Disclaimer: i do not own gs or gsd

Special thanks to my sisters: kkornelia, ryne marge,lie

And also to my silent readers

Lie: sure ikaw pa! lakas ka sa akin eh! Hahahaha.

OKAY PEOPLE! THIS IS THE LAST CHAPTER!

. . . . . . . . . . . . . .

"Ang magagawa na lang natin sa ngayon ay mag handa, at palakasin ang ating pwersa, planado na ang lahat sa bawat angulo, kung merong mga bagay pa akong di naipaliwanag pakisabi na lang, di natin alam kung kelan aatake si Rau, Mwu, ilang rebelde na ba ang nahuli natin?" ang tanong ni Athrun kaw Mwu.

"Sa ngayon po ay, umaabot na ng dalawampu ang bilang nila." Ang sabi ni Mwu.

"May nagsalita na ba sa kanila?" ang tanong ni Athrun

"Wala pa po. Sa katunayan po ay wala ni isa sa kanila ang makapag salita, bigla na lang po nag susugat ang kanilang mga dila at bigla na lang sumusuka ng dugo, inaalam pa namin kung nalason din ba ang mga rebelde, may lima na ang namatay sa kanila simula kahapon." Ang sabi ni Mwu.

"Sa tingin ko ay may konektado ang nagpapakalat ng lason sa mga rebelde, marahil ay gusto nilang malingat ang ating atensyon sa pag kalat ng lason sa pamamagitan ng paglabas ng mga rebelde, maaaring konektado si Rau sa gumagawa ng lason. " ang sabi ni Athrun

"Siguro nga po mahal na hari, masasabi ko din po na matagumpay ang pain na ginawa natin para sa maliliit na baryo, sa ngayon po ay nililikas na din namin ang ilan pang mga sibliyan at sinusuri naming mabuti ang mga ito." Ang sabi ni Mwu.

"Naipatawag niyo na ba si Lord Asuka? Mag dadalawang araw na ang utos kong iyon ah." Ang sabi ni Athrun

"Mangyari po kasing laging wala si Lord Asuka sa kanyang tahanan, tanging ang kanyang tagapamahala lang ng bahay ang nandoon." Ang paliwanag ni Mwu.

"Sinasabi ko na nga ba, bantayan niyo ng mabuti si Lord Asuka." Ang sabi ni Athrun

"Bakit po kamahalan." Ang tanong ni Mwu.

"May kinalaman si Lord Asuka sa lahat ng pangyayaring ito." Ang sabi ni Athrun

"Paano niyo po nasabi mahal na hari?" ang tanong ni Mwu.

"Minsan ko ng nahuli na may kausap na lalaki si Lord Asuka, at tila nagbubulungan sila, noong una ay di ko ito pinansin, pero di nag kalaunan, may tindahan ng mga rosas akong pinasara dahil nakakalason ang rosas na tinitinda doon, pina imbistigahan ko iyon at napag alaman ko na nakapangalan iyon kay Lord Asuka, kaya nag ka roon na ako ng pag dududa, isa sa mga kaibigan ko si Shinn,malaki ang tiwala ko sa kanya kaya binigyan ko pa siya ng pagkakataon,pag kakataon para malaman ko kung dapat ko pa ba siyang pagkatiwalaan, inutusan ko siyang mag imbistiga ng tungkol sa lason, alam natin na pambihira ang kakayanan ni Lord Asuka pag dating sa pag iimbistiga, pero kahit isang ebidensya ay wala siyang nakita." Ang paliwanag ni Athrun

"Ganon po ba?" ang sagot ni Mwu

"Ipatawag niyo si Nicole, paki sabi na kailangan ko na ang mga resulta sa mga bulaklak na pinadala ko sa kanya." Ang utos ni Athrun sa isang sundalo.

Makalipas lang ang ilang minuto ay pumasok na si Nicole. Dapat ay trabaho ito ni Yzak pero dahil wala pa ang punong tagapagsaliksik ng Plants ay si Nicole muna ang humawak ng mga responsibilidad ni Yzak.

"Mahal na hari." Ang sabi ni Nicole habang yumuyuko.

"Anong nahanap mo?" ang tanong ni Athrun.

"Kontaminado po ang mga bulaklak sa hardin ni Lord Asuka, ito po ang pinag mumulan ng p1, bigla na lang nag kakapantal ang mga natutusok ng tinik ng mga ito." Ang sabi ni Nicole.

"Sinayang ni Shinn ang tiwala ko, dapat pala nung una pa lang ay pina imbistigahan ko na siya!. Pumunta kayo sa bahay ni Lord Asuka ipabungkal nyo ang kanyang hardin , tanggalin niyo lahat ng bulaklak ilagay niyo sa isang silyadong lalagyan, kunin niyo na din ang lahat ng bulaklak sa lupain na nasasakupan ni Lord Asuka, dakipin niyo ang katiwala ng kanyang bahay, at wag niyong lulubayan ang paligid ng lupain ni Lord Asuka kahit ano mang mangyari, pag nakita niyo siya ay agad niyo siyang iharap sa akin." Ang utos ni Athrun sa mga sundalo

"Masusunod din po." Ang sabi ng mga sundalo.

"Dapat ay di ko pinagdudahan ang kutob ko, di ko akalaing magagawa sa akin ito ni Shinn, pinagkatiwalaan ko siya at binigyan ko pa siya ng pag kakataon." Ang sabi ni Athrun.

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

Dalawang araw na ang lumilipas simula ng makatakas si Rau, halos walang tulog pa si Athrun dahil sa mga nangyari, magdamag niyang binabantayan ang pag galaw ng mga rebelde sa paligid ng kanyang kaharian, samantalang nagpapalitan sila Mwu at Andrew sa pamumuno sa mga sundalo romoronda, madalas din ay di mo makikita si Athrun sa kanyang tahanan, kung di man ito romoronda ay nag plaplano ito ng mga maaring gawin ni Rau, inaasikaso din niya ang lason na kumakalat, tinitingnan pa niya ang lahat ng angulo ng pwedeng pang galingan ng lason, sa ere, sa tubig at maging sa lupa.

"Master Zala, dinalahan ko po kayo ng kape." Ang sabi ni Meer habang pumapasok sa opisina ng binata.

Ngumiti si Athrun sa dalaga

"Salamat Meer, nasan nga pala si Cagalli?" ang tanong ni Athrun

Agad na namula si Meer sa ngiti sa kanya ng mahal na hari.

"Di niya po siguro inasahan na uuwi kayo, kaya nanguha muna siya ng halaman sa gubat, nakita ko din po na pagod na pagod kayo kaya dinalhan ko po kayo ng kape." Ang sabi ni Meer.

"Ganon ba? Meer, paki tawag mo nga para sa akin si Dearka." Ang sabi ni Athrun na agad na kinabahan.

Tumango si Meer at tinawag si Dearka.

"Kamahalan?" ang sabi ni Dearka

"Dearka, hanapin mo si Cagalli sa gubat ngayon din, di siya dapat nag pupunta doon, mapanganib mamaya ay makuha siya ng mga rebelde." Ang dali-daling utos ni Athrun

"Master Zala. Ayos lang po ba kayo?" ang tanong ni Meer na agad na pumunta sa tabi ni Athrun.

Humarap si Athrun kay Meer at nginitian ito.

"Ayos lang ako, Meer, sige na maaari ka ng umalis." Ang sabi ni Athrun habang hinahawakan ang balikat ni Meer.

"Gusto niyo po ba ay masahihin ko ang balikat niyo?" ang alok ni Meer na agad na minasahe ang likod ng binata.

Di naman naka imik si Athrun, di naman siguro tama na ipatigil niya ang ginagawa ng dalaga gayong nagmamagandang loob lang naman ito.

Pinikit na lang ni Athrun ang kanyang mata at nagpahinga ng konti.

Bakit ganon? Ang bawat hamplos niya ay parang haplos din ni Mia?

"Mia. . . " di napansin ni Athrun na nabanggit pala niya ang pangalan ng dating kasintahan

"Nandito lang ako." ang sagot ni Meer

Agad na tumayo si Athrun at tinitigan si Meer.

"Anong sinabi mo?" ang gulat na gulat na tanong ni Athrun

"Ang sabi ko po,'nandito lang ako', Mia po ang katumbas ng pangalan ko." Ang sagot ni Meer na agad na nabigla sa reaksyon ng binata.

"Ganon ba?" ang sabi ni Athrun

"May nasabi po ba akong mali?" ang tanong ni Meer

"Wala naman." Ang sabi ni Athrun habang tinititigan sa mata ang dalaga. Imposible, mararamdaman naman niya agad kung si Mia nga ang nasa harap niya.

"May ipag uutos pa po ba kayo?" ang tanong ni Meer.

"Wala na." ang sabi ni Athrun.

"Tawagin niyo lang po ako pag may kailangan kayo." Ang sabi ni Meer na umalis agad ng silid.

Mabilis na bumalik sa kanyang upuan si Athrun.

Ano na bang nangyayari sa buhay ko?

Maka ilang saglit pa ay nasa harapan na niya si Cagalli.

"Athrun? Pinabalik mo daw ako?" ang tanong ni Cagalli.

Tumayo si Athrun at lumapit sa dalaga.

"Cagalli, simula ngayon ayaw ko ng lumalabas ka ng palasyo, mapanganib sa kahit anong lugar, mag intay ka na lang hanggang sa maka punta ka na sa tahanan ni doktor Antonio" ang matapang na utos ni Athrun

"Kaya ko ang sarili ko. Di mo na ako kailangang alalahanin." Ang sabi ni Cagalli.

"Cagalli, di basta-basta ang mga taong ito, isa pa babae ka..."

"Ano naman kung babae ako? porke ba babae ako, di ko na kayang pangalagaan ang sarili ko?" ang sabi ni Cagalli

"Cagalli, hindi sa ganon" ang sabi ni Athrun

"Ano pala Athrun?" ang sabi ni Cagalli na ngayon ay magkasalubong na ang kilay.

"Cagalli, makinig ka na lang! Pwede ba!" ang sabi ni Athrun na medyo tumataas na ang boses.

"At bakit ako makikinig sayo?" ang sabi ni Cagalli na ngayon ay nagagalit na

"Kasi mapanganib! Alin ba sa salitang mapanganib ang di mo naintindihan?" ang sabi ni Athrun.

"Kaya ko nga ang sarili ko!" ang sabi ni Cagalli na pinapantayan ang lakas ng boses ni Athrun

"Kahit na Cagalli!" ang sabi ni Athrun

"Athrun di na ako bata!" ang sigaw ni Cagalli

"Edi umayos ka ayon sa edad mo!" ang sabi ni Athrun

"Di mo ako kailangang diktahan!" ang sigaw ni Cagalli.

Hinawakan na lang ni Athrun ang kanyang sentido.

"Cagalli, pakiusap, makinig ka na lang, wag ka na munang lalabas ng palasyo hangga't di pa maayos ang lahat." Ang sabi ni Athrun

"Athrun, sinasabi ko na sayo, kaya ko ang sarili ko!." Ang sabi ni Cagalli na di pa din tumitigil sa pag sigaw.

"Sige nga anong gagawin mo pag dinakip ka nila? pinatay? O ginahasa? Sisigaw!?" ang tanong ni Athrun.

"Walang mangyayaring masama sa akin Athrun! Kaya pwede ba tumigil ka na!" ang sabi ni Cagalli.

"CAGALLI, sinasabi ko sayo ito bilang amo mo! Matuto kang rumispeto." Ang sabi ni Athrun.

Kung kinakailangan pa niyang gamitin ang awtoridad niya bilang amo ni Cagalli, gagawin niya wag lang mapahamak ang dalaga.

"Ganon na lang yon? Gagamitin mo na sa akin yang. . .ewan ko sayo Athrun! " ang sabi ni Cagalli na nililisikan ng mata si Athrun

"Kung kailangan kong gamitin sayo ang awtoridad ko gagawin ko. Kaya tumigil ka na Cagalli, walang patutunguhan ang pag uusap nating ito" Ang sabi ni Athrun habang pinapakalma ang sarili

"IKAW ANG TUMIGIL! IKAW ANG WALANG RESPETO SA KALAYAAN KO!" ang sabi ni Cagalli na handa ng manapak

"Cagalli, tumumigil ka na" ang sabi ni Athrun habang hinahawakan ang mag kabilang braso ni Cagalli.

"BAKIT KA GANYAN ATHRUN! BITIWAN MO AKO!" ang sabi ni Cagalli na nagpupumiglas sa kapit sa kanya ng binata.

"Tumigil ka na!" ang sabi ni Athrun na mas lalong hinihigpitan ang hawak sa braso ng dalaga.

"Di ako titigil Athrun! Bitiwan mo ako.!" ang sabi ni Cagalli

"Cagalli, Tumigil ka na." ang sabi ni Athrun

"Baliw ka na ba Athrun? Nitong mga nakaraang araw. Ang lambing mo sa akin tapos ngayon nagagalit ka sa akin! Ano ba! Ha! Ano bang problema mo? Nasisiraan—ammmpptttt"

Di pa tapos ang sinasabi ni Cagalli ng maramdaman niya ang malalambot na labi ni Athrun sa mga labi niya. Nanlaki ang mata niya at pinilit niyang kumawala sa pagkakahawak ni Athrun pero, bigla na lang siyang inipit ni Athrun sa pader, kaya wala na siyang takas.

Nagtataasan ang balahibo niya, umiikot ang paningin niya, para siyang kinokoryente, nanghihina ang tuhod niya, ang daming emosyon ang bumubuhos sa kanya, ang daming di maipaliwanag na pakiramdam, gusto niyang mag pumiglas, pero ayaw na ng katawan niya, di na siya makapag isip ng maayos, bumibilis na ang tibok ng puso niya.

pakiramdam niya ay tama ang ginagawa niya, nararamdaman niya na gusto din niya ito, di na niya kayang pigilan pa, kaya, unti-unti na niyang pinikit ang kanyang mga mata.

Ganito pala ang pakiramdam ng mahalikan. Nakakasira ng bait. Parang gusto na niyang tumigil ang oras, parang ayaw na niyang matapos ito.

"Master-AY! Kalabasa!" ang pagulat na sabi ni Myrna

Agad na tumigil ang dalawa sa kanilang ginagawa at napatingin sa nakatatandang babae

"Naku! Pasensya na kamahalan, di ko po sinasadya, aalukin ko sana kayo mag hapunan, pero tila abala pa kayo, sige ituloy niyo lang ang ginagawa niyo" ang sabi ni Myrna, na di mag kaintindihan kung paano aalis ng opisina.

Agad na namula ang dalawa.

"Ah-mmmm" ang sabi ni Cagalli habang nakatingin sa sahig.

"Pasensya ka na Cagalli, marahil ay nabastos kita, di ko kasi alam kung paano kita patitigilin." Ang sabi ni Athrun na di din maka tingin kay Cagalli.

"Wag mo na lang isipin yon, di mo ako nabastos sa katunayan nga ay..." ang sabi ni Cagalli na lalo ng namula sa nasabi niya

"Sa katunayan ay ano?" ang tanong ni Athrun na biglang napatingin kay Cagalli.

"ah,,wala" ang sabi ni Cagalli na nakatingin sa pintuan.

"Cagalli."ang sabi ni Athrun

"Athrun, bumaba na tayo para maghapunan." Ang sabi ni Cagalli.

"Ano muna yung sasabihin mo." Ang sabi ni Athrun

"Sandali lang Athrun, pwede bang tumabi ka muna jan." ang sabi ni Cagalli habang dahan-dahan niyang tinutulak si Athrun.

"Oh ayan na, ano na yung sasabihin mo?" ang tanong ni Athrun.

"Sakatunayanlangaynagustuhank oyungginawamo" ang mabilis na sabi ni Cagalli sabay takbo sa labas ng silid. (A/N: sa katunayan lang ay nagustuhan ko yung ginawa mo. )

Agad na napangiti si Athrun sa sinabi ni Cagalli, ibig sabihin ba noon ay may nararamdaman para sa kanya si Cagalli? may pag-asa na kaya siya?

. . . . . . . . . . . . . . . .

Di makatulog si Cagalli dahil sa mga nangyari sa kanya kanina.

"Hinalikan niya ako"

Agad na namula si Cagalli.

"Hinalikan niya talaga ako"

Paulit-ulit na lumalaro sa isipan niya ang mga nangyari. Kakaiba talaga ang naramdaman niya, parang nag apoy ang dibdib niya. Di niya maipaliwanag, pero parang di makatotohanan.

Parang.

.

.

.

.

.

Parang.

.

.

.

.

.

Parang ang sarap ulitin.

Agad niyang sinampal ang sarili.

"Ang sarap ulitin ka jan!"

Dahan-dahang tumayo si Cagalli at lumabas ng kanilang silid, marahil ay kailangan lang niya ng sariwang hangin. Kung ano-ano na kasi ang pumapasok sa isip niya.

Nag lakad siya patungo sa hardin, napansin niya na may taong naka upo sa may may fountain

"Si Athrun kaya?"

Nilapitan niya ang taong nakaupo sa fountain.

"Meer? Anong ginagwa mo jan?" ang tanong ni Cagalli

Agad na nagulat ang dalaga sa biglang pagsulpot ni Cagalli

"Cagalli! Ginulat mo ako!" ang sabi ni Meer.

"Pasensya ka na, ano ba naman kasing ginagawa mo dito?" ang tanong ni Cagalli habang tumatabi sa dalaga na nakaupo sa Fountain.

"Ah! Ako? nag iisip-isip lang ako." ang sabi ni Meer na tila ninenerbiyos

"Eh bakit pawisan ka?" ang tanong ni Cagalli

"Ang init kasi sa kwarto ko kaya lumabas muna ko dito" ang sabi ni Meer na agad na pinunasan ang pawis.

"Ganon ba?" ang sabi ni Cagalli habang lumalanghap ng sariwang hangin.

"Cagalli, pwedeng mag tanong?" ang sabi ni Meer

"Ano yon?" ang sabi ni Cagalli habang humaharap sa dalaga.

"May relasyon ba kayo ni Master Zala?" ang tanong ni Meer

Agad na nanlaki ang mata ni Cagalli at biglang namula ang kanyang pisngi.

"KAMI? Wala naman! Bakit mo natanong?" ang sabi ni Cagalli

"May. .may. . ." ang sabi ni Meer habang kinakagat ang kanyang labi

"May?" ang tanong ni Cagalli.

"May gusto kasi ako sa kanya." Ang sabi ni Meer habang hawak-hawak ang kanyang magkabilang pisngi.

Nakangangang tinitigan ni Cagalli si Meer

"Naku! Nakakahiya tuloy." Ang sabi ni Meer na di magkaintindihan kung paano tatakpan ang kanyang mukha.

Agad namang nalungkot si Cagalli at napayuko. Ano ba nga namang laban niya kay Meer? Bukod sa mabait na, kahawig pa niya ang kasintahan ni Athrun. Hinalikan nga siya ni Athrun pero para lang mapatigil siya sa pagsasalita. Siguro ay unti-unti ng bumabalik ang nararamdaman ni Athrun para kay Mia ganitong nandito na si Meer at parang siya lang ang hadlang, marahil ay nahihiya lang sabihin sa kanya ni Athrun dahil baka siya masaktan

"Meer, alam mo ba kahawig mo ang dating kasintahan ni Master Zala? Mia ang pangalan niya." Ang sabi ni Cagalli

"Talaga? Kaya pala binanggit niya ang pangalan na iyon, alam mo ba na katumbas ng pangalan ko ay Mia din?" sabi ng tuwang-tuwa na dalaga.

"Sa tingin mo ba ay bagay kami?" ang tanong ni Meer na walang mapagsidlan ng galak.

Malungkot na tumango si Cagalli

"Talaga?!" ang sabi ni Meer

"Oo Meer, sige na inaantok na ako, mauna na ako sayo" ang sabi ni Cagalli na nagpanggap na humihikab.

"Sige! Magandang gabi sayo Cagalli" ang sabi ni Meer

"Magandang gabi din" ang sabi ni Cagalli habang nakatalikod sa dalaga.

Kanina lang ang saya niya, tapos ngayon parang kinukurot ang puso niya. Ang sakit naman.

. . . . . . . . . . . . . . . . . . .

"Kumusta Gilbert, umaayon ba ang plano mo?" ang tanong ni Rau

"Kelan ba naman ako pumalpak?" ang tanong ni Gilbert sa kapatid.

"Liligpitin na ba natin si Asuka, naiirita ako sa kanya!" ang sabi ni Rau habang pinaglalaruan ang punyal na hawak.

"Di pa sa ngayon, kailangan pa natin ang batang yon." Ang sabi ni Gilbert

"Gustong-gusto ko ng sumugod! Gusto ko ng tapyasin ang leeg ni Zala!" ang sabi ni Rau

"Rau, mag hunos dili ka, mag iipon pa tayo ng pwersa, may ilang kasamahan na natin ang nabawasan, buti na lang at di pa sila nagsasalita hanggang ngayon" ang sabi ni Gilbert.

"Masama ang kutob ko sa Asuka na yan, sa palagay ko ay, may ginagawa siya sa mga tauhan natin." Ang sabi ni Rau.

"Aalamin natin yan, mahal ko ng kapatid, aalamin natin." Ang sabi ni Gilbert.

. . . . . . . . . . . .

"Kamahalan, nadakip na namin ang katiwala ni Lord Asuka, pero hanggang ngayon ay ayaw pa din niyang mag salita."ang sabi ni Mwu.

"Anong balita sa mga halaman?" ang tanong ni Athrun

"Natanggal na po namin lahat, nilagay namin ito sa silyadong lalagyan." Ang sabi ni Mwu

"Anong balita kay Shinn?" ang tanong ni Athrun

"Di pa po siya nagpapakita kamahalan, nawawala din po ang kapatid niya." Ang sabi ni Mwu

"Sino? Si Mayu?" ang tanong ni Athrun

"Opo, marahil po ay tinago na ito ni Lord Asuka." Ang sabi ni Mwu.

"Anong balita sa mga rebelde?" ang tanong ni Athrun

"Namatay na po ang lahat ng rebelde kagabi lang, mga lusaw na po ang tiyan." Ang sabi ni Mwu

"Ano? Gusto kong makita." Ang sabi ni Athrun

Agad na nagtungo si Athrun sa selda ng mga rebelde at tulad nga sa sinabi ni Mwu, lusaw nga ang tiyan ng mga rebelde.

"Malakas na lason ata ang ginamit sa kanila, mautak talaga si Rau." Ang sabi ni Athrun kay Mwu.

"Anong gagawin natin ngayon kamahalan?" ang tanong ni Mwu.

"Tulad pa din ng dati, nararamdaman ko malapit ng mag pakita si Rau." Ang sabi ni Athrun

"Kamahalan, dumudugo po ang ilong niyo." Ang sabi ni Mwu habang nakaturo s ilong ni Athrun

Agad na pinunasan ni Athrun ang kanyang ilong.

"Wala ito." Ang sabi ni Athrun

Hinawakan ni Mwu ang noo ni Athrun

"Umuwi na kayo kamahalan, ang taas ng lagnat niyo." Ang sabi ni Mwu

"Ayos lang ako Mwu, lagnat lang ito." Ang sabi ni Athrun

"Kamalahan, mag pahinga na kayo, di kayo makakapagtrabaho ng maayos kung masama ang pakiramdam niyo." Ang sabi ni Mwu

"Kaya ko pa Mwu." Ang sabi ni Athrun

"Wala kayong magagawa sa sitwasyon niyong ganyan, umuwi na kayo kamahalan." Ang sabi ni Mwu.

"Mwu! Wag mo akong utusan" ang sabi ni Athrun

"Kamahalan patawad po." Ang sabi ni Mwu.

"Ayos lang" ang sabi ni Athrun

"Di po dahil sa sinabi ko" ang sabi ni Mwu

"An-" natumba na lang si Athrun ng may biglang sumuntok sa kanyang sikmura.

"Dalhin niyo na ang kamahalan sa kanyang tahanan, kailangan na niya ng pahinga." Ang sabi ni MWu sa mga sundalo habang inaalalayan ang walang malay na si Athrun.

"Masama nga siguro ang pakiramdam niya, di naman siya basta-bastang nawawalan ng malay sa ganong suntok." Ang sabi ni Andrew.

"Pinababayaan na niya ang sarili niya." Ang sabi ni Mwu.

. . . . . . . . . . .

"Cagalli, aalis ka na bukas." Ang sabi ni Milly sa kaibigan na nagiimpake.

"Oo, Milly, kailangan eh." Ang sabi ni Cagalli

"Wag ka na lang umalis." Ang sabi ni Milly.

"Hindi pwede." Ang sabi ni Cagalli

"Ayaw mo na ba sa akin." Ang sabi ni Milly habang tinuturo ang sarili.

"Wag mo na akong dramahan, wag kang mag alala mag aaral ako ng mabuti para mabilis akong makabalik dito." Ang sabi ni Cagalli.

"Talaga?" ang sabi ni Milly

"Talaga!" ang sabi ni Cagalli.

. . . . . . . . . . .

"Cagalli! Bilisan mo!" ang sabi ni Myrna habang kinakaladkad ang dalaga papunta sa silid ni Athrun

Nagulat na lang sila ng makita nila si Meer sa tabi ni Athrun.

"Meer, tumabi ka muna jan at si Cagalli na ang bahala."ang sabi ni Myrna

Mabilis na umalis si Meer at tumayo sa gilid ng kama ni Athrun

"Maiwan na kita Cagalli, ikaw na ang bahala jan." ang sabi ni Myrna habang sinasarhan ang pinto

Hinawakan ni Cagalli ang noo ni Athrun, inaapoy ito ng lagnat, mabilis niyang hinubaran si Athrun.

"Meer, paki kuha naman ng tubig na may yelo sa kusina" ang sabi ni Cagalli kay Meer

Nakasimangot namang sumunod sa utos ang dalaga

Nanginginig na hinuhubadan ni Cagalli si Athrun, napalunok naman siya ng laway, nasa harapan niya ngayon at nakatambad ang perpektong hubog ng katawan ni Athrun, matipuno at makinis. Dahan-dahang pinadaan ni Cagalli ang kanyang mga daliri sa katawan ni Athrun.

.

.

.

.

"May gusto kasi ako sa kanya"

.

.

.

Natigil si Cagalli ng marinig niya ang boses ni Meer sa isip niya.

"Eto na ang pinapakuha mo sa akin" ang sabi ni Meer habang inaabot kay Cagalli ang maliit na planggana na ay lamang tubig at yelo

Maingat na pinunasan ni Cagalli ang katawan, braso at binti ni Athrun, bago niya ito pinalitan ng damit.

Napansin din niya na di pa umaalis si Meer sa silid.

"Labis siguro ang pag aalala mo sa kanya" ang sabi ni Cagalli.

Tumango na lang si Meer

"Mia" ang paungol na sabi ni Athrun

Napatingin naman si Cagalli sa binata. Parang gusto na niyang umiyak. Maging sa pagtulog ay si Mia pa rin ang nasa isip niya. Di niya alam pero, ang sakit, parang hinampas ang dibdib niya sa sobrang sakit. Mas lalo pang dumagdag ang bigat sa loob niya ng marinig niya ulit ang boses ni Athrun

"Mia"

Mabilis na pumunta si Mia sa tabi ni Athrun at hinawakan nito ang kanyang kamay, nilagay ito ni Meer sa kanyang pisngi.

"Nandito lang ako Athrun" ang sabi ni Meer

Di na kinaya ni Cagalli, mabilis siyang tumalikod para umalis.

"Punasan mo ang katawan niya bawat paglipas ng sampung minuto at palitan mo din ang kanyang damit pag basa na ito ng pawis." Ang sabi ni Cagalli bago siyang tuluyang umalis ng silid ni Athrun.

. . . . . . . . . . . . .

"masakit pero di ko alam kung bakit"

. . . . . . . . . . . . .

Baka batuhin niyo ako ng kamote, joke lang di pa ito Last chap. Siguro aabutin ito ng hanggang chapter 25 at 30, naks! Konting chapter na lang ang titiisin niyo at tapos na ang pag tyatyaga niyo sa ka wierdohan ko. Hahahahaha