Disclaimer: I do not own gs or gsd

Speacial thanks to my fanfiction family! Love you guys! You know that right?

(edited)

Since di ako makatulog, lakas tama nanaman ako, aswang sa gabi nanamn ang tawag sa akin, mag uupdate na lang ako hahah ^^ madalian ko lang ito ginawa so, expect some or tons of errors, bukas ko na lang babaguhin. So kung ayaw niyong mag basa ng madaming errors, bukas na lang. okies?

Lei: dahil loves kita, eto na, kaya lang walang mushy moment for athrun and cagalli, maybe nxt chap?

. . . . . . . . . . . .

"Kumusta ang lagay niya?" ang tanong ni Athrun.

"Ayos lang naman siya, hayaan na lang muna natin na gumaling ang mga sugat niya, wala naman malalim at di naman masyadong malala, marahil bukas ay magigising na siya." Ang sabi ni Cagalli

"Ganon ba? Salamat Cagalli, sige na, matulog ka na." ang sabi ni Athrun

"Sige, mauna na ako, matulog ka na din Athrun, Magandang gabi." Ang sabi ni Cagalli bago ito umalis.

Pumasok muli si Athrun sa loob ng silid ng dalaga, tinitigan niya itong mabuti, di siya nag kakamali, kahawig na kahawig nga ito ng kanyang kasintahan, mula sa buhok hanggang sa kanyang balat. Posible kaya?

Umupo si Athrun sa gilid ng kama ng dalaga.

(balik tanaw)

"Papasukin niyo ako! Umalis kayo sa daan! ALIS!" ang sabi ni Athrun habang hinahawi ang mga tao sa daan, pilit niyang kumakawala sa pag kakahawak sa kanya ng mga sundalo ng punong palasyo, kagagaling lang niya sa pakikipaglaban sa mga rebelde, tapos nagulat na lang siya ng malaman niya na patay na ang kasintahan niya at ang kanyang ama.

"Mahal na prinsepe, mas makakabuti po siguro ay wag na kayong tumuloy." Ang sabi ni Andrew

"Anong pinag sasasabi mo? Gusto ko ng makita sila Mia at si Ama, BITIWAN NIYO AKO!" ang sabi ni Athrun na matagumpay na nakaalis sa pagkakahawak sa kanya ng apat na sundalo.

Tumakbo siya ng mabilis papasok sa silid ng kanyang ama at tumambad sa kanya ang nakakakilabot na tanawin, parang nalusaw ang balat ng ama niya at halos kita na ang laman loob nito, parang binuhusan ito ng isang matinding asido, agad siyang lumapit sa tabi ng kanyang ama at doon ay nanghina. Naamoy din niya ang nakakasulasok na amoy na ng gagaling sa bangkay ng ama.

"NASAN SI MIA? NASAN SIYA!" ang sabi ni Athrun habang tumatayo sa kanyang pagkakaluhod

"Mahal na prinsepe, mas maganda po kung di niyo na makikita ang bangkay ni Mia." Ang sabi ni ulit ni Andrew

"TUMIGIL KA! NASAN NA SI MIA!" ang sabi ni Athrun, tinuro ng isang sundalo ang isang parang giniling na tao, wala kang makita na parte ng katawan, lahat ay pinong-pino,at tanging makikita mo lang ay ang laman at ang nagkalat na dugo. Napaluhod na lang si Athrun at doon ay umiyak

"UMALIS KAYO! ALIS!" ang sabi ni Athrun sa mga taong nasa loob ng silid.

Halos araw at gabing hinanap ni Athrun ang may pakana sa pag patay sa kanyang ama at kasintahan, gusto niya ng hustisya, gusto niya ng katarungan, maraming rebelde na siyang napatay dahil sa pag hahanap ng taong pumatay sa kanyang ama at kasintahan. Naging parang halimaw si Athrun, na walalang ibang alam kundi ang pumatay nang mga rebelde, walang habas niyang pinuputulan ng leeg at hinihiwa ang bawat parte ng rebeldeng nasa harap niya.

Hanggang sa isang araw ay natauhan siya, di matutuwa sa kanya si Mia pag nakita niya na nagkaganon si Athrun, walang natutuwa sa ginagawa niya, tinatakot lang niya ang mga tao sa paligid niya, mas lalo lang niyang hinihiya ang pagkamatay ng mahal niya sa buhay.

Kaya naisipan niyang ayusin ang kanyang buhay, napag desisyonan na lang niya na hayaan na muna pansamantala ang pag hahanap sa taong pumatay sa mga mahal niya sa buhay, mas maraming tao ang nangangailangan sa kanya, may kaharian pa siyang kailangang gabayan.

Di niya dapat pabayaan ang mga taong nakasalalay sa kanya, di niya dapat sayangin ang pinaghirapan ng kanyang ama.

. . . . . . . . . . . . . . . .

"Pambihira, di ko akalaing pumayag ako sa kalokohang ito." Ang sabi ni Yzak na sinusubukang makatulog sa labas ng tahanan ng mga Allster.

"Tingnan mo yung babaeng yon di man lang ako mapuntahan dito sa labas! Ganyan ba siya trumato ng bisita? Nakakairita!"

Teka? Bakit nga pala siya nandito? Humingi siya ng oras kay Shiho para makapag isip pero nandito siya ngayon, handang magpakain sa mga insekto para lang makausap si Flay.

Teka! Teka! Teka! Parte pa din naman ng pag iisip ko ang pagkausap ko kay Flay, para na rin malinawan ang isip ko. Tama yun nga, baliw na ako, BALIW NA AKO!

(A/N: ewan ko sayo Yzak, parehong pareho kayo ni Athrun na laging denial sa umpisa)

Makalipas ang ilan pang di magagandang salita ay nakatulog na si Yzak.

(sa loob ng Allster mansion)

"Ama, di po kaya'y sumobra kayo sa ginawa niyo kay Yzak.?" Ang tanong ni Flay habang minamasahe ang balikat ng ama.

"Anak, tama lang yon, makikita mo lang kung gaano kadeterminado si Yzak sa kanyang mga sinabi." Ang sabi ni George.

"Kahit na ama, kawawa naman yung tao." Ang sabi ni Flay

"Hayaan mo siya Flay, ang lalaking malinis ang hangarin ay hahamakin ang lahat." Ang sabi ni George.

"Ama talaga. Kumusta na kayo?" ang tanong ni Flay

"Ayos lang ako iha, hinaphanap ko ang masahe mong ito, ikaw kumusta ang Bayan? Kumusta si Athrun?" ang tanong ni George.

"Ayos lang din naman siya ama, sa ngayon po ay may sinusuyo siyang binibini." Ang sabi ni Flay.

"Ah ganon ba? Naku! Maganda iyon para sa kanya." Ang sabi ni Geroge sa anak.

"Siguro nga po." Ang sabi ni Flay.

"Kumusta ang bayan? Marami na bang naapektuhan?" ang tanong ni George.

"Di pa naman ganong karami, may masama akong nararamdaman, babalik po ako ulit sa susunod na buwan." Ang sabi ni Flay.

"Anak, di ba pwedeng dumito ka na lang? paano pag napahamak ka?" ang tanong ni George

"Ama, magiging ayos lang ako, at di naman ako pababayaan ni Athrun." Ang sabi ni Flay na patuloy na minamasahe ang balikat ng ama.

. . . . . . . . . . . . . . .

Nag mamadaling pumunta si Shinn sa dating bayan ng Orb, malapit ng mag tapos ang kalokohan na ito. Kailangan na niyang tapusin.

Huminto siya sa harapan ng isang kweba, kumuha siya ng apoy at pumasok sa loob, mukha lang siyang isang ordinaryong kweba pero may maliit na butas doon na natatakpan ng bato at sakto lang para makapasok ang isang tao, sa loob nito ay isang malawak na silid.

Agad niyang kinuha ang kanyang panyo at tinakpan ang kanyang ilong, nakakasulasok ang amoy ng silid, amoy ng mga pinag halong mga kemikal. Nag kalat sa paligid ang mga halamang gamot, insecto, hayop at iba pang parapernalyas. Hinanap niya sa paligid ang taong pakay niya.

Nag lakad siya sa isang mesang makalat ng makakita siya ng isang larawan, isang babaeng may kulay dilaw na buhok, halos kahawig ni Cagalli pero mas matanda sa kanya ng konti, sa tabi ng babae ay isang lalaking may mahabang buhok at may balbas sa mukha parehong magkahawak ang kamay at sa bandang likod nila ay isang lalaki, may pilak na kulay ng buhok at berdeng mga mata, lahat sila ay masaya sa larawan.

Kilala niya ang lalaking may pilak na kulay ng buhok, paano ba naman niya makakalimutan ang mukhang iyon? Eh siya nga ang pakay niya sa pag punta niya dito.

"May nag sabi na ba sa iyo na masamang gumalaw ng gamit ng iba?" ang sabi ng lalaki.

"Gibson, bakit di mo tinupad ang usapan natin? Sumunod ako sa bawat utos mo!" ang sabi ni Shinn na nagsisimula ng magalit

"Shinn, pumalpak ka, muntik ka ng mahuli ng mga sundalo nung tinapon mo ang lason sa ilog sa timog at isa maging mabait ka sa akin kung ayaw mong lusawin ko ang kapatid mo." Ang sabi ni Gibson

"WAG MO SIYANG GAGALAWIN! DEMONYO KA!" ang sabi ni Shinn na gusotng-gusto ng suntukin ang lalaking nasa harapan

"MATAGAL NA SHINN! di mo ba alam humahalik lang sa paa ako ang mga demonyo? Wala palang nag sabi sa iyo na wag kang makikipag laro sa mga katulad ko. Kung gusto mo talagang masagip ang kapatid mo, sumunod ka lang sa bawat utos ko" ang sabi ni Gibson.

"Pagod na pagod na ako ng sumunod sa bawat utos mo! Ano pa ba ang gusto mo?" ang tanng ni Shinn na nanggagalaiti na sa galit.

"Talaga Shinn? pagod ka na? ayaw mo na bang sumunod sa mga utos ko? Gusto mo bang patayin ko na ang mahal mo ng kapatid? Isama na din natin yung babaeng nagugustuhan mo, ano nga bang pangalan nun? Cagalli ba iyon? AH! OO cagalli nga!" ang sabi ni Gibson habang naglalakd papalapit kay Shinn.

"Wag mong gagalawin si Cagalli, ano bang problema mo sa Plants? Ano bang problema mo sa mga tao!" ang tanong ni Shinn habang binibigyan niya ng matalas na tingin si Gibson.

"Di lang sa Plants! Kundi sa buong mundo! Nagawa ko ng patumbahin ang Orb, magagawa ko din sa ibang kaharian! hindi pa mulat ang mata mo sa katotohanan Shinn! wala ka pang alam! Palibhasa! Di mo pa nasubukang, magutom, mamalimos, kutyain, pahiyain, tanggalan ng dangal, wala kang naramdaman na ganon." Ang sabi ni Gibson na ngayon ay hawak-hawak na ang leeg ni Shinn.

"Nakakarumi ka! Ang babaw ng pag katao mo!" ang sabi ni Shinn na kahit sinasakal na ay pilit pa ring tinitingnan sa mata si Gibson.

"Wag mo akong lalaitin, wala ka pa sa kalahati ng napagdaanan ko! Kung susunod ka lang, sumunod ka na lang." ang sabi ni Gibson habang hinihigpitan ang kapit sa leeg ni Shinn.

Tumutore sa tangkad si Gibson, kaya ng oras na sinakal niya si Shinn ay umangat ang paa ng binata mula sa lupa, matipuno at makisig ang pangangatawan ni Gibson kaya di hamak na mas malakas siya kay Shinn, nilapit niya ang tenga ng binata sa bibig niya.

"Gusto kong, mag simula ka ng himagsikan, palabasin mo ang mga rebelde, pamunuan mo sila, at dalhin niyo sa akin si Athrun Zala!" ang sabi ng lalaki sabay hampas kay Shinn sa pader.

Nanghihinang tumayo si Shinn susugudin na niya sana si Gibsn ng makita niya sa may dilim ang isang rehas, sa loob non ay ang walang malay niyang kapatid, gising pero wala ng buhay, nandon lang ito sa isang sulok at kausap ang pader.

Agad siyang tumakbo sa harap ng rehas

"MAYU! Mayu! Nandito na si Kuya, Mayu, halika lumapit ka sa akin." Ang sabi ni Shinn habang inaabot ang kamay sa kapatid.

Tiningnan lang siya ni Mayu at bumalik na ito sa kanyang unang ginagawa.

"Tingnan mo nga naman yan, ang muling pagkikita ng mag kapatid." Ang sabi ni Gibson

"Anong ginawa mo sa kapatid ko." Ang sabi ni Shinn na humihigpit ang kapit sa rehas

"Wag kang mag alala babalik siya sa katinuan , sa oras na mag tagumpay ka sa pinapagawa ko." Ang sabi ni Gibson.

"Siguraduhin mo lang, dahil papatayin kita!" ang sabi ni Shinn na nag aapoy na sa galit.

Tumawa ng malakas si Gibson.

"Magaling ka palang mag patawa, Shinn ang mga demonyong katulad ko ay di madaling namamatay tandaan mo yan" ang sabi ni Gibson

Walang nagawa si Shinn kundi ang titigan ang kapatid na tumawa at kausapin ang pader.

Mayu...

. . . . . . . . . . . . . . . .

Galit na pumasok si Athrun sa kanyang opisina.

"Panong nangyari yon? Pakipaliwanag nga ng maayos!" ang sabi ni Athrun habang hinahampas ang kamay sa mesa.

"Di rin po namin alam kamahalan, nagulat na lang kami at patay na ang mga gwardiyang nag babantay kay Rau." Ang sabi ni Mwu

"Sabi ko na nga ba dapat, pinatay ko na siyang nung nahuli ko siya!" ang sabi ni Athrun habang hinahawakan ang kanyang sentido

"Kamahalan akala ko po ba'y tapos na kayo sa ganon?" ang tanong ni Mwu

"Oo Mwu tapos na nga ako sa pag patay, pero ngayon ay nanganganib na ang buong kaharian." Ang sabi ni Athrun

"Kailangan na lang nating gawin ay hanapin si Rau, marahil ay may mga kasabwat siya" ang sabi ni Mwu

"Ihanda niyo si Justice, sasama ako sa paghahanap." Ang sabi ni Athrun

"Masusunod din." Ang sabi ni Mwu.

Mabilis na nagsipaghanda ang mga sundalo para sa paghahanap sa nawawalang lider ng mga rebelde. Halos itaya na ni Athrun ang sariling buhay mahuli lang si Rau, di siya makapaniwala na natakas si Rau, kung kailangan pa niyang suyurin ang buong kaharian gagawin niya, napaka mapanganib at tusong kalaban si Rau.

. . . . . . . . . . .

"Mahal ko ng kapatid! Kumusta na?" ang tanong ni Gilbert habang sinasalubong ang sariling kapatid

"Tigilan mo ako, Gilbert bakit ang tagal mo bago ako palayain!" ang sabi ni Rau habang hinahawi ang kamay ni Gilbert.

"Hinanap ko pa ang iba nating mga kasamahan na nag tago, at kailangan ko pa silang kumbinsihin buti na lang at tinulungan tayo ng isang kaibigan" ang sabi ni Gilbert.

"Kaibigan?" ang tanong ni Rau.

Agad na pumasok si Shinn sa loob ng silid kung saan nag uusap ang magkapatid

"Shinn Asuka! Magaling naman at sumanib ka na sa aming mga adhikain para sa pagabago." Ang sabi ni Rau ng may ngiti

Di na lang nag salita si Shinn at pinaliwanag niya ang plano sa mag kapatid.

"Kailangan nating makuha ng buhay si Zala." Ang sabi ni Shinn habang nag lalatag ng pera sa mesa.

"Asuka, sayo na yang pera mo, at di mo na kaming kailangang utusan, kung gusto mo pa, ulo ni Zala pa ang ibibigay ko sayo." Ang sabi ni Rau.

"Kaialngan ko si Zala ng buhay" ang sabi ni Shinn habang tinititigan ang mag kapatid.

"Ikaw ang bahala." Ang sabi ni Rau.

. . . . . . . . . . . . . .

"May nakita kayo?" ang tanong ni Athrun habang naghahanap sa paligid ng mga ebidensya na makakapagturo kung saan nag punta si Rau

"Wala po kamahalan. Nanggaling na po kami sa hilaga, kanluran, silangan at timog." Ang sabi ng isang sundalo.

"Mag patawag kayo ng apat pang grupo ng mga sundalo at bumuo kayo ng walong grupo, Mwu, ikaw na ang bahala kung saan mo sila itatalaga, kailangan natin ng mag roronda sa buong kaharian araw man o gabi." Ang sabi ni Athrun

"Masusunod din" ang sabi ni Mwu.

"Gusto kong malaman ang bawat pangyayari sa kaharian, pwede kayong pumunta sa aking tahanan ano mang oras, Mwu bukas ng umaga, pumunta ka agad sa punong palasyo at isalaysay sa akin lahat ng kaganapan, kailangan natin ng maayos na pag plaplano, kailangan nating mag handa, kilala ko si Rau, mabilis na susugod yon." Ang sabi ni Athrun habang nag mamasid sa paligid.

"Opo kamahalan, mag pahinga na po kayo, kami na ang bahala dito." Ang sabi ni Mwu.

Alam ni Athrun sa sarili na di siya makakapagpahinga lalo na't nasa paligid lang si Rau, bakit ngayon pa ito nangyari?

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

"Maligayang pagbabalik kamahalan." Ang bati ni Dearka sa kadadating lang na si Athrun.

"Dearka, gusto kong sabihan mo ang mga sundalo sa paligid ng palasyo na maging alerto sa ano mang oras, wag biglang mag papasok ng tao, nakatakas si Rau, talasan mo din ang iyong mga mata." Ang sabi ni athrun sa kaibigan

"Opo mahal na hari." Ang sabi ni Dearka.

"Master Zala, gising na po ang ating bisita." Ang sabi ni Myrna na sumalubong agad sa mahal na hari.

Agad na kumaripas ng takbo si Athrun patungo sa kwarto ng kanyang bisita. Tumigil muna siya sa pinto upang kumatok.

"Tuloy" ang sabi ng boses sa loob ng silid.

Agad na bumilis ang tibok ng puso ni Athrun, kaboses din siya ni Mia. Dahan-dahang binuksan ni Athrun ang pinto at tumambad sa kanyang harapan ang dalaga, na nakaupo sa kama.

"Kumusta na ang pakiramdam mo?" ang tanong ni Athrun habang lumalapit sa kama ng dalaga.

Agad naman siyang tinitigan ng dalaga na tila nagtatanong at nagtataka kung sino siya.

"Ako nga pala si Athrun Zala, ikaw? Maari ko bang matanong ang pangalan mo?" ang sabi ni Ahrun

Agad na napatayo ang dalaga at yumuko sa mahal na hari.

"Mahal na hari, maraming salamat po sa pagpapatuloy niyo sa akin sa inyong tahanan, tatanawin ko itong utang na loob, ako nga po pala si Meer" ang sabi ni Meer.

"Meer, kumain ka na ba?" ang tanong ni Athrun sa dalaga, napansin naman ni Athrun na pinaglalaruan ni Meer ang sariling hintuturo, parang si Mia, ginagawa niya iyan sa tuwing kinakabahan siya.

"Opo mahal na hari, napaka bait po ng mga tauhan niyo dito, kung mamarapatin niyo po sana, nais kong mag trabaho sa inyong tahanan, bilang bayad sa kabutihang ginawa niyo para sa akin." Ang sabi ni Meer na di maka tingin sa hari.

"Di na kailangan, maari kang lumagi dito." Ang sabi ni Athrun

"Pero, mangyari po kasing wala akong maalala sa mga nangyari sa akin, di naman po tama na tumira ako sa tahanan niyo ng libre ayaw ko pong maging pabigat." Ang sabi ni Meer habang kinakagat ang labi

Gawain din ni Mia yan sa tuwing nahihiya siya.

"Sige kung yan ang gusto mo" ang sabi ni Athrun sa dalaga.

"Maraming salamat po." Ang sabi ni Meer na makailang beses ng yumuko.

"Sige, si binibining Murrue na lang ang tanungin mo sa mga gagawin mo dito, kung may kailangan ka ay maari mo akong puntahan sa aking opisina." Ang sabi ni Athrun na tumalikod na sa dalaga para mag tungo na sa kanyang opisina.

. . . . . . . . . . . . . . . .

"Athrun kumusta ang araw mo? Mukhang pagod ka ata, ito nga pala pinaghanda kita ng chaa," ang sabi ni Cagalli habang pumapasok sa loob ng silid ni Athrun habang dala-dala ang chaa, agad siyang sinalubong ng binata at kinuha ang tasang dala-dala

Hinalikan niya si Cagalli sa noo at naupo sa kanyang silya.

"Ayos lang ako Cagalli" ang pangiting sabi ni Athrun

"Nabalitaan ko na nakatakas daw yung lider ng mga rebelde, anong gagawin mo?" ang tanong ni Cagalli.

"Bukas pa namin pag uusapan, pero ngayon palang ay nag iisip na agad ako ng plano, kailangan ko ng maunahan ang bawat kilos n i Rau, masyado siyang tuso, mahirap ng maisahan." Ang sabi ni Athrun habang humihigop ng kanyang chaa/tsaa.

"Sa tingin ko Athrun, uunahin niyang puntahan ang mga maliit na baryo, mas madaling mag tago doon, at mas madaling makumbinsi ang mga taong naninirahan doon, bukod sa kokonti lang ang mga sundalong romoronda doon ay mas madaling makontrol ang mga tao sa maliliit na baryo.

"Ano sa tingin mo ano ang dapat nating gawin?" ang tanong ni Athrun na nakikinig sa mga sinasabi ni Cagalli.

"Ang mga rebelde kasi ay parang mga ordinaryong tao lang, madali silang makahalo sa mga normal na tao sa paligid, sa tingin ko ay dapat niyong tingnan ang bawat sulok ng kaharian na ito, sa bundok sa gubat at sa maliliit na baryo, kung maari lang ay mag lagay ka ng maraming sundalo o kampo ng mga sundalo na malapit sa mga baryo, liitan mo din ang agwat ng mga kampo, para mabilis ang pag saklolo kung sakali mang may masamang mangyari, maaaring nag iipon pa ng mga kasama ang mga rebelde at mas maganda kung mabilis na itong maaagapan." Ang sabi ni Cagalli habang nag iisip ng kanyang mga sasabihin.

"Ganon ba? Ano pa?" ang sabi ni Athrun na lihim na napapangiti dahil sa binibigay na kooperasyon ng dalaga.

"Kung ako sa iyo ay lihim akong gagawa ng pain" ang sabi ni Cagalli.

"Pain? Tulad ng?" ang tanong ni Athrun na napasandal sa kanyang upuan.

"Diba may mga sundalo ka para sa mga kababaihan? Kung ako sa iyo ay palilikasin ko ang mga taong nasa baryo, lalong lalo na ang mga baryo na maraming kababaihan, at mag lalagay ako ng mga sundalo doon na magpapanggap na mga taong naninirahan doon." Ang sabi ni Cagalli.

"Magandang ideya yan, pero sa tingin ko ay kakailanganin natin ng maraming sundalo doon." Ang sabi ni Athrun.

"Pag panggapin mo yung mga sundalong bihasa na sa labanan, mas maganda din siguro kung ililikas mo na ang mga taong nasa maliliit na baryo." Ang sabi ni Cagalli.

Tumayo si Athrun at lumuhod sa harap ng nakaupong si Cagalli.

"Masusunod din po." Ang sabi ni athrun habang hinahalikan ang kamay ni Cagallli.

"ATHRUN!" ang sabi ni Cagalli.

"Ngiti ka naman." Ang sabi ni Athrun habang hinahawakan ang pisngi ni Cagalli.

"Paano mong nagagawang maging ganyan sa kabila ng mga problemang hinaharap mo?"ang sabi ni Cagalli

"Di ko alam, basta sa tuwing nakikita kita ay natatanggal ang pagod ko." Ang sabi ni Athrun.

Agad namang namula si Cagalli at lihim na napangiti.

"Athrun?" ang tanong ni Cagalli.

"Hmm?" ang tanong ni Athrun habang umuupo sa katapat na upuan ni Cagalli.

"Wag mo sanang mamasamain ang sasabihin ko, pero si Meer ay kahawig ni Mia." Ang sabi ni Cagalli na di makatingin sa mata ni Athrun

"Ano naman ngayon?" ang tanong ni Athrun.

"Ahmmm, ano, . . hay, wala." Ang sabi ni Cagalli.

Tumayo si Athrun sa kanyang kinauupuan at hinila si Cagalli para yakapin ito.

"Matulog ka na, pagod lang yan." ang sabi ni Athrun

Tumango na lang si Cagalli at umalis na sa opisina ni Athrun.

Nababahala siya, ngayong nandito na si Meer, parang di na niya alam kung saan siya lulugar, di niya alam kung dapat pa ba nilang ipagpatuloy ni Athrun ang ginagawa nila? Alam niyang sinusubukan lang niya ang lahat ng ito, pero nababahala siya, natatakot siya.

Natatakot saan? Di kaya'y nahuhulog na ang loob niya sa mahal na hari? Sa bawat halik at yakap nito? Pero tila ang bilis naman ata. Posible bang mangyari iyon? Alam niyang mabilis lang niyang nagustuhan si Shinn, pero iba yung nararamdaman niya kay Athrun. Ibang-iba.

. . . . . . . . . . . . . .

Wala na po akong mapiga sa utakels ko! Sagad na! puro computer codes na ang laman nito. Nagulat sa akin si cousin kasi halos 20 mins ko lang ginawa ito, ang bilis ko daw mag type, natutuwa daw silang pakinggan yung tunog ng keyboard. Wierd naming mag anak.. . . hahah don't know kung kelan ko iuupload nung next chap pero ginagawa ko na siya habang nagpapahinga sa pag cocode.

May readers ako from U.S? hmmmmm