ang mapalunok at mamula

"ARHGGG. ..."

. . . . . . . . . . . . . . .

Matapos ang hapunan ay pumunta si Flay sa opisina ni Athrun. Nakita niya ang nangyari kanina kay Athrun at Cagalli, nakita niya na masaya na ang pinsan niya siguro di na masama ang gagawin niya.

"Athrun pwede ba kitang makausap?" ang tanong ni Flay.

"Ano yon?" ang tanong ni Athrun na tumigil sa pagbabasa para tingnan ang kanyang pinsan.

"Gusto ko sanang mag paalam sayo, uuwi na kasi ako bukas." Ang sabi ni Flay.

"Bakit naman Flay? May problema ba?" ang tanong ni Athrun na niyakap naman ang pinsan.

"Wala Athrun, nag aalala lang ako kay ama." Ang sabi ni Flay.

"Alam mo Flay, magaling ka sa lahat ng bagay maliban lang sa pagsisinungaling" ang sabi ni Athrun habang tinitingnan sa mata ang dalaga.

"Athrun, nakikita ko na masaya ka na, wag kang mag alala, babalik agad ako, hahanapin ko lang ang sarili ko." Ang sabi ni Flay

"Naiintindihan kita. Sige, pero gusto ko bumalik ka agad, laging bukas ang tahanan ko para sayo." Ang sabi ni Athrun habang hinahalikan ang pinsan sa noo.

"Oo naman." Ang sabi ni Flay.

Kailangan lang niyang huminga, kailangan lang niyang mag isip, kailangan lang niyang hanapin ang sarili niya.

. . . . . . . . . . .

(Kinabukasan)

"ANO?" ang sigaw ni Yzakn

"Oo, di kita pipigilan kung susundan mo siya, pero siguraduhin mong babalik ka, pansamantala ko munang ibibigay kay Nicole ang trabaho mo." Ang sabi ni Athrun sa kausap

"Dapat lang, kasi di mo rin ako mapipigilan." Ang sabi ni Yzak na nag mamadaling umalis.

"Intayin mo lang akong babae ka! Pambihira talaga!" ang sabi ni Yzak habang naglalakad papalabas ng palasyo.

. . . . . . . . . . . . . .

Tapos na ang lahat ng gawain ni Athrun sa punong palasyo, nagpaalam siya kay Dearka na baka mahuli siya ng uwi, bakit? Ngayon ang araw ng pangalawang anibersaryo ng pagkamatay ni Mia. Kaya pupunta siya sa isa pa nilang espesyal na lugar.

Mahaba ang biyahe ni Athrun papunta sa isa pang lugar na malapit sa puso niya. Matagal na din siyang di bumabalik dito kaarawan pa ni Mia ng pumunta siya doon.

Dahil na rin kay Justice na kabayo ni Athrun, kaya mabilis siyang nakarating sa nasabing lugar.

Nagulat siya ng makita niya ang isang babaeng nakadapa sa damuhan sa ilalalim ng puno, walang malay at punong-puno ng sugat.

Binangon ni Athrun ang babae, at hinawi niya ang buhok nito para makita ang mukha ng dalaga, laking gulat niya sa nakita niya.

.

.

.

"Mia. . . . . . ." agad niyang binuhat ang dalaga at sinakay ito sa likod ni Justice.

.

.

.

. . . . . . . . . .

"Milly kanina ka pa atang masaya jan at ano nga pala yang nasa tenga mo? Kahapon ko pa yang napapasin." Ang sabi ni Cagali habang nakaturo sa pares ng hikaw sa tenga ni Milly.

"Masaya lang ako, ito ba? Bigay sa akin ito ni Dearka." Ang sabi ni Milly na panay ang tingin sa salamin.

"Ang ganda naman niyan." Ang sabi ni cagalli na parang napilitan lang purihin ang hikaw.

"Wag mo na akong lokohin alam kong di ka interesado sa mga bagay na ganito. Maiba ako, kumsta na kayo ni Master Zala? Balita ko, malapit na kayo sa isa't-isa." Ang sabi ni Milly.

"Kanino mo nalaman yan?" ang tanong ni Cagalli.

"Ano ka ba! usap-usapan yan ngayon sa buong palasyo." Ang sabi ni Milly na tinitingnan pa rin ang sarili sa salamin

Agad namang tinago ni Cagalli ang mukha niya sa kanyang unan.

"Ano Cagalli? Ano ng balita?" ang tanong ni Milly habang tinatanggal ang unan sa mukha ni Cagalli at bigla naman nalaglag ang larawang ginuhit ni Athrun na nakatago sa ilalim ng unan ni Cagalli, agad na pinulot yon ni Milly

"Sinasabi ko na nga ba!" ang sabi ni Milly

"Hay!" ang sabi ni Cagalli na mabilis na hinaklit ang larawan sa kamay ni Milly

"CAGALLI! MASAYA AKO PARA SAYO!" ang patiling sabi ni Milly.

"Milly, walang ibang nangyari tulad ng iniisip mo, pumayag lang ako na ligawan ako ni Athrun." Ang sabi ni Cagalli habang tinatago ulit ang larawan

"ATHRUN! HUWAW! Athrun DAW!" ang sabi ni Milly na di matigil ang pag tili.

"SHHH Milly! Nakakabulahaw ka ng mga tao!" ang sabi ni Cagalli na tinatakpan ang bibig ng kaibigan.

"Ikwento mo BILISS" ang patiling sabi ni Milly.

"Pupunitin ko yang lalamunan mo pag di ka tumigil jan." ang sabi ni Cagalli.

"Sige na titigil na ako, kwento ka na." ang sabi ni Milly

Mabilis na kwinento ni Cagalli ang lahat kay Milly, mula sa umpisa hanggang sa huli.

"Anong naramadaman mo?" ang tanong ni Milly

"Wala, Pero gusto ko yung ginagawa niya, pakiramdam ko ang espesyal ko." Ang sabi ni Cagalli na di na natigil sa pamumula.

"WAAA! Gusto mo yung ginagawa niya! Di ko akalain ganyan ka pala! Hinalikan ka lang sa leeg, nagustuhan mo na agad! Di nga kami umabot ni Dearka sa ganon!" ang sabi ni Milly

"MILLY! Ano ba! Di na nga ako mag kwekwento sayo" ang sabi ni Cagalli

"Biro lang! pero masaya ako para sayo Cagalli!" ang sabi ni Milly na agad na niyakap ang kaibigan.

Natigil ang kanilang yakapan ng biglang kumatok si Myrna

"Cagalli, kailangan ka ni Master Zala sa silid para sa mga bisita bilisan mo." Ang sabi ni Mryna.

Napanganga na lang si Milly

"Cagalli! Hala! Pinapapunta ka ni Master Zala sa silid na para lang sa bisita sa ganitong oras ng gabi! Ano kayang gagawin nyo?" ang sabi ni Milly

"MILLY! Ang bastos mo." Ang sabi ni Cagalli na dali-daling umalis

Halos mamatay na si Milly sa katatawa sa kwarto niya.

. . . . . . . . . . . .

"Cagalli dalian mo!" ang sabi ni Myrna na nasa labas ng silid.

Mabilis na pumasok si Cagalli sa silid at doon ay nakita niya si Athrun sa tabi ng isang babae, magandang babae, nakita niya ang pag aalala sa mata ni Athrun

"Lumabas ka muna Athrun" ang sabi ni Cagalli, agad na tumango si Athrun at lumabas.

Hinubadan ni Cagalli ang babae, at sinimulan niyang linisin ang mga sugat nito sa buong katawan.

Kamukhang-kamukha ng dalaga ang babaeng naka pinta sa opisina ni Athrun na walang iba kundi si

.

.

.

Mia.

. . . . . . . . . . . . . . .

Di niya akalain na mabilis siyang makakarating sa bahay nila Flay, matagal na panahon narin ng huli siyang nakatungtong dito at ngayon ay nandito siyang muli.

Mabilis siyang pinapasok ni Lord Allster sa loob ng kanilang tahanan.

Pinaliwanag ni Yzak ang lahat ng nangyari sa kanya ng mga nakaraang araw at nagulat na lang siya ng biglang tumawa ang nakatatandang lalaki

"Kayo talagang mga kabataan, sige kakausapin ko si Flay, sa isang kundisyon" ang sabi ni Lord Allster.

"Sige po ano yon?" ang tanong ni Yzak

"Para malaman ko kung tapat ka nga sa intensyon mo sa pag punta mo dito, hinahamon kitang matulog sa labas ng tahanan ko sa loob ng isang linggo." Ang sabi ni Lord Allster ng may ngiti sa labi.

Napatayo si Yzak sa kanyang kinauupuan at napanganga.

"ANO ?" ang tanging lumabas sa bibig ni Yzak.

. . . . . . . . . .

"Walang mag babago, ikaw lang mahal ko"

. . . . . . . .

Guys! Ito na muna ang huling update ko sa week na ito, baka kasi di na ako maka update sa weekend, tambak na po ang school works, thesis, case study,research, survey,floor plan, grabe na! tapos malapit na ang finals.

Give me some love ha!