Disclaimer: I do not own gs or gsd

(edited yung speech na nakalagay ay 'gilbert' mali yun, si 'gibson' yung nag utos kay shinn na dakipin si Lacus. tnx kay rynne na agad na nakapansin^^

sobrang natuwa talaga ako sa mga reviews nila Kkornelia,ryne marge at lie, wala naman talaga akong balak ipost itong chap na ito pero, bigla na lang akong sinapian, kaya eto na siya, wala akong balak ipost ito kasi, di ko pa nababasa at na eedit, feeling ko kasi kulang pa sa details, minadali ko kasi, edit ko na lang mamaya pag uwi ko^^

warning!: tons of errors!

. . . . . . . . . .

"Mia" ang patuloy na ungol ni Athrun habang pinupunasan siya ni Meer.

"Shhhh, Athrun nandito lang ako." ang sabi ni Meer habang hinahawakan ang pisngi ni Athrun.

Laking gulat na lang niya ng biglang pumatak ang luha galing sa pikit na mata ni Athrun, hinawakan ni Athrun ang mga kamay ni Mia

"Mia, masaya ako at nandito ka na sa tabi ko." Ang sabi ni Athrun na tila ba nagdidiliryo dahil sa taas ng kanyang lagnat.

"Ako din Athrun masaya at nakasama na kitang muli." Ang sabi ni Meer habang tinitingnan si Athrun.

Nilagay ni Athrun ang kamay ni Meer sa kanyang dibdib

"Mia, gusto ko sanang humingi ng tawad, dahil di kita naprotektahan, mahal kita Mia." Ang sabi ni Athrun na panay ang ikot ng mga mata.

"Mahal na mahal din kita Athrun" ang sabi ni Meer

"Patawarin mo ako, Mia, patawad." Ang sabi ni Athrun na patuloy ang pag iyak.

"Napatawad na kita mahal ko, ang mahalaga ngayon ay magkasama na tayo." Ang sabi ni Meer.

"Hindi, Patawarin mo ako Mia, di ko na napigilan ang sarili ko." Ang sabi ni Athrun

"Saan?" ang tanong ni Meer

"Di ko na napigilan ang sarili kong, mas lalong mahalin si Cagalli, handa na akong ilagay ka sa aking ala-ala, si Cagalli na ang nag mamay-ari ng puso ko, mahal na mahal ko siya Mia, higit pa sa pagmamahal ko sayo." Ang sabi ni Athrun habang pinipikit ang kanyang mga mata.

"Athrun, di mo ba nakikita? Ako si Mia? Bumalik pa ako galing sa kamatayan makasama ka lang." ang sabi ni Meer na ngayon ay umiiyak na.

"Patawarin mo ako Mia. patawad" Ang sabi ni Athrun na ngayon ay nakatulog na.

"Athrun, makukuha kita sa ayaw mo o sa gusto!" ang sabi ni Meer habang tinitingnan ang natutulog na binata.

. . . . . . . . . . . . .

"Shinn! Ah! Kailangan na nating gawin ang susunod na hakbang " ang sabi ni Gibson.

"Ano yon?" ang tanong ni Shinn habang hinahanap ang kapatid sa loob ng silid.

"Tinanggal ko na siya sa selda, nilipat ko na siya ng lugar, alam kong tuso ka Shinn, di ka mag papalamang" ang sabi ni Gibson.

"Buti naman at alam mo yan" ang sabi ni Shinn

"Gusto kong hanapin mo kung nasaan si Lacus Clyne." Ang sabi ni Gibson habang hinaharap kay Shinn ang larawan ng dalagang may kulay rosas na buhok.

"Tapos?" ang tanong ni Shinn.

"Sabihin mo sa akin kung nasaan siya at ako na ang bahala sa lahat, handa na ang lason, siguraduhin mong di ka mahuhuli." Ang sabi ni Gilbson.

Tumalikod na si Shinn at umalis na sa silid ni Gibson.

Galit na galit si Shinn sa sarili, hinahayaan lang niyang mag pagamit sa isang tao na walang alam kundi ang mag higanti.

. . . . . . . . . . . . . . . . . . .

Kinuha ni Gibson ang larawan sa kanyang mesa. Tinitigan niya ito ng mabuti, sariwa pa sa kanya ang lahat ng pangyayari, ang lahat ng sakit at lahat ng puot na nararamdaman niya.

"Cera, mahal ko." Ang sabi ni Gibson sa babaeng nasa larawan.

Di niya makakalimutan ang araw na iyon, ang araw na siya ay inalipusta ng lahat ng tao. Humingi siya ng tulong pero tinaboy na lang siya ng mga tao.

"Lahat sila, pare-pareho! Dapat na silang mamatay!" ang sabi ni Gibson na nag ngangalit sa galit.

(balik tanaw)

"Gibson! Di ko akalaing magagawa mo sa akin ito! Tinuring kita na parang kapatid! Tapos titirahin mo pala ako ng patalikod! Kinupkop kita matapos kang itaboy ng kaharian niyo tapos ngayon ito pa ang igaganti mo sa akin? Napaka ingrato mo!" ang sabi ng isang lalake.

"Master, maniwala ka, di ko sinasadya!" ang sabi ni Gibson habang nagmamaka awa

"WALANG UTANG NA LOOB! MATAPOS KONG ITURO SA IYO ANG LAHAT! MATAPOS KITANG BIHISAN AT PAKAININ, GAGAGUHIN MO LANG AKO?!" ang sabi ng galit na galit na lalaki.

"Master, di na po mauulit" ang sabi ni Gibson habang nakaluhod na nagmamaka awa.

"TALAGANG HINDI NA! NILAPASTANGAN MO ANG AKING ASAWA! KAMATAYAN LANG ANG DAPAT NA PARA SA IYO!" ang sabi ng lalaki na nanggagalaiti na sa galit.

"Master,...isa pa pong pagkakataon."

"MGA SUNDALO IPATAPON ANG BASURANG ITO SA MALAYONG LUGAR!" ang sabi ng lalaki.

Binugbog siya at halos patayin na ng mga sundalo, matagal siyang tumira sa lansangan at wala ni isang taong tumulong sa kanya, tinatakan din siya ng markang X sa kanyang kanang braso tanda na isa siyang kriminal. Dahil sa markang iyon ay walang mag tiwala sa kanya, walang tumanggap sa kanya para mag trabaho.

Napakapait sa kanya ng kapalaran, walang nagmamahal sa kanya at nag mamalasakit, gaganti siya, oo gaganti siya, sa kanya at sa kanilang lahat!.

"Cera, ibibigay ko sa iyo ang mundong, walang bahid ng dumi at karahasan, pangako yan mahal ko, pangako" ang sabi ni Gibson

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

Dumating na ang araw ng pag alis ni Cagalli, tiningnan muna niya ang laman ng kanyang maleta, nilibot niya ang buong kwarto para malaman kung may nakalimutan pa siya, natanaw niya sa ilalim ng kama ang libro ng mahika.

"Ang sumpa! Bakit hindi tumalab?"

Binuklat niya ang libro at tiningnan ang huling pahina na kanyang ginamit. Laking takot na lang niya na malaman kung ano pala ang napa inom niya kay Athrun.

Gayuma.

.

.

.

Gayuma.

.

.

.

Gayuma.

.

.

Ang lahat ng ito ay dahil sa gayuma, biglang pumalo sa isip niya ang bawat halik ni Athrun sa kanyang noo, bawat yakap, bawat lambing, bawat hawak, bawat salita, lahat pala ng iyon ay dahil sa gayuma.

Di na niya alam ang gagawin niya. Kailangan na niyang gumawa ng pampatangal ng gayuma. Mabilis lang niyang naihanda ang lahat, nagmadali siyang ihalo ang pampatanggal ng gayuma sa gamot na iniinom ni Athrun para sa lagnat, tulog pa si Athrun sa kanyang silid kaya inilagay na lang niya ang gamot sa tabing mesa.

"Cagalli, nanjan na ang sundo mo, ano pang ginagawa mo dito?"ang tanong ni Meer na kapapasok lang ng silid ni Athrun.

"Nilagay ko lang ang gamot ni Master Zala, mag papaalam na din sana ako, kaya lang tulog pa pala siya." Ang sabi ni Cagalli.

"Ako na ang bahala diyan, sige na madami pang naghihintay sa iyo sa labas." Ang sabi ni Meer na di nagugustuhan na makita si Cagalli.

"Sige Meer, aalis na ako, paki sabi na lang kay Master Zala na umalis na ako." ang sabi ni Cagalli na may lungkot sa kanyang mga mata.

Tumango na lang si Meer.

Mabagal na lumakad si Cagalli sa hallway, di niya alam kung bakit, pero bigla na lang tumulo ang luha niya, di niya mapigil, di niya na makaya, lahat ng ito ang isang kalokohan lamang, niloko niya si Athrun, pinaglaruan niya ang damdamin ng binata. Nasasaktan siya, nakakaramdam siya ng sakit pero di niya alam kung bakit.

"Patawad Athrun, napaka walang kwenta kong tao." Ang sabi ni Cagalli na walang patid sa pag iyak.

Ngayon ay may pag-asa ng sumaya si Athrun sa piling ni Meer, magiging normal na ang lahat. Ipagtatapat na lang niya kay Athrun ang lahat ng ginawa niya pag balik niya galing sa pag-aaral, kakayanin niyang sabihin, kahit kamuhian pa siya ni Athrun, lulunukin niya lahat ng sasabihin ng binata.

Sa ngayon ay kailangan muna niyang lumayo para mag aral, ng sa gayon ay matulungan niya ang mga tao sa kaharian.

"Cagalli, bakit ka umiiyak?" ang tanong ni Milly na naghihintay sa labas ng palasyo.

"Wala Milly, nalulungkot lang ako, kasi matagal akong ,mawawalay sa inyo." Ang sabi ni Cagalli na di pa rin matigil ang pagtulo ng luha niya.

Agad siyang niyakap ni Milly.

"Wag ka na lang umalis." Ang sabi ni Milly na ngayon ay may luha na rin sa kanyang mga mata.

"Alam mo namang hindi pwede Milly di ba?" ang sabi ni Cagalli na ngayon ay nakangiti na dahil sa mga sinabi ni Milly

"Mag-iingat ka doon Cagalli, mag-aral ka ng mabuti para makapagpatayo na tayo ng klinika, bilisan mong matuto ha, baka di ko kayanin, magulat ka bigla na lang kitang susunduin doon, sige ka! Wag mong kakalimutang sumulat." Ang sabi ni Milly

"Oo, di ko kakalimutan" ang sabi ni Cagalli.

Matagal na nag yakap ang mag kaibigan, tila ayaw ng mawalay sa isa't-isa.

"Milly, gagabihin si Cagalli sa kanyang biyahe" ang sabi ni Dearka habang inaawat ang kasintahan sa pag iyak

Isa-isang nag paalam ang mga tauhan ng palasyo kay Cagalli.

"Cagalli mag iingat ka doon ha" ang sabi ni Murrue habang niyayakap ng mahigpit si Cagalli.

"Maraming salamat po sa lahat binibining Murrue" ang sabi ni Cagalli

"Bumalik ka ng mabilis dito, may sasabihin ako sayo, isang mahalagang bagay." Ang sabi ni Murrue

"Ano po iyon?" ang tanong ni Cagalli

"Sikreto, kaya kailangan mo na agad bumalik dito para malaman mo." Ang sabi ni Murrue

"Sige po." Ang sabi ni Cagalli.

Sumakay na si Cagalli sa loob ng karwahe, tila mabigat ang loob sa pag-alis, parang may di kumpleto sa kanya. Parang ayaw pa niyang umalis kasi may kulang pa, may naiwan siya.

. . . . . . . . . . . . . . .

Dinilat ni Athrun ang kanyang mga mata ng marinig niya ang pag sara ng pintuan ng kanyang silid.

"Athrun, gising ka na pala." Ang sabi ni Meer habang umuupo sa gilid ng kama ni Athrun

"Nasan si Cagalli?" ang tanong ni Athrun.

"Si Cagalli? umalis na." ang sabi ni Meer na bigla na lang nagkasalubong ang kilay.

Tinitigan siya ni Athrun para malaman kung nag sisinungaling ba ang dalaga, narinig niya mula sa kanyang bintana na may maingay sa labas.

"Titingnan ko." Ang sabi ni Athrun na pinipilit na tumayo

"Athrun, wag ka munang tumayo, kagagaling mo lang sa lagnat kahapon." Ang sabi ni Meer habang tinutulak si Athrun pabalik sa kama nito.

Tinanggal ni Athrun ang kamay ni Meer sa kanyang dibdib.

"Meer, gusto kong makita." Ang sabi ni Athrun

Napabuntong hininga na lang si Meer

"Sige, pero inumin mo muna ito" ang sabi ni Meer habang inaabot ang gamot na nilagay ni Cagalli sa mesa.

Agad na ininom ni Athrun ang gamot na binigay sa kanya.

Biglang umikot ang paligid niya at parang pinupukpok ng maso ang ulo niya. Eto nanaman yung sakit, naramdaman na niya ang ganitong sakit ng ulo, si Flay pa nga ang nagbigay sa kanya ng gamot.

"Athrun! Ayos ka lang ba?"ang tanong ni Meer ng may pag-aalala

"Ang sakit ng ulo ko." Ang sabi ni Athrun habang hawak-hawak ang ulo niya.

"Maupo ka muna, sabi ko sayo, wag ka ng tumayo."ang sabi ni Meer.

Narinig ni Athrun ang pag alis ng isang karwahe, kasabay ng sunod-sunod na pagbanggit ng paalam.

Di na inalintana ni Athrun ang sakit ng ulo niya, kumaripas siya ng takbo patungo sa labas ng kanyang palasyo, bakit di man lang siya ginising ni Cagalli? Bakit di man lang siya ng paalam?

Nang marating ni Athrun ang labas ng palasyo ay naka alis na ang karwahe ni Cagalli.

"Master Zala, nakaalis na po si Cagalli." Ang sabi ni Myrna, lahat ng tao sa labas ay nakatingin kay Athrun.

"Di niyo ako ginising!" ang sabi ni Athrun sa lahat

"Ayaw po naming istorbohin ang pagpapahinga niyo, kaya po di na po namin kayo ginising" ang sabi ni Myrna.

"Ihanda niyo si Justice ngayon na!"ang sabi ni Athrun habang hawak-hawak ang kanyang ulo.

"Ayos ka lang ba kamahalan?" ang tanong ni Myrna.

"Ayos lang ako! Akin na si Justice!" ang sabi ni Athrun na di na mapakali sa kanyang kinatatayuan.

"Eto na po kamahalan." Ang sabi ni Dearka, na hila-hila ang tali ni Justice.

Agad na sumakay si Athrun kay Justice at mabilis niya itong pinatakbo, di pa nakakalayo ang karwahe, kaya pa niyang habulin si Cagalli.

Wala na siyang paki alam kung di pa maayos ang damit niya, wala na siyang paki alam kung masakit ang ulo niya, wala na siyang paki alam sa iisipin ng mga tao.

Pabilis na ng pabilis ang takbo ni justice hanggang sa maabutan niya ang karwahe ni Cagalli.

Nakita niya si Cagalli mula sa bintana ng karwahe

"CAGALLI!" ang pasigaw na tawag ni Athrun habang nakasakay kay Justice.

Tumingin naman sa kanya si Cagalli at lumapit ito sa bintana.

"Mag-iingat ka. Mahal kita, alam mo yon di ba?" ang pasigaw na sabi ni Athrun na nananatili pa ding nakasakay kay Justice.

Di sumagot si Cagalli, tiningnan lang niya ang binata na ngayon ay bumagal na ang pangangabayo.

Alam ni Cagalli na lilipas din ang lahat oras na mainom ni Athrun ang gamot na ginawa niya.

"Patawad Athrun" ang sabi ni Cagalli.

. . . . . . . . . . . .

Nagising si Lacus dahil sa di maipaliwanag na init ng kanyang silid, bigla na lang nawala ang antok niya ng makita niyang nasusunog na ang buong bahay ampunan. Siya lang ang nag-iisa sa kanyang silid, wala siyang magawa kundi ang umiyak at mapa ubo.

"Kira! Kira! Tulong!" ang sigaw ni Lacus

"Sunog Tulong!" ang sigaw ulit ni Lacus na di matigil ang pag ubo, di niya alam ang gagawin niya, di niya alam kung saan pupunta. Nasaan na ba si Kira?

"Sino ka?" ang tanong ni Lacus, sa isang lalaking may malalaking pulang mata at itim na buhok

"Sumama ka sa akin!" ang sabi ni Shinn habang binubuhat ang bata

"Ayoko! Ayoko! Bitiwan mo ako! KIRA!" ang sigaw ni Lacus habang nagpupumiglas sa taong may hawak-hawak sa kanya.

At parang narinig ni Kira ang sigaw ni Lacus dahil agad itong nag pakita matapos sirain ang pintuan.

"Bitiwan mo si Lacus! Sino ka? Anong ginagawa mo dito?"ang tanong ni Kira na galit na galit sa taong may hawak kay Lacus

Tinitigan lang siya ng lalaki

"Kira!" ang tawag sa kanya ni Lacus

"Lacus! Bitiwan mo ang bata!" ang sabi ni Kira na humugot ng punyal mula sa kanyang bulsa at handa ng sumugod.

Binaba ni Shinn si Lacus at kinuha niya ang kanyang espada.

"Anong kailangan mo kay Lacus?" ang tanong ni Kira

"Ang dami mo pang sinasabi!" ang sabi ni Shinn na agad na winasiwas ang espada kay Kira

Mabilis na nakailag si Kira at tinadyakan si Shinn.

Agad na natumba si Shinn sa sahig. Mabilis namang tumakbo si Lacus papunta sa tabi ni Kira.

"Lacus, dito ka lang." ang sabi ni Kira

Nakita naman niya papasugod na sa kanila si Shinn, agad na hinarang ni Kira ang katawan niya para protektahan si Lacus

"Kira!" ang pagulat na sabi ng bata, nakita niya na natamaan si Kira sa tagiliran

Sinuntok ni Kira ang binata pero nakaiwas agad ito. Sinunggaban niya ang lalaki at inipit ito sa sahig, doon ay nagpagulong-gulong sila habang sinusuntok ang isa't-isa.

Narinig naman ni Kira na lumalala na ang pag ubo ni Lacus, kaya kinuha niya ang kanyang punyal para saksakin ang binata.

"KIRA! WAG!" ang sigaw ni Lacus, agad na natigilan si Kira sa aktong pag saksak sa binata. Sinipa naman siya ni Shinn sa tiyan

Nilalamon na ng apoy ang buong bahay ampunan at lalong kumakapal ang usok, kailangan ng umalis ni Shinn, tumalon siya mula sa ikalawang palapag ng bahay at naiwan sa loob si Kira at si Lacus.

Binuhat ni Kira si Lacus para pareho na silang makalabas, pero bigla na lang siya nawalan ng malay dahil biglang may bumagsak na kahoy galing sa kisame.

"Kira! Kira! Gumising ka" ang sabi ni Lacus habang ginigising si Kira

Patuloy ang pag agos ng dugo ni Kira mula sa tamang nakuha niya sa tagiliran.

"Kira, sandali lang hihingi lang ako ng tulong." Ang sabi ni Lacus, ng maramdaman niya na tila hindi na humihinga ang binata.

Parang nangyari na ito.

"Kira, ayos ka lang ba? Kira gumising ka!" ang sabi ni Lacus habang niyayakap ang katawan ng sugatang si Kira.

"La . lacuss" ang sabi ni Kira na sobra ng nang hihina

"Kira, sino ang gumawa sayo nito? Kira! Sandali lang wag ka munang bibitaw, hihingi ako ng tulong." Ang sabi ni Lacus at napansin niya na parang naputol na ang hininga ng binata.

"KIRA! KIRA! Gumising ka! Gumising ka!Kira naman!" ang sabi ng dalaga habang umiiyak.

Wala na siyang ibang magagawa kailangan na niyang gamitin ang kapangyarihan niya, di pa niya alam kung anong mangyayari sa kanya pag ginamit niya ang kapangyarihan niyang magpagaling ng kahit ano mang sakit o sugat. Buhay na ni Kira ang nakataya.

Nilapit niya ang kanyang bibig sa labi ni Kira at pinasa niya ang isang pulang apoy.

Agad naman siyang nahilo at natumba

Mabilis na nawala ang mga sugat ni Kira, at agad na bumalik ang kanyang malay, nagulat na lang siya ng makita niya si Lacus sa kanyang tabi

"Lacus! Lacus!" ang sabi ni Kira habang tinatapik ang pisngi ng dalaga. Humarap si Lacus sa kanya ang pinilit na mag salita kahit na nahihirapan.

"Kira, tanda mo ba yung sinabi ko? Tungkol sa kapangyarihan ko? Pumunta ka kay doktor Antonio, siya ang magpapaliwanag ng lahat." Ang huling sabi ni Lacus.

Naaalala na niya ang lahat. Ang nangyari noong gabing iyon, pero paano siya naging bata ulit?

"Kira! Kira!" ang sabi ni Lacus

Walang ka ano-ano ay parang nahalit ang ugat niya sa ulo, sobrang sakit ng ulo niya, walang salita ang makakapag paliwanag kung gaano kasakit ang ulo niya, hinawakan niya ito ng nakarinig siya ng mga taong papaakyat.

"Tttuulloongg" ang huling sabi ni Lacus bago siya nakatulog

. . . . . . . . . . . . . . .

"nasan na ang pangako mo"

"noong sinusuyo ako"

"anong tamis, anong lambing"

"binibigkas ng labi mo"

. . . . . . . . . . . . . . . . . .

Hanggang dito muna ha, okies?

Next chap mag sisimula na ang war, then yung mga revelations, tapos kung anong nangyari kay yzak, tapos more revelations ulit, tapos konting flash back, tapos final wave nung war, tapos , tapos, tapos TAPOS NA! yehey! All-in-all, 25 or 30 chapters! Tapos ko na lahat, iuuplod ko na lang. ^^v yeah!